Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-07-08
Words:
2,381
Chapters:
1/1
Comments:
7
Kudos:
73
Bookmarks:
1
Hits:
651

kusang bumabalik ako sa iyo 'pagkat ang langit na ang may gusto

Summary:

just jhoaiah one-shot and byaheng pa norte.

Notes:

i just converted one fic of mine pero i tweak some parts. hindi ko talaga matapos yung ibang bini drafts ko kaya I can't post the new ones.

(plus ang cute cute kasi talaga ng jhoaiah 😔)

Work Text:

Jhoanna's POV

 

alas kwatro pa yung unang byahe pa iba-zambales from monumento, hindi na rin kasi ako umabot sa huling byahe kahapon dahil di na kinaya ng schedule ko. napakapapansin kasi ni donny!

 

pwede naman kasing through email na lang isend yung draft pero pinilit pa rin na mag meet up for 'important' discussion. nagsayang lang ako ng 200 for coffee na di naman worth it.

 

pilit kong minumulat ang mga mata kong bibigay na antok, mahigit tatlong oras lang ang naitulog ko kanina para lang makabyahe na ng maaga. 

 

tahimik pa naman sa terminal, tanging maririnig na ingay ay ang balita sa tv na nasa harap. paunti unti pa lang ang pagpasok ng mga tao, karamihan pa nga ay yung mga tindera na ngayon pa lang magbubukas ng tindahan. 

 

parang gusto kong bumili tuloy ng creamy white, pero as much as i want to buy coffee kahit ang addicting ng amoy nito, gusto ko pang makatulog ng maayos sa byahe. i've had like 4 cups of coffee kahapon so nakakakaba na anytime magpalpitate na ako.

 

niyakap ko na lang muna ang backpack ko at pumikit saglit. buti na lang kakaunti ang dala kong gamit, dahil family outing lang naman ang ipupunta ko roon. nauna na nga sila mama kagabi sa sobrang excitement. 

 

4 am at saktong dumating na yung bus na pa iba-zambales, pinapila na kami nung kundoktor sa harap. gusto ko na talagang makaupo para matulog parang awa. number 8. thank you lord, window seat! 

 

pagkatapos ko ng isecure yung gamit ko sa overhead bin at bago pa man ako makaupo sa seat ko ay may kumalabit na sakin.

 

what now? 

 

bumungad ka sa akin. kilala kita, sobrang kilala kita, pero hindi ko na muna pinakita ang aking pagkabigla dahil mas napansin kong may gusto kang sabihin. 

 

"uhm can we exchange seats?" nahihiyang tanong mo habang hawak hawak yung bus ticket. i almost let out a groan dahil window seat na sana yon na naging bato pa and at the same time hindi na rin naman na ako makahindi sa itsura mo. 

 

ang sabihin mo bading ka lang, jho!

 

tinignan kita ng matagal bago hiningi yung bus ticket mo at sakto same stop tayo, at least hindi mo maiistorbo yung tulog ko.

 

"uh sure. need mo ba ba ng help sa bags or?" tinanong pa kita while pointing the overhead bin para makasigurado na hindi na ako mahahassle pa mamaya. 

 

"oh, no need na. thank you." tinanguan na lang kita at pinauna ka nang paupuin sa tabi ng window bago ako umupo at isandal ang likod ko sa backrest ng seat at saka pinikit na ang mata.

 

 


 

Aiah's POV

 

hindi pa occupied lahat ng seats pero you're already sleeping na. why are you so tired? nasa iisang research class lang naman tayo pero your group, especially you, looked really tired every consultation. i always find you sleeping sa room even during lunch break.

 

ang funny lang kasi nababangga na yung sandalan mo nung ibang passengers na dumadaan pero nothing seems to wake you up. ang peaceful pa nga ng tulog mo and somehow i envy that. you make sleeping in the bus looks so easy, tapos ako need pa ng bonamine para makatulog sa byahe or else aatake ang motion sickness ko.

 

as usual, another dolphy movie ang pinick ng driver na iplay sa tv. ilang beses ko na yata nawatch yung home along the riles every time na babyahe ako pa norte, it's either that or jackie chan films. 

 

after the conductor finished checking the seats and the passengers for the last time, pinaandar na nung driver yung bus. i find myself looking at you, checking if okay na ba yung pwesto mo kaso it seems like wala ka namang problem sa pagkakaupo mo. may cute little snores pa nga akong naririnig. 

 

i also adjusted the aircon para mainly sayo na nakatutok and then tumingin na ako sa window. watching people doing their thing in this morning rush hour kinda entertains me a bit, coffee na lang yung kulang then all good na.

 

usually nakikinig ako sa music pag bumabyahe pero i've decided na hindi na muna kasi i forgot to bring powerbank and to charge my phone kagabi. i also put it on airplane mode dahil kanina pa buhay yung notifs ko, asking me any updates and unnecessary stuff about this byahe. instead na matulog na sila lucky, ako itong inaannoy nila. i'll be seeing them naman later. 

 

besides, i find your little snores and groans cute kaya medyo naeentertain ako sa byahe. surprisingly, i ended up getting invested sa fast and furious film when you suddenly stretched and checked your phone half-asleep then went back to dreamland. nagchange ka ng position na nakakangawit sa leeg but you looked too sleepy to care. 

 

i’m still wondering how you can just continue to sleep like that tapos hirap na hirap ka pa sa ulo mo na paulit ulit lang bumabagsak. im sure tatawanan na naman ako nina mikhs at lucky right now, kasi here I am, adjusting myself para lang you can lean your head on my shoulder. If ever lang naman. IF EVER.

 

Not that I was waiting or anything. (Pero baka nga oo. Just maybe.)

 

not a little later, your sleepy little head found its way to my right shoulder and leaned on it so comfortably, and i swear, i was blushing right now. i really wanted to squeal pero baka magising ka pa at ialis mo yung pagkakasandal mo sa shoulder ko.

 

it's just a crush, but what am i doing?

 

di naman nagtagal yung peaceful na byahe kasi the bus stopped at double happiness, which is sakto by the way, kasi i can’t feel my legs sa sobrang ngalay.

 

bago ko pa man kita gisingin, naramdaman ko na yung paggaan ng balikat ko. sumandal ka na sa seat mo and you looked like you were still in dazed. pupungas-pungas pa nga, then saka mo ako nilingon. 

 

"did i?"

 

tinitigan mo ako ng matagal then you glanced sa shoulder ko. tumango lang ako. halata sa mukha mo yung pagkabigla with a mix of embarassment (siguro?) kasi umiwas ka kaagad ng tingin.

 

before pa ko makapagsabi na 'it's fine', bigla kang nagsalita kaya mas lalo ko lang naramdaman yung init sa tenga ko. stop blushing!

 

"thank you, aiah. sana walang laway."

 

you recognized me.

 

you knew my name.

 

saka ko lang narealize yung kadugtong nung sinabi mo and i immediately checked my right shoulder. narinig ko yung mahina mong tawa, na sinundan ng isang hikab.

 

"tara let's eat?"

 

 


 

Jhoanna's POV

 

hindi ko na alam yung nangyari—basta ang alam ko sabay na tayo tumitingin sa nga food stalls, trying to figure out kung ano pwedeng kainin while we're here.

 

saka ko naalala na medyo picky yung taste buds mo. nakailang ikot na tayo pero wala ka pa ring mapili. mukhang hindi mo feel yung mga tinitindang food. you were pouting kada wala tayong nakikita na bet mong food while ako napapakamot na lang sa ulo kasi gutom na gutom na ko.

 

"i still don't know what should i eat. ikaw na lang muna, i'll just go back na lang sa bus." 

 

as much as i wanted to ask you to wait para sabay na tayo bumalik, tumango na lang ako at hinayaang kang sumakay na ulit sa bus habang nag iisip na ako ng makakakain para sa kumakalam kong sikmura. 

 

isang large mami with 2 rice and 2 iced coffee ang bitbit ko nung pumanhik na ko sa bus. nakita kitang nakapikit, nakasandal na sa window, at gamit-gamit na ang iyong earphones.

 

"hey," sabi ko, na ikinagulat mo nang bahagya. tinanggal mo agad ang right earphone at tumingin sa akin bago bumaba ang tingin mo sa mga bitbit kong pagkain.

 

"you're really that hungry, huh?" may halong pang-aasar sa tono mo.

 

nilapag ko yung isang plastic ng rice sa lap mo bago ako umupo sa seat ko. after kong ayusin ang pagkakaupo, iniabot ko rin sa'yo yung iced coffe kahit hindi ko rin sure kung coffee ba talaga. at least dalawa kaming sasakit ang tiyan mamaya.

 

"that’s yours," sabi ko. agad mong nilapit yung straw sa labi mo at tatangkain sanang tumikim, pero tinaasan kita ng kilay.

 

“and before you drink that, kain muna tayo para di malamigan tiyan mo.”

 

hindi mo na tinuloy yung pag-inom. nilagay mo na lang sa cup holder, tapos napayuko ka. sandali kang nag-isip, tapos sinubukang ibalik sa akin yung kanin na binigay ko. mukhang wala ka talaga sa mood kumain.

 

"two to four spoonfuls lang then akin na yang kanin. you really need to eat something kesa naman iced coffee lang ang isuka mo sa byahe." hiling ko sayo.

 

hindi ka na kumibo. nilapat mo na lang ang kamay mo, hinihingi yung spork na bitbit ko. 

 

ang cute mo habang kumakain ng kanin na may sabaw ng mami, your cheeks puff slightly with each bite. ayaw mo pang aminin na nasarapan ka, kahit kanina ka pa hingi nang hingi ng sabaw. hindi ko na nga pinaalala na hanggang four spoonfuls ka lang, kasi mukhang mauubos mo na yung kanin.

 

"you want the sabaw? busog na ako kaya okay lang kung ubusin mo."

 

ano ba namang kabadingan to?

 

hindi naman ako basta-basta namimigay ng sabaw. At lalong hindi pa ako busog.

 

pero the way na ang saya-saya mong kumain at humigop ng sabaw, parang okay na rin. sige, sayo na lang ‘yan.

 

ano pa gusto mo? sabihin mo lang, oorder pa ako.

 

salamat na lang at we're done eating before umakyat yung bus driver, nagcheck na rin yung conductor sa mga passengers. i noticed na may ininom kang gamot before ka sumandal nang maayos sa backrest. 

 

di pa man tayo nakakalayo from double happiness, you're sleeping soundly na. ako naman ngayon ang hindi na makatulog.

 

paano ako matutulog, kung now lang nagsi-sink in sakin—

 

ikaw nga pala yon.

 

ikaw 'yung hinangaan ko sa univ.

 

ikaw na iniwasan ko noon, dahil nahurt ako nung nagkajowa ka kahit di naman tayo nag uusap. 

NAPAKA OA! 

 

who would've thought na ang dating sinisilay silayan ko lang sa ab 208 tuwing lunch break noong first year ay makakatabi ko ngayon sa bus.

 

sapat na nga sana sa akin na naging magkaklase tayo ngayong semester. tinanggap ko na rin na hanggang sa paghanga lang ako. 

tanggap ko na staks, shee. na talagang wala na kong babaeng makikita. tanggap ko na na magiging mag-isa na lang ako sa buhay. mag-aalaga na lang ako ng pusa, aso at dagang costa. mag-aaral na lang akong mag cross-stitch saka siguro mag gaganstilo na lang ako ng bedsheets, mantel, at kurtina.

 

napansin ko na kanina pa nauutog ang ulo mo sa window pero tulog na tulog ka pa rin. kaya kinuha ko na lang yung paborito kong jacket mula sa bag ko sa overhead bin at dahan-dahang sinuksok sa may balikat mo upang magsilbing unan. agad mo nama itong niyakap at tuluyang siniksik ang mukha mo doon.

 

hahayaan ko munang ganyan ka matulog.

 

next time na lang sa balikat ko.

 

kapag pwede na. 

 

 

nagising na lang ako at mejo malapit na pala yung stop namin. hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako, akala ko nga ay matatapos ko pa yung shaolin soccer, pero kalaunan, bumigay na rin ang mga mata ko sa antok. 

 

hindi ka pa rin gising at ilang kanto na lang ay bababa na 'yung mga tao. inayos ko muna yung mga gamit ko, tapos binalikan kita para tapikin.

 

"aiah, bababa na tayo."

 

mas lalo ata akong tinamaan sayo nung paunti unti mong iminulat ang mga mata mo, sabay dahan-dahang tumingin sa akin.

 

tapos ngumiti ka pa.

 

punyeta.

 

umiwas na lang ako ng tingin, kasi pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga titig mo. hindi mo siguro napansin na yakap-yakap mo pa rin yung jacket ko kaya hindi ko na rin nasabing na kukunin ko na. 

 

sabay tayong bumaba malapit sa may 7/11, kasi sabi mo, dyan ka raw susunduin ka ng friends mo. napadesisyunan ko na lang sinamahan ka muna dahil aside sa alam ko naman yung commute dito at malapit na rin naman ako sa pupuntahan ko like one jeep away lang, syempre susulitin ko na yung bebe time natin. BEBE TIME??!! 

 

katahimikan ang bumalot sa ating dalawa sa pagpasok natin sa loob ng convenience store. wala na akong maitatopic pa dahil di rin naman tayo ganoong kaclose pa at baka mafeel mo na pinipilit ko na lang yung conversation.

 

kaya hinayaan ko na lang na walang umiimik sa ating dalawa. pero narinig kong tumikhim ka.

 

nagkamot ng ulo, kinuha yung cellphone mula sa bulsa, tapos ibinalik din.

 

tumikhim ka ulit, tumingin sa akin, sabay iwas nang mahuli ko.

 

paulit-ulit kang nag-o-on at off ng phone kahit halatang wala ka namang chinecheck don.

 

natawa na lang ako. may gusto ka rin palang sabihin at somehow may idea na rin ako kung ano yon. kaya hinugot ko na rin yung phone ko mula sa bulsa at binuksan yung contacts.

 

pero bago ko pa man maitanong kung pwedeng hingin yung number mo—

 

"saschoolkonababalikyungjacketmosocanihaveyournumberjustincase." sabay pilit mong isiniksik sa kamay ko yung phone mo, bukas na agad yung “add to contacts” screen.

 

"ano nga ulit? di ko narinig maigi," pang-aasar ko habang kinukuha phone mo.

 

napansin mo agad yung tono ng boses ko, kaya lumingon ka. may halong paghahamon sa mukha mo, kahit obvious na namumula na yung tenga mo.

 

bago ko pa man mai-type ang number ko sa phone mo, bigla mong niladlad ang nakakumpol kong jacket at isinuot mo. humarap ka sa akin na may nakakalokong ngiti.

 

“ang sabi ko… sa akin muna ‘yung favorite jacket mo...

and can I have your number, jhoanna? please?”

 

Para akong sasabog.

 

wala na. dali-dali ko nang nilagay yung number ko sa phone mo, habang ikaw natawa na lang sa nangyari sa akin.

 

pareho tayong nabigla nang biglang nag-ring yung phone mo. narinig ko pa ‘yung mahina mong, “ano ba ‘yan, pampam,” na lalo lang nagpangiti sa’kin.

 

“oo na, eto na, lalabas na,” ‘yun lang ang sabi mo pagkasagot mo sa tawag, tapos binaba mo agad.

 

pagkatapos, tumingin ka sa akin.

 

unti-unti kang lumapit at niyakap mo ako nang mahigpit. 

 

“thank you at ikaw ang nakasama ko sa biyahe. see you sa class, Jho.”

 

gusto ko na mag-Thursday.