Chapter Text
pumayag si sir rio na mag early dismissal. tuwang tuwa na nag ingay yung mga kaklase ni jhoanna, probably gagala pa yung iba or maaga makakauwi. iwas sa rush hour kumbaga. nagdadaldalan pa nga silang dalawa ni lotte habang nagliligpit ng gamit, dahil di naman sila nagmamadali pauwi.
"sa gate 4 ako lalabas, may dadaanan kasi ako sa sm." ika ni lotte habang naglalakad sila papuntang cr para magsalamin.
"ay ganon ba? next time na lang ako sasama pala. hindi ko na naabutan kasi yung mga uv don pa samin." pagkapatong ni jhoanna ng bag nya sa countertop agad naman nyang kinuha yung magulong jacket nya sa loob at inayos ang pagkakatupi para hindi mukhang bulky. naiinis pa naman sya pag magulo ang laman ng bag nya.
"sige sige bukas na lang! ingat pauwi." nauna ng umalis si lotte.
sumunod na rin namang lumabas si jhoanna, pagkatapos nya mahiwalay ang baryang gagamitin nya pang pamasahe. nakangiting nagtungo papunta sa gate 2 dahil makakabili pa sya ng paborito nyang tusok tusok.
**
4pm na. kakaunti na lang ang uv na masasakyan nya at siguradong mahaba na rin ang pila sa terminal kaya napagdesisyunan na lang ni jhoanna na mag lrt kesa sumakay sa jeep na pagkatagal tagal ng byahe, maiipit pa sya sa monumento. sakto, hindi rin naman sya nagmamadaling makauwi sa kanila.
pagkalabas ni jhoanna sa gate 2, bumungad sa kanya yung usok ng mga nag-iihaw ng isaw o barbeque kasama yung usok ng mga nagyoyosi sa labas. kaagad syang pumunta sa malapit na tusok tusok at sumilip kung may luto na ba.
napagdesisyunan nyang bumili na lang muna ng coke sa 711 at siguro maliit na snacks pandagdag ngunguyain mamaya papuntang lrt 1, aside sa bibilhin nyang fishballs.
pagkapasok ni jhoanna sa loob ng store, agad syang pumunta sa aisle ng mga gummies and chocolates. alam nya kasi dun lagi dumederetso ang kasabay nya.
"kasama ba ako sa budget mo today?" bungad na tanong ni jhoanna sa babaeng nakayuko at tumitingin ng gummy bears.
halata naman na nagulat si aiah nung marinig nya ang boses nung sa likod nya.
"depende? bet mo ba gummy worms?" nakangiting pinakita ni aiah ang dalawang pack ng haribo na kinuha nya at tinuro sa likod nya, "pabantay pala ng bag, andun sa table. yung may mga plastic."
"pasabay coke please, bibili akong fishball. thank you bayaran ko mamaya," pakiusap ni jhoanna sa kasama at tumungo na sa table.
"kahit wag na, pahelp na lang magbuhat nung plastic bag later." kumuha na rin ng coke at c2 si aiah bago dumerecho sa pila.
sumandal lang saglit si jhoanna para kunin yung earphones nya kaso napansin nyang malapit na rin malowbatt ang kanyang phone kaya di na lang nya tinuuloy at inusisa na lang yung laman ng plastic bag ni aiah.
napansin nito na may isang nakaseparate na paper bag sa loob na may tupperware, mukhang may bagong cuisine na naman na pinagawa sa klase nila.
"here." dinikit ni aiah yung bote sa pisngi ni jhoanna na ikinagulat tuloy ng dalaga.
"let's go?"
**
walong fishballs at apat na kikiam ang laman ng plastic cup ni jhoanna habang naglalakad sila ni aiah sa ilalim ng lrt 2.
"bat di na lang tayo nagjeep? akin na kaya muna yung bag ko para makakain ka."
"nope! magaan lang naman to," inayos lang ni jhoanna ang pagkakasukbit nung bag sa balikat nya. "saka kung nagjeep tayo hahabulin pa natin yung jeep, yoko nga!"
"himala isang baso ka lang ngayon." pang aasar ni aiah kay jhoanna.
"wala eh, sakto lang budget ko. sa natirang barya ko lang yan. gusto mo ba? kanina mo pa sinisita yung pagkain ko ah." pagmamaktol ni jhoanna habang may laman pa ang bibig.
"ang kalat mo naman kumain, crushie." sita ni maraiah habang pinunasan nya yung natirang sauce sa gilid ng labi ni jhoanna gamit ang daliri at tinikman ito. "yuck, vinegar."
tinawanan lamang sya ni jhoanna, "ayan, landi pa."
"tse!"
"wag na tampo, yang. ubusin ko lang to tapos hahawakan ko na kamay mo. yie, kikiligin na yan." at tuluyan nang inubos ni jhoanna yung natitirang kikiam at naghanap ng basurahan. nag-alcohol lang saglit at hinila na nya ang braso ni aiah, dahan dahan binaba ang kanyang kamay para mahawakan ang kamay ng kasama at pinagsiklop ang kanilang mga daliri.
tinignan nya ng nakakaloko si aiah, nakakaasar ang ngiti bago nya sabihin, "yie, crush nya ko lalo."
walang nagawa si aiah kundi hampasin na lang sa balikat si jhoanna kahit namumula na ang kanyang pisngi.
**
at ayun na nga. mahaba-haba na ang pila sa lrt station nung makarating sila. binaba muna ni jhoanna yung bitbit nyang plastic bag, pinagalitan pa nga sya ni aiah nung sinubukan nyang hatakin na lang yung bitbit.
"sayo pala yung isang paper bag dyan." banggit ni maraiah.
"tologo bo? nekekeheye nemen enebe." pangungulit ni jhoanna na parang magzozoomies.
"oo, tologo. ubusin mo yan ha. paki balik na rin yung tupperware magandang klase yan." pinatulan na ni aiah yung kalokohan ni jhoanna tutal inip na rin naman sila sa pila.
"sabi ko nga, tupperware bago ako. noted po miss maem."
"very good naman ang baby ko na yan. pakurot nga." bago pa man makailag si jhoanna ay napisil na ni maraiah yung pisngi nya. "by the way, wag mo na kaya ako ihatid sa bahay ngayon? i mean sa friday na lang kasi baka gagabihin ka pa mamaya pag uwi."
nagsimula ng ngumuso si jhoanna at nagpaawa na rin, "ayaw mo na ba sakin? may iba ka na no? kapalit palit na ba ako? may tsikot ba yung bago mo?" bago pa man nya matapos ang mga dialogue nya at di na napigilan matawa ni jhoanna.
"gaga ka. gagabihin ka kasi pauwi ayun lang naman ang concern ko." marahang hinahawi ni aiah yung mga baby hair ni jhoanna na nadikit na sa noo nito at inayos rin ang pagkakasuot ng kanyang salamin.
"yoko nga. ang bigat nitong bitbit mo saka gusto ko pa maglambingan." himutok ni jhoanna sabay wiggle ng eyebrows.
"sira. sige na nga, mag grab ka na lang pauwi. okay?" mahinhin na bilin ni maraiah na patuloy lang sa pagdutdot sa ilong ni jho.
nasaktuhan naman na yung hinahantay nilang tren ay skip train kaya mabilis lang nakasakay yung dalawa, nakahanap pa nga ng mauupuan.
sinandal ni jhoanna ang ulo nya sa balikat nung isa, habang si aiah naman patuloy na pinaglalaruan ang glitchpop knife na keychain na nasa zipper ng bag jho. "alam mo parang ang landi landi pala natin kanina sa pila," ika ni jhoanna na ngayon naman ang nilalaro ang daliri ni aiah.
"hmm?" baling sa kanya ni aiah.
"galing mo naman pala magpakilig pero ayaw mo hinahawakan kamay ko, nakakatampo na ha." pagbibiro ni jho na nakanguso na naman habang nagkukwento, natawa na lamang si aiah sa narinig at pinitik yung kamay ni jhoanna bago niya tuluyang isiklop ang mga daliri nila.
"okay na po ba?"
"good. very good," nakangiting sagot ni jhoanna.
