Actions

Work Header

unang umamin, talo

Summary:

Haechan and Mark were just two good friends—until lingering glances, racing hearts, and unspoken feelings began to blur the line between friendship and something more.

Sino ang unang aamin? Sino ang unang matatalo sa laro ng pag-ibig?

Notes:

happy reading!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

8th Grade

 

Puno ng tao ang hallway papunta sa classroom niya. 8 - Aristotle. Naiintindihan niya dahil unang araw ng pasok ngayong taon.

 

Isa sa mga concern ni Haechan ay wala siya masiyadong kakilala sa mga kaklase. Kaya nag-usap sila ng ‘one and only best friend’ niyang si Renjun na nalipat sa ibang section na sa tuwing lunchbreak ay magkikita sila. Hindi naman sa ayaw niyang tumanggap ng pakikipagkaibigan galing sa ibang tao, sadyang nahihirapan lang siya. With the thought of it, Haechan can’t help but sigh.

 

“Good morning, class! Dahil first day of school at alam kong from previous school year ay nag shuffle ng sections ngayon. Gagawain natin ang ‘Introduce yourself’. “ sambit ng teacher nila sa Science, pagpasok palang sa room.

 

Each of Haechan's classmates started introducing themselves. ‘Yung iba pamilyar, ‘yung iba bago sa paningin niya. When it was his turn, he awkwardly said the script he created in his mind earlier. Afterwards, sobrang laking ginhawa ang naramdaman niya. When he was busy scribbling on his notebook ay nagulat siya when people started cheering for that one guy sitting beside him.

 

Mark Lee

 

He was familiar. He heard that name before pero hindi siya sigurado kung kailan at saan niya unang narinig ang pangalan ng binata. Due to everyone’s applaud, that caught his attention. That “Mark Lee” guy started introducing himself with so much arrogance. Para kay Haechan, isa si Mark sa mga taong iiwasan niyang kilalanin at maging kaibigan.

 

Noong matapos magpakilala si Mark ay nakangiti itong bumalik sa kaniyang upuan. Ang kinagulat ni Haechan ay nagkatitigan silang dalawa. Nginitian siya ng binata kaya wala sa isip niyang nakunot ang noo at umiwas ng tingin.

 

“Baka nagkamali lang siya ng nginitian. Hindi siguro para sa akin ‘yon. He’s weird, we don’t even know each other.” bulong niya sa sarili. He’s over analyzing the situation for a long time kaya hindi niya napansing nag-umpisa na palang magklase ang guro nila.

 

Patuloy parin ang pagdidiscuss ng guro nila sa harapan but he’s so busy being empty headed, hindi niya nakita ang lalaking nasa gilid niya.

 

“Hi! Ikaw yung Haechan diba? May papel ka ba? Pahingi ako.” malawak ang ngiti niya habang kinakausap ako. Haechan doesn’t even bother wasting his words on the other guy. Not even glancing at the other. He immediately gave what he wanted. A piece of paper.

 

“Salamat, boss!” Mark thanked him in a very high-pitched tone which the younger found annoying. Don’t blame Haechan for being like that pero him imagining overboarding from his comfort zone makes him uncomfortable. Tumango na lamang ang isa as a way for acknowledging the other’s gratitude.

 

After that interaction, Haechan thought it was over. Pero hindi niya alam nagsisimula palang si Mark to get into his system. Come to think of it, Mark was a good seatmate. He’s annoying but he knows his limits. He’s fine compared to Haechan’s first impression of him. But he started to notice na bukod sa papel, marami pang bagay ang madalas hiramin sa kaniya nito. Kulang nalang ay siya na ang pumalit sa National Bookstore.

 

“Good morning, Haechan! Puwede pahiram ako ballpen? Walang tinta ‘yung nadala ko” dismayado na akto sa kaniya ni Mark. As usual, lahat ng hinihingi ng lalaki ay binibigay niya rin naman. Ayaw niya na magtanong bakit sa sobrang laki ng Hawk na bag ni Mark ay para bang wala itong laman kasi lahat ng gamit para sa school sa kaniya hinihingi ng binata.

 

“Last extra ballpen ko na ‘yan. Ingatan mo at wala na ako mapapahiram sa’yo next time” mahinahong sambit niya habang nagsusulat sa notebook. Narinig ni Haechan na nangako si Mark na hindi niya iwawala but he was too occupied to respond kaya hinayaan niya nalang ito.

 

After their class in the morning, Haechan immediately got up and arranged his things. May usapan sila ni Renjun na magkikita sila sa canteen.

 

“Haech!! Dito!” tawag sa kaniya ni Renjun.

 

Bungad sa kaniya ang malawak na ngiti ni Renjun. Ngingiti na dapat siya ng makita niya ang mga kasamahan nitong hindi pamilyar sa kaniya. Naunahan siya ng hiya kaya kumaway na lamang siya nang mabilisan at dahan-dahang tumabi sa kaibigan.

 

“Haechi!! Miss na miss na kita. Papakilala ko sa’yo bagong friends ko.” It wasn't a surprise that Renjun already got some new friends. Between the two, he’s more talkative and approachable.

 

Renjun hugged him sideways and started introducing his classmates, “Si Jaemin, kasali rin siya sa journalism club kaya naging close kami” turo nito sa lalaking katapat niya. He knew the other. He’s a photojournalist at alam niyang palagi itong pinanglalaban ng kanilang school.

 

Agad namang kinamayan siya nito at bumati “Hello, Haechan! Ano socials mo? Add kita! Promise active liker ako” All he can do is laugh about his antics. Before Haechan could pull his phone, Renjun introduced the other. “Ito namang nasa harapan mo si Pres ‘yan!! President ng classroom namin at student council natin! Si Jeno” He gave him a small smile. After they introduced themselves to one another they started eating their lunch.

 

Gets ni Haechan bakit naging friends agad ang tatlo. They’re fun to be with. Hindi nakakasakal ang presensya ng dalawa. Kaya that’s when Haechan decided to let the two have his socials and became his friends too.

 

After a long time, nakasanayan na niyang kasama palagi ang tatlo kapag break or lunch. “Renj, babalik na ako sa classroom. May gagawain pa pala ako” He apologetically smiled. He badly wanted to have more time to bond with them. ‘Siguro next time nalang’ he thought.

 

When he was busy gathering his things, ready to leave, Jeno got up and waited for him. “Samahan na kita sa classroom mo” the younger blushed at Jeno’s gesture. Balak na sana niyang magsalita at tumanggi but Renjun and Jaemin insisted kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag.

 

For Haechan, this was new to him. While walking, Haechan looked at the other in a very confused way, Jeno only smiled and kept walking. Nang makarating sila sa classroom ni Haechan, he thanked the other. “Thank you, Pres! Nakakahiya sinamahan mo pa ako pabalik dito” he said in a very small voice. Jeno nodded, flashed his eye smile, and ruffled his hair then left. This leaves Haechan stunned and flustered for a moment.

 

Nang makaupo na siya sa upuan ay tsaka lang nag-sink in sa kaniya lahat. What the hell was that. Ganoon ba talaga siya kabait at thoughtful sa lahat. He was confused and all. Tsaka lang siya nabalik sa ulirat nang biglang may narinig siyang tumatawag sa kaniya.

 

“Boss Haechan! Hello! Kita ko hinatid ka ni Pres. Close kayo?” Tanong sa akin ni Mark habang kumakain siya ng siomai.

 

“We’re friends.” Tipid kong sagot sa kaniya. Bago ko matuon ang atensyon sa gagawain ko ay bigla siyang nagsalita muli.

 

“Tayo? Friends na ba tayo?” Nakaismid niyang tanong. That smirk of him pisses me off. Ano bang gusto niya mula sa akin? “We are not” I returned the smirk to him. After saying that, he grasp his white polo and acted like I stabbed his chest ten times.

 

“Alam mo, Mark, just leave me alone. May ginagawa ako. See?” Pinakita ko sa kaniya ang notebook ko. “Grabe ka boss! Ano kaya requirements para maging kaibigan mo?” kuryosong tanong niya.

 

“Maybe if you stop annoying me, baka maging friends tayo” sabi ko. He just shrugged and went out to probably get something outside. Patuloy na gumagawa si Haechan ng kaniyang activity sa school.

 

After that conversation with Mark. The older one started giving him space and stopped annoying him. Nanghihiram pa rin naman si Mark ng ballpen at nanghihingi ng papel but it’s not the same anymore. Ramdam ni Haechan na may nag-iba pero ayaw niya isipin kasi at the end of the day him and Mark are only classmates. He’s just saying the truth to him at ano namang masama doon?

 

Second quarter na ngayon at Haechan gave himself a chance to talk to his classmates. Makipag-usap sa iba at lumabas sa comfort zone niya. Naging friends siya sa mga nagiging kagrupo niya sa school katulad ni Winter at Sungchan. Laking pasasalamat niya rin na ang dalawa ang nag-initiate na makipagkaibigan sa kaniya dahil hindi niya talaga alam paano mag-alok ng pakikipagkaibigan sa ibang tao.

 

“Haechie!!! Good morning!” bati sa kaniya ni Winter. Kinawayan niya ito at lumapit sa kaniya. “Thank you talaga sa pagtuturo sa akin ng Algebra. Kapag kasi si Ma’am nag-eexplain hindi ko maintindihan sa sobrang bilis.” Dramatikong banggit ng kaibigan sa kaniya. While they’re busy bickering and talking on their seats ay biglang dumating na ang guro nila sa MAPEH.

 

“Good morning class! Ngayong second quarter may group project kayo sa akin. This will cost 25% of your grade kaya galingan niyo. At para hindi kayo magkagulo sa groupings ay alphabetical at by twos ang hatian.” Patuloy na pag-eexplain niya.

 

Kinuha ng teacher ni Haechan ang listahan ng kanilang section at isa-isang pinagbabanggit kung sino ang magiging magkasama sa groupings. “Haechan Lee. Mark Lee.” narinig niya ang kaniyang pangalan at ang pangalan na kasunod na binanggit ng guro. Tumingin siya sa kaniyang gilid at nahuling nakatingin na rin sa kaniya si Mark ngunit bigla itong umiwas. Binalewala na niya lamang ito at patuloy nakinig sa sinasabi ng teacher nila.

 

“Mechanics ng activity is you will use your creativity puwedeng painting, poster, any form of art tapos ay gagawa kayo ng output kung saan nagdedescribe ng bagay na mahalaga sa inyo. Ang pasahan ng activity na gagawain niyo ay sa Lunes, next week. Goodluck, class!” The class went wild, full of thoughts and ideas of what they’re going to make for the output.

 

Classes are over. Pero silang dalawa ni Mark hindi parin nagkikibuan that’s when Haechan decided to talk to him. “Mark, paano gagawain natin sa output?” he asked in an almost whisper voice. It took a while bago sumagot ang nakatatanda.

 

“Wala pa akong idea, Haech. Puwede bukas nalang tayo mag-usap?” Haechan nodded and Mark left immediately. Hindi alam ni Haechan kung alin ang mas nabasag. ‘Yung katahimikan between him and Mark or ‘yung konsensya sa mga nasabi niya dito last time.

 

“Kamusta? May idea na kayo paano gagawain niyo ni Mark?” tanong sa kaniya ni Sungchan. Nasa labas na sila ng school at hinihintay maluto ang fishball na binili nila. Kadalasan ay si Renjun ang kasabayan niya umuwi dahil tatlong bahay lang ang pagitan nila sa isa’t-isa pero tinext siya nito na late na siya makakauwi dahil may gagawain nila ng mga kaklase niya. Kaya ngayon kay Sungchan at Winter siya nakisabay pag uwi.

 

“Tinanong ko siya kanina pero sabi niya wala siyang idea. Bukas nalang daw” paliwanag ni Haechan sa dalawa. Tinanong pa nila kung may ideya ba ang binata at nasagot niya lang dito ay wala rin. Next week pa naman ang pasahan marami pang oras para makapag-isip siya. Pagkatapos nila kumain ay sabay-sabay silang tatlo maglakad papunta sa sakayan ng jeep at doon na naghiwalay.

 

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi parin siya kinikibo ni Mark. He’s so confused about the other’s actions. He’s stressing out between the output’s deadline and his issue with Mark. All he can think about is confronting him.

 

Habang pauwi na si Haechan ay nakita niya si Mark na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya ay hinintay niya ‘tong matapos. Nang mapansin niyang plano na ni Mark umuwi ay hinatak niya ito sa tabi at kinausap.

 

“Mark, ano bang problema mo? Bakit hindi mo ako kinakausap? Paano natin gagawain yung project natin kung ganiyan mo ako tratuhin? Sabihin mo lang kung ayaw mo sa akin para ako na mismo ang magsasabi kay Ma’am na mag-isa nalang ako gagawa.”

 

He burst out like a bubble. Nanlalabo paningin niya habang patuloy binabanggit ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. He doesn’t know if he’s mad, frustrated or disappointed. Hindi na niya napigilan at bumagsak na ang luha sa mata niya.

 

“Haech” aabutin sana ni Mark ang mukha niya pero lumayo siya.

 

“Don’t touch me. Kailangan ko lang ng explanation mo bakit ilang araw ka nang iwas nang iwas sa akin.” sabi niya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi.

 

“Sorry, Haechan. I didn’t mean to. I just thought you really hated me around kaya binigay ko sa’yo yung gusto mo.” He couldn’t look straight at the younger man out of guilt. “Sorry kasi mas pinili kong iwasan kita kahit na may usapan tayo.” He proceeds to explain himself.

 

Then suddenly, Haechan interrupted him. “I don’t hate you. Hindi rin totoo na annoying ka. Sorry din.” He held the hem of Mark’s polo for support.

 

After both explained themselves, Mark decided to clear out the awkwardness between them. “May naisip na ako paano gagawin natin sa project.”

 

“Tell me about it.” He replied.

 

Mark started talking about his idea and what’s the meaning behind it. On the other hand, Haechan likes everything about it. He didn’t know this side of Mark. He looks passionate talking about his art.

 

“Ang creative mong tao, Mark. Didn’t know you’re like this. Akala ko sa music ka lang magaling.” Haechan expressed his amazement. “So, kilala mo na pala ako? Alam mong nasa banda ako?” Mukhang nagulat ang nakatatanda sa sinabi ng isa. “Oo naman. Big shot ka kaya. Everyone knew about you.” Mark only responded with a small laugh.

 

In the end, they both agreed to meet after class at Mark's house. Sabi nito ay kumpleto na siya ng gamit kaya doon nalang para hindi na rin sila gumastos.

 

Noong nakauwi si Haechan ay sobrang laking pasasalamat niya na maayos na ulit sila ni Mark.

 

When tomorrow arrived, Renjun and Haechan schedules finally aligned. Pagkatapos ng ilang araw ay magkakasama na ulit silang kumain kaya after their English teacher dismissed them ay agad siyang lumabas.

 

“Haech, wait!” habol sa kaniya ni Mark. Lumingon siya at hinarap ito. “May kasamahan ka sa lunch?”

 

“Kasamahan ko sila Renjun. Bakit?” sagot niya rito.

 

Tumango-tango ang kausap niya. “Okay. Happy lunch!!!” Maligalig na sambit nito sa kaniya sabay naglakad papalayo.

 

Kasamahan muli ni Renjun sina Jaemin at Jeno. Katabing upuan nalang ni Jeno ang hindi okupado kaya doon nalang siya puwesto. “Hi Haechi” bati ni Jeno sa kaniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at uminit ang pisngi dahil kay Jeno. “Hi Jen” balik na bati nito sa katabi niya. Haechan also greeted Renjun and Jaemin.

 

Four of them enjoyed their lunch together and shared how much they missed each other, especially Haechan and Renjun.

 

After lunch, time passed quickly. Nagkasalubong muli si Jeno at Haechan sa grounds ng campus at pilit nitong sinamahan si Haechan hanggang sa gate ng school nila.

 

“Jeno, dito nalang ako. Hihintayin ko kasi si Mark. Salamat.” banggit nito sa isa. He was roaming his eyes around, looking for Mark.

 

Then, his eyes locked with Mark’s. There was something different about him today, he thought. Nagpagupit ba siya ng buhok? O bagong tahi ang uniform niya? Hindi mawari ni Haechan kung ano ang bago kay Mark.

 

Nabalik na lamang siya sa reyalidad nang basagin ni Jeno ang kaniyang dissociative thoughts.


“Haech, kita ko na si Mark. Patawid na siya,” sabi nito habang hinahawakan ang kaniyang siko at itinuturo ang binatang papunta sa direksyon nila.

 

Tumango siya rito. “Salamat, Jen! Ingat ka pauwi.” Kumaway siya kay Jeno hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin.

 

“Haechan, kanina ka pa ba naghihintay? Nainip ka ba? Sorry, may dinaanan pa kasi ako sa school.” Mark bombarded him with multiple questions and explanations.

 

“Okay lang. Kani-kanina lang din kami nakarating ni Jeno.” He smiled at the other.

 

Luh? Inirapan niya ba ako? Bakit parang umirap siya? Naduduling na ata ako kakaaral.

 

“You’re close with him?” pa-Ingles na tanong ni Mark sa kaniya. Bago pa makasagot si Haechan, agad din siyang pinutol nito.

 

“Mag-abang na tayo ng jeep para maaga ka ring makauwi,” sabi nito bago diretsong maglakad papunta sa terminal. It only took us six minutes to walk to the jeepney terminal.

 

“Manong, sa boundary lang po. Dalawa, estudyante,” sabi ni Mark habang inaabot ang bayad sa driver.

 

We were so close to each other. Sobrang sikip na sa loob ng jeep. Punuan ata. Paulit-ulit na sinasabi ng driver na kasya pa ang dalawa sa side namin kahit halos magkalapit na ang mukha namin ni Mark.

 

Nang tuluyang mapuno ang jeep, halos pigilan na ni Haechan ang kaniyang hininga. Hindi siya komportable sa posisyon niya, lalo na’t pilit nagsisiksikan ang ateng katabi niya. Pinipilit na lamang niyang hindi mahulog sa upuan kahit nanginginig na ang kaniyang binti.

 

But what could possibly go wrong?

 

Sa bilis ng jeep na sinasakyan nila, hindi nito namalayan ang e-bike na nakagitna sa daan. Sa sobrang lakas ng preno, muntik nang mataob ang lahat ng pasahero. Akala ni Haechan ay masasubsob na siya sa sahig, buti na lamang at nahawakan ni Mark ang beywang niya.

 

His nervous system was in complete disarray, torn between the fact that he had almost died in the jeepney and the feeling of Mark’s hands on his waist, which made his heart race even faster.

 

“Okay ka lang?” Mark gently asked. He was holding him firmly, like a fragile vase na isang kibot lang mababasag agad.

 

Haechan blushed at their situation. “Sorry! Okay lang ako.” He tried adjusting his seat, hoping that there would be enough space for him to settle. Pero wala talaga. Lalo na at si ateng katabi niya ay naka-slunted position pa.

 

They both stayed at their awkward position hanggang sa marating na nila ang kanto nila Mark. The older guy asked him to go down first and sinunod niya ito. Pagbaba ni Haechan ay dali-dali itong nag-unat para mabawasan ang ngawit na inabot niya sa loob ng jeep.

 

“Tara,” alok ni Mark sa kaniya. The older’s house was only three blocks away from the corner. It was a two-storey house surrounded by numerous plants, which perfectly complemented the structure of the house.

 

He gently removed his black shoes and took the slippers that Mark offered earlier. Maaliwalas ang loob ng bahay. Halos puro white at brown ang nakapaloob dito mula sa kulay ng pader hanggang sa mga kasangkapan. He kept himself busy by roaming around, checking out more of the house interior.

 

“Lagay mo gamit mo sa sala. Kuhanin ko lang mga gamit sa kuwarto.” The other said.
He sat on the couch and put his things on the side. Hindi rin nagtagal at dala-dala na ni Mark ang mga gagamitin nila for the activity. It was a pouch full of things related to art making.

 

“Ang dami mong gamit.” manghang sabi niya kay Mark. Mukhang mamahalin pa ‘tong mga gagamitin nila kasi nakikita niya ang mga presyo nito sa National Book Store. Halos lahat sikat na tatak. 

 

“Matagal na nakatabi ‘yung iba diyan. Madalas nakukuha ko lang kapag birthday ko. Nireregalo sa akin.” nakangiting sambit nito. 

 

He tells his interest with so much passion. Haechan thought. “Artistic ka talaga, ano?” He couldn’t help himself pointing that out. Not when Mark talks about it wholeheartedly. 

 

“Sakto lang” the older replied. Sakto lang?!?! ‘Yan madalas dinadahilan ng mga taong talented talaga!!

 

Napaangat siya ng kilay sa narinig but eventually he shrugged off the topic. “Magsimula na tayo.” suhestiyon ni Haechan. Sayang din ang oras kung hindi pa sila magsisimula.

 

Mark agreed. They started brainstorming their ideas and concepts in mind. They both agreed on combining their ideas into one. Napag usapan din nila na painting ang gawain nila since most of their tools are meant for it. Sayang kung bibili pa ng gamit dahil iba ang gagawin. 

 

Ngayon ay abala si Haechan sa pagkukulay ng canvas. Mark instructed him to do that. He explained that in order for the other colors to pop up, coloring the base is an important step. Kaunting pahid nalang gamit ang brush ay matatapos na niya ang base. Both of were so caught up to their task kaya mas mabilis dumaan ang oras. 

 

“Ano favorite color mo?” tanong ni Mark habang abala sa paghahalo ng pintura.

 

Napatingin si Haechan sa kaniya. Sobrang random ng tanong kaya ilang segundo rin siyang natigilan bago nakasagot.

 

“Red?” aniya, halatang hindi sigurado.

 

In his defense, karamihan naman talaga ng gamit niya ay kulay pula. Bag, phone case, hoodie—kahit anong abutin niya sa kwarto niya, madalas pula. Kaya siguro iyon na rin ang pinakamalapit na sagot.

 

Hindi na sana niya masyadong iisipin iyon kung hindi lang biglang lumapit si Mark.

 

“Wait—”

 

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang maramdaman niya ang malamig na dampi ng brush sa pisngi niya.

 

Napasinghap siya bago mabilis na napatingin kay Mark, only to see him trying—and failing—not to laugh.

 

May pulang pintura na ngayon sa pisngi niya.

 

“Mark!”

 

Pero imbes na mainis, natawa rin siya. Iyong tipong kusang kumawala bago pa niya mapigilan.

 

“Bagay naman ah,” depensa ni Mark kahit halatang nang-aasar.

 

Napailing si Haechan habang inaabot ang isang brush. “Talaga lang?”

 

Bago pa makailag si Mark, dinampian niya rin ito ng pintura sa pisngi. Blue this time.

 

Saglit silang nagtitigan.

 

Then both of them burst out laughing.

 

Mula roon, tuluyan nang nagkagulo.

 

Kung kani-kanina lang ay maayos pa silang nagp-paint, ngayon ay halos pareho na silang mukhang canvas sa dami ng pintura sa mukha nila. May bahid ng pula sa jaw ni Mark, habang may asul naman sa gilid ng leeg ni Haechan. Kahit mga kamay nila may pintura na rin.

 

“Ang kalat natin,” natatawang sambit ni Haechan habang pinupunasan ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay—na lalo lang nagpalala sa gulo.

 

Mas lalo lang tumawa si Mark dahil doon.

 

Matagal bago sila tuluyang kumalma. At nang bumalik ulit sa pagpipinta, paminsan-minsan pa rin ay napapailing si Haechan sa tuwing makikita niya ang paint stains sa mukha ni Mark.

 

“Sige na, ako na rito,” sabi ni Mark nang malapit na nilang matapos ang details ng painting. “Konti na lang naman.”

 

Tinangka pa ni Haechan tumulong pero ilang beses din siyang tinaboy nito pabalik sa sofa.

 

Pati sa pagliligpit ng gamit, hindi na rin siya pinagalaw ni Mark.

 

Kaya napaupo na lang siya roon, tahimik na pinapanood ang binata.

 

At habang inoobserbahan niya ito, may napansin siyang kakaiba.

 

Ngiti ni Mark.

 

Mas magaan. Mas totoo.

 

He looks genuinely happy.

 

They finished their work after more than three hours. Ngayon, hinatid siya ni Mark sa kanto para mag-abang ng jeep pauwi.

 

“Close kayo ni Jeno?” halos pabulong na tanong ni Mark. Hindi ito nakatingin sa kaniya, abala sa paglinga-linga kung may paparating na jeep.

 

“Oo. Best friend kasi siya ng best friend ko, kaya madalas ko na rin siyang nakakausap. Mabait siya.” Hindi rin makatingin si Haechan kay Mark habang sumasagot.

 

“Friends kayo?” pahabol na tanong ng binata.

 

Sinubukan ni Haechan saluhin ang tingin nito, pero hindi niya mahabol dahil tuloy-tuloy lang ang pagtingin ni Mark sa kalsada, naghahanap ng masasakyang jeep.

 

“Oo,” mahinang sambit niya.

 

Why are we even talking about Jeno? Friends din ba sila? Pero wala namang nababanggit si Jeno tungkol kay Mark.

 

Silence settled between them after that. Bakit ba puro puno ang dumadaang jeep?

 

Then Mark spoke again.

 

“Tayo?”

 

“Huh?” litong tugon ni Haechan. Nahahati ang atensyon niya sa paghahanap ng jeep at sa mga tanong ni Mark.

 

“Tayo,” ulit nito. “Are we friends?”

 

Napangiti si Haechan bago siya bahagyang natawa. “We are friends, Mark,” sinsero niyang sabi.

 

A small smile appeared on Mark’s face. “Glad that we are.”