Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-05-27
Words:
3,346
Chapters:
1/1
Comments:
9
Kudos:
445
Bookmarks:
10
Hits:
3,531

where the wall crumbles

Summary:

after addressing the heavy burdens they both carry, a quiet confession leads to a deeply emotional breakthrough under the stars, offering both of them a sense of peace they haven't felt in a long time.

Notes:

this one is supposed to be posted sa privatter but i think there are people having problems with the site so i decided to post this one here.

if you're new here, this one is part of this series on twitter!

please enjoy <33

#WynnFoundHisRayTone

Work Text:

sa mundong sanay siyang maging sakripisyo, si wynn ang nag-iisang bagay na hindi niya kayang ipagpaliban.

 

 

mabilis pa sa alas-kwatrong nagmaneho si miles patungo sa unibersidad ni wynn. graduation ball nito ngayong gabi. magkasama sila dapat ngayon, pero biglang nagkasakit at nilagnat si zion kaya minabuti na lang ni wynn na huwag na itong papuntahin. mas kailangan kasi si miles ng anak niya ngayon, at si wynn na mismo ang namilit na magpaiwan ang lalaki sa bahay para mag-alaga.

masaya naman dapat si wynn. 

bago siya umalis ay sinabihan siya ni miles na i-enjoy ang buong ganap kahit hindi ito makakadalo. kasama naman niya ang kanyang mga kaibigan na sina jun at hendrix. maganda ang simula ng gabi, natunghayan pa nga niya ang pagtugtog ng paborito niyang banda sa stage. masarap din ang pagkain, maayos ang bihis niya—wala na dapat siyang problema.

e kaso lang, narinig niya ang dapat ay hindi niya narinig.

habang pabalik siya mula sa banyo, natigil siya sa may gilid ng mga dekorasyon nung marinig ang boses ng ilan niyang kaklase. siya pala ang usap-usapan ng mga ito.

“alam niyo bang yaya pala ‘yang si wynn?”

“ay, totoo ba?”

“beh, oo! pogi nga ang amo niyan. baka nga hindi lang yaya, eh... baka nagpapagamit rin.”

“kilala ko amo niyan, kapitbahay sila ni jae. pogi nga ‘yon. kung ako kay wynn, magpapagamit rin ako, eh.”

“pero true ba na yaya siya?”

“ay, baka pinilit niya lang pasukin ‘yon para sa amo niya.”

“baka nga ginagamit lang ‘yung bata.”

“ewan ko diyan, ang alam ko iniwan niya misis niya e. sa bata pala mas gusto?”

maraming panlalait na ang natanggap ni wynn sa buong buhay niya. 

hindi na bago sa kanya ang maliitin dahil sa tagal niyang nagtatrabaho para matustusan ang sarili at makatulong sa pamilya sa probinsya. 

he can take anything people say against him. kayang-kaya niyang tiisin ang mga salita kung siya lang ang tatamaan. but what he cannot tolerate is how people will involve his loved ones. it’s where he draws the line. nung marinig niyang idinamay pati ang inosenteng si zion at ang pagkatao ni miles, doon na sumikip ang dibdib niya.

ayaw na ring mag-iskandalo o mang-kompronta ni wynn kaya kusa na lang siyang lumabas ng venue habang nag-uunahang pumatak ang kanyang mga luha. hindi pa man nangangalahati ang gabi, pipiliin na lang niyang umuwi.

tila hindi nga pabor ang linggong ito para kay wynn. nung isang araw kasi, nagkasagutan pa sila ng kanyang nanay sa telepono. bigla na naman kasing nagparamdam ang tatay niya pagkatapos ng napakahabang panahon na iniwan sila. 

kahit anong pilit at pakiusap ng nanay niya na kausapin at patawarin na ito, nagmatigas si wynn.

para kay wynn, ang bigat-bigat sa pakiramdam na kung kailan malapit na siyang mag-martsa at unti-unti nang naaabot ang mga pangarap niya, saka naman babalik ang taong naging dahilan kung bakit nadoble ang kayod niya simula bata pa lang. 

pumasok siya sa iba’t ibang trabaho, nag-working student, at naging yaya para lang mabuhay ang sarili, tapos ngayon ay parang obligasyon pa niyang umunawa? ang sakit at ang bigat isipin na kung sino pa ang pamilya, sila pa ang nagdadala ng multo ng nakaraan.

sumabay pa ang maruruming salita ng mga kaklase niya tungkol sa pamilyang nagpatuloy at nagpahalaga sa kanya sa maynila.

kaya bitbit ang mabigat na dibdib at basang pisngi, nag-abang si wynn sa labas para hintayin si miles.

sa totoo lang, nung mga sandaling tumatakbo siya palabas ng hall habang hindi makahinga sa kakaiyak, ang cellphone niya agad ang kinapa niya. hindi niya alam kung bakit si miles ang naunang tawagan ng mga daliri niya. hindi niya rin alam kung ano ang rason kung bakit si miles kaagad ang nilapitan niya sa oras na gumuho ang mundo niya ngayong gabi.

basta ang alam lang ni wynn, he finds comfort in miles kahit dati pa man—kahit nung hindi pa ito nanliligaw, at nung amo pa lang ang turing niya rito. sa tuwing mabigat ang pakiramdam niya sa buhay o napapagod siya sa school, sapat na yung tahimik na presensya nito sa bahay. 

si miles yung taong hindi naman madaldal, pero laging nakakaunawa nang walang maraming tanong. sa piling nito, palaging payapa at ligtas ang pakiramdam ni wynn, kaya nung marinig niya ang mga mapanakit na salita ng mga kaklase niya, ang proteksyon at yakap lang ni miles ang tanging hinahanap ng sistema niya.

kaya naman laking gulat niya nang isang pamilyar na sasakyan ang biglang huminto sa tapat niya, at mabilis na bumaba mula roon si miles na halatang nagmamadali at may pag-aalala sa mga mata.

ni hindi na nag-abalang isara nang maayos ni miles ang pinto ng kotse. humakbang siya nang malalaki patungo sa direksyon ng nakababata.

“what’s wrong?” nag-aalalang tanong ni miles, agad na hinawakan ang magkabilang balikat ni wynn habang sinusuring mabuti ang namumula at basang mukha nito.

sa narinig na pamilyar at malambing na boses ng lalaki, tuluyan nang nawalan ng lakas si wynn. doon na siya humagulgol nang husto.

“it’s okay, it’s going to be okay.”

binitawan niya ang bitbit na maliit na bag at hinayaan na lang ang sarili na sumubsob sa dibdib ni miles. letting it all out, to miles. ang lahat ng bigat na kinimkim niya maghapon—ang sakit mula sa naging sagutan nila ng kanyang nanay, ang galit sa pagbabalik ng tatay niyang nagpabaya, at ang matinding hiya at puot mula sa maruruming salita at paninira ng mga kaklase niya—ay sabay-sabay na kumawala sa bawat hikbi niya.

nanikip ang dibdib niya sa kakaiyak, ang dalawang kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa damit ni miles na tila ba doon lang siya makakahugot ng hininga sa gitna ng kawalan. wala siyang pakialam kung may makakita sa kanila sa labas ng unibersidad, wala siyang pakialam kung mabasa ng luha niya ang mamahaling damit ng amo. ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang init at higpit ng yakap na isinalubong sa kanya ni miles bilang sagot sa kanyang pag-iyak.

walang salitang binitawan si miles noong una. 

isinandal lang niya ang kanyang baba sa ulo ng nakababata, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapulupot sa baywang nito at ang isa naman ay marahang hinahaplos ang likod ng ulo ni wynn, pilit na ipinaparamdam na narito na siya at ligtas na siya.

ilang minuto pang umiyak si wynn sa bisig ni miles hanggang sa tumahan ito. dali-dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha at hinarap si miles.

“s-sorry. nabasa pa damit mo,” akmang pupunasan pa sana ito ni wynn gamit ang sariling panyo pero hinawakan lang ni miles ang kamay niya at maingat na hinatak papalapit sa kanya si wynn.

“are you okay now? do you wanna tell me what happened?” pinunasan ulit ni miles ang pisngi nitong kumikislap pa dahil sa natirang mga luha.

“okay na. sorry, pinagalala kita.”

“stop saying sorry. if you need me, i will come to you, no buts,” seryoso ngunit punong-puno ng lambing na saad ng lalaki, hindi hinahayaan ni miles na sisihin ni wynn ang sarili sa nangyari.

“t-thank you, miles.” huminga ng malalim si wynn at pilit na ibinabalik ang natitirang lakas. 

“pasensya ka na kung hindi ko kayang sabihin ngayon... ang alam ko lang sobrang bigat na nitong mga nakaraang araw.”

“i understand. hindi mo kailangan sabihin. i am here now,” bulong ni miles bago muling niyakap ng mahigpit si wynn, hinahayaan ang nakababata na makahanap ng tuluyang kapayapaan sa kanyang mga bisig habang dahan-dahang humuhupa ang bagyo sa dibdib nito.

hinayaan muna sila ng malamig na hangin sa labas ng unibersidad na manatili sa ganoong posisyon—si wynn na unti-unting pinapakalma ang sarili, at si miles na tila walang balak bumitaw kahit kailan.

matapos ang ilang sandali, marahang humiwalay si miles nang kaunti para muling tingnan ang mukha ni wynn. ginulo niya nang bahagya ang buhok ng nakababata bago iginaya ito patungo sa nakabukas na pinto ng kotse.

“let’s go home?” aya ni miles. 

tumango lang si wynn at tahimik na sumakay sa passenger seat. bago umikot si miles patungo sa driver’s side, pinulot muna nito ang nahulog na bag ni wynn sa semento at pinagpagan bago pumasok sa loob.

pagkaupo ni miles sa harap ng manibela, hindi muna niya pinaandar ang kotse. binuksan niya ang compartment at kumuha ng isang bote ng tubig, binuksan ang takip nito, at iniabot kay wynn. 

“drink first.”

tinanggap naman iyon ni wynn at uminom ng kaunti. sa bawat galaw niya, tahimik lang siyang pinapanood ni miles, tinitiyak na maayos na ang pakiramdam niya bago sila bumiyahe.

“kamusta si zion?” mahinang tanong ni wynn, naisip bigla ang dahilan kung bakit hindi dapat umalis ng bahay ang lalaki.

“nakatulog na siya nung umalis ako. tita len is watching over him. nung tumawag ka, hindi ko na rin nagawang mag-isip. binilin ko lang siya saglit,” paliwanag ni miles habang dahan-dahang binubuhay ang makina ng sasakyan. 

inabot niya ang isang kamay ni wynn na nakapatong sa kandungan nito at pinagsalubong ang kanilang mga daliri, pressing on it softly and carefully. “don’t worry about zion, he’ll be okay tomorrow. i know i am not the person to say this, pero sana maging okay ka na rin bukas, wynn. i am here, hm?”

tipid na ngiti lang ang isinukli nito.

habang umaandar ang sasakyan palabas ng main gate ng unbersidad, napasandal si wynn sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na lumalabo dahil sa natitirang bigat sa kanyang puso. 

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang nararamdaman, at sa bigat ng multo ng kanyang ama, ang init ng kamay ni miles na mahigpit na nakahawak sa kanya ang nagpaalala sa kanya na hindi na siya mag-isa.

tahimik ang naging biyahe nila pabalik ng bahay. 

nung pumasok ang sasakyan sa garahe, patay na ang makina pero nanatili lang silang dalawa na nakaupo sa dilim, nakikiramdam sa isa't isa. binawi na ni wynn ang pagkakasandal sa bintana at hinarap ang lalaki.

“miles?” mahinang tawag niya.

“hm?”

“pwede bang... doon muna tayo sa garden bago pumasok sa loob? ayaw ko pang mapag-isa.” pakiusap ni wynn, tinutukoy ang paborito nilang pwesto sa bakuran na may halamanan at presko ang hangin kapag gabi.

bahagyang kumunot ang noo ni miles, bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata habang nakatitig sa maputlang mukha ng nakababata. “wynn, it’s late. it’s getting cold outside too and i need you to rest.”

“sandali lang talaga. please?” pilit ni wynn, may kasamang banayad na pagpisil sa kamay ni miles.

napabuntong-hininga ang lalaki pero unti-unting lumambot ang ekspresyon nito. naisip din kasi ni miles na baka mas kailangan ni wynn ang may makasama at may makakausap sa isang tahimik na lugar ngayong gabi kaysa maiwang mag-isa sa loob ng kwarto nito. 

“okay. but sandali lang tayo.”

lumabas sila ng kotse at naglakad patungo sa hardin ng bahay. napakatahimik ng paligid, tanging ang ihip lang ng hangin at ang mahinang liwanag mula sa poste sa labas ang nagbibigay ng ilaw sa kanila. 

sumandal si wynn sa may upuang kahoy habang si miles naman ay nanatili lang sa tabi niya, tahimik na nagmamasid at handang sumalo kung sakali mang manghina ulit ito.

ilang minutong binalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa bago muling nagsalita si wynn, ang boses ay mas kalmado na kumpara kanina.

“Miles, i don’t think i’ve said this pero thank you ha? sa lahat-lahat,” panimula ni wynn.

“salamat kasi simula nung unang araw na tumapak ako sa bahay na ‘to, hindi mo ipinaramdam sa akin na iba ako. salamat sa pagiging pasensyoso sa akin, sa pag-intindi kapag stressed ako sa school, at sa pagiging sandalan ko kahit na madalas ay mas marami ka pang iniisip kaysa sa akin.”

“salamat dahil hindi mo’ko tinanggalan ng trabaho dahil lang palagi kitang inaasar.” natawa na lang silang dalawa sa sinabi nito.

“what can i do? i find you endearing and it grew on me.” pagtatapat ni miles.

huminto nang bahagya si wynn, binalot ng init ang kanyang dibdib habang inaalala ang lahat ng maliliit na bagay na ginawa ni miles para sa kanya.

“salamat kasi nung tinext kita kanina, hindi ka nag-atubili. hindi ko man inaasahan na sasagot ka agad dahil hindi mo naman ako responsibilidad pero pumunta ka pa rin. sa tuwing pakiramdam ko na napakagulo na ng mundo ko, o kapag bumabalik ‘yung mga multo ng nakaraan na akala ko ay naiwan ko na sa paglipas ng panahon... sapat na sa akin na makita ka para kumalma ako. at mas lalong pinatunayan mo sa akin ngayong gabi na hindi ko na kailangang pasanin lahat mag-isa. thank you for protecting me, miles. and thank you for showing me what it feels like to be cared for like this.”

hinarap siya nang buo ni miles, hinawakan ang magkabilang balikat niya at tinitigan siya ng diretso sa mga mata na puno ng determinasyon at walang kapantay na lambing.

“whatever you’re going through right now, wynn. i am here, okay?” mahinang saad ng lalaki, tapat at walang pag-aalinlangan. 

“kung mabigat na yan, akin na ‘yung iba.”

mas lalong hinigpitan ni miles ang hawak sa mga balikat ni wynn, dahan-dahang inilapit ang sarili para mas maramdaman ng nakababata ang proteksyon na handa niyang ibigay.

“you don’t have to run away from anything anymore when you’re with me, wynn. hindi mo na kailangang magpanggap na malakas ka palagi. kung pagod ka, sabihin mo sa akin. kung mabigat, ibahagi mo sa akin. kung gusto mong umiyak, nandito ang mga balikat ko. pamilya mo ako ngayon, at responsibilidad kita dahil mahal kita. kaya huwag mo nang iisipin na nakakaabala ka o nag-iisa ka, dahil hinding-hindi ko hahayaang maramdaman mo ulit ‘yan.”

napalunok si wynn habang nakatitig sa mukha ng lalaki, pilit na pinapakalma ang muling pagkaramdam ng labis na emosyon sa kanyang dibdib. 

sa bawat salitang binitawan ni miles, parang unti-unting natutunaw ang lahat ng pader at pag-aalinlangan na matagal niyang itinayo sa sarili niya. hindi niya akalain na sa gitna ng pinakamagulong gabi ng buhay niya, makakarinig siya ng ganito katapat at kabuting pangako mula sa taong pinakamamahal niya.

“sobrang bait mo sa akin, miles,” mahinang bulong ni wynn na ang boses na may bahagyang panginginig pero puno ng pagsuko. 

“hindi ko alam bakit takot mga tao sa’yo e ang bait-bait mo... kaya nga hindi ko na rin alam kung paano pa kita matatanggihan, eh. parang lalo mo lang pinapatunayan na hindi ko na kayang mawala ka pa sa buhay ko.”

isang matamis at pagod ngunit tapat na ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mukha ni wynn habang hinahayaan ang sarili na tuluyang sumugal.

“you were so good to me, miles. sobrang swak mo lang sa akin na napapatanong na lang ako sa sarili ko kung karapat-dapat ba na ako’y iyong mahalin dahil kung tutuusin, ang layo-layo mo para makamit.”

hinaplos ni wynn ang likod ng kamay ni miles, habang umusog naman siya papalapit dito. “alam kong hindi mo naman ako minamadali miles, pero parang may sagot na ako ngayon.”

kumunot nang bahagya ang noo ni miles, hindi lubos maunawaan ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin sa pagitan nila. “what do you mean?”

“itigil na natin ‘to miles. ‘wag mo na akong ligawan.”

natigilan si miles. 

agad na nawala ang emosyon sa kanyang mga labi, at tila ba panandaliang huminto ang kanyang mundo dahil sa narinig. 

bago pa man mag-isip ng kung ano-anong negatibo ang matanda, mabilis na hinawakan ni wynn ang magkabilang kamay nito.

“huwag mo na akong ligawan dahil sinasagot na kita.”

parang biglang huminto ang oras sa paligid ng hardin. 

nakatitig lang si miles sa kanya, nanlalaki ang mga mata at hindi man lang makapagsalita dahil sinusubukan pa ring iproseso ng utak niya ang mga salitang kakalabas lang sa bibig ng nakababata. 

naramdaman ni wynn ang panginginig ng mga daliri ni miles na nakakulong sa sarili niyang mga palad—isang reaksyon na bihira mong makita sa isang tulad ni miles na laging kalmado at kontrolado ang emosyon.

“wynn...” sa wakas ay nakabawi ng boses ang lalaki, gumaralgal ang tono at halatang hirap paniwalaan ang nangyayari. 

“are you serious?”

“mukha ba akong nagbibiro, miles?” mahinang natawa si wynn, kahit ang totoo ay umaapaw na rin ang saya at kaba sa dibdib niya. 

“ayaw mo ba? sige, bawiin ko na lang—”

hindi na hinayaan ni miles na matapos ang banat niya. 

sa isang iglap, marahas ngunit puno ng pag-iingat siyang hinatak ni miles papalapit para ikulong sa isang napakahigpit na yakap. 

isinubsob ng lalaki ang mukha sa leeg ni wynn, humihinga nang malalim na tila ba doon lang din ito nakahinga nang maluwag pagkatapos ng mahabang panahon. 

ang isang kamay nito ay nakasapo sa likod ng ulo ni wynn, habang ang isa naman ay nakapulupot nang maayos sa baywang niya, pinagdidikit ang mga katawan nila na parang ayaw na siyang pakawalan kahit kailan.

“huwag,” madiing bulong ni miles, medyo basag ang boses malapit sa tenga ni wynn. “huwag mo nang babawiin, please. thank you, wynn.”

napapikit si wynn at isinandal nito ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki habang dahan-dahang ibinabalik ang yakap nito. 

naramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ni miles na sumasabay sa sarili niyang ritmo, at sa unang pagkakataon matapos ang nakakapagod na araw na ito, naramdaman niya ang kapayapaang matagal na niyang ninanais.

hinaplos niya ang likod ng leeg ni miles, dinama ang bawat paghinga nito bago bahagyang lumayo para tingnan ang mukha ng matanda. 

sinalubong niya ang mga matang puno ng pag-ibig at pag-aalala, at sa pinakatapat na paraan ay binitawan ang mga salitang matagal nang nakatago sa puso niya.

“i love you, miles. mahal kita.”

it might have been just a few words for wynn, a quiet confession whispered into the cool night air after a long, exhausting cry. 

but to miles, it was everything.

hearing those words felt like a sudden shift in his entire universe. 

for as long as he could remember, especially after becoming a dad, miles had been the one providing the care, the strength, and the reassurance.

 his life had been a non-stop cycle of being the anchor for everyone else—making sure zion was safe, running the house, and keeping his walls high enough so no one would see how heavy the load actually was. 

he was so used to being the protector that he had long forgotten what it felt like to be protected, or even to just be held. words of affection were a rarity in his world, almost non-existent unless they were the innocent babbles of his son.

so when wynn said it, looking at him with so much raw sincerity, something inside miles’ chest completely shattered in the best way possible. 

it wasn’t just a confirmation that his courtship was over; it was a validation of his worth, not as a provider or a father, but simply as a man. 

it was the realization that someone was choosing to step into his already complicated life and love him anyway, baggage and all.

a soft, breathless laugh escaped miles’ lips, the corners of his eyes crinkling as a warmth he hadn’t felt in years flooded his chest.

marahang humiwalay si wynn sa yakap, sapat lang para makita ang mukha ni miles na ngayon lang niya nasilayan na ganoon kalambot at tila may konting kislap ng luhang pinipigilan. 

hindi na hinintay ni wynn na makapagsalita pa ang matanda. gamit ang dalawa niyang kamay na nakahawak pa rin sa batok nito, marahan niyang hinila si miles pababa para salubungin ng isang halik.

isang banayad at matamis na halik sa gitna ng tahimik na hardin at sa ilalim ng mga bituin—walang pagmamadali, tanging ang pagdampi lang ng kanilang mga labi na tila selyo ng lahat ng pangakong binitawan nila ngayong gabi. 

naramdaman ni wynn ang pagtugon ni miles, ang pagpisil ng kamay nito sa kanyang baywang na senyales rin na tuluyang bumigay na rin si miles pagkatapos ng napakahabang panahon na siya lang ang tanging sandigan ng lahat.

habang magkalapat ang kanilang mga labi sa gitna ng mahabang gabi, unti-unting naglaho ang bigat ng mundong bitbit nila bago sila nakarating sa puntong ito. 

under the quiet watch of the stars, two weary souls finally found their safe harbor in each other.