Chapter Text
Minasahe ni Seungcheol ang kaniyang sintido–binabasa ang buwanang report ng iba’t ibang branch ng kaniyang kompanya. Habang binabasa ang mga ito, parang isa-isang tinatanggalan ng saraduhan ang pinto ng pasensya niya. Anong tawag ulit doon? Sabi niya sa isip. Para kamo siyang pumulot ng bato at pinukpok sa sarili niyang ulo.
“Putangina.” He couldn’t help it. Hindi niya na kayang timpihin pa ang pasensya. “Wala na bang mas gagago pa sa report na yan?” Binalibag niya sa mesa ang iPad. Niluwagan ang neck tie na parang sumasakal sa leeg niya dahil sa stress.
Napatalon naman sa kinatatayuan ang sekretarya niyang si Seungkwan. Kahit pa talaga anong dalas ng kaniyang boss sa mga formal meetings, Ingles kung Ingles ang kaharap, ay Tagalog pa rin ito magsalita lalo kapag nagagalit. Malamig ang pawis ni Seungkwan. Hindi si Seungcheol ang tipo ng boss na kinatatakutan dahil masama itong magalit. Pero si Seungcheol ang tipo ng boss na nirerespeto kaya hindi mo pagtatangkaang galitin. Hindi mo susubukang subukin ang pasensya dahil alam ng lahat ang kapangyarihan niya.
“I’m sorry, Mr. Choi–“
“I’ll meet all of them. Let’s hold a meeting about this shit, ginagago yata ako ng mga yan.” Singhal ni Seungcheol. Punong-puno na ang negosyante. Patuloy siyang nagti-train ng tao para manatiling nakatayo ang kompanya niya, stand tall and proud! SC Enterprises, pero sa nakikitang report ng mga branch nito, mukhang kabaligtaran noon ang nangyayari. Anong akala nila sa akin? Naglalaro?
He trains people. He shares his wisdom and intelligence to his employees. He even wrote a very thick and long book of manual for the company. The general book that each branch has copies; that each branch should apply in all aspects of their corporate identity. Pero bakit parang hindi nasusunod yun? Bakit parang dinisplay lang ng mga branch na ito? Kolorete lang? Halos nabaliw siya sa pagsusulat ng training manual, contracts, halos ma-comatose siya kakapuyat as he considers all the terms and conditions just for what? A lame and potentially AI-manipulated monthly report? Fucking hell. This is literally not what I signed for.
“Sa bahay.” Seungcheol told the driver as soon as he climbed in the car.
Mabilis na tumango ang driver at nagmaneho papunta sa mansion. Pagkarating sa mansion, sinalubong siya ng tagapangalaga ng anak niya, si Jeonghan. The nanny looked at him using his gentle doe eyes. He looks soft, welcoming and lovely with the way he looks and present himself. Di agad maipaliwanag ni Seungcheol ang dahan-dahang pagkalma ng isip niya nang makita si Jeonghan. Maybe he likes the idea that Jeonghan wouldn’t say anything because first, he’s mute and second, mukhang hindi naman talaga nito ugaling mang-intriga kahit pa may concern ito.
“Wala pa si Jochi?” Tanong ni Seungcheol nang makitang tahimik pa ang mansion.
Usually, kapag uuwi si Seungcheol, sasalubong si Jochi at Jeonghan.
Hindi na kailangang maghintay ni Seungcheol ng sagot sa tanong. Nang makita niya ang oras, siguradong nasa eskwelahan pa ang bata.
“Hi, Sir!” Bati ng matandang mayordomang si Soona. “Napaaga kayo?”
Tumango si Seungcheol, nakatingin pa rin kay Jeonghan na ngayon ay nakatingin din pabalik sa kaniya. Napakalambing nitong tumingin. Gustong isalampak ni Seungcheol ang sarili sa katawan nito at doon magpahinga. Agad na inalis ni Seungcheol sa isip niya iyon. Una sa lahat, sa mahigit limang taong pananatili ni Jeonghan at pamamasukan kay Seungcheol, hindi sila kailanman nakapag-usap. There’s an obvious reason why.
“Yes. Susunduin ba si Jochi?” Bumaling si Seungcheol kay Soona na agad tumango. “Naihanda na ang kotse?”
“Opo. Pinaiinit na ni Agustin ang makina ng van. Hinihintay na lang din si Jeonghan at aalis na.”
Bumalik ulit ang tingin ni Seungcheol sa manipis na si Jeonghan. Seems like he's waiting for Seungcheol’s consent.
“Okay. I’ll go with Jeonghan today. Pakisabi kay Agustin.” Seungcheol nods.
Lumaki ang ngiti ni Soona at tumango rin. “Okay po!”
Nakita ni Seungcheol sa gilid ng mata ang mahinang pagtulak ni Soona kay Jeonghan. Umaalma pa ang mukha ni Jeonghan pero may binulong si Soona dito na nagpakilos sa isa.
Sa kotse, mahinhing pumasok si Jeonghan. Mukhang nahihiya pa itong kumilos ngayon sa front seat. “Okay na?” Tanong ni Seungcheol.
Tumango si Jeonghan. Halata ang hiya nito ngunit nangingibabaw pa rin ang kompiyansa sarili. Para bang alam na alam niya kung paano dalhin ang sarili kahit pa may kakulangan. Kaya kahit alam ni Seungcheol na nahihiya sa kaniya si Jeonghan, namamangha pa rin siya dahil sa paraan nito kung paano i-presenta ang sarili.
Nang i-double check ni Seungcheol ang upuan nito, hindi pa naka-seatbelt si Jeonghan. Walang salitang lumapit si Seungcheol sa kinauupuan ng isa para ayusin ito. Araw-araw nang ginagawa ni Jeonghan ang sumakay sa sasakyan dahil hatid at sundo niya ang anak ng boss. Tila ngayon lang nalimutang mag-seatbelt. Ano bang kaibahan noon sa mga araw na hindi si Seungcheol ang kasama?
Jeonghan’s body automatically folds because of their close contact. Ang natural na init ng katawan ni Seungcheol ay nararamdaman niya. Ang preskong amoy ng boss galing sa mamamahaling brand ng colongne ay dumaan sa ilong niya. Agad nag-init ang pisngi ni Jeonghan dahil doon. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto na lang magpalamon ni Jeonghan sa inuupuan dahil sa kahihiyan.
Seungcheol heard Jeonghan’s small whine because of what he did. Little did he know, reaksyon din iyon ni Jeonghan dahil din sa kuryenteng dumadaloy sa sikmura niya. Napangisi si Seungcheol sa munting tinig na yon mula kay Jeonghan. Hindi alam kung anong dating non sa pandinig niya.
“Inayos ko lang, Jeonghan. Masisita tayo kung hindi ka naka-seatbelt.” Sabi ni Seungcheol.
Jeonghan sighed silently as he nods his head. Tahimik ang buong biyahe pero hindi naman nakaka-bother. Payapa iyon sa pakiramdam. Malayo sa karaniwang nakikita o nararamdaman ni Seungcheol mula sa propesyon.
“Are we on time? Or is it too early?” Tanong ni Seungcheol nang makitang wala pang halos bata sa main gate ng eskwelahan.
Tinignan niya si Jeonghan sa kanyang kanan. Umiling ito at itinuro ang isang bahagi ng gusali ng day care.
Naunawaan naman iyon agad ni Seungcheol. Doon ang labasan ng mga estudyante. Tinanggal ni Jeonghan ang seatbelt at lumabas ng kotse. Kasunod noon si Seungcheol na pinagmamasdan kung saan tumungo si Jeonghan.
Sa bintana pa lang ng unang palapag ng gusali, narinig ni Seungcheol ang boses ng anak. Mukhang nakikipaglaro ito kasama ang mga kaklaseng hindi pa rin nasusundo ng mga magulang.
“Nami?” Tinig ni Jochi, limang taong gulang na bata, tumatakbo palabas ng daycare center papunta kay Jeonghan. “Nami!”
Ngumiti si Jeonghan. Humalik sa pisngi ng alaga at niyakap ito. “Nami! Sarap ng baon ko! I shared it with my friends and they like it too. Can you make some ulit tomorrow po?” Dire-diretsong salita ng bata—ni hindi man lang napansin ang presensya ng tatay.
Jeonghan giggles quietly as he brushes Jochi’s hair. Kung pagmamasdan ni Seungcheol ang anak sa bisig ni Jeonghan, makikita mo kung gaano ito kasaya at kakomportable. Jeonghan was smiling from ear to ear, and his eyes were sparkling too. And his daughter, Jochi, was showing her big gummy smile—happy to be in Jeonghan’s arms. May dalawang dimples din ito sa pisngi. Kuhang-kuha ang ngiti ni Seungcheol.
“Jochi.” Seungcheol called their attention.
“Dada?”
Tumalon ang bata sa tuwa nang iangat niya ang tingin sa likod ni Jeonghan. “Dada! Dada!”
Natawa si Seungcheol nang tumakbo pa ito papunta sa kaniya. Sa ilalim ng kilikili nito hinawakan ni Seungcheol bago buhatin. “Hi, Jochi!”
“Dada! You went with Nanny Hani?” Tinakpan nito ang bibig at humagikgik. “Nami and Dada together?”
Kumunot ang noo ni Seungcheol. “Yup. It’s me who went with Jeonghan today. I drove us together here.”
“Dada! Good!” Nag-thumbs up pa ang anak.
May tipid na ngiti sa labi ni Jeonghan habang pinagmamasdan ang magtatay.
Jochi is extra happy today because she was fetched by her father and her favorite nanny. Nararamdaman iyon ni Seungcheol kaya hindi niya maiwasang ngumiti. He suddenly realized, maybe he should fetch Jochi more often. With Jeonghan. Nawawala lang ang ngiti niya tuwing sasagi sa isip ang demanding na trabaho.
-
It’s Thursday and everyone in the mansion can sense Jochi’s bad mood. Hindi naman mahirap suyuin si Jochi kapag ganitong wala sa mood. Isang mensahe lang ni Jeonghan sa mga uncle nito, tapos na ang problema. Though, Jeonghan never considers Jochi’s mood a problem because she’s still a kid who normally has bad weathers and he adores Jochi so much.
“Sino ang maswerteng uncle ang nabunot?” Tanong ni Soona kay Jeonghan nang pumasok ito sa kusina si Jeonghan.
Ipinakita ni Jeonghan ang kaniyang cellphone. Naka-flash sa screen ang message box nila ni Dino, na naka-save pa sa phone ni Jeonghan as “Uncle #5.”
“Uncle Dino.” Tawag ni Jochi.
“Yes, Jochi?” Inabot ni Dino ang isang ice cream sa pamangkin. “What’s wrong? Did you and your Dada fight?”
Umiling si Jochi.
“Nooo.”
“Pero are you angry at him?”
“I’m not galit. I’m never galit at Dada.”
Tumabi si Dino sa kanan ni Jochi. Sabay nilang kinain ang kaniya-kaniyang ice cream sa upuan ng SevenEleven.
May gusto pang sabihin si Jochi pero she cannot explain it by her age. It could lie on the corner of her mind, but she doesn’t realize it yet that words at her age couldn’t express. Matalino ang bata pero dahil hindi pa sapat ang edad para masabi ito nang maayos.
Among his five uncles, Dino understands that the most because he specialized basic education. So he’s here to help the kid express her feelings.
“So what are you thinking right now?” It’s the simplest way Dino can ask her. Hindi siya imemensahe ni Jeonghan kung wala lang. Masaya si Dino na nakakuha si Seungcheol ng nanny na kagaya ni Jeonghan. Halos limang taon na itong nagtatrabaho para kay Seungcheol at magaling pa rin ito sa trabaho niya. Masasabi niyang minamahal din ni Jeonghan ang bata.
“I’m thinking of… being fetched by Dada everyday. He was there… until he was not.”
Dino is not sure if Seungcheol was there yesterday or the other day or last week… Jochi couldn’t tell it exactly. Naiintindihan ni Dino—na recently, sinundo ni Seungcheol ang bata. At ngayon, hindi ang ama niya ang nagsundo.
“So what did you feel when you did not see him?”
“I’m sad. Uncle Dino, am I not important to Dada?”
“Ey.” Umiling si Dino. “Don’t think like that. If you’re not important to your Dada, then why is he working his big fat ass for the company?”
Narinig ni Dino ang hagikgik ni Jochi. Big fat ass, ulit ni Jochi. Natawa rin si Dino.
“Remember that. You have clothes, you live in a mansion, you have an ice cream right now kasi importante ka sa kaniya.”
Patuloy pa rin ang hagikgik ni Jochi. “Yeees. But you are the one who bought this ice cream, Uncle Dino? Why because of Dada?”
“He still think I’m a kid, he still gives me allowance.” Bulong ni Dino sa bata kaya sabay silang natawa.
And just like that, Jochi is okay. She just needs a little reminder from his uncle.
-
Noong gabing iyon, pagkalabas ni Jeonghan sa kwarto ni Jochi, nakasalubong niya si Seungcheol. Malalim ang mata nito at mukhang pagod. Hindi pa ito nakabihis pambahay kaya alam ni Jeonghan na kauuwi lamang nito mula sa trabaho.
“Oh?” Reaksyon ni Seungcheol. “Did she ask you to sleep with her again?” Tanong nito sa nanny.
Tumango si Jeonghan bilang sagot.
“Katutulog niya lang ba?”
Jeonghan hummed.
“Papasok sana ako pero… baka magising ko lang. I’m sorry if she’s too much to handle.”
Umiling at tahimik na ngumiti si Jeonghan. Napahinga nang malalim si Seungcheol habang pinagmamasdan ang nasa harap. Yumuko nang isang beses si Jeonghan bago umalis sa harap ng amo.
Ilang sandali pa nakatitig si Seungcheol sa kawalan bago sumulpot si Soona.
“Sir Seungcheol, napatawag si Uncle Dino kanina.” Pahayag ni Soona, may ngiti sa labi.
“May problema ba kanina?”
“Wala po pero mukhang nag-expect na kasama kayo ni Jeonghan sa pagsundo sa kaniya.”
Umawang ang labi ni Seungcheol. Maybe Jochi was just disappointed that she wasn’t able to see Seungcheol in her school. Sa katunayan, gusto ring ipangako ni Seungcheol sa anak na siya na ang magsusundo rito araw-araw pero nangingibabaw ang pag-aalinlangan. Ayaw niyang magsabi nang hindi naman siya makasisiguro. Dahil bakit siya mangangako ng bagay na hindi sigurado?
-
“Dude, I know you want to spend time with Jochi. You can do that, Seungcheol.” Joshua’s voice passed through Seungcheol’s ears. Itinabi ni Seungcheol ang kape. Hirap siyang bumalik sa trabaho kahit pa kaharap na ang laptop. Paano’y iniisip niya ang anak. Alas onse na, 30 minutos pagkatapos ay dismissal na ni Jochi. Gusto niyang sunduin ang anak kasama si Jeonghan pero… may trabaho siya.
“Ikaw ang boss ng kompanya. Kaya mong manipulahin ang oras mo.” Dagdag ni Joshua.
Napahilot ng sintido si Seungcheol. “Hindi iyan totoo. Tangina,”
Akala niya rin. Nabuhay din siya sa akalang kapag ikaw ang boss–hawak mo ang oras mo. Ngunit sa tagal niya sa propesyon at posisyon niya, ilang beses na niyang napatunayan na hindi gano’n ang realidad.
“Pero dude, ano ba naman yung oras na uuwi ka at sunduin ang anak mo? You have all the means. May kotse at driver ka. As the boss, have a break. Go back here pagkatapos. End. You don’t always have to think too much about it.” Kumbinsi pa ng kaibigan.
This time, inangat ni Seungcheol ang mata sa kaibigan. Ngumisi si Joshua dahil kilala niya ang kaibigan. Alam niyang nakumbinsi na niya si Seungcheol.
“Sometimes I wonder bakit ako pa ang unang naging magulang kaysa sayo.” Seungcheol chuckled. Thinking about what he was like in the past–he was too playful and reckless. He didn’t know what to do until Jochi happened. Also, compared to him, Joshua is the smarter and more responsible one.
-
Sa araw na iyon, hindi na hinayaan ni Seungcheol madatnan pa ng tanghali para makauwi ng bahay. Tama si Joshua. Maliit na bagay lang kung gagamitin niya ang kaunting oras na ito para sa anak. Maliit na bagay sa trabaho pero malaking bagay na pagdating sa anak.
“Dada!” Matinis na boses ni Jochi. Tumakbo siya palapit kay Seungcheol upang yumakap at magpakarga. “You’re here!”
“Of course. Can I say that I will fetch you everyday na?” Tinantya ni Seungcheol ang reaksyon ng anak. Ang biluging mata nito ay mas lalong namilog pa.
“Yes! With Nami?”
Magkasabay na dumapo ang dalawang pares ng mata kay Jeonghan. Hindi mapigilang matawa ni Jeonghan dahil doon. Magkamukhang-magkamukha.
“With Nami.” Seungcheol said with finality.
Ang pamilyar na kiliti sa sikmura ni Jeonghan ay naramdaman niya pagkatapos marinig iyon. Ayos lang namang pag-aralan ang sariling damdamin. Kay Jeonghan, ang kuryente o kiliting iyon ay pamilyar na pamilyar na sa kaniya sa loob ng limang taon. Ramdam niya iyon kapag kaharap, o kinakausap, o nakikita, o naririnig niya si Seungcheol.
“Sinong gusto ng ice cream?” Tanong ni Seungcheol nang makapasok na sila sa sasakyan.
“Me! Jochi! Jochi!” Aktibong sagot ng bata.
Nang tignan ni Seungcheol ang oras, kaya pa naman kung dadaan sila nang saglit sa SevenEleven. Hinayaan nilang umupo si Jochi sa backseat nang may suporta ng booster seatbelt. Nasa harapan pa rin si Jeonghan.
Saglit na tumingin si Jeonghan kay Jochi at sumenyas dito.
“Dada, Nami wants to buy ice cream for us po.”
Nabigla man, unti-unting tinanggap ni Seungcheol ang sinabi ng anak. Nagtataka siya kung paano naunawaan agad ni Jochi ang kaniyang nanny pero sumuko si Seungcheol at hinayaan si Jeonghan na ngumiti muna sa kanila bago lumabas ng sasakyan.
Habang pinagmamasdan ni Seungcheol si Jeonghan, hindi niya maiwasang pansinin ang mood nito kanina nang makita siya sa mansyon.
“Jochi, baby, I think Jeonghan has something in his mind while we were heading to your school.”
“Really? Hmm… I will ask him later po, Dada.”
Humalakhak si Seungcheol. Nilingon niya ang anak sa backseat at ginulo ang buhok nito. “Yeah, you can ask him later.”
“Aye! Aye!”
“Pero baby, can Dada ask you a question?”
“Yes what is it, Dada?”
Kailanman, hindi kinuwestyon ni Seungcheol si Jeonghan tungkol sa kondisyon nito. Five years ago, kinailangan lang naman umalis ng matandang si Yoojin sa paninilbihan kay Seungcheol dahil sa sariling pamilya. Bukod kay Soona, si Yoojin ang pinakamatagal na empleyadong nagtatrabaho para sa Choi. Sa pasasalamat ni Yoojin sa pamilya Choi, inirekomenda niya si Jeonghan na ipinakilalang pamangkin sa malayong pinsan mula probinsya. Pumunta si Jeonghan sa mansyon ni Seungcheol para maging katulong. Ang mga panahong iyon—lugmok si Seungcheol dahil mag-isang iniwan sa kaniya ang sanggol na si Jochi. Walang ibang kasama si Seungcheol kundi ang mga kaibigan dahil nanirahan na sa ibang bansa ang buong pamilya.
Hindi sasabihin ni Seungcheol na hindi siya nakaramdam ng tampo sa mga magulang dahil wala siyang nakuhang tulong mula rito. May edad na siya nang magkaroong Jochi sa buhay. May sapat na ring trabaho. May sarili ng mansyon kahit pa sinisimulan pa lang itaguyod ang kompanya. Masasabi niya noong panahon na iyon, hindi na siya responsibilidad ng mga magulang.
Nakaramdam siya ng tampo pero habang lumilipas ang taon, masasabi niya sa sarili na, wala nang lugar ang sama ng loob sa puso niya. Si Jochi— tanging si Jochi na lang ang iisipin sa lahat ng pagkakataon.
Sa mga panahon na kinakailangan niya ang suporta kay Jochi, isa si Jeonghan sa nagpagaan ng pasan sa balikat niya.
Seungcheol has a lot of friends—Joshua was there. Hoshi was also there. Mingyu, Vernon and Dino. They were with him. Though, sometimes Seungcheol thought he was bothering them too much. Busy rin sila sa kani-kanilang buhay. Lalo na si Mingyu, Vernon at Dino na nagsisimula pa lang ng career that time dahil mas bata ito ng ilang taon pa.
“You’re scared.” Joshua said. “I know you well enough, Choi Seungcheol. You are fucking scared.”
“Yes, Shua! Takot ako.” Sabay mura. “Natatakot ako sa responsibilidad kay Jochi dahil paano ako magiging ama sa kaniya? Kilala mo ako. Kilalang-kilala mo ako! Tarantado lang ako. Hindi—hindi ko kayang bumuhay ng bata—”
“Kilala kita, Cheol. Magiging mabuti kang ama.”
Ngumisi si Seungcheol sa narinig pero hindi iyon umabot sa tainga niya.
“Dude, sa tingin mo hindi ka naging parang ama kay Vernon at Dino? Gago. Halos kupkupin mo yung dalawang iyon! And I won’t hesitate to say this again in front of them kasi mismong sa kanila ko narinig iyan. You’re like a father to them. They looked up to you so much. Mabuti kang tao, learn to take credit for that. Mayabang ka pero hindi ka pa sobrang mayabang para sabihin na magiging magaling kang tatay, e.”
Since then, naging mabuting uncle din ang lima kay Jochi. Seungcheol survived that kind of chaos. Gulong-gulo siya at takot na takot noon. However, amidst of his fears, he loves Jochi so much. His love for Jochi was more than what he feared. He will face anything for her because he loves his daughter unconditionally. At wala namang nagmamahal nang hindi natatakot, diba?
Aside from his friends, there was Jeonghan. He was obviously naïve and very introverted back then. Mute din siya pero bilib si Seungcheol. Hindi iyon naging problema sa trabaho niya sa mansyon. Mas na-appreciate pa nga ni Seungcheol dahil para bang kahit hindi mo na gamitan si Jeonghan ng salita ay alam na alam na niya ang gagawin niya.
But sometimes, he wonders.
“How do you understand Jeonghan if he can’t speak?” Iyan ang tanong niya sa anak niya.
“You mean, how can I understand Nami without using words?” Jochi asked back.
Nilingon muli ni Seungcheol ang anak sa back seat. She was basically waiting for her father to look at her. Tumango si Seungcheol nang ma-realize na mali nga naman ang mga salitang ginamit niya sa tanong. Thanks to Jochi for rephrasing that.
“I just tell him to use words, Dada. I always ask him politely naman po.”
“He's—” Nag-aalinlangan si Seungcheol pero mas maiintindihan siya ni Jochi kung straightforward siya sa mga bagay na gusto niyang itanong o sabihin. Kaya sinabi niya. “He’s mute, Jochi.”
Nakita ni Seungcheol ang pagkunot ng noo ng kanyang anak. Ang bilugang nga mata ay halatang nalilito. “Dada, what is mute po?”
“Oh. Mute is when a person cannot speak or when someone cannot use words. It’s like when you turn down the volume of your iPad, baby. It’s muted.” Sinubukang isalin ni Seungcheol sa madaling salita at madaling maunawaan. “No sounds or no words. Like your nanny. He only uses gestures.”
“Nami is silent and he uses gestures pero he can speak po, Dada. I like his voice because he sings beautifully, too. He always does that when he sends me to bed.” Inosenteng sagot ni Jochi habang nakangiti. “You should come with us to bed, Dada. You will hear his beautiful voice, just like his pretty face. Right, Dada?”
Hindi agad nakaimik si Seungcheol sa sinabi ng anak. Marami siyang gustong iproseso na may iisang tanong sa isip na “totoo ba?”
Totoo bang una, nakakapagsalita si Jeonghan? Pangalawa, kinakantahan nito lagi si Jochi. Pangatlo, tinatanong siya ni Jochi kung sumasang-ayon siyang maganda si Jeonghan. Panghuli, kung gugustuhin ba niyang nasa iisang kwarto silang tatlo?
Wala naman ng balak umimik pa si Seungcheol nang makarating si Jeonghan sa kotse. Binigyan ni Jeonghan si Jochi ng isang jar ng ice cream pagkatapos buksan ito. Inabot niya rin ang kutsara sa bata nang sabihin ni Jochi na “I can eat by myself na po, Nami. Thank you.”
Pagkatapos, inabot ni Jeonghan kay Seungcheol ang isa pang ice cream. “Thank you. Iuwi mo na lang. Kumuha ka ba ng sayo?”
Tumango si Jeonghan at ipinakita ang isa pang ice cream sa kandungan niya. Mabilis na tumango si Seungcheol at nagmaneho pabalik sa mansyon. Sa biyahe, tahimik na kumakain si Jochi habang inaabangan ni Jeonghan kung magkakalat ba ito.
“Careful, Jochi. It might fall.” Paalala ni Seungcheol. From the way Jeonghan was looking over Jochi and the ground, iyon ang nais niyang sabihin. Nakita ni Seungcheol sa gilid ng mata ang maliit na ngiti ni Jeonghan.
-
Seungcheol should never mind if Jeonghan did not tell anything about him. Na-realize din ni Seungcheol na pagkukulang niya rin iyon, five years ago, he was too busy to mind Jochi but everyone. He was too occupied giving Jochi’s needs alone. Kasalanan niya rin kung hindi siya masyadong nagbigay ng atensyon sa iba. Dahil bilang isang boss din, dapat kilala niya kung sino at anong klaseng tao ang mga nasa paligid niya at ng anak.
Pero hindi niya maiwasang magtaka.
Everybody in the mansion–but Jochi, of course– knows that Jeonghan is mute. He cannot speak. That’s what Seungcheol thought. Tinanong niya rin sa isip kung siya lang ba ang nag-aakala na pipi ito? Alam ba ni Soona?
Noong una, pinagdudahan niya ang sarili na siya lang ang nag-assume na pipi si Jeonghan. Hanggang sa makasiguro siya. He became more observant around the people in the mansion. Lahat ng tao ay nag-a-assume na hindi ito nakapagsasalita. Except Jochi. Sigurado na siya doon, hindi siya magtatagal sa propesyon kung hindi niya kayang manigurado.
Seungcheol thought over such things like that. Pagkatapos niyang makasiguro doon, ang sunod na dapat itanong, totoo ba ang sinabi ng anak? Jochi wouldn’t lie about that. Jochi always says the truth.
Doubting Jochi’s words felt so wrong for Seungcheol. Anak niya yan. Hindi niya ito kailanman tinuruang magsinungaling. Nagkukulang siya sa oras sa anak pero hindi sa mga paalala.
Pero isa rin sa sinusuguro niya, kung mapatunayan niya na hindi talaga pipi si Jeonghan, bakit? Bakit niya hinahayaang i-assume ng lahat na hindi siya nakakapagsalita?
-
“Yes, Mr. Choi. You can take an early out. Wala na po kayong schedule after 4pm.” Kumpirma ni Seungkwan kay Seungcheol. Ngumiti ito pagkatapos tumingin sa iPad niya na may lamang schedule ng kaniyang boss.
Tumango si Seungcheol habang niluluwagan ang necktie. “Gumawa na ba tayo ng schedule para sa meeting ng mga branch?”
“Opo. Bukas po ng umaga.”
“They should be ready for the actual report. Lalo na yung mga branch na nilagyan ko ng red note? Ipaalala mo ulit bukas.”
“Opo, Mr. Choi. Noted on that.” Sagot ni Seungkwan habang mabilis na nagtitipa sa kaniyang iPad. Hindi pinalalampas na maglagay ng reminder sa lahat ng sinabi ng boss.
“Update me when you’re done with the memo. Pipirmahan ko before seven in the evening pagkatapos pwede mo nang ibaba sa lahat ng branches. After that, pwede ka na ring mag-out.” Tinapik ni Seungcheol ang balikat ni Seungkwan bago ito umalis sa opisina.
Hindi inaasahan ng lahat ang maagang pagdating ni Seungcheol sa mansyon. Ang pinakamasaya sa lahat ay walang iba kundi si Jochi. Nagpasya ang mag-ama na kumain ng dinner sa dining table na sadyang itinabi sa pool area. Isa-isang inilalapag ni Soona at Jeonghan ang mga pagkaing inihanda.
May munting ngiti sa labi ni Jeonghan habang pinagmamasdan si Jochi. Inilapag ni Jeonghan ang huling ulam at akmang aalis na nang tawagin siya ni Seungcheol.
“Jeonghan.”
Tumigil si Jeonghan at humarap kay Seungcheol. Sa paraan nitong tumingin ay nag-aabang ito ng sasabihin ni Seungcheol.
“Pakilabas din ng isang canned beer. Pakisabi kay Soona.”
Tumango si Jeonghan at walang alinlangang tumalikod. Ang bawat oras ay parang pagkakataon kay Seungcheol upang tanungin mismo kay Jeonghan ang kaniyang kalagayan. Pero nasanay siya na, ang pagkakataon ay hindi palaging pagkakataon. Pipiliin mo rin talaga kung kailan ang sakto para sa mga bagay-bagay. Kaya dapat sa buhay, magaling kang magkalkula.
-
Before seven o’ clock, Seungcheol sent Jochi to her bedroom with Jeonghan. Nagpaalam si Seungcheol sa dalawa na kukuhain ang laptop sandali dahil may nakatakda pa siyang pirmahan para kay Seungkwan. Hindi naman iyon nagtagal ng ilang oras. Pagkatapos mabasa ni Seungcheol ang memo, binigyan niya na si Seungkwan ng permiso para ibaba ito sa lahat ng branch.
The moment he stepped near Jochi’s bedroom, he heard someone’s humming. Pamilyar yon sa tainga niya. Naririnig niya ang tinig na iyon kay Jeonghan tuwing minsan itong mag-re-react. Pero sa limang taon na kasama niya ito o nakikita, minsan lang iyon mangyari.
There now, steady love, so few come and don't go
Will you, won't you, be the one I'll always know?
Nang pumasok siya sa kwarto, tuluyan niyang narinig ang boses ni Jeonghan. Mas klaro. Seungcheol knows Jochi wasn’t lying because she doesn’t have reasons to. Most importantly, she is her daughter so he believed her.
When I'm losing my control, the city spins around
You're the only one who knows to slow it down
Pero iba pa rin yung dating kapag mas napatunayan mo sa sarili nang hindi nangangailangan ng boses ng iba. Seungcheol can hear Jeonghan clearly. Singing that song… endearingly. Hindi lang siya nakikinig na pumapasok sa isang tainga at lumalabas sa kabila. Dumadaloy din iyon sa puso ni Seungcheol.
Oh-ooh-oh, oh-ooh-oh
Be my baby
Jeonghan sings it with his heart. Kaya hindi matanggi na dumadaloy din kay Seungcheol ang bawat labas at bigkas ng tono ni Jeonghan sa kanta.
“Jeonghan.”
A normal person would be startled. If it is their intention to lie about something, they would say sorry for two reasons. First, because they got caught or second, because they lied.
Hinarap ni Jeonghan si Seungcheol. Tumingin ito sa kaniya nang maingat. Normal iyon sa paraan nitong sumipat ngunit alam ni Seungcheol na pinag-aaralan din ni Jeonghan ang iniisip niya.
Is it okay to say this? Sa isip ni Seungcheol. Matagal niya na ring hindi sinasabi sa sarili pero pansin na pansin talaga niya ang malamang tingin ni Jeonghan. Para bang marami itong gustong sabihin na nakabitin lang sa ere. Para bang may pumipigil sa kaniya pero kung titignan mo nang maayos, pinipili niya lang manahimik. Seungcheol wonders how can someone do something like that. How can Jeonghan look at him like he wants to say something but chose to be silent?
-
“Nakakapagsalita ka.” Gustong matawa ni Seungcheol habang nakasandal sa swivel chair ng opisina niya sa bahay. Nakatayo sa harapan niya ngayon si Jeonghan. Tahimik na naghihintay sa sasabihin ni Seungcheol.
“Di ko masabing nagsinungaling ka. Di rin pwedeng sabihing naglihim ka. I never asked you. People assumed you can’t speak, and it’s not your fault. It lies in between those things. Tama?”
Tumango si Jeonghan. Hindi niya itatanggi iyon. Wala siyang rason para hindi sumang-ayon sa amo.
“Pero malaman mo sana, na hindi ko na rin nararamdamang totoo ka ngayon. You lied or not, it cannot guarantee your honesty to me anymore.”
Napayuko si Jeonghan dahil sa kahihiyan. Tinitigan siya ni Seungcheol—he wasn’t fidgeting a while ago but now. Nakikita ni Seungcheol ngayon kung paano ito magpakita ng pagkanerybos. Ngayong alam na ni Seungcheol na kaya nitong magsalita, panahon na siguro para itanong ang bagay na ito kay Jeonghan.
“May gusto ka bang sabihin?”
Inangat ni Jeonghan ang ulo upang tignan ang amo. Namumula ang gilid ng mata nito. Namumula ang gitna ng matangos na ilong. Kung tutuusin, mukhang itong mula sa iyak ngunit wala namang nakitang luha si Seungcheol. Binuksan nito ang labi para magsalita ngunit sinarang muli. Binuksan at isinara.
Naiinis si Seungcheol. Siguro iyon din ang hindi niya matanggap. Kaya nitong magsalita pero pinipiling hindi. Kayang magsalita pero nakadepende sa taong kaharap. Sa inaakto nito ngayon, nagsasalita lang siya sa mga taong alam niyang hindi siya magagawang saktan. Doon sa mga komportable lamang at matinding pinagkakatiwalaan. Tulad ni Jochi. Nagsasalita siya rito dahil isa itong bata. Inosente. Musmos. Hindi ka gagawan ng masama. Doon, alam na alam na ni Seungcheol na may higit pa sa kung anong ipinapakita si Jeonghan. Ang mata at kung paano ito tumingin— lalong alam na niyang may laman.
Tumayo si Seungcheol sa kinauupuan niya. Pagkatapos, lumapit kay Jeonghan. Mainit ang tensyon sa dalawa.
“Yoon Jeonghan. Nirekomenda ni Yoojin Kim. Pinakamatagal na empleyado ng Choi. Limang taon nang nakalipas. Kung iisipin ko, management call. Hindi kita kilala pero nakapagtrabaho ka sakin ng ilang taon. Kasalanan ko ‘yon.”
“S-sorry po.” Nakayukong sambit ni Jeonghan, nanginginig ang boses. Gustong pansinin ni Seungcheol kung gaano kalambing ang boses nito. Gusto niyang mawala at sandaling isantabi kung gaano kaseryoso ang tensyon sa kanila, para lang purihin niya ang magandang boses ni Jeonghan.
“Huli na ba ako para humingi ng pormal na impormasyon tungkol sayo?”
Inangat ni Jeonghan ang tingin. “Po?”
“Gumawa ka ng resume.”
“Hindi…hindi ko po alam.”
Natigil si Seungcheol. Sa totoo lang, wala sa plano ni Seungcheol ang komprontahin si Jeonghan tungkol dito. Dahil sa loob ng limang taon, hindi naman ito gumawa ng ikapapahamak niya at lalong-lalo ni Jochi. May malaki ring pagkakamali si Seungcheol kung sakaling pagtangkaan ni Jeonghan ng masama ang pamilya. Hindi niya ito inusisa. Nagtiwala siya sa nagrekomenda rito, na siya ring nakasama nya habang lumalaki. Yoojin Kim. Jeonghan Yoon. Naglalaro sa isip niya.
-
“Pero hindi nga siya gumawa ng masama.” Mingyu said firmly. They were in the living room of Seungcheol’s office. Ilang minuto na lang, meeting na ng lahat ng branch pero dahil ayon kay Mingyu, mukhang natataeng kwago si Seungcheol dahil sa iniisip, pinilit ni Mingyu na sabihin nito ang problema. Turns out, tungkol pala kay Jeonghan.
“Ako ha.” Umpisa ni Mingyu. “Kahit naman noon pa na nagha-hire tayo ng katulong, hindi tayo humihingi ng application form—”
“Dahil galing sila sa agency.” Punto ni Seungcheol.
“Oo. Galing sila sa agency pero you know this enough, in those kind of setting, marami ring empleyado natin ang nirekomenda lang. Take note, ng mayordoma mo, ng mayordoma ng pamilya Choi. Para saan ang pagdududa, Seungcheol?”
Wala nang balak pang sumagot si Seungcheol dahil patong-patong na ang iniisip niya. Bukod doon, pumasok na si Seungkwan sa opisina para sabihing nakahanda na ang lahat
“Do not interrogate Jeonghan, Seungcheol. He is Jochi’s nanny with pretty face and with pretty nice hips. No harm intended.” Pahabol ni Mingyu sabay kindat. Gustong bigyan ni Seungcheol ng isang bagsak sa ulo ang kaibigan pero mamaya na, magtutuos muna siya at ang problema niyang branch mula pa noong nakaraan.
Everything in the meeting is going smoothly. Fortunately, walang sinuman ang nagtangkang maging pasaway sa meeting. Tinignan ni Seungcheol ang wrist watch. Bente minutos pagkatapos ay kailangan niya nang umalis sa meeting. Kailangan niyang sunduin ang anak. Expectedly, saktong 11 o’ clock ay tapos na ang presentation ng bawat branch pero mukhang mag-e-extend ito ng kalahating oras. Kung saan kung hihintayin ni Seungcheol matapos, mali-late siya sa pagsundo sa anak.
Kinse minutos ang nakalipas ay binulungan niya si Seungkwan. Mauuna na siya at hindi na tatapusin hanggang dulo ang meeting. Binilin niya kay Joshua na siya ang mag wrap up ng meeting para sa lahat ng team. Wala namang kasong tumango ang kaibigan. Nagpaalam siya sa mata ng mga kaibigan—si Joshua at Mingyu na kasama ngayon sa meeting bago tuluyang umalis.
-
Sa mansyon, nakita niya si Soona na naglilinis ng sala. Nakita niya rin si Agustin na nagpapainit ng sasakyan bago pumasok ng mansyon. Tinanong niya pa ang driver kung nasaan si Jeonghan dahil karaniwan, naghihintay na ito ng ganitong oras malapit sa sasakyan.
“Nasa kusina, Sir Cheol. Mukhang masama ang pakiramdam.” Pahayag ni Soona.
Hindi na umimik si Seungcheol at dumiretso sa kusina. Nakita niya sa lababo si Jeonghan. Naghuhugas ito ng pinggan. Nagtaka si Seungcheol. Mukhang hindi naman masama ang pakiramdam nito. Mukhang wala ring balak sumama sa pagsundo kay Jochi dahil may ginagawa pa.
“Jeonghan?”
Tumingin si Jeonghan mula sa balikat niya bago humarap sa amo. Ang manipis na katawan ni Jeonghan ay nakabalot ng apron.
“We will fetch Jochi. Hindi ka ba sasama?”
Yumuko si Jeonghan bago tumigil sa ginagawa. “K-kailangan pa po ba ako?”
Kumunot lalo ang noo ni Seungcheol at hindi niya iyon balak itago sa taong nasa harapan. Niluwagan ni Seungcheol ang kanyang necktie—ang karaniwang ginagawa kapag na-i-stress. “Maghanda ka na. Sasama ka sa akin.”
Sa limang taon ni Jeonghan kay Seungcheol , ito lang yata ang pagkakataon na nagbigay ng pormal na utos si Seungcheol sa kaniya. Dahil nabanggit niya nga noon, si Jeonghan ang tipo ng empleyado na para bang hindi na nangangailangan ng salita para kumilos. Anong nangyari ngayon at tila kailangan niya ng pagmamando ni Seungcheol?
Nang makapasok si Jeonghan sa passenger seat ng sasakyan kung saan naghihintay din si Seungcheol, pinaandar agad ng amo ang sasakyan.
“Seatbelt.” Paalala ni Seungcheol.
Tahimik na ikinabit ni Jeonghan ang seatbelt sa kaniyang beywang bago pa makalabas ng main gate. Sa byahe, tahimik ang dalawa. Kakaiba na ang hangin sa kanila, hindi maitatanggi. Hindi pa sigurado si Seungcheol pero baka dahil sa katotohanang nalaman tungkol kay Jeonghan. Sa kabilang banda, sigurado na si Jeonghan na nagbago ang tingin ni Seungcheol sa kaniya.
“Sana alam mong trabaho mo pa ring bantayan at alagaan si Jochi.” Isa pang paalala ni Seungcheol kay Jeonghan.
Tinignan ni Jeonghan si Seungcheol na seryosong nakatingin sa kalsada at nagmamaneho. Uminit agad ang gilid ng kaniyang mata dahil sa tabang na dumaloy sa loob niya galing sa mga salitang iyon.
Dahil totoo naman ito. Sa pamilya, si Jeonghan ang mas inaasahan sa pag-aalaga kay Jochi. Marami mang ibang kasambahay at nandyan man si Soona, mas komportable si Jochi kay Jeonghan. Kaya oo, trabaho ni Jeonghan ang alagaan ang bata. Asikasuhin sa pagpasok sa eskwela. Pakainin at patulugin sa tamang oras. Iyon lang.
Hindi man niya agad maipaliwanag ang lamig ng kuryenteng dati kumikiliti sa tiyan, tinatanggap niya na nang may lungkot sa puso ang lahat.
-
“Dada?” Tawag ni Jochi sa back seat.
“Yes, baby?”
“Nami is acting weird lately.”
Natigil si Seungcheol sandali nang marinig iyon. Nasa tapat ngayon ng SevenEleven ang sasakyan. Hinihintay muli nilang lumabas galing dito si Jeonghan dahil bumili ito ulit ng ice cream at ibang school supplies na kailangan ni Jochi para sa eskwela.
Hearing those words from Jochi sent something cold inside Seungcheol. “He’s acting weird? How?”
“He looks sad lately, Dada. He’s completely not saying anything to me po… he went back to just humming, nodding when he answers.”
May matulis na bagay ang tumusok sa konsensya ni Seungcheol. Hindi niya maiwasang iugnay iyon sa mga nasabi niya noong gabing malaman niya ang tungkol sa kondisyon nito.
“Does he still sing for you, Jochi?” Tanong ni Seungcheol.
“Opo pero he sounds… sad.”
“Are you sad, too?” Tinignan ni Seungcheol ang anak sa backseat na nakanguso ngayon. Ang namimilog na mata ay mamula-mula, hudyat ng nagbabadyang luha. Agad na ngumiti si Seungcheol sa anak para aluhin. “I’ll talk to Nami, okay?” Pinisil ni Seungcheol ang pisngi ng anak habang tumatango ito.
-
Gusto mang kausapin ni Seungcheol si Jeonghan, hindi na niya nagawa nang mga sumunod na araw dahil sunod-sunod ang demand ng trabaho. Mas naging busy siya kumpara noong mga nakaraan. Dahil din naging busy pa, hindi na niya nagawang sunduin si Jochi pero nangako siyang siya ang maghahatid sa eskwela.
Kung saan nagawa naman niyang maihatid ang anak pero hindi na kasama si Jeonghan dahil dumi-diretso na ito sa trabaho.
Sa mga sumunod na araw, si Jeonghan na lamang ang sumusundo kay Jochi.
“Do you find Dada pogi?” Ngisi ni Jochi.
Tumango si Jeonghan nang may tipid na ngiti sa labi. Humagikgik ang bata at nagkwento pa tungkol sa ama niya.
“A lot of my teachers, Nami, ask about my dad po. They are happy raw po kasi nakikita na nila si Dada araw-araw.”
“What?” Angil ni Jeonghan.
Nilingon ni Jochi ang kaniyang nanny. “Yes, Nami. They got all ngisay kapag nakikita nila si dada.”
“Ngisay?” Ulit ni Jeonghan.
Tumango-tango si Jochi. “Ngisay with their teeth showing and with pinky cheeks.”
Naunawaan na ni Jeonghan pagkatapos ng sinabi ni Jochi. Masasabi ni Jeonghan na hindi lamang siya ang nakakaramdam ng kakaiba para kay Seungcheol. Isa pa, may iba-iba talagang paraan ang mga tao para ipakita iyon. Kung ang mga teachers ni Jochi ay sa paraang nangingisay at namumula, kay Jeonghan ay sa paraang tahimik.
May bagay namang tumusok sa kalooban ni Jeonghan habang iniisip na baka nga sa trabaho ni Seungcheol ay hile-hilerang magagandang babae at lalaki ang nakakatapat nito. Bukod dun, lahat ng iyon ay kayang ipahayag ang pag-ibig kay Seungcheol nang hindi man lamang nauutal.
Hindi naman eksperto si Jeonghan doon.
At isa pa, wala sa isip niya ang ideklara ang bagay na hindi pa naman matatawag na… pag-ibig. Para kay Jeonghan, isa lang itong damdamin na hindi pwedeng pangalanan.
-
Pinagmasdan ni Seungcheol ang natutulog na anak sa kama nito. Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama upang hindi magising ang anak. Inayos niya ang buhok nitong tumatakip sa mukha.
Tumulay ang kamay ni Seungcheol sa pisngi ni Jeonghan, na kasalukuyang katabi rin ng kaniyang anak sa pagtulog. Mukhang dinatnan na ng antok si Jeonghan dito sa kwarto.
Sa pagkakataong ito, matindi ang pagsisisi ni Seungcheol dahil sa pakikitungo niya lately sa nanny ng anak. Tama si Mingyu. Limang taon at hindi napahamak si Jochi dahil kay Jeonghan. Kaya ano bang pagdududahan niya? At sa ganito kaganda… at anghel na mukha ay makakagawa ng masama?
Parang isang adiksyon kay Seungcheol ang malambot nitong pisngi at makinis na mukha kaya bago pa tuluyang malulong ay inalis na niya ang daliri dito.
Unti-unti namang dumilat ang mata ni Jeonghan nang makaramdam ng lamig dahil sa pagkakatanggal ng daliri ni Seungcheol sa pisngi niya.
Seungcheol did not react too much about getting himself caught in the action. Ganu’n din si Jeonghan. He seems like he doesn’t mind. Ilang sandali silang nanatiling nagsusukatan ng tingin. Pagkatapos, wala namang sinabi.
-
Pinaupo ni Seungcheol sa sofa ng opisina niya si Jeonghan. Ngayon, pinatawag ni Seungcheol ang nanny ng anak. Sa oras na ito ay pinili niyang paupuin si Jeonghan at kausapin ito sa living area ng kaniyang opisina sa bahay.
Jeonghan nodded quietly as he sits down across Seungcheol.
“I’m sorry.” Mahinahong paumanhin ni Seungcheol.
Mabilis na inangat ni Jeonghan ang tingin sa kanyang amo. Pinag-aaralan ang ekspresyon nito. Maingat ang mga mata nito habang pinapanood rin kung ano ang reaksyon niya. Ang malulungkot na bagay na dumadaloy sa sikmura niya ay unti-unting nagkakaroon muli ng buhay.
Ngunit isa sa napansin niya, hindi na maalis ang bigat sa loob. Hindi na magaan ang loob niya kahit pa humingi ng tawad ang amo.
“Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magsalita. Mali ako kung naiparamdam ko yun sayo.”
Umiwas ng tingin si Jeonghan mula sa amo. Binalik niya ang mga mata sa hita niya.
“You’ve been with Jochi since she was just a baby. Until now. Jochi is safe because of you. She’s admirable. She’s kind. She’s smart. All because you were there to guide her and look out for her. You’re always been so caring and gentle with Jochi. And… I’m really sorry, Jeonghan, if I made you feel like you’re being forced to do something you do not like. Such us talking...”
Tahimik pa rin si Jeonghan. Hindi niya maibalik ang mata sa amo.
“Totoong nagduda ako sayo pero na-realize kong hindi dapat. Kaya rin nasabi ko ang mga bagay na yon. But I didn’t mean to force you to something. O kung ganon man ang naramdaman mo?”
Tumango si Jeonghan.
“Naramdaman mo yun? Na pinipilit kita?”
Umiling ito. “But everytime you… you’re looking at me, I-I felt like… I-I need to speak.”
Tumayo si Seungcheol mula sa kinauupuan. Parang otomatiko kasi yung katawan niyang gustong tumabi kay Jeonghan. Alanganin siyang umupo sa kaliwa nito, pagkatapos, pinisil ang baba ni Jeonghan upang iangat ang tingin nito.
Nang magtama ang mata nilang dalawa, doon naramdaman ni Jeonghan ang pagguho ng pader ng mga pag-aalinlangan niya. Binabawi niya sa sarili ang sinabi kanina. Maling-mali siyang sabihin na hindi nawala ang bigat sa loob niya kahit nanghingi si Seungcheol ng tawad. Dahil naliligaw na siya sa kung paano humagod ng suyo ang mga mata ni Seungcheol. Unti-unti niyang nararamdamang bumabagsak ang sama ng loob na nasa dibdib kanina dahil sa tingin nito.
Seungcheol was never like any other men in Jeonghan’s life in the past. Men in his life never did redeem themselves whether they said sorry or not. They never stand a chance for Jeonghan’s forgiveness. Kapag pinahamak mo siya, kapag nawala na ang tiwala niya, wala na. Tapos na.
“I never should've doubt you, Jeonghan. Bukod sa mga kaibigan ko, isa ka sa nagpalaki kay Jochi. Sobrang masaya ako dahil ikaw yon. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat ng ginawa mo para kay Jochi.”
Pinagdikit ni Jeonghan ang mga labi niya para magbigay ng isang pilit na ngiti. Hindi nakaalis sa kaniya ang pagtingin ni Seungcheol sa mga labi bago ibalik sa mga mata niya. Ngumiti rin ang amo nang tipid. Ipinakita noon ang dimples na gaya kay Jochi.
Tumango si Jeonghan bilang tugon sa sinabi ng amo.
“Hindi mo kailangang ipwersa ang sarili mo. Naging pagkakamali ko iyon kaya humihingi ako ng pasensya “
-
Pagkatapos ng araw na iyon, mas naging magaan ang pakikitungo ni Jeonghan kay Seungcheol. Tulad pa rin siya ng dati na hindi palasalita pero mas naramdaman ni Seungcheol na komportable ito at walang dinadalang alinlangan.
Nagkaroon lang naman ng tensyon sa kanila mula noong malaman ni Seungcheol na kaya niyang magsalita. Days before that, naging magaan muli ang tingin nila sa isa’t isa– na ngayon, masasabi ni Seungcheol na nanunumbalik na ang palagay nito sa kanya dahil nakapag-usap na sila.
“You’re okay na, Nami?” Jochi smiled at Jeonghan.
Kumunot ang noo ni Jeonghan. Gustong itanong kung anong ibig sabihin ng bata.
“Di ka po okay last time po.” Inabot ni Jochi ang kamay ni Jeonghan para makapaglakad na sila papunta sa kotse.
“Ah, I missed Dada today.”
Pero hinatid naman siya ni Seungcheol ngayon? Sa isip ni Jeonghan. Mukhang hindi pa kontento ang bata sa paghatid sa kaniya. Kung tutuusin, hindi naman nagrereklamo si Jochi. Hindi rin naman reklamo kung ituturing kung gusto niyang hatid-sundo siya ng kanyang ama. Ang sinasabi ni Jeonghan sa isip, parang mas naging needy ngayon ang bata.
“Nami, can you be with me until I fall asleep again?”
Lumuhod si Jeonghan upang mapantayan ang tingin ni Jochi. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito pagkatapos inayos ang mga buhok. “Hmm.” Tumango si Jeonghan at ngumiti nang malaki.
“Today is Dada’s birthday po, diba? I bet he will drink with my uncles. I'd like to sleep this afternoon para po I have energy in the evening.”
Ngumiti si Jeonghan dahil sa narinig. “Nami will sleep with Jochi. Yes.”
“Thanks, Nami. I will be pagod po because uncles surely gonna go play with me.”
Natawa si Jeonghan sa sinabi ni Jochi. Pwede naman niyang sabihin sa mga uncle na gusto na niyang magpahinga pero dahil every year itong nagaganap, alam nilang lahat na magiging mas hyper pa ang mga uncle kaysa sa bata. Lalong-lalo na si Mingyu at si Dino.
“Tawagin mo po si Nami kapag pagod ka na.”
“Aye! Aye!” Sabay saludo pa nito na mas lalong ikinatawa ni Jeonghan.
-
Pagkatuntong ni Jeonghan at ni Jochi sa mansyon, nadatnan agad nila ang ibang kasambahay na nag-aasikaso ng mga hahandaing pagkain para sa kaarawan ni Seungcheol. Si Soona ay agad na kinuha si Jochi mula kay Jeonghan para bihisan habang wala pa ang ilang uncle.
Gusto sanang sabihin ni Jeonghan na nangako siya kay Jochi na siya ang magpapatulog dito pero abala si Soona na magbilin sa mga kasambahay. Nagsimula namang tumulong si Jeonghan nang paunti-unti sa gawain.
Hindi pa nakararami ng kilos si Jeonghan ay agad na niyang narinig ang boses ni Soona mula sa hagdan. Agad siyang lumapit sa mayordoma upang tugunan ito. “Umiiyak si Jochi. Ikaw ang tinatawag. Inaantok na iyon kaya nagloloko.”
Alam agad ni Jeonghan ang gagawin. Tumango siya sa mayordoma at umakyat na sa kwarto ni Jochi.
Hindi naman namimili ng kasama si Jochi. Sa palagay ni Jeonghan, may iniisip ang bata kaya hindi consistent ang mood nitong mga nakaraan.
“Nami, I don’t want to sleep alone. I always have nightmares when I’m alone.”
“Hmm.” Jeonghan only hummed as he scooped Jochi’s body closer to him. “Maybe it wont be a nightmare anymore if you will share it to Nami?”
Jochi nodded. “Pero it’s about Daddy Seungcheol and a monster. How can a monster not be a nightmare!”
“Okay. Tell Nami about the monster first.”
“The monster always chase after my Dada. I always see it…”
Sa katunayan, mahaba ang kinukwento ni Jochi pero hindi niya lang ma-realize na iisang pangyayari lang ang sinasabi niya. Pinipigilang matawa ni Jeonghan dahil patuloy sa pagsasalita ang bata hanggang maramdaman ni Jeonghan na unti-unting bumibigay ang katawan nito sa yakap niya. Ibig sabihin, nakukuha na nito ang kanyang tulog.
Hindi napansin ni Jeonghan ang oras. Ito ang gusto niya sa trabaho at sa buhay ngayon. Hindi niya hinihintay ang oras. Hindi siya takot sa bukas. Ang oras niya ay kasabay ng oras ni Jochi. Kaya nang marinig ang pinto ng kwarto ni Jochi, ay agad niyang nakita si Seungcheol. Napatanong siya sa isip kung gabi na ba, o umuwi lamang ng maaga ang amo?
“Umuwi ako nang maaga kasi nangungulit na sila Gyu.” Otomatikong pahayag ni Seungcheol palapit sa kama ng anak. Gaya ng karaniwan, sa kabilang dulo ito ng kama umuupo. Sa kanan ni Jochi dahil nasa kaliwa si Jeonghan nakahiga.
Normal na ito kay Jeonghan. Hindi siya nagrereklamo kahit pa maraming nagwawala sa sikmura niya tuwing iniisip ang pwesto nila. Hindi niya alam kung paano ito tawagin pero may pinaparamdam iyon sa kaniyang kalooban na hindi maipaliwanag.
“I…” Simula ni Jeonghan. “I should step out. Tutulong ako sa baba...”
Tumango si Seungcheol at hindi na pinigilan pa ang isa. Kabaliktaran ng agad na pagpayag ni Seungcheol ang kanyang anak na si Jochi. Mabilis itong nag-react sa kanilang gitna nang makitang aalis si Jeonghan.
“Dada?” Tawag nito nang makita si Seungcheol sa kabilang tabi niya. “Nami… stay.”
Nagkatinginan muna si Jeonghan at Seungcheol bago bumalik si Jeonghan sa pwesto para pagbigyan ang gusto ni Jochi.
Normal naman ito. Kay Jochi at Seungcheol, hindi nila ugaling maglagay ng sobrang halaga sa posisyon mo sa kanilang pamilya. Hindi masyadong naglalagay ng limitasyon kung ikaw ay empleyado o kaibigan. Mataas ang respeto ni Seungcheol sa mga empleyado niya dahil tinutugunan ng mga ito ang pangangailangan nilang mag-ama.
Dapat sanay na si Jeonghan dito at dapat hindi na siya kinakabahan pa. Kaiba lang sa normal na yon, inabot ni Jochi ang braso ni Seungcheol, gayundin kay Jeonghan para ibalot ito sa sarili niya. Nagmukha ngayon silang magkayakap ni Seungcheol.
Narinig ni Jeonghan ang pagngisi ni Seungcheol sa harap.
Sinipat ni Jeonghan ng tingin ang amo. Hindi naman niya iyon palaging ginagawa dahil sino ba naman siya para maglabas ng ganitong reaksyon laban sa amo.
Pinikit ni Jeonghan ang kanyang mga mata para hintayin pa nang ilang sandali ang tulog ni Jochi. Gusto niya kasing tumulong sa pag-aasikaso sa mga bisita. Ang mga kaibigan naman ito ni Seungcheol at wala ng iba, pero gusto pa ring magsilbi ni Jeonghan at tumulong sa mga kasama. Though, hindi naman sobrang kailangan ng assistance ng mga barkada ni Seungcheol dahil madalas din naman sila sa mansyon. Kung saan lahat ng kailangan nila ay alam na kung saan makukuha kaya hindi na tinatanong sa mga kasambahay.
Naramdaman ni Jeonghan ang mahihinang haplos ng hinlalaki ni Seungcheol sa kanyang siko. Doon kasi naiwan ang mga daliri nito nang ipulupot ni Jochi sa kanyang sarili. Dumilat si Jeonghan para ipaalam sa amo na gising siya. Ngunit nakita nito itong nakapikit lang.
May gustong alamin si Jeonghan. Unti-unti niyang inilapit ang ilong sa mukha ni Seungcheol. Hindi pa nakakalapit nang ayos ay naamoy niya na ang alak sa hininga nito kaya binawi niya ang nakaraang distansya.
“Nakaisang bote na ako.” Pahayag ni Seungcheol. Hindi pa rin itinitigil ang paghaplos kay Jeonghan. Nakapikit pa rin.
Napabuntong-hininga si Jeonghan. Hindi naman sa nagrereklamo siya dahil sa inaasal ng amo. Gusto niya ngayon ang ginagawa nito. Hindi rin naman na siya bata. May nararamdaman din naman siyang… kaunting ‘atraksyon’ kung pangangalanan ang nararamdaman niya dito.
Wala rin namang asawa ang boss. Sa limang taong pagtatrabaho dito, hindi imposibleng hindi napag-uusap-usapan ng ibang kasama na hiwalay na ito sa nanay ni Jochi kaya alam niya ang ilang bahagi ng kwento. Single dad si Seungcheol dahil una, hindi ito talagang tumuntong sa pagkakaroon mg asawa dahil hindi kasal. Ikalawa, mas pinili raw ng babaeng magpakadalaga at iniwan ang batang Jochi kay Seungcheol. Iyon ang mga narinig nya ayon sa pag-uusap ng mga kasamahan.
Kung babalik sa bagay kung saan nanggagaling ngayon si Jeonghan, ayaw niyang isipin na ginagawa ito ng amo dahil sa impluwensya ng alak.
Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Dumilat si Seungcheol at itinigil ang pagkahawak kay Jeonghan. Hinuli nito ang tingin ng isa. Sa katunayan, hindi alam ni Seungcheol kung dahil ba sa alak kaya malakas ang loob niya ngayong hawakan si Jeonghan pero sige, ibibigay niya sa alak ang tapang ngayon. Hindi niya lang din kasi makayanang hindi gumawa ng paraan kay Jeonghan lalo na kung nais niyang patunayan sa sarili na hindi lang siya yung nakakaramdam ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Noon pa lang naman ay nararamdaman na ito ni Seungcheol pero mas tumindi pa pagkatapos ng hindi nila pagkakaunawaan.
Kung sa mas matinong usapan, oo, aaminin niyang interesado siya sa lalaking ito. Sa nanny ng anak niya.
Matagal-tagal pang titigan ang nangyari bago tuluyang isara ni Seungcheol ang distansya sa mga mukha nila. Dumampi ang labi ni Seungcheol sa malambot na labi ni Jeonghan. Malamig iyon di gaya sa inaasahan niya pero kakaiba pa rin ang dala sa kaniya. Akala niya mainit ang labi ni Jeonghan dahil lagi itong namumula.
Mariing nakapikit si Jeonghan habang nararamdaman naman ang isang beses na dampi ng mainit na labi ni Seungcheol. Ang unang dampi ay matagal sa labi ni Jeonghan. Ang ikalawa ay magaan. Ang ikatlo at ang sumunod pang hindi na niya mabilang ay mamasa-masa sa labi ni Jeonghan.
“Naiipit… si J-Jochi.” Sabi ni Jeonghan sa gitna ng halik ni Seungcheol .
Isang mahabang dampi pa ay lumayo si Seungcheol kay Jeonghan. Parehas napatalon ang dalawa nang marinig ang boses ni Hoshi sa labas ng kwarto ni Jochi. Mahinang napamura si Seungcheol bago bumangon mula sa kama.
Dahan-dahan ding umupo si Jeonghan at tumalikod kay Jochi para makatayo rin sa kama. Naglakad si Seungcheol papunta sa harapan ni Jeonghan. Nakatingala si Jeonghan sa mukha ni Seungcheol na ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniya. “Mag-usap tayo mamaya…”
Tumango si Jeonghan bago siya talikuran ni Seungcheol.
Nang makita at marinig ang pintong sumara, paglabas na paglabas ni Seungcheol ay nakapaglabas ng isang mahabang hininga si Jeonghan. Ilang sandali niya rin palang hawak ang paghinga. Hinawakan niya ang labi niya na parang namamanhid pa, nararamdaman pa rin kung paano lumapat doon ang labi ni Seungcheol.
Naghintay si Jeonghan ng ilang minuto bago lumabas ng kwarto. Nakita niya sa malaking bintana ng mansyon na madalim na. Dumiretso siya sa kusina upang tanungin si Soona kung may nais ba itong iutos.
“Wala nang gagawin sa mga handa. Pero ipapaalala ko na kuhain ang mga damit ni Jochi sa rooftop.” Tipid na tugon ni Soona. Mabilis na tumango si Jeonghan at sinunod ang mayordoma.
Alam na ni Jeonghan ang gagawin. Pagkatapos niya kuhain ang mga damit, dumiretso siyang muli sa kwarto ng bata upang magligpit.
Bago makapasok, nakita niya sa harapan ng pinto si Mingyu at Hoshi. Gusto na lang mapakamot ni Jeonghan sa ulo dahil alam niya, na hinahanap na ng dalawa si Jochi.
“Jochi? Jochi?” Paulit-ulit na tawag ni Hoshi. Kanina pa ito nangungulit sa mga barkada. Gusto niya nang makita ang bata at makipaglaro dito.
“Isip bata ka talaga eh noh!” Pinigilan ni Mingyu si Hoshi dahil panay pa rin ang tawag nito.
“Lutu-lutuan lang eh!”
“Mas isip-bata ka pa sa bata. Hindi na naglalaro ng lut-lutuan si Jochi!”
Matagal pang nagtatalo ang dalawa sa tapat ng pintuan ni Jochi. May impluwensya na talaga ng alak dahil hindi man lang napansin ang pagdaan ni Jeonghan sa kanilang gitna upang makapasok ng kwarto.
“Sino yung pumasok?”
“Mayroon ba? Wala, tanga ka, lasing ka na.”
Inilapag ni Jeonghan ang hamper sa gilid ng kama ni Jochi. Kumpara sa loob ng kwarto, hindi na gaanong naririnig ang ingay ng dalawa kaya mahimbing pa rin ang tulog ni Jochi. Maya-maya rin naman ay nahinto ang ilang kaluskos ng dalawa sa labas. Doon lang din tuluyang nagising si Jochi.
“Nami?”
“Yes?”
“I slept very well. No more monster. You’re right!”
Lumingon si Jeonghan sa kaniyang likod at nginitian ang bata. Binihisan ni Jeonghan si Jochi pagkatapos ng ilang sandali para makalabas na ito ng kwarto. Inayos niya rin ang buhok nito dahil siguradong mamawis ito sa pakikipaglaro sa mga uncle.
-
Nagpalakpakan at hiyawan ang mga kaibigan ni Seungcheol nang makita si Jochi na pababa ng hagdan kasama si Jeonghan.
“Very beautiful!” Hiyaw ni Hoshi. “Manang-mana sa akin!”
“Wala kang ambag diyan!” Bara ni Joshua na ikinatawa ng ilan.
Inabot ni Jeonghan si Jochi kay Seungcheol. Bumati agad ang bata sa kanyang mga uncle pagkatapos kalungin ng tatay. Katulad ni Seungcheol, gustong-gusto talaga ni Jochi kapag nabibigyan siya ng atensyon. She may act shy about it but she loves it everytime she receives attention from people around her.
“Oh, Jochi, you’re so pretty.” Joshua approached the kid. Seungcheol passed Jochi to her uncle. Hinawakan ni Joshua ang magkabilang pisngi ni Jochi at tinignan ang ayos ng buhok nitong naka-pig tail.
“Nami did this,” Jochi held her hair to show her uncle.
“Oh Nami?”
Tumango si Jochi.
“What's Nami?” Tanong ni Vernon na minsan lang makabisita kaya hindi masyadong alam kung sino ito.
“Nanny Mommy.” Linaw ni Dino. “Si Jeonghan.”
Tumango-tango nang mabagal si Vernon na para bang na-realize iyon. Ngumisi si Dino dahil sa rekasyon ng kaibigan. “Bumisita ka kasi nang mas madalas para updated.”
Nilingon ni Vernon si Dino. “Why? Boyfriend na ni Seungcheol si Jeonghan?” Bulong ni Vernon.
Malakas na tumawa si Dino. “Gago. Hindi pa naman.”
“Hindi pa? He has plans?”
“Dude, open your eyes. Use your ears. May pakpak ang balita. May boses ang chika.” Replied Dino while acting like a reporter.
“Suits you. Chismoso ka e.”
Minura ni Dino si Vernon pagkatapos kumuha ng isang malaking bahagi ng pizza sa harapan nila. Sa gitna ng usapan ni Joshua at Seungcheol kay Jochi at sa gitna ng pangungulit ni Mingyu at Hoshi sa bata nangyari ang usapan ng dalawa kaya hindi naririnig.
Hindi dapat abutin ng late ng gabi si Jochi. May pasok pa ito sa eskwela bukas. Nang matapos si Jeonghan sa pag-aayos ng damit nito at paglilinis ng kwarto, bumaba na rin siya upang sunduin ang bata.
Nakita niya sa living room si Jochi. Nasa kalungan ito ni Joshua pero nakaharap kay Mingyu at Dino. Mukhang unang bumagsak si Hoshi habang si Jochi ay nakikipaglaro pa sa mga uncle, makikita mo pa ang malaking ngiti ng bata sa labi pero kung pagmamasdang mabuti, mukhang mabigat na ang mata nito.
“Nami!”
Ngumiti si Jeonghan sa bata maging sa iba pang pares ng mga matang napalingon sa gawi niya. Matipid na ngumiti si Jeonghan sa mga ito. Ang hindi madalas na nakakapunta sa mansyon ay si Vernon dahil walang permanenteng lugar ang trabaho nito. Sunod doon, si Joshua, dahil tulad ni Seungcheol, abala rin ito sa kompanya. Ang iba, madalas makita ni Jeonghan na nasa mansyon at may kanya-kanya pa silang kwarto. Sa limang taong pananatili, alam ni Jeonghan na tinuturing talaga ng magkakaibigan na pamilya ang isa’t isa.
Sa pagitan ni Vernon at Joshua, mas nakakaramdam ng hiya si Jeonghan sa huli.
Nakaka-intimidate kasi itong tingnan. Bukod doon, naririnig niya kung paano tuksuhin si Joshua at Seungcheol ng mga kaibigan. Kahit sinong makarinig noon, malalaman na may namagitan kay Joshua at Seungcheol noon.
Bumalik sa isip ni Jeonghan kung paano sumagi minsan sa kaniya na ito ang madalas kasama ni Seungcheol lalo na sa trabaho. Hindi malayong ito ang nakakausap araw-araw. Base pa sa katotohanang marami ang oras ni Seungcheol sa trabaho.
-
Sumunod si Seungcheol para ihatid sa kwarto ang anak niya. Marami na itong nainom pero maayos pa rin namang kausap.
“Bumalik ka dito, bossing ah?” Banta ni Mingyu.
Binatukan ni Dino ang nakatatandang kaibigan. “Tanda, magpapatulog pa yan ng bata. Palibhasa wala kang pamilya, e.”
Inangat ni Mingyu ang gitnang daliri bilang tugon kay Dino. Mabuti na lang at nakatalikod na si Jeonghan at si Jochi sa mga kaibigan nito.
“Tired?” Tanong ni Jeonghan sa bata. Kinukusot na nito ang mata habang nakatayo sa gilid ng kama. Ipinagpag ni Jeonghan ang kumot nito, tinapik ang malaking espasyo ng kama para makahiga na si Jochi.
“Tired. Nami, what time will I wake up for tomorrow?”
“You need to wake up at five, Jochi.”
“You think Dada will send me to school?” Sakto namang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto, pumasok si Seungcheol at narinig iyon. “Dada!”
“I will send you to school, baby. Don’t worry.”
Ngumiti si Jochi nang may dimple. Ginaya iyon ng ama niya kaya natawa. “Let's sleep together?” Umaasang tanong ni Jochi.
Ngumuso si Seungcheol sa anak. “I want to, baby. Hindi pa nagsho-shower si Dada kasi I will talk to your uncles pa.”
“Okay.”
“But do you want me to sleep with you here?”
Tumango si Jochi kahit pa papikit-pikit na ang mata.
“Okay. Dada will sleep here.”
Tinupad ni Seungcheol ang pangako niyang matulog sa kwarto ng anak pagkatapos ng ilang oras. Hinihintay din siya ni Jeonghan gaya ng pakiusap nito bago bumalik sa mga kaibigan.
Bago pumasok sa banyo para maglinis ng katawan, nakita niya si Jeonghan na nakaupo sa sofa. Nakapikit na ito. Lumapit si Seungcheol kay Jeonghan para palipatin ito sa kama.
“Hmm?” Inaantok na tanong ni Jeonghan.
“Sa kama ka na. Bakit ka diyan natutulog?”
“We will talk, diba?”
Napanganga si Seungcheol sa sinabi ni Jeonghan. Umaasa rin naman siyang makakapag-usap sila bago matulog pero dahil late na silang natapos, dahil nakatulog na rin si Jeonghan, mukhang mapagliliban muna. Ngayong nahimigan ni Seungcheol ang pag-asa ni Jeonghan, tumango siya.
“Okay. Hintayin mo ako.” Sumenyas si Seungcheol na humiga muna si Jeonghan sa sofa. Mas maganda nang nakahiga ito kaysa natutulog sa hindi komportableng pwesto.
Tumango si Jeonghan bago pakawalan si Seungcheol. Mabilis na pumasok si Seungcheol sa banyo ng kwarto ng anak at naglinis ng katawan. OA na kung medyo mabilis siyang naglinis pero ayaw niya na kasing paghintayin pa si Jeonghan.
Nang lumabas siya sa kwarto, nilapitan niya si Jeonghan sa couch. Nakahiga in fetal position. Kinuha ni Seungcheol ang magkabilang kamay ni Jeonghan at binuksan ito. Ipinuwesto ni Seungcheol ang sarili sa bisig ni Jeonghan—niyakap ito.
“Nandito na ako.” Pahayag ni Seungcheol nang marinig ang kaunting reklamo ni Jeonghan.
Naghintay ng ilang sandali si Seungcheol para kay Jeonghan. Mukhang ginigising nito ang sarili. “Kung inaantok ka na, you should sleep. Pwede tayong mag-usap bukas.”
Jeonghan hummed. “But you should sleep beside Jochi. Gusto ka niyang makita paggising bukas.”
Hindi umimik si Seungcheol. Abala pa ang isip niya sa katotohanang magkadikit ang katawan nila ni Jeonghan ngayon. Sa tahimik at madilim na kwarto, nakayakap siya kay Jeonghan. Yung matagal na niyang iniisip sa tuwing makikita ang manipis na katawan nito—nilalanghap ang natural na amoy nito, kahalo sa sabon ni Jochi. Nangangahulugang naglinis na rin ng katawan si Jeonghan sa banyo.
“Ikaw? Saan ka matutulog?” Tanong ni Seungcheol, inangat niya ang tingin kay Jeonghan. Nagsisimula na ring gumalaw ang palad sa beywang at likuran ni Jeonghan.
“B-balik sa kwarto…” Mahinang sagot ni Jeonghan.
Pinag-aralan ng dalawa ang hitsura ng isa’t isa. Parehas silang hindi makapaniwala sa posisyon ngayon pero sa kaparehas na paraan, alam nilang may bahagi sa sistema na matagal na itong gustong gawin.
“Kailangan talaga nating pag-usapan ‘to, Jeonghan.” Idinikit pa lalo ni Seungcheol ang katawan sa kausap.
Tumango si Jeonghan. Nararamdaman ang matigas na bagay na tumatama sa nakikiliti niyang hita. Di rin nagtagal, nagdampi ang labi nilang dalawa. Mabagal pa nung una. Pinag-aaralan ang pakiramdam ng labi sa labi. Hanggang tila may sarili nang isip ang mga labi at dila. May sarili na ring galaw ang katawan nilang dalawa—parang hindi nakukuntento sa lapit nito. Wala na itong ididikit pa pero parang gustong-gusto pa ng katawan ang paulit-ulit na lapat ng katawan sa isa’t isa.
‘Yon ang tila naging pagkakataon sa dalawa para masabing sa wakas, ang mga dating lihim na eksena sa isipan, ang mga pagpipigil ng dalawa sa isa’t isa, ay nangyayari na.
“Tell me about yourself.” Wika ni Seungcheol habang nasa sasakyan sila ni Jeonghan. Hinihintay nila ang dismissal ni Jochi.
Tumingin si Jeonghan nang maingat. “Sa akin…”
“Pero kung hindi ka pa handa, ayos lang.” Habol ni Seungcheol.
Tumango si Jeonghan. Alam niyang matalinong tao si Seungcheol. Alam ni Jeonghan na alam ni Seungcheol na may higit pa sa likod ng pagkakakilanlan niya kay Jeonghan. Hindi naman itintanggi ni Jeonghan, o hindi niya inililihim.
“I’m Yoon Jeonghan. Lumaki ako sa probinsya kasama ang nanay ko. W-wala na siya.” Simula ni Jeonghan.
Lumaki siya sa mayamang pamilya. Nabuhay si Jeonghan sa probinsya na madalas iwan ng mga tao dahil sa kahirapan pero para kay Jeonghan, ito ang lugar na kung kailangan ayaw niyang lisanin. Yoon family was one of the wealthiest family in the town. Anak siya ng isang babaeng batikang manunulat. Single mom. Mahal na mahal din si Jeonghan. The reason why Jeonghan used to live his life the best. Nakapagtapos din siya ng pag-aaral ng Language and Arts.
Hindi na nagulat si Seungcheol. Bilang isang negosyante, natuto na siyang kilatisin ang taong may alam sa nagpapanggap lang. Ang taong may plano sa taong wala. Ang taong nag-iisip sa taong maingay lang.
“But then, mom died because of heart attack.”
“Sinong nang nakasama mo?”
“Yoojin Kim’s cousin. Mommy’s assistant.”
Kung tutuusin, gusto agad tanungin ni Seungcheol kung paanong napunta siya rito sa Maynila. Ano ang nangyari? Hindi maaaring walang iniwan ang nanay niya sa kaniya.
“Jochi is here!” Sigaw ni Jochi pagkalabas niya ng eskwelahan. Malawak ang ngiti ni Jeonghan nang lumabas sa sasakyan at salubungin ang bata.
Ginulo niya ang buhok ng bata bago kuhain ang bag.
“Thank you, Nami.”
Ngumiti si Jeonghan sa bata at tumango. Lakad-takbo ang ginawa ng bata palapit sa ama para yakapin at halikan ito sa pisngi. “Thank you, Dada.”
“Our lesson today is about saying thank you.” Bahagi ni Jochi. “And telling the truth.”
“Right, so let’s use it everyday, okay?” Tugon ni Seungcheol, inaayos ang booster seat ng bata.
Pagkarating sa bahay, pinakain muna ng lunch si Jochi bago patulugin sa kwarto. Bumalik naman si Seungcheol sa kompanya para ituloy ang trabaho. Uuwi ito ng hapon o gabi.
Naging gano’n ang karaniwang araw ng pamilya. Though ever since Seungcheol’s birthday night, hindi pa talaga napag-uusapan ni Jeonghan at Seungcheol kung ano bang ibig sabihin ng halikan nila.
Para kay Jeonghan, baka epekto lang ng alak kay Seungcheol iyon. Marami siyang nainom. Kahit tama at hindi makikita sa pagsasalita nitong lasing siya, hindi naman guaranteed noon na gagawin pa rin iyon ni Seungcheol kung walang alak.
Para kay Seungcheol, mas lalong lumala yung pagnanais niya. Hindi niya alam kung dahil ba matagal na siyang walang kasiping May nararamdaman siyang interes kay Jeonghan pero nagawa niya namang maging kaswal dito sa loob ng limang taon. Mula noong birthday niya, lumala yung kagustuhan niyang hawakan si Jeonghan.
“Okay lang. Normal lang naman…” Pahayag ni Jeonghan kay Seungcheol.
Pinatawag siya nito sa opisina. Tapos na sa trabaho si Seungcheol sa laptop. Ganoon din si Jeonghan sa bahay. Pinatawag niya ito para makapag-usap sila.
“Okay lang?”
“Uh… adult naman—”
Natawa si Seungcheol. Nagpantig ang tainga. Normal lang dahil adult?
“Sige. Tanggapin natin ‘yan. Normal din sayong humalik pabalik?” Tanong ni Seungcheol.
Tiniklop ni Jeonghan ang bibig. Hindi. Hindi normal iyon. Humalik siya pabalik dahil gusto niya.
“Yung totoo, Jeonghan?” Hindi namalayan ni Jeonghan na nasa harapan ba niya ang boss. Lumalakad palapit sa kaniya.
“H-hindi…”
“Hindi ano?”
“Hindi normal.”
Tumango si Seungcheol. “Edi hindi rin normal sa akin na humalik.”
Inangat ni Jeonghan ang tingin. Kadikit na ang katawan nila ng boss.
“Okay,” Bulong ni Jeonghan. Tinatago ang sarili dahil nanliliit siya sa tingin ngayon ni Seungcheol. Inagaw ni Seungcheol ang atensyon ni Jeonghan gamit ang paghawak nito sa kanyang baba at inangat ang mukha.
“This,” Tukoy ni Seungcheol sa lapit ng katawan nila. “This is not normal. Alright?”
Nanginginig ang paghinga ni Jeonghan. Pinipigilan ang sariling maglabas ng kahit anong tunog. Kahit pa, gusto niyang mag-reak habang nararamdaman ang matigas na katawan ni Seungcheol—dikit na dikit sa kaniya.
“S-Sir—”
“Seungcheol lang.” Pagtatama ni Seungcheol. He pressed a kiss on Jeonghan’s lips. Hinawakan ang magkabilang beywang nito at sumuong ulit ng isa pang halik.
Naglabas ng isang mahinang tunog si Jeonghan. Nagugustuhan ang halik. Nagugustuhan ang dikit sa kanilang katawan.
“Gusto mo ‘to?” Tanong ni Seungcheol, kahit ba parang huli na ang lahat para sa pagpapaalam.
Kumapit si Jeonghan sa mesa ng boss. Magkabilang palad niya ay nakapatong na doon. Bahagyang binawi ni Seungcheol ang sarili.
Tinignan ang hitsura ni Jeonghan. Namumungay ang mga mata. Mapula ang pisngi. Nakaawang ang labi—nag-iimbita.
Ngumiti si Seungcheol. Kahit hindi magsalita si Jeonghan, alam niya kung anong iniisip nito. Alam niya dahil sinisipat niya ang bawat sulok sa ekspresyon niya.
Gusto niya lang din tuksuhin si Jeonghan. Gusto niyang makitang hinahabol ni Jeonghan ang labi niya—hinahanap. Desperado sa halik.
Binigay iyon ni Seungcheol kaya napahalinghing si Jeonghan. Napaangil si Seungcheol sa gitna ng paghalik niya kay Jeonghan nang humalik ito pabalik.
Noong unang beses nilang halik, nung birthday ni Seungcheol, medyo stiff pa si Jeonghan. Ngayon, parang nagagawa na niyang sabayan ang intensidad na ibinibigay ni Seungcheol. Mabilis matuto.
“S-Seungcheol—” Inilipat ni Jeonghan sa balikat ni Seungcheol ang kanyang kamay. Sumagot si Seungcheol sa tawag niya habang bumababa ang halik sa kanyang leeg. “Malamig.”
Doon naramdaman ni Seungcheol ang hangin na pumapasok mula sa nakabukas pang malaki bintana sa opisina. Marahan siyang umatras mula sa katawan ni Jeonghan at lumakad palapit sa bintana. Isinara niya iyon nang mabuti.
Bumalik siya kay Jeonghan at hinawakan ang kamay nito.
Nakapasok naman na si Jeonghan sa kwarto ni Seungcheol. Nagagawa niya ito minsan noong wala si Soona, ang tagapaglinis ng kwarto ni Seungcheol. Ang minsan na iyon ay isa o dalawang beses lang yata.
Hindi siya lagi rito.
Malakas ang kaba sa dibdib niya hindi dahil hindi siya sanay pumasok dito, kundi dahil sa katotohanang hindi siya nasa loob para maglinis o kung ano.
Nandito siya—sa kandungan ni Seungcheol. Nakikipaghalikan.
The room is warm enough for Jeonghan. Enough for Jeonghan’s comfort. May sarili pang sala ang kwarto ni Seungcheol bago ka makapasok sa master bedroom. Ang lamig galing sa aircon sa sala, humahalo lamang nang sakto sa electric heater na binuksan ni Seungcheol sa kwarto.
“Seungcheol… late na.” Nahihiya si Jeonghan dahil siya pa ang nagsabi noon. Nahihiya siya dahil sinabi niya iyon habang nakaupo sa mga hita ni Seungcheol.
“Dito ka na matulog.” Request ni Seungcheol, isinisiksik ang mukha sa gilid ng leeg ni Jeonghan, hinahagod ang likod nito sa ilalim ng kanyang t-shirt.
“Maaga akong gigising. Baka magising ka.”
“It’s okay.”
Tinignan ni Jeonghan si Seungcheol.
“Pwede ba nating gawin ‘to lagi?” Tanong ni Seungcheol, bumababa ang hawak sa balakang ni Jeonghan. Nakadantay ang braso ni Jeonghan sa dibdib ni Seungcheol.
“Alin?” Pagpapatay malisya ni Jeonghan.
“Ito.” Binuhat ni Seungcheol ang katawan ni Jeonghan sa isang hagip, inihiga niya ito sa kama. Ngayon, si Seungcheol na ang nasa ibaba. Malayang nakalapat ang likod ni Jeonghan sa malambot na kama. “The kiss.”
“Hmm… but what would it mean for us?”
Matalino si Jeonghan. Alam niya ang ibig sabihin ng lahat ng ito pero kailangan pa ring malinaw.
“Gusto natin ito? Gusto natin ang isa’t isa?”
“Pero yun ba ang nararamdaman mo?”
“Oo at gusto kong angkinin ka,” Pinagdikit ni Seungcheol ang dulo ng kanilang ilong.
Pumikit si Jeonghan.
“Gusto ko ring angkinin ka.”
“Ngayon?” Tanong ni Seungcheol, tumutulay sa beywang ni Jeonghan ang mga daliri. “Ngayon ba?”
“But I have to wake up early tomorrow. Si Jochi… she needs me.”
Ngumisi si Seungcheol at tumango.
Para na kasing likas na responsibilidad ni Jeonghan si Jochi. Hindi siya hirap gawin ang paggising sa umaga, paghahanda ng almusal ni Jochi, pagpa-pack ng baon nito, pagtulong sa pagbibihis at paghatid sa bata dahil napamahal na rin siya sa bata. Lumaki si Jeonghan na alagang-alaga ng nanay, gusto niya maranasan din iyon ni Jochi.
Naging consistent si Seungcheol sa pagsundo kay Jochi kasama si Jeonghan. Umuuwi na rin ito ng sakto sa oras pagkatapos ng trabaho.
“Dada,” Tawag ni Jochi habang naglalakad sila sa parke. Pinasyal niya saglit ang anak dahil maaga siyang umuwi. Hindi pa kumakagat ang dilim.
“Yes, baby?”
“Does Nami have a family? I asked him po if he has, sabi niya po, sa far away.”
“He’s telling the truth. They are faraway,” Tugon ni Seungcheol.
Gaya ng sinabi ni Jeonghan, ayaw niya sanang lisanin ang probinsya. Ang nakagisnang lugar. Dahil sa pagkamatay ng nanay, naging magulo ang buhay niya.
Kinamkam ng buong kamag-anakan ng nanay ang mga ari-arian at pera nito. May pinag-aralan si Jeonghan kaya alam niyang hindi siya magkakaroon ng payapang buhay hangga’t nakikinabang siya sa kasaganahan ng nanay.
Isa lang naman ang bilin ng nanay ni Jeonghan sa kaniya sa buong buhay. No matter what happen, choose to live a peaceful life.
“Umalis ako sa probinsya. Pumunta ako sa ibang lugar. Walang kinuhang kahit ano sa iniwan ni mama. Hindi ako nakinabang.” Kwento ni Jeonghan habang nakahiga sa dibdib ni Seungcheol.
“I worked as a staff in a publishing company for two years, and after those years, nagulat ako. My cousin visited me. Hinahanap daw nila ako. Gusto nilang humingi sa akin ng pera. Pinag-aral naman daw ako ni Mom. Nakikinabang pa rin ako doon kaya magbigay raw ako ng pera.”
Seungcheol cursed under his breath. Anong klaseng pamilya yon?
“Kaya sabi ko, kung yon pala yung iniisip nila, mas mabuti na lang na hindi ako magtrabaho.”
Sinuklay ni Seungcheol ang buhok ni Jeonghan. Naghihintay ng kasunod na sasabihin nito.
“Pero magugutom naman ako.”
Tumawa si Jeonghan. Tinignan ni Seungcheol ang mukha nito—napakaganda ng ngiti. Napakasarap sa tainga ng tawa.
“Months after, ang pinsan ni Yoojin Kim ang nakahanap sa akin. Gusto akong tulungan. That’s why… I came here.”
At limang taon na nga ang lumipas, hindi na ulit kailanman nagpakita ang pamilya ng nanay niya.
Pinili niyang hindi magpakilala sa lahat. Hindi siya nagsalita. Hindi naman siya pipi pero noong unang sumampa sa mansyon ni Seungcheol, tila nagkasundo na ang mga kasamahan niyang isa siyang pipi.
Hinayaan ni Jeonghan. Ayaw niya nang magpaliwanag.
Doon, payapa na siya. Limang taon.
Ngunit hindi na niya sinabi kay Seungcheol na araw-araw pa rin siyang may takot na baka isang araw ay may magpakilala na lamang sa kanilang kamag-anak ni Jeonghan.
Hinawakan ni Seungcheol ang pisngi ni Jeonghan at hinalikan ito ng isang beses.
“Nandito na ako. Kung magpapakita sila ulit sayo, kasama mo akong haharap sa kanila. Huwag kang matakot. Ako ang magiging boses mo kung ayaw mong magsalita. Ako ang magiging kamay mo kung ayaw mong iangat ang saiyo para ipatanggol ang sarili mo. Ako ang bahala.”
Hindi sinabi ni Jeonghan na takot siya pero iyon ang pinangako ni Seungcheol.
Pumatak ang luha sa kaniyang mata.
“Ssshh. Bakit ka umiiyak?” Hinalikan ni Seungcheol ang pisngi ni Jeonghan. “Hmm?”
“Thank you,”
Tumango si Seungcheol. Pinunasan ang pisngi ni Jeonghan. “Ako dapat ang magpasalamat. Inalagaan mo si Jochi na parang sayo. Sino naman ang mag-aalaga sa sarili mo? Now that we're here, are you going to allow me to be the person who will look after you?”
Mahinang katok ang narinig nila pagkatapos. Sumilip ang maliit na si Jochi. “Dada? Nami?”
Umayos ang dalawa sa higaan at tinawag ang bata sa gitna nila. Maaga pa ba para sabihing iyon na ang magiging karaniwang pwesto nila sa mga susunod na araw, buwan at taon?
