Work Text:
Wonwoo is currently sitting restlessly inside his room on the second floor of their house. He’s just staring out the window, waiting and waiting for his neighbor to open up their small eatery. Until now, hindi niya gets kung bakit “Coming Soon” pa rin ang nakalagay sa tarpaulin nila, eh maglilimang buwan na itong bukas. But right now that is not important kasi magmula nung nag post si Mingyu ng menu of the day nila sa social media accounts nito ay parang asong ulol na naglaway agad siya, kumbaga sa Pavlov Theory ay isa itong successful experiment at automatic na kakalam ang sikmura ni Wonwoo sa tuwing may new post ng pagkain ang “Coming Soon Eatery”.
Nasa isang street lang ang bahay nila ni Mingyu. Ang bahay nila Wonwoo ay nasa kanto ng kalye habang sila Mingyu naman ay nasa ikatlong bahay mula sa other side ng kanto nila. Kaya kitang-kita niya from his room kung anong ganap sa kapitbahay. He can also see na may iilan na nakapila para bumili ng merienda, which means masosold out na naman agad ang mga benta nito.
“Ayan, bukas na!” Napasigaw niyang sambit dahil nakita na niyang lumabas si Mingyu para buksan ang gate nila at baliktarin ang “Closed” to “Open” na sign. Kinuha niya ang kanyang telepono sa kama at dali-daling tinawagan ni Wonwoo ang kaibigan na si Seungkwan. He was sitting at the edge of his bed, waiting for his friend to answer. Mga naka-walong ring din bago sumagot ang gae.
“Ate, bukas na sila Mingyu!” Excited nyang bati. “Gusto ko yung maruya ah, tatlo. Tapos pancit palabok kung pwede huwag lagyan nung green onions, please please.” Sunod sunod ang habilin sa kaibigan. Sa mga oras na iyon, sure siya na bumabyahe na si Seungkwan para mag-deliver, delivery rider kasi ito ng isang online shopping app. Nakilala ni Wonwoo si Seungkwan dahil ito ang madalas mag-deliver ng kanyang parcels. Kaya naman naging magkaibigan na rin sila eventually. At dahil hindi naman taga-kanila ang rider, kinontrata niya ito sa kanyang cravings – ang luto ni Mingyu Kim.
“Wala ka man lang hello muna dyan, Ate??” May halong inis sa tono ni Seungkwan. Naririnig naman ni Wonwoo ang ingay ng kalsada at muffled sound ng boses ng kaibigan dahil naka-face mask ito.
“Maya pa ko makaka-daan, Ate. May pinapabili pa si Mama sa bayan, eh.” Medyo mahangin sa kabilang linya, may narinig pa siyang sumisigaw ng “Sara Duterte sa 2028!”
Tanginang yan paki-sagasaan nga yan Seungkwan!!
“Bring him home!” Sigaw naman pabalik ni Seungkwan sa sira-ulong DDS sa kalsada, pero nakapakyu siya habang sinasabi ito.
“Hala eto muna unahin mo, alam mo naman mabilis maubos merienda nila Mingyu!” Tarantang sambit ni Wonwoo.
May malalim naman na buntong-hininga siyang narinig mula sa kaibigan. Bumusina pa ito ng tatlo, at narinig na may pinapaalis sa daraanan.
“Alam mo, Ate, halos tapat lang kayo ng bahay niyan ni pogi, literal na ilang hakbang lang, ikaw pa mauna sa pila. Edi nakakakain ka na ngayon ng luto ni Mingyu.” Umirap naman si Wonwoo kahit hindi siya nakikita at tila ba di siya makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan.
“Eh alam mo naman enemies kami, Kwan!”
“Bibili ka naman as a customer, not as an enemy.” Sagot naman ng kausap.
“Di mo ko gets, Ate.” Mahinang bulong nito, ngunit narinig pala ni Seungkwan.
“Hindi talaga, Ate. Never mo naman kinuwento sa akin. Bakit ba kasi inaway mo si pogi? Edi sana di ka nang-iistorbo ng ganito.” Nagpatunog pa ng dila at narinig na naman niyang bumusina ito, sabay brake ng motor.
“Saka ko na ikkwento sayo kapag naka— ”
Napahinto siya sa sasabihin dahil ang kasunod na line ay ang word na ayaw niyang aminin, miski sa sarili niya.
“Naka?” Ulit ni Seungkwan na naghihintay sa kanya.
“Ah ano.. Nakapanganak na ako! Buntis kasi ako, kaya ganito kalala cravings ko, Ate!” Halos piyok na sagot ni Wonwoo.
Ang totoo niyan, okay naman talaga sila dati ni Mingyu magmula noong lumipat ang pamilya Kim sa barangay nila one year na ang nakakalipas. Bago pa man magbukas ng eatery si Mingyu, si Wonwoo ang kanyang taste-tester at business confidant. Kumbaga, siya ang guinea pig at taga-approve kung anong okay at magiging mabenta. He was there from the start, bago pa nag-trend ang Coming Soon eatery sa lugar nila. Si Wonwoo ang una sa pila.
But then, it all changed when his brother from America went home. Mingyu developed a huge crush on his brother. He wasn’t sure when it all started, but he remembers the hurt he felt when Mingyu kept on asking about his Kuya Shua. It was so evident how he was so infatuated and how he wanted to do things na ikakaligaya ng kanyang kapatid. But what really infuriated him was when his brother chose Jeonghan over Mingyu, biglang gusto ulit makipagclose sa kanya ni Mingyu. At sa ganda nyang yon? Magiging rebound lang sya? Kaya naman, he chose to keep distance and to never let Mingyu Kim enter his life ever again. Buti nga iba ang pinili ng kuya niya. Mas okay naman si Jeonghan kaysa kay Mingyu Kim na 'yan. Lamang lang siya sa muscles!
Well, sorry ka na lang, Mingyu Kim, kasi si Kuya Jeonghan ang type ng kapatid ko, bleh!
“Dali na, Kwan. Hindi ka ba naaawa sa buntis?” Simangot na pilit muli ni Wonwoo.
May screeching sound ng gulong mula sa kabilang linya at napamura pa si Seungkwan dahil sa kanyang sinabi.
“Tanga! Buntis ka? Sino ama?”
“Oo. Si Donny Pangilinan ang ama. Ninang ka ah. We're gonna name him, Wonato.” Nakangisi niyang biro.
“Ambantot ng pangalan, teh! Tigil mo yan fantasy mo, ako nauna kay Donny! Between the two of us, mas hawigin kami ni Belle Mariano!” Nang-agaw pa nga.
“Ikaw ang fantasy, Belle Mariano daw siya.” Sabay irap na naman si Wonwoo, pero hindi niya dapat kalabanin ang kaibigan dahil may hinihingi siyang importanteng pabor.
“Sige, payag na ko magkahawig kayo, pero buy mo na ko merienda kela Mingyu. Please, please, Belle?” Halos maduwal-duwal niyang pagpilit sa kaibigan.
“Huwag ka na mambola, ibibili naman kita eh, pero after one hour pa. Maintenance ni Mama yung sasadyain ko sa bayan, Wons, maawa ka naman sa matanda.” Seryoso na si Seungkwan.
Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan niya dahil wala naman siyang karapatan din na madaliin ang kaibigan. Hindi naman siya puwedeng mag-book sa ibang rider kasi baka batukan lang siya kung malaman na halos katapat na bahay lang yung gusto niyang orderan. Si Seungkwan lang talaga ang maaari niyang hingian ng pabor, since hindi ito kilala ni Mingyu. Kaya naman ang tanging magagawa lamang niya ay mag-suffer habang naghihintay.
Kasalukuyan siyang nakadungaw na naman sa bintana habang pinapanood ang mga taong nakapila na at umoorder ng merienda kina Mingyu. May inggit na may halong pangamba kada nakikita niya kung gaano kadami ang mga customer. Sigurado siyang bago pa lumubog ang araw ay ubos na ang mga paninda nito.
May mahihinang katok naman mula sa kanyang pinto na narinig niyang umagaw ng atensyon niya sa kaniyang pagmamatyag sa kainan.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang Kuya Shua niya na may hawak na plato ng pancit palabok at isang pirasong maruya.
“Wons, Mingyu gave this to me, kaso, I’m going out with Jeonghan, eh. Do you want some?” Sa likod niya ay ang kasintahan nitong si Jeonghan na mukhang galing sa CR nila sa second floor. Tumango lamang ito bilang bati sa kaniya at dumiretso na sa baba.
Tinitigan naman nang maigi ni Wonwoo ang dalang pagkain ng kapatid. At grabe takam na takam na talaga siya, nangangasim na yung gilid ng pisngi niya sa pagnanais makain na ang luto ni Mingyu.
Fuck, ang bango. Ang sarap sarap huhu :(
Pero dahil kasing taas ng pride niya ang Tokyo Tower, mariin niya itong tinanggihan.
“That looks disgusting, Kuya. Ilayo mo ’yan sa akin and never offer me food na gawa nung kapre na ’yon!” Singhal niya sa kapatid. Gulat naman si Shua sa inasal niya, kaya naman hindi na siya nagpigil na sermonan ito.
“Wonwoo Jeon! That’s not very kind of you! Mingyu put lots of effort into this, and you’re just calling it disgusting?”
Umirap irap naman si Wonwoo sa harapan ng kapatid, dedma siya kung makita siya nito. At syempre mag-e-effort naman talaga yung tao kung ang pagbibigyan is yung crush niya diba? Hindi ka ba nag-thi-think, Kuya Shua??
“Saka, stop calling him coffee! That’s so bad, ha, dahil ba he is moreno? Ugh, what happened to you? Before naman okay kayo ni Mingyu. Tapos, now you are calling him kape, that’s so childish talaga.” Disappointed na sambit pa ng kanyang Kuya.
Gusto sana matawa ni Wonwoo sa kapatid dahil mali ang intindi, naging 3-in1 pa nga yung kapre. Ngunit papanindigan niyang nabubwisit siya sa pagkaing nasa harapan niya ngayon.
“Basta ayoko kainin yan. Tapon mo na lang!” At padabog na isinara ang pinto. Ngunit napako siya sa pagkakatayo at marahang sumandal sa pintuan, para siyang meme ni Cristine Reyes na paiyak na kasi gusto niya naman talaga kainin yun. Pero dahil ma-pride siya at ayaw niyang malaman ni Mingyu o ng sinuman sa bahay nila na sarap na sarap siya sa mga luto nito, titiisin na lang niya.
Less than an hour, Wonwoo. Kaya mo pa magtiis.
Naglaro muna siya ng Mobile Legends para mawala sa isip niya ang matinding cravings niya.
At mukhang olats sa mga kakampi dahil lahat puro mage ang gusto, napilitan na lang siyang mag-Layla. Kaya tuloy galit na galit ang mga kakampi niya at tinatrashtalk pa siya.
Geraldine B. Mendoza: Tang*nang Layla yan, wala na bang mas ibe-basic pa dyan?
misteryoso: wala na nga core nag-Layla ka pa
Binago naman ni Wonwoo ang kanyang spell to Retribution.
nananakitngPWD: yun oh Layla core. @bitterie17 check inbox, pinagmumura kita.
Paguuntugin ko kaya mga 'to kayo 'tong ayaw mag-adjust.
bitterie17: Manahimik kayo diyan, pinanganak ako ng Mama ko para mag-Layla core.
Nakakailang laro na rin siya at di namalayan ang oras, kaya naman noong nakareceive na siya ng text sa kaibigan ay dali-dali naman siyang nag-AFK na sa laro. Bahala na ma-report puro naman pabigat ang mga nakakakampi niya, mas importante ang palabok at maruya nya!
Seungkwan:
Ate, dito na ako kina Mingyu. Ino-order ko na yung bilin mo, kaso parang simot na ata ang paninda nila, pero sabi ni Mingyu, check niya daw if may extra pa sila.
Halos manghina si Wonwoo sa nabasa. Sana pala tinanggap na lang niya yung ino-offer kanina ng Kuya Shua niya kung hindi naman pala mag-sasakses itong kaibigan niya na makabili.
Wonwoo Jeon:
😭😭😭 kawawa naman kami ng baby ko!! Hindi namin makain yung gusto namin 😔😔😔
Seungkwan:
Talagang inamats mo na yang buntis ka 😕
Wonwoo Jeon:
Hindi ka ba naaawa sa inaanak mo? 🥺🥺
Seungkwan:
Inaanak ko na itatae mo mamaya? 😂
Wonwoo Jeon:
So mean!! 🙄🙄
WHERE IS MY FOOD 😠😠😠
Seungkwan:
Ito na binabalot na ni Mingyu, pasalamat ka may natira pa daw sa kawali nila.
Wonwoo Jeon:
Yipieee 🕺🏻🕺🏻
At para di mahalata, nakaugalian na nilang magkita ni Seungkwan sa kasunod na street. Doon sila nagtatagpo sa tapat ng isang abandonadong bahay.
“Ate!!” Tawag ni Wonwoo pagkakita ng motor ni Seungkwan.
Hinubad naman ng huli ang helmet nito at pinatay ang motor.
“Oh, dinamihan daw niya ’yan kasi last customer na daw ako.” Kung titingnan silang dalawa, ay tila ba may illegal transaction silang ginagawa roon dahil madilim at medyo tagong area pa ang kanilang meet-up place. Well, good shit naman talaga kasi yung epektos na dala ni Seungkwan. Sarap kasi magluto ng kapitbahay niyang ’yon.
Nag-happy dance naman si Wonwoo nang abutin ang supot galing kay Seungkwan. Naamoy na niya ang bango ng palabok at pagsilip niya ay may apat na maruya pa. Okay din pala maging last customer ng Coming Soon eatery, marami ang servings.
At siyempre para mas lalong hindi halata, nagbabaon siya ng ecobag para doon ilagay ang mga pagkaing lalantakan niya sa loob ng silid. Sobrang loser behavior niya sa totoo lang, pero kung may isang bagay man siyang kinahuhumalingan, iyon ay ang pagkain na luto ni Mingyu.
“Salamat Ate ko. Ninang ka talaga ng anak ko niyan.” Hinimas pa niya ang tiyan niya at saka inabot ang bayad sa kaibigan.
“Ewan ko sa’yo, hindi ka mukhang buntis, mukha kang nag-adik sa inaasta mo.” Inirapan niya naman ang kaibigan, ngunit nanumbalik muli ang ngiti sa mga labi dahil nakuha na niya ang pagkain na gawa ni Mingyu. “O siya, mauna na ko bukas na lang ulit.” Paalam ni Seungkwan at saka pinaandar ang motor, bumusina pa ito ng tatlo bago tuluyang makalayo kay Wonwoo.
Sukbit ang ecobag, masayang tinahak ni Wonwoo ang tahanan nila. Kumakanta pa siya ng LSS niya lately na “Imahe” by Magnus Heaven.
“Kinalimutan kahit~ 🎶Nahihirapan~ 🎶” Habang naglalakad ay nakatuon ang mga mata sa telepono para i-check ang kanyang mga notifications.
“Pinagtagpo~🎶 Ngunit hindi tinadhana~🎶” Tuloy niya sa pagkanta habang paliko na ulit sa kanilang kanto at laking gulat naman niya nang may nabangga siyang malaking lalaki at nahulog pa ang kaniyang ecobag.
“Ay puke ko.” Nasambit ni Wonwoo dahil sa sobrang gulat.
“Asan?” Malokong ngisi ng lalaki sa kanya at luminga-linga pa sa paligid, mukhang seryosong hinahanap talaga kung nasaan ang puke niya.
Nakabangga lang naman niya si Mingyu Kim, the bane of his existence, ang tinik sa kanyang lalamunan, ang taong gusto niyang pabagsakin. Nakatuon ang mga mata nito sa kaniya na may ngiting mukhang may balak na masama.
Ganyan ang mukhang masarap haplusin. Haplusin gamit hollow blocks.
At automatico namang umasim ang mukha ni Wonwoo sa nakabangga. Akma namang dadamputin ni Mingyu ang kanyang ecobag, ngunit maagap niyang kinuha ito at niyakap. Sa inasta niyang iyon ay nagkaroon tuloy ng pagdududa sa ekspresyon ng mukha ni Mingyu.
“Ano yan ha? Bakit grabe mo itago?” Pag-uusisa nito.
“Pake mo? Dyan ka na nga!” Mataray niyang sambit, sabay sinadyang banggain si Mingyu at tuloy-tuloy na naglakad. Ngunit bago pa siya makalayo ay narinig niyang nagsalitang muli ang kapitbahay niya.
“At sino naman yung pinagtagpo ngunit hindi tinadhana? Ha?” Muling kulit sa kanya ni Mingyu. Narinig pala nito ang kanyang pagkanta.
Napangisi naman si Wonwoo at hinarap si Mingyu.
“Wala ka na doon!” Muli itong tumalikod at padabog na naglakad. Ngunit tinawag na naman siya ng lalaki, pero this time, desidido si Wonwoo na huwag na itong pansinin.
“Wonwoo!” Dedma.
“Bitterie!” MAS LALONG DEDMA!
“Wonwoo Jeon, nahulog mo to oh!” Hindi na niya dapat papansinin ang lalaki, ngunit bigla niyang naisip na baka yung maruya niya yung nahulog.
FAAAAKK Hindi to pwede mangyare! My Secret!!
Pero paglingon niya ay ngiting-ngiti lamang si Mingyu na naka-finger heart sa kanya.
“Ugh! I hate you!” Padabog niyang sigaw saka tumakbo palayo, ngunit dinig na dinig pa rin niya ang halakhak ng mortal niyang kaaway. Parang kahit nasa sariling silid na siya ay naririnig pa rin niya ang nakakapikon na tawa ng kapitbahay niya.
“May araw ka din sa akin, Mingyu Kim.” Pagsusumpa niya, mag-isa habang tinutusok-tusok ang pagkain sa harapan niya.
“But for now, enjoyin ko muna luto mo, hehe.” Nag-sign of the cross pa nga siya bago sumubo ng palabok. Hindi pa nakuntento, kumagat agad siya sa maruya kahit may laman pa ang bibig niya.
Nagpadyak-padyak pa siya sa tuwa dahil finally, kinakain na niya ang kanina pa niya inaasam-asam na pagkain.
“Ang sarap talaga. I love this so much.” And he took another bite of the maruya. He was gleaming with happiness that he couldn’t explain. Ganito siguro ang pakiramdam ng mga buntis kapag nakakain sila ng mga cravings nila. Medyo konti na lang, malapit na siyang maniwalang buntis nga siya. FANTASY ang gae.
── ⟢ ・⸝⸝
Wonwoo works as a Freelance Accountant, which means he has the liberty to curate his time of work. Today, like any other ordinary day, late na naman siyang gumising dahil gabi na rin niya natapos ang pagfi-file ng taxes for his clients.
Pupungas-pungas pa siyang bumababa ng hagdan at humihikab pa habang kinakamot ang tiyan nang may narinig siyang bumati sa kanya.
“Good morning! Late ka pa ring gumigising. Tsk tsk. That’s not healthy, Wons.” At doon tuluyang nawala ang antok niya dahil nasa loob ng bahay nila ang number one enemy ng buhay niya. Si Mingyu Kim. Ano namang karapatan nito na pumunta dito? Naka-apron pa ito at nakaputing T-shirt lang at black shorts, para bang dito siya nakatira? At mukhang kanina pa ito sa loob ng kanilang bahay, pa-scroll-scroll na lang sa phone habang nakasalampak sa kanilang sala.
Sino ka ba para tumambay-tambay dito sa amin? Wala ka bang pamilya?
Mukha ring may ginagawa ito sa kanilang kusina, at kaya pala may matamis na amoy ng vanilla siyang nalanghap habang bumababa ng hagdan.
“Bat ka andito?” Usisa niya at nakataas ang kilay at namewang pa.
Saka naman lumabas ang kanyang ina na may hawak na isang basong orange juice.
“Wonwoo, be nice. He’s helping your Kuya Shua magbake.” At lumipat ang tingin kay Mingyu.
“Anak, mag-juice ka muna habang naghihintay na lumamig yung cupcakes.” Malambing nitong sabi sa binata at inilapag ang juice sa coffee table. Bumaling muli ang tingin sa anak na kanina pa nakapamewang at asar na nakatitig sa kanilang bisita, pinandilatan nito ang anak dahil nagtataray na naman ng wala sa hulog.
“Salamat po, Tita.” Nakangiting sambit ni Mingyu.
“At ikaw, mahal na prinsesa, kumain ka na doon at pinagluto tayo ni Mingyu ng almusal.” Utos nito kay Wonwoo.
“Luto niyan?” Tinuro pa si Mingyu sabay aktong maduduwal. “O-order na lang ako!” At padabog na pumasok sa kusina.
Ang ina naman ni Wonwoo ay hindi alam ang gagawin, kaya naman ay humingi na lang ng paumanhin sa binata.
“Pag pasensyahan mo na ’yon, ah, baka may dalaw.” Natawa naman si Mingyu sa sinabi ng ginang. “Ay ewan, biglang naging mataray.”
“Okay lang po, Tita. Sanay na po ako.” Nakangiting sagot ni Mingyu.
“Check ko lang po yung cupcakes baka po okay na, excuse me po.” Magalang nitong paalam sa ginang.
Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niyang nag-uusap ang magkapatid.
“Gyu is teaching me how to bake kasi I want to bake for Han.” Nakangiting sabi ni Shua. Si Wonwoo naman ay ginagaya ang mga sinasabi ni Shua at inaartehan ang panggagaya, with matching make face pa.
Ah. Para pala sa jowa, oh, ano ka ngayon, Mingyu Kim? Tinuruan mo pa, eh para pala sa karibal mo. Dasurv!
“Gyu, can you check kung okay na the cupcakes?” Tawag nito sa binata. Ginaya na namang muli ni Wonwoo ang Kuya, pero nahuli siya nito kaya pinagalitan.
“Can you stop being annoying, Wonwoo! Just eat the food at the table and be quiet.” Sumunod naman si Wonwoo, ngunit bago ’yon ay bumelat pa sa dumaan na si Mingyu. Tinawanan lang siya nang huli at umiling-iling.
Sa totoo ay di naman talaga siya o-order, like hello, luto kaya 'to ni Mingyu at saka gutom na rin siya. Magkukunwari na lang siyang nalimutan niyang si Mingyu ang nagluto. Dedma sa basher.
Let’s see anong niluto nitong kapre na ’to. Uy tortang talong, mah favorite, yummers!
Sumalampak na siya sa hapag at ganadong nilantakan ang pagkain, nilagyan niya ng banana ketchup ang torta with matching fried rice pa. Ito siguro ang pagkain na oorderin niya sa kanyang last meal kapag nahatulan siya ng death sentence sa kulungan dahil, nagdidilim talaga ang paningin niya sa nakikita. Maglalagay lang ng icing sa cupcakes, kailangan pa nakahawak sa baywang ni Kuya Shua niya itong si kapre.
Pasalamat ka, wala akong baril, Mingyu Kim. May boyfriend na yang nilalandi mo, tanga!
Kaso di niya pala puwedeng patayin si Mingyu kasi sino na lang ang magluluto ng last meal niya on earth if makulong man siya dahil sa poot na nararamdaman niya right now.
“Oops. Careful, Shu. Malalagyan ka ng icing.” Tumatawa pa nitong pag-aalalay sa nakatatanda. Nakahawak pa rin sa baywang at mas hinigpitan pa nito ang pagkapit nang ma-out of balance ang Kuya niya dahil sa pag-anggulo ng tama while piping the icing.
Kuya, diba taken ka na? Diba jowa mo si Kuya Jeonghan? Ano 'tong landian na 'to? Susumbong kita!
Kaya naman ay dali-dali siyang nagtipa ng message for Jeonghan at pinicturan pa niya nang patago ang dalawang lalaki sa gilid niya para i-send sa boyfriend ng kuya niya.
Wonwoo Jeon:
< photo attached >
Kuya Jeonghan, pinagtataksilan ka ng asawa mo dito, look!! 😡😤
Jeonghan Yoon:
Haha, they look so cute. 🥰
Please say hi to Mingyu for me, Wons.
Wonwoo Jeon:
Wew, di ka ba nagseselos? 😤
Jeonghan Yoon:
Between the two of us, parang ikaw yung tunog nagseselos, nhak 🤭
Wonwoo Jeon:
Bakit ako magseselos? Hindi ko naman gusto si Mingyu? 😠
Jeonghan Yoon:
Oh, I was implying you were jealous, kasi you wanted my Shushu’s attention. Do you perhaps like Mingyu?
Wonwoo Jeon:
The audacity, Kuya!! Ew ew ibblock kita!! 😭😭
Jeonghan Yoon:
Be my guest, nhak 🤭
Madiin niyang naibagsak ang telepono sa mesa at saka bumusangot na sumubo ng pagkain. Parang na-back to you lang siya at sana di na lang niya pala chinat yung gremlin na yon. *inserts nakakainis! nakakainis Rhed Bustamante meme*.
Bakit pa nga ba siya magtataka na ganito ang ugali ni Jeonghan, eh magtropa sila ni Mingyu (na mas malala ang ugali, in Wonwoo’s honest opinion). Dalawa silang nanliligaw noon sa kuya niya. Ang akala nga niya, walang pag-asa si Jeonghan kasi mas lamang si Mingyu dito dahil kapitbahay lang sila. Ngunit nagulat siya nang isang araw ay pinakilala si Jeonghan as his boyfriend na raw. What haffen vella? Eh halos magpalitan na ng mukha sina Mingyu at Kuya Shua niya sa dalas ng mga ito na magkasama. Pero hindi nga siguro talaga natutulog ang Diyos dahil ibinigay ang kuya niya sa lesser evil. Amen.
Napansin naman siya ni Mingyu, kaya lumapit ito sa kanya at umupo sa katabing upuan.
“Akala ko ba oorder ka na lang?” Panimula nitong sambit, nilagyan din nito ng ketchup ang kanyang plato nang makitang paubos na ang laman at nagsalin pa ng juice sa kanyang baso. It was so normal for Mingyu to serve him like this, na para bang kanina hindi niya nilalandi ang Kuya Shua nya (na taken na! Mingyu Kim wala ka bang moralidad!)
“Huwag mo nga akong kausapin. Doon ka na kay Kuya Shua. Siya naman ang pakay mo dito.” Sabay sawsaw ng torta sa ketchup na nilagay ni Mingyu at sinubo ito with dabog.
Tangina sarap talaga ng tortang talong, parang ako lang.
“Tinutulungan ko lang kasi mahilig si Jeonghan sa cupcakes.” Matipid nitong sambit. Nakapangalumbaba ito habang nakatitig kay Wonwoo na tuloy-tuloy lang ang kain, and Mingyu finds it therapeutic to watch Wonwoo eat his meal. May sumabit pang kanin sa gilid ng labi, kaya naman ay dahan-dahan niya itong inalis. And he was glad. Wonwoo was letting him do this.
Hindi naman umimik si Wonwoo. Hindi niya rin naman ma-explain kung bakit ba siya iritang-irita sa tuwing nakikita ang kapitbahay at kapatid niya na magkatabi.
“Bi..erm.. Wons.” Tawag sa kanya ni Mingyu.
Lumunok muna si Wonwoo at uminom ng juice bago humarap sa binata. Si Mingyu naman ay nakangiti lang sa kanya at marahang nakakagat sa pambabang labi.
Ano ba kailangan nito may pa-kagat kagat pa sa labi. Jose Manalo yarn.
“Hindi ka pa nakakadaan sa eatery ko since nag-open.”
Tumaas naman ang kilay ni Wonwoo at pinagsaklob ang mga braso sa dibdib.
“Ano naman pake mo? Di ba nagpupunta naman si Kuya Shu doon? Bakit ko need magpunta?” Mataray niyang sagot. Si Mingyu naman ay napangisi lang at ipinatong ang braso sa likod ng upuan ni Wonwoo. Naamoy tuloy ni Wonwoo ang pinaghalong pabango nito at vanilla extract ng cupcakes, pero never niyang aaminin sa sarili kung gaano ito kabango na gusto niyang ihilig ang ulo niya sa malaking braso ni Mingyu at singhutin ang pisngi at leeg nito. Hinding hindi nya yon sasabihin kahit kanino. Dadalhin nya sa hukay yan bago aminin.
“Hindi kasi kumpleto ’pag wala ka.” Sabay pisil sa pisngi ni Wonwoo.
“Basta kung pupunta ka, sabihan mo ’ko ah. Para makapag-prepare ako.” Pahabol na sabi ni Mingyu. Tumayo naman ito at pinuntahan muli si Shua upang tingnan ang ginagawa nitong mga design ng cupcakes.
And Wonwoo wonders, ano kaya yung ibig sabihin ni Mingyu na hindi kumpleto.
── ⟢ ・⸝⸝
Coming Soon post:
Today’s Menu:
Turon with Langka - ₱15 per piece
Pinoy Style Spaghetti - ₱50 per serving
Puto - ₱15 for 3pcs
Empanada - ₱20 per piece
Halo-halo - ₱25
See more..
Medyo may pila pa noong makarating si Seungkwan sa Coming Soon eatery. Kaya naman dinoble-check niya muna ulit kung ano ang mga habilin ng maarte niyang kaibigan.
“Halo-halo pero walang sago. Turon pero ube yung nasa loob. Eh Langka tong nasa menu.” Naparolyo na lang ang mga mata ni Seungkwan sa mga weird requests ng kaibigan.
When it was his turn, he immediately asked if pwedeng ube yung nasa turon.
“Ay, hijo, naku, wala ata kasi kaming ube eh. Pasensya na suki ah.” Pagpaumanhin ng ina ni Mingyu sa kanya. Actually, dapat di na lang niya sinunod ang request nitong si Wonwoo dahil sino naman ba siya para baguhin yung menu dito. Napahiya pa tuloy siya.
“Ay, hindi po, okay lang po. Ako nga po dapat mag-sorry. Buntis po kasi yung kaibigan ko, kaya medyo weird yung request.”
“Ay buntis? Siya ba ang lagi mong binibilhan dito? Naku, Mingyu anak! Masama hindi nakakain ng buntis ang gusto. Tignan mo sa loob, baka may naitabi pa tayong ube!” Utos ng ginang sa anak. Sising-sisi naman si Seungkwan sa nabanggit na kasinungalingan dahil maabala pa niya ang mag-ina na hindi na nga makahinga sa dami ng umuorder.
“Ay, huwag na po kayong mag-abala, makakatiis naman po si Wonw— erm, Wonnie na walang ube. Okay na po yan, ma’am!” Muntik pa madulas sa pangalan ni Wonwoo.
“Sigurado ka?” Muling tanong ng ina ni Mingyu.
“Opo, okay na po ito. Magkano po lahat?” Baling ni Seungkwan kay Mingyu. Ngunit ang lalaki ay tila ba natigilan at may kung anong iniisip.
“₱140.” Tipid na sagot ni Mingyu at siya naman abot ni Seungkwan na ₱150 na bayad, ngunit bago ibigay ni Mingyu ang sukli ay bigla siyang tinanong nito. “I’m sorry, pero buntis sya?” Tanong nito kay Seungkwan. Si Seungkwan naman ay hindi malaman ang gagawin, kaya tumango na lamang ito sa tanong ni Mingyu at nginitian na lang ang lalaki, kinuha ang sukli, nagpasalamat at dali-daling umalis.
Wonwoo Jeon to Seungkwan:
Sinungaling ang gae. Ube kaya yung laman ng turon hehe. Yummers 😋
── ⟢ ・⸝⸝
Now it all makes sense kay Wonwoo kung anong tipo ng isang Mingyu Kim — maganda, maarte, nag-e-English at American citizen. Umuwi kasi ang pinsan niyang si Somi galing sa US at magbabakasyon sa kanila pansamantala. At bilang taong bahay, siya ang inutusan ng ina na magbantay at samahan ang pinsan habang ito ay nakatira sa kanila.
Since magkapitbahay sila ni Mingyu, hindi maiiwasang magkakilala ang dalawa, and what can he say? They were like the missing puzzle pieces of each other. Parehong maganda at gwapo, mahilig magluto, a dog-person, likes to travel, and when they stand beside each other, they look so good, perfectly balanced. Undeniably nakakakilig sila tignan.
One time, naabutan niya ang dalawa sa kusina nila na nag-uusap. Si Mingyu ay busy magsalin ng gatas sa baso na may lamang shaved ice at minatamis na saging, habang si Somi naman ay nakaupo at busy na haluin ang kanyang baso.
“This is so delicious, Mingyu! It’s so simple but addictive. What do you call this again?” Tanong ni Somi habang sinisipat ang laman ng baso.
“Saging con yelo.” Sagot ni Mingyu.
“Oh, saging is banana, right?” Tumango naman ang kapitbahay nila.
“And yelo is the color?” Tumawa naman si Mingyu nang bahagya, tila ba tuwang-tuwa sa kanyang pinsan na di masyadong marunong mag-Tagalog.
Ganyan ang mga weakness nito eh, yung hindi kaya bigkasin nang diretso ang nakakapagpabagabag.
“I just have a question, Mingyu.” Muling salita ni Somi.
“Hm?”
“Why is your eatery called Coming Soon? What’s the reason behind it?” She curiously asked.
Mingyu just looked at Somi with those twinkling eyes na para bang inlove na inlove ito sa pinsan ni Wonwoo. At mukhang mas mauuna pa ata matunaw si Somi bago ang yelo sa hinahalo nitong saging con yelo sa tindi ng titig nito sa dalaga.
“Ah, I’ll change the name naman, may hinihintay lang.” Kumindat pa sa dalaga at pinagpatuloy ang paghahalo sa dessert.
“Ohh. Someone special?” May laman na tanong muli ni Somi.
Ngunit bago pa man masagot ni Mingyu ay nakarinig siya ng ingay sa may pasukan ng kusina.
“Gising na pala ang mahal na prinsesa. Juskopo, Wonwoo, alas dos ng hapon ka na talaga bumangon? Aswang ka ba at lagi kang puyat?” Sermon sa kanya ng ina.
Napakamot naman ng ulo si Wonwoo kasi puyat na nga sya tapos naabutan pa nyang naglalandian si Mingyu at Somi, sumabay pa ang bungangera nyang nanay sa inis nya.
“May aswang bang ganito kaganda?” Sagot niya sa ina with matching haplos pa sa kanyang pisngi. Ngunit hindi nagustuhan ng mama niya ang pagsagot niyang iyon, kaya kinurot nito ang tagiliran niya.
“Aray! Mama child abuse na to!” Singhal nya sa nanay.
“Late na nga magising, aarte pa ng ganyan! Samahan mo ang pinsan mo diyan at kanina pa sila ni Mingyu, inaantay kang gumising! Di ka na nahiya!” Muling sermon nito sa kanya.
“Tsk. Bat ba nila ako iniintay, pwede naman sila mag-date ng di ako kasama.” Bulong nito sa sarili.
“Won! So tagal mo mag-wake up! Come! Mingyu made this, oh, you have to try.” Pagyaya sa kanya ni Somi at si Mingyu naman ay hinila ang bangko sa tabi ni Somi, urging him to take a sit. Pero parang mas gusto na lang ni Wonwoo na matulog na lang ulit kaysa maki-third wheel sa dalawang 'to.
“Ah, I’m okay. Diet ako.” Pero huwag ka, kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya at parang ang sarap-sarap kumain ng saging con yelo na gawa ni Mingyu.
“Ginawa ko to para sayo, Wons.” Singit naman ni Mingyu na kanina pa siya tinitingnan. May konting nguso pa sa labi, pero kanina lang ngiting aso pa ’to noong wala pa si Wonwoo sa eksena.
Wala namang nagawa si Wonwoo dahil pumasok sa kusina ang ina at pinandilatan siya muli, kaya naman naupo na siya at nagsimulang halu-haluin ang laman ng baso.
“So? Who are you waiting for?” Muling usisa ni Somi, may matamis pang ngiti na tumitig sa binata, while Mingyu, on the other hand, is focused on Wonwoo, who’s biting his lower lip after taking his first bite of the dessert, unaware that Somi is asking him a question.
“Good?” Tanong ni Mingyu kay Wonwoo.
Nagkibit-balikat lang si Wonwoo bilang sagot. Sa totoo lang, nakakagat sya sa inner cheeks nya kasi kinikilig sya sa sarap, gusto nya magpadyak sa sobrang pagkagusto nya ng pinaghalong tamis at lamig ng yelo at saging. Kung wala lang 'tong si Mingyu, kanina pa siya pumipikit-pikit para namnamamin ang saging con yelo.
Umalis ka nga Mingyu Kim, di ako makatili eh.
Napukaw naman ang atensyon nila nang magsalita ulit si Somi.
“Hey Gyu, sino nga?” At hindi talaga sya tumitigil hanggat di nya malaman ang taong hinihintay ni Mingyu, nag-Tagalog pa nga.
“Uhm, well. Andito na sya, it’s just that, hinihintay ko lang sya pumunta sa eatery.” Sagot ni Mingyu kay Somi. Ang dalaga naman ay tumango tango lang at hindi na din nagtanong pa. Ang totoo, di lang niya na-gets masyado yung sagot kasi Tagalog. Pero ang Wonwoo? Gets na gets niya kung anong nangyayari.
For the past five, six months walang pake si Mingyu sa pangalan ng eatery niya. And now na dumating ang pinsan niya, biglang papalitan? Sus, alam niya 'yang galawan na 'yan. Pang babaero! Hakot ea! Gustong magdabog si Wonwoo at mag-walk out na lang, kaso ayaw niyang ipahalata na affected siya sa desisyon ni Mingyu, ipangalan ang eatery after Somi.
Lord, iparamdam mo na mahal mo ko! Bastedin sana ni Somi si Mingyu!
Kaya naman, wala siyang choice ng isang araw ay nagpasama ang pinsan pumunta sa Coming Soon eatery.
“Hi, Mingyu,” malambing na bati ni Somi sa binata. Tumaas naman ang tingin ng binata sa tumawag sa kanya habang nagsasalin ng gulaman sa basong order ng batang customer. Medyo gulat naman ang mukha ni Mingyu ng makita sya katabi ni Somi, natapon pa nga ng bahagya ang gulaman na iniaabot sa bata dahil sa pagkabigla.
“Wons, andito ka.” Nakangiting bati sa kanya ni Mingyu. Sinuklian naman nya ng matipid na parang tinatamad na kaway ang binata at tumingin sa kabilang side ng eatery, mas interesado sya tingnan ang katapat na bahay na mukhang Jollibee yung exterior dahil puro matataas na salamin at color red orange pa ang motif. Bida bida din.
Sakto naman din na lumabas ang ina ni Mingyu na may dalang kaserola. Sigurado siyang champorado ’yon kasi naamoy niya agad ’yung tablea pagkalapag ng ginang sa mesa.
“Uy, andito na pala ang mamanugangin ko!” Bulalas ng ina ni Mingyu.
Ah, legal na pala sa magulang. Sige.
“Hello po, Tita Miriam.” Sagot naman ni Somi. Nginitian naman ni Wonwoo ang ginang at niyaya silang maupo sa loob. Hindi naman first time ni Wonwoo na makapasok sa loob ng eatery, dahil noong hindi pa ito nagla-launch, palagi siyang tambay dito para tulungan si Mingyu. Tapos ipapangalan lang niya kay Somi na ka-kakilala lang niya noong linggo rin lang na iyon?
Ako ang nagtanim, pero iba pala ang gustong bayuhin. Tanginang buhay to!
“Dito, kayo maupo, Wonwoo.” Anyaya ng ginang sa kanila.
“Ay, hinatid ko lang po si Somi, Tita. Alis na rin po ako. Ang dami ko pa pong tatapusin.” Sabay kamot sa kanyang ulo, medyo nahihiya sa sinabing kasinungalingan dahil magmo-Mobile Legends lang naman siya pag-uwi.
“Ganun ba, ay teka pagbaunan na lang kita ng konti, para may kinakain ka habang nagwo-work.” Aktong aalis na sana ang ginang, ngunit pinigilan siya ni Wonwoo.
“Naku, Tita huwag na po. Uhm, medyo masama po kasi ang tiyan ko ngayon. Baka po ilabas ko rin lang ’yan. Salamat na lang po.” Muli nyang tanggi. Nakita naman niya ang dismayadong mukha ng ginang, ngunit mabilis din namang ngumiti sa sunod niyang sinabi.
“Next time na lang po.”
O-order naman later si Seungkwan dito hehe peace tayo Tita.
“Promise mo ’yan, ha? Hindi ka na dumadalaw dito, nakakamiss rin.” Pag-amin ni Aling Miriam. Nalungkot naman si Wonwoo sa sinabi ng ginang, ngunit mas okay na rin na lumayo na ang loob ng mama ni Mingyu sa kanya, tutal hindi naman siya ang pakay ng anak nito. Gaya nga ng sinabi nito ay andito na ang mamanugangin, kaya mas okay na hindi siya umepal sa namumuong relasyon ng dalawa.
“Wons.” Tawag sa kanya ni Mingyu.
“Alis ka na?”
“Oo. Ikaw na bahala sa pinsan ko ah, alagaan mo.” Habilin niya sa binata. Tumango naman si Mingyu at medyo umangat pa nang kaunti ang mga kamay. Para bang gusto siyang hawakan, gusto siyang pigilan. Ngunit tumalikod na si Wonwoo para lisanin ang Coming Soon eatery na magiging Somi eatery na siguro in the next few days.
── ⟢ ・⸝⸝
Seungkwan:
Ate, sorry pero di ako makaka-deliver sa'yo ng epektos. May lagnat ang gae. 🤒
Wonwoo Jeon:
What?? May Lumpiang Toge, Ate!! Isa yun sa mga paborito ko 😭
Seungkwan:
Sige Ate, ibibili kita kahit may sakit ako pero iboboto ko si Sara Duterte, okay lang?
Wonwoo Jeon:
BAWIIN MO YAN!! BAWIIN MO SEUNGKWAN!!! HINDI NA! DYAN KA NA LANG! HUWAG NA MAG-TOGE!! 😭😭 MAAWA KA SA PILIPINAS AT SA ISISILANG KONG SANGGOL 😭
Seungkwan:
Ayun, kuha mo. Magpapahinga muna ang gae. 😴
Wala na nagawa pa si Wonwoo kundi tumanaw na lang sa Somi’s eatery (Coming Soon pa din talaga ang name, assumera lang ang talaga ang gae). From his room, he can clearly see Mingyu and Somi talking just outside the eatery. Nagtatawanan at may paghampas pa ang kanyang pinsan sa braso ni Mingyu at sigurado siyang pinisil nito ang muscle noon. Imposibleng hindi, ang laki kaya niyon!
Ayun lang, biglang nag-angat ng tingin si Mingyu at nagkatitigan sila from afar. Natimbog tuloy siya na nagmamatyag, kaya naman dali-dali niyang sinara ang kurtina ng silid at nagmadaling humiga sa kama dahil sa hiya.
“AAAAAAHHHH!!” Sigaw nya sa kanyang unan.
“Wonwoo, ang loser loser mo.” Sambit niya sa sarili.
Sobrang nakakahiya yung nangyari, to the point na naaalala niya ito sa bawat kilos niya. Kumuha siya ng tubig sa refrigerator at habang nagsasalin ng tubig, bigla na lang siyang napaupo at nagtakip ng mukha dahil — naalala na naman niya na nahuli siya ni Mingyu.
Nag-gugupit siya ng kuko sa paa at noong nasa hinliliit na siya, bigla siyang napailing dahil — naalala na naman niya na nahuli siya ni Mingyu.
Win streak siya sa Mobile Legends, pero napangiwi na naman siya dahil — naalala na naman niya na nahuli siya ni Mingyu.
Kaya naman napagdesisyunan niya na kailangan na niyang mag-move on. Oo ito na inaamin na niya, may gusto talaga siya kay Mingyu. And he knows damn well that the other doesn’t feel the same way. Pagiging magkapitbahay lang ang kayang i-offer sa kanya ni Mingyu, and that’s one hundred and one percent a fact. Because the night before Mingyu opens his eatery, he accidentally heard his kuya and Jeonghan talking about them.
Joshua:
Babe, Mingyu said I should be there early kasi I need to help him, kaya we have to sleep na.
Jeonghan:
Why daw, babe? Hindi ba siya tutulungan ni Wonwoo?
Joshua:
Babe! Parang di mo pa alam ah? Wonwoo shouldn’t be there, Mingyu doesn’t want him there. Kaya make sure hindi siya makakalapit sa house nila, okay?
Jeonghan:
Ah oo nga pala. Okay babe, let’s sleep na.
Wonwoo didn’t show up the next day. He was too hurt and too prideful to even congratulate Mingyu on finally opening his own business. Pakiramdam niya ay ginamit lang sya ni Mingyu because why the heck did he even spend time helping him curate his menus, picking what to put on his eatery, he even helped him manage his expenses para they know kung kakayanin ba ng ipon ni Mingyu mag-start ng business.
All of those days, he tried his best to support Mingyu, and yet, ayaw pala nito sa kanya. So Wonwoo went out that day and didn’t go home for the next couple of days. He also put Mingyu on restricted sa contacts niya. Iniiyak lang niya lahat sa isang hotel room na ni-reserve niya. Di na para ipamukha ng Mingyu na yan na nag success sya without him by his side. By the time na umuwi na sya, there is this mutual understanding between him and Mingyu na huwag na magpansinan. Which made it much easier for him to carry on, but not enough to move on.
Somi continues to spend time in Mingyu’s eatery, hindi na din niya inihahatid ito dahil malaki na sya ‘no! (Nagseselos kasi talaga ang gae!) But that didn’t stop Wonwoo from secretly ordering food too.
One day, Somi had randomly told Wonwoo something that made him realize that Mingyu was really serious about pursuing his cousin.
“Wonwoo! Accck!” Somi grabbed both of his hands as they twirled together in the middle of their living room. She even hugged Wonwoo due to the excitement she felt. Very nahilo ang gae sa ginawa na iyon ni Somi.
“Minjoo just told me he’s going to make sama sa akin sa US when I return! Don’t you think he’s so sweet?” Nakanguso with twinkling eyes pa ang pinsan niya habang kinukuwento ito sa kanya.
Habang si Wonwoo naman ay unti-unting bumabagsak ang mga balikat sa narinig. Di sya prepared on how Mingyu wants to take their relationship to the next level. Para siyang natauhan at patuloy na pinapamukha sa kanya ni Mingyu that he’ll never fall for him or will make an effort to even like him a bit.
“Okay, congrats sa inyo ni Mingyu.” Sambit ba lamang niya sa pinsan. Ang pinsan naman niya ay niyakap lamang siya nang mahigpit at iniikot na naman siya muli.
“Thank you, Wons!” At isinayaw pa sya nito, nag waltz waltz pa sila sa sala, gusto na lang maiyak ni Wonwoo sa nangyayare.
Hindi niya sure kung ang hilo ba na nadarama ay dahil sa kakaikot nila or dahil nanghihina siya sa nalaman. And at that point, Wonwoo made a decision to finally move on to his one-sided feelings towards Mingyu.
── ⟢ ・⸝⸝
Wonwoo Jeon:
Ate, buy ka lang 2 siopao later, tag-isa tayo. And okay lang ba samahan mo akong kumain pag-deliver mo?
Seungkwan:
Hi, Ate. Of course! *Channeling my inner Ed Caluag* May nararamdaman akong kakaiba. Bakit parang malungkot ang gae?
Wonwoo Jeon:
Ah hindi naman, wala lang gana lately. Saka ano pala, last na order ko na yung later, uhm, hindi naman na din ata magbubukas sila Mingyu for the meantime.
Seungkwan:
Ha?? Bakit? Nalulugi ba sila? Ang dami nilang customers lagi ah!
Wonwoo Jeon:
Aalis kasi si Mingyu, sasama dun sa pinsan ko pa-US.
Seungkwan:
Oh.
:(
Okay ka lang, Ate?
Wonwoo Jeon:
:(
Seungkwan:
*hugs*
“Ito lang ang order mo, suki?” Tanong ni Aling Miriam kay Seungkwan. Usually kasi pampamilya ang order nito, kaya naman nakakapagtaka na dalawang pirasong siopao lang ang binili ng rider.
“Ah, opo. Humihina na rin po kasi ang cravings ng friend kong buntis.” Aniya. Pinanindigan na lang niyang buntis si Wonwoo sa dami ba naman umorder, parang he’s eating for four, sa totoong buhay lang.
Narinig naman ito ni Mingyu, kaya naman lumapit siya sa suki at nagtanong.
“Baka gusto nung friend mo ng ibang pagkain, pwede ko lutuin para sa kanya.” Suhestiyon nito.
“Uhm ano kasi. Sabi niya, last na muna niyang order 'to, masama kasi ang pakiramdam niya lately eh. Sorry ah.” Sagot naman ni Seungkwan. Hindi na maipinta ang mukha ni Mingyu sa narinig pero hindi na ito problema pa ni Seungkwan. Bakit pa, eh aalis naman na si pogi at iiwanan ang kanyang pretty friend in this God-forsaken country.
“Pano suki, mauna na ko. Salamat dito.” Sabay angat ng lalagyan ng siopao at sumakay na sa kanyang motor.
Pagkarating ni Seungkwan sa meet-up place nila ni Wonwoo ay naabutan niya itong nakaupo sa bench sa labas ng tapat ng abandonadong bahay. Nakatingin lang sa langit, medyo namumutla rin ang hitsura at pansin din ang pagkabalisa.
Ipinarada niya sa malapit sa bench ang sasakyan at isinukbit ang helmet sa hawakan ng motor bago pinuntahan ang kaibigan.
“Ate.” Mahina niyang tawag. Lumingon naman si Wonwoo at nagbigay ng tipid na ngiti.
“Seungkwan..” Matamlay nitong bati.
Nang makapagsettle sila sa bench ay sinimulan na buksan ni Wonwoo ang lalagyan ng siopao. Medyo mainit pa ito nang mahawakan niya. Nilanghap muna niya bago kumagat. Ang bango ng amoy, ang lambot ng tinapay. He just knows that Mingyu put a lot of effort into making each of these buns to make them look so perfect. At nang kumagat siya para tikman ang siopao, ay hindi na niya mapigilang lumuha habang nginunguya ang siopao na gawa ni Mingyu.
“Uy, Ate hala..” Biglang kabig ni Seungkwan kay Wonwoo at niyakap ito nang mahigpit.
Humihikbing tinuloy ni Wonwoo ang pagkain ng siopao habang ang mga luha ay walang tigil sa pagdaloy sa kanyang pisngi.
“Ang sarap-sarap ng luto niya, pero ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin, Ate.” Lumunok muna siya bago tinuloy ang paghagulgol.
“Shh.. Lalake lang yan, Ate. Hayaan mo, bukas ihahanap kita yung mas yummy! Mas borta at mas pogi!” Pag-alo sa kanya ni Seungkwan.
“Talaga? Gusto ko yung obsessed sa akin, Ate.” Pinunasan ang pisngi, ngunit may tumulo na namang luha. “Yung hindi siya makahinga pag nasa malayo ako.” Request pa ni Wonwoo. Natawa naman si Seungkwan sa gusto ng kaibigan, pero andito siya ngayon para paga-angin ang loob nito.
“Op kors, Ate. Sisiguraduhin kong maiihi siya kada makikita ka niya. Ano bang lahi gusto mo? Switso o suwawa?” Hinampas naman siya ni Wonwoo at bumunghalit ng tawa kahit basang-basa pa ang mukha, kakaiyak.
“Ate naman eh! Seryoso kasi ako. Gusto ko nang mag-move on kay Mingyu!” Deklara niya.
“Wonwoo?” At halos sabay pa silang napalingon ni Seungkwan sa pinanggalingan ng boses. Mingyu was standing there, with an expression that Wonwoo couldn’t comprehend because he was too busy thinking of ways to get away from this situation. Tumitibok na ang kanyang utak sa bilis ng pangyayari, hiyang hiya na dahil una, hindi niya maikakailang narinig siya ng binata about his confession, that he wanted to move on from Mingyu, which just proves na alam na din nitong may gusto siya dito. And where does he even begin with the siopao in hand and Seungkwan hugging him tightly. Mingyu is smart, and he’ll put the pieces together na sya ang umoorder at kumakain ng food na binibili ni Seungkwan.
“Nakupo, timbog tayo, Ate!” Sigaw ni Seungkwan pero nagawa pang ubusin ang siopao, bago tuluyang tumayo.
“Siya ba yung kaibigan mong buntis?” Tanong ni Mingyu kay Seungkwan.
“Ako buntis?” Sabay turo ni Wonwoo sa sarili habang naglipat-lipat ang tingin kay Mingyu at Seungkwan.
“Halos araw-araw kasi siya bumibili sa eatery para daw sa buntis niyang friend. Are you really pregnant?”
Pinandilatan naman ni Wonwoo ang kaibigan, pero parang di naman niya ito masita kasi siya naman 'tong madalas magsabi na buntis siya.
“Ha ha ha! Nagbibiro lang naman ako, Mingyu. Hindi 'yan buntis! Wala nga kabembangan yan eh!” Sabay takip ni Wonwoo sa bibig ng kaibigan habang sinasakal ng kanyang braso ang leeg nito.
“Masyado ka nang maraming nalalaman, Ate!” Nagpupumiglas naman si Seungkwan sa bisig ni Wonwoo at nang magtagumpay na makawala ay dumiretso na ito sa kanyang motor.
“Wah! Kuromi! Tulungan mo ako!” Sigaw ni Seungkwan habang nag-start magpatakbo ng motor. Tinry pa ni Wonwoo na habulin ang kaibigan, ngunit may kamay na pumigil sa kanya bago pa man siya makalayo.
“Wonwoo, can we talk, please?” Mingyu has this same expression again that Wonwoo couldn’t pinpoint. Worried? Fear? Longing? When he felt the other hold his hand a little bit tighter, he couldn’t help but let out a small gasp. They sat at the bench, and a gush of wind blew through them as they shared that tiny space.
At hindi rin gets ni Wonwoo kung bakit hawak pa din ni Mingyu ang kanyang kamay, to make it worse, Mingyu’s thumb was brushing his, and it’s doing things to him. When he tried to pull his hand away, Mingyu didn’t like it.
“No.” Mahina nitong pagpigil.
“I’ve had enough, Wonwoo.” And was it tears he is seeing right now? Mingyu brushed his teary eyes slowly, composing himself in front of Wonwoo.
“When you didn’t show up on our opening day, I assumed it was your answer to me the night I sent you a text.” Panimula ni Mingyu.
“I know damn well that I’m risking it all and will ruin our friendship for doing that, but I just can’t see you as a friend anymore, Wons. Di ko na kaya. Di na kaya nito.” Mingyu’s breath hitched as he pointed to his heart and poured his all to Wonwoo. For what it’s worth, he thought may pag asa siya sa binata, dagdag pa na Shua and Jeonghan kept on telling him na Wonwoo felt the same way. Hindi rin naman siya manhid sa pinapakitang affection ni Wonwoo sa kanya, all the more na naglakas loob syang aminin ang nadarama, he was brave but not brave enough to say it on Wonwoo’s face.
“Mingyu, anong text?” Wonwoo was genuinely confused
“Wala ako—…” Napahinto si Wonwoo sa pagsasalita nang may naalala. He fucking put Mingyu on restricted and stayed like that up to this day.
“Fuck…” Wonwoo shakily said. He took his phone out, hands trembling, unaware of the things he did and the effect it caused.
“I put you on restricted, Min.” Pag-amin niya sa binata, and Mingyu was so confused. For whatever reason it is, he must have done something wrong to Wonwoo, for the latter to put him on restricted.
“Narinig ko kasi sila Kuya Shu at Kuya Jeonghan. Ayaw mo daw ako pumunta sa eatery mo, bawal daw ako.” Paliwanag ni Wonwoo.
“Wonwoo, ayaw kita ng maaga doon kasi it will ruin my surprise. Mali ka ng intindi! I sent you a chat the night before the opening. Pero mukhang hindi mo na nabasa.” Paos na sagot ni Mingyu. Kaya naman dali-daling binuksan ni Wonwoo ang kanyang messaging app para i-check ito.
When he successfully un-restricted Mingyu, his blood ran cold from the first thing he read before he opened their chat box. “I really like you.”
sweetie (huwag ko daw palitan):
Hi Bitterie, you’re probably sleeping na siguro by the time you receive this message, which is sinadya kong gawin kasi I don’t think makakatulog pa ko if sagutin mo pa ‘tong message ko right now. 😆(this is gonna be long so please be super patient)
I just wanted to let you know how much you mean to me, Wonwoo. Noong kakalipat pa lang namin dito sa lugar ninyo, natatandaan ko pa how you helped Mama with our things na ipasok sa loob ng house kasi we were busy sa loob mag-ayos. Sorry ulit kasi akala ko kinukuha mo gamit namin, sabi ko pa nun ang ganda naman nitong magnanakaw, pwede ba ako na lang mag-nakaw sa kanya 😆. Little did I know, ninakaw mo ngang talaga ang puso ko after getting to know you better. (fuck ang korni non! pero totoo!)
You are so kind and thoughtful, so so perfect, and falling for you is as easy as breathing. Sabi ko pa nun, impossible na wala kang boyfriend or manliligaw, pero sabi mo walang nagkakagusto sayo, well meron na ngayon, and that’s me 🙂
You were there from the start, Wons, noong naguguluhan pa ako sa gusto kong mangyari sa buhay ko. You were the one who suggested na magtayo ako ng eatery because you said, “Sa sobrang sarap mo magluto, kahit DDS, mapapapayag mong huwag iboto si SWOH sa 2028.” Your silly yet honest comments about my dishes made me put my 101% in establishing the eatery. I was all in because of you.
My bitterie, can you still remember when I first started calling you that? It was so cute because we were literally fighting over a cake, you said it was bitter, but for me it was sweet. You’re just too stubborn you wouldn’t let it go, so I called you Bitterie just to spite you, but you know what you did? You called me Sweetie just to spite me back, but little did you know my heart is doing somersaults with 160 beats per minute. ACCCK! From then on, I don’t ever want you to call me by my name, I’m your one and only SWEETIE! 🥰
Wonwoo, tomorrow is the opening day of the diner. Palagi mo 'ko tinatanong kung bakit until now wala pa akong maisip na name ng eatery. Honestly, it already has a name magmula nung nagsstart pa lang tayo mag-brainstorm about it. But I was afraid you wouldn’t like it. Pero, this diner was made because you believed in me. You are the first person to see the potential of my talent, and I guess it's just right to name it after you. So let me formally invite you.
Bitterie, it would be an honor to have you tomorrow in the grand opening of — EveryWon’s Diner. Please say yes. 🥹
Oh, and before I forget.
Bitterie, please go on a date with me? Pretty. please? Nakaluhod na!🧎🏻♂️
Please say yes, din 🥹 kasi..
I really like you.
Wonwoo found himself sobbing after reading Mingyu’s message. Ang akala niya kasi wala syang pag asa kay Mingyu, ang akala nya kasi hindi siya type. Kung i-naunrestrict niya lang sana si Sweetie.
“Sweetie. I’m sorry.” Sininghot pa ang sipon na patulo na sana, ngunit masyadong marami, kaya naman ay ginamit niya ang likod ng palad para punasan ang ilong. Noong akma namang hahawakan niya ang mukha ni Mingyu ay bigla itong umiwas.
“Bitterie, I like you pero please huwag mo ’ko pahiran ng uhog.” Pagmamakaawa sa kaniya ni Mingyu habang inilalayo ang mukha. Si Wonwoo naman ay tuloy pa rin ang paglapit ng kamay sa mukha ni Mingyu, kaya naman pareho silang napabalikwas ng upo at nagsimulang maghabulan.
“Tama na, please. Hindi pa nga tayo tapos mag-usap!” Halos mamaos na sa pagsuko si Mingyu sa kanya. Kaya naman tumigil na rin si Wonwoo sa paghabol at ipinahid na ang kamay na may sipon sa kanyang shorts. Mingyu can take that.
“Sabi ni Somi, sasabay ka na raw sa kanya papuntang US. Totoo ba yun?” Paos niyang tanong sa binata.
“Huh? Saan mo naman ’yan narinig?” Gulat na tanong ni Mingyu.
“Sabi niya sa akin nung isang araw ’yon. Yung lalaki daw na gusto niya, sasabay na daw sa kanya pag-uwi niya.” Mahina niyang sagot, dahil hindi naman din siya sure kung hanggang ngayon gusto pa rin siya ni Mingyu. Baka nagbago na since Somi is now in the picture.
Napabuntong hininga naman ang binata sa harapan habang hinihilot ang balingusan.
“Wonwoo, Somi likes my cousin, not me,” Mingyu said.
“Eh sabi niya ikaw eh!” Singhal naman ni Wonwoo. “Tapos, mamanugangin pa tawag sa kaniya ng mama mo.” Hindi na napigilan ni Mingyu na kurutin ang pisngi ng binata sa sobrang ka-cute-tan nitong magselos.
“Wonwoo! Sobrang cute mo alam mo ba yun?” Muling pisil sa pisngi. “Ikaw ang tinutukoy ni Mama na mamanugangin niya! Sabi ko, pakakasalan kita someday! And botong-boto siya sa'yo, Bitterie!” Namula naman ang mukha ni Wonwoo sa sinabi ng binata, like what the helly, what do you mean boto si Miriam Kim sa kanya? At anong pakakasalan? Mingyu Kim, manligaw ka man lang sana muna? Pero iyayabang na niya ito agad kay Seungkwan! Ngunit hindi pa rin maalis sa utak niya ang pag-uusap nila ni Somi.
“Sabi ni Somi, sabay kayo pa-America.” Muli niyang ulit.
“Sinabi niya ang pangalan ko?”
“Oo! Sabi niya, Mingyu!” Bigla namang tumawa si Mingyu sa narinig.
“Wons, my cousin’s name is Minjoo, and I’m telling you right now, hindi lang ito ang first time na may nagkamali ng dinig sa pangalan namin.”
Siguro kamukha ni Wonwoo right now si Mommy Oni dahil napaganun talaga siya sa sinabi ni Mingyu.
“Sandali, eh bakit di niya ako kinorrect nung sabi ko Congrats sa inyo ni Mingyu?” Muli niyang usisa.
“Again, it’s common to mishear our names, Bitterie.” Malambing nitong sagot at muling kinurot ang pisngi ng binata.
“Hindi ako ’yon, Wons. Pinsan ko ’yon na nililigawan si Somi kahit itanong mo pa. And you don’t even need that rider to find you a guy na sobrang magiging obsessed sayo, kasi fuck. I don’t even want to share you with anyone. You have no idea how possessive I'm of you, Wonwoo. I don’t want to scare you pero, baliw na baliw talaga ako sayo.”
Mingyu gazes at him full of honesty and genuineness. His voice trembled as he confessed, it was raw and honest, as though his heart was speaking faster than his mind could control. And Wonwoo felt his chest tighten, quietly affected by Mingyu’s every word.
He just stared at Mingyu, realizing his words came from a place of real love. Paano gagawin eh baliw na baliw din siya kay Mingyu.
“Puwede mo ba akong imbitahan muli sa eatery?” Wonwoo asked.
Mingyu let out a shaky laugh, feeling as though a heavy knot lodged in his throat had finally loosened. He held both of Wonwoo’s arms firmly, gripping tightly while emotion flickered uncontrollably in his eyes.
“Of course, Bitterie. Kailan mo gusto?” Nakangiting tanong ni Mingyu.
“Bukas. Pwede ba, Sweetie?” At doon na hindi napigilan ni Mingyu ang pagyakap niya sa binata.
“Yes, of course. Aantayin kita, baby.”
And Mingyu can’t wait for tomorrow to come.
