Chapter Text
Ayan siya . Jusko po. Sa dinami-rami ng mga lugar kung saan pwede ko siyang makita- at pagkakataon din- ngayon pa talaga. Anak ng tapsi talaga. Pero jusko siya, ang bilis niyang mag move on. Nung nakaraang araw lang niya ako binasted tapos biglang ngayon, may ka-date na siyang bago?
Aba? Hindi pwede. Hindi ako papayag maging talunan sa ganitong hamon ng buhay.
I looked around the coffee shop I had stumbled to. Hindi naman siya yung tipong coffee shop na dinadayo. It was a quaint one tucked near where I lived, sa eskinita nga lang siya. Pero boogsh, it just so happened na andito di si Santi. Di naman taga dito yan tapos dito pa na isipan? As far as I know, di pa naman sikat ang coffee shop na ito.
Santi clung to the woman she was with: a woman with dark hair and red streaks, and a very poganda get up. Psh, vamfyr right?
Di pa sila nakahanap ng upuan. Inuna siguro nila yun bago mag order samantalang ako ay nasa kalagitnaan na ng pila. Ano ba namang coffee shop toh. For a place na hindi kilala, bakit pinilahan?
“Excuse me, the line’s moving.” Yung babaeng nasa likod ko ang nagsalita. Napatingin ako sa kanya. Masyadong mysterious ang get-up niya. Naka tennis skirt at white long sleeves pero sobrang tago ng mukha. Kulang na lang sumuot sya ng hijab para hindi siya ma-mukhaan. Ninja yarn?
Biglang napatingin si Santi sa direksyon namin at tumungo. Nanlaki mata ko. Without a word, I looped my arm with the woman behind me and forced her to stand next to me.
“Okay, eto ang game plan. Wag kang umangal. Ililibre kita ng kahit anong gusto mo basta pasok sa budget ko. Basta dyan ka lang. Wag kang magsalita. Pwede kang ngumiti kung may babati sa atin. But steady ka dyan sa tabi ko.”
She moved her head and stared at me. Even behind the sunglasses she wore, kitang kita ko yung pagtatakang kumikislap sa mata niya. “What the hell do you think you’re doing?”
The good thing: she didn’t yell or pull away. The bad thing: muntikan na siyang marinig ni Santi.
“Ja?” I stilled nung narinig ko ang palayaw that I only allowed Santi to call me. She wasn’t a fan of my nickname.
Napahinga ako ng malalim before turning to face her, moving my hand down to hold the stranger’s. “Santi? What a surprise! Ba’t ka naman na padpad sa teritoryo ko?”
Santi was staring at the stranger next to me, and then to our hands that were tightly clasped together. The only reason it was: sobrang higpit ng hawak ko sa kanya kasi baka mahimatay ako sa kaba.
Sa kabadingan. Ang ganda pa din kasi ni Santi kahit pinaiyak at pina-shot niya ako ilang gabi na. Lord, help a bading out.
But Santi ignored my statement. She was focused on the woman next to me. “Bakit parang kilala kita?”
The woman sucked in a breath but surprisingly offered a smile. “Maybe you’ve just seen me somewhere, that’s all. I’m Iya, by the way.”
Pero parang hindi natitinag si Santi sa kakatitig. I had to intervene. “Ito namang si Santi, nakahanap na nga ako ng para sa akin after your rejection tapos titig na titig ka pa. Wag mong agawin. Bakla code naman tayo oh.”
Next to me, Iya stifled a laugh and for some reason, parang I could puff my chest with pride. Funny talaga ako. Baka komedyante ako in a past life.
“Ja, how did you manage to date Leanne Montenegro?”
Santi’s words were in a hushed whisper but there was weight to it. Beside me, Iya stilled pero biglang: “Mam? May order kayo?”
Iya was quick to turn around sa cashier na nagtatanong, even forcing me to turn with her and muttering a quick “excuse us” to Santi.
“Isang sea salt spanish latte pero change it to oat milk lang po,” Iya stated, glancing at me at napa-order naman ako agad ng isang iced Americano kasi di na gumagana yung utak ko. Biglang kinalawang.
“Isang yun din pala oh,” Ngumuso ako sa isang cake na nakita ko naka-display. Yun talaga yung sadya ko dito. “Ano nga yan? Uso yan diba? Famous yan dito sa inyo. Yung ano kanafu.”
Beside me, napatawa si Iya. “How do you say it?”
Napakunot ang noo ko. “Eh hindi ko alam kung paano? You say it for me na lang?”
I was pouting when I said that to her and Iya let out an amused chuckle. Behind us, Santi snorted. “Lambing ah. Parang out of character.”
“Ay sorry, nung sa’yo kasi parang ang hirap mong lambingin.”
Iya squeezed my hand, forcing my attention back to her. “Isang slice lang ng pistachio kunafa. Thank you.”
She looked at me patiently. “You’re paying diba?”
Ay potek, napa-salang bigla ang weekly budget ko.
Wala na akong choice. Binayaran ko lahat ng inorder namin ni Iya at binigyan kami nung buzzer para kunin mamaya kung ready na. The two of us awkwardly looked for a table together at naiwan na si Santi dun sa pila. We found one finally unoccupied.
“Care to explain to me what happened back there?” Iya asked me once we were settled. She made no move in removing her cap and glasses, still remaining in her anonymity.
Napakamot ako sa batok. “Pasensya. Nagpanic ako. Yung babaeng bumati sa atin, niligawan ko for months. Binasted niya ako nung nakaraang araw. Medjo mahapdi pa rin. Kumirot yung sugat nung nakita ko siyang may kasamang iba.”
“So you thought being the bigger person meant introducing someone new to her? Dating someone new.”
Nagkibit balikat ako habang nilalaro ang buzzer. “Siguro. Basta ayokong isipin niyang mema ako. Jusko, alam mo bang anim na buwan ko siyang niligawan? Para akong tutang sunod ng sunod sa kanya! Yun pala, collect and collect until you select ang motto ni ate girl.”
“The way you went through it shouldn’t be a flex, Ja.”
My eyebrows rose. “Ja?”
“Hindi ba’t Ja ang tawag nya sayo?”
I laughed pero tumango. “Oo. Janine Maureen ang pangalan ko pero ew yun. Masyadong ano, masyadong mahinhin na babae na kawangis ni Maria Clara pero hindi naman ako yun. Baka umiyak pa si Maria Clara kung makita niya ako sa kumbento kasi I do not belong there. Di din ako maiinlove sa isang Ibarra.”
“Alam mo, sobrang dami mong sinasabi. What if pinakilala mo na lang sarili mo?”
I grinned, realizing tama siya. Parang kanina pa putak ng putak yung baba ko di ko man lang na formally introduce ang sarili ko sa kanya.
“Nimo. I prefer to be called Nimo. Lola ko bumigay ng palayaw na yan sa akin. Inis na inis siya noon kasi sobrang colonized daw ng pangalang ibinigay sa akin, ano pa daw ang punto na pinalaya ang Perlas ng Silanganan.”
Iya leaned closer to me, as if enamoured by the story I was telling. Yan. Yan lagi yung sinasabi sakin ng mga tao. Compelling daw akong magkwento.
“And how did Nimo come about?”
“Janine Maureen. Nin-mau. Nimau. Nimo. Wordplay si lola ng pangmalakasan para maisalba ang pangalan ko.”
“ Nimo, ” she repeated, letting my name roll off her tongue, soft and gentle, in a way that captured my attention with command. “Ang ganda pakinggan. Pero hindi ka ba tinuksong Finding Nemo?”
Tumango ako ng paulit-ulit. “Tinukso! Syempre! Pero yung Finding Nemo, finding no one yung translation nun if we’re being technical. Yung Nimo ko? Sa iyo ang translation nun in tagalog!”
Pero natigilan ako bigla at napatingin sa kanya. “ Iya. Iya talaga pangalan mo? Kanina sabi ni Santi…”
Biglang tumunog yung buzzer at tumayo si Iya para kunin yung order namin. Luh. Umiiwas?
Nung bumalik siya, tinulungan ko siyang ayusin yung pagkain sa lamesa. Nagnakaw ako ng tingin sa table ni Santi at ni vamfyr. Ngiting-ngiti talaga si Santi sa kasama niya. Di naman siya ganyan dati nung ako. Napasimangot ako sa nakita at napansin naman agad yun ni Iya.
Sinundan ni Iya ang tingin ko at natawa ng mahina. “If you keep staring at them, you’re making it obvious.”
Binalin ko balik ang tingin ko sa kanya. “Dapat ba maging affectionate ako sayo para siya yung mapa-tingin sa atin dito? G ka ba sa ganun? Sige naman oh, nilibre naman kita diba? Sagarin ko na lang. Last weekly budget ko pa nga yung binayad ko para sa kape natin.”
Iya shook her head at me laughing. Siguro palong-palo na ako sa kanya kasi kanina pa siyang ngiting-ngiti sa akin. “Hindi dapat ganti ang isasagot mo sa rejection, Nimo.”
Napasimangot na lang ako sa sagot niya. ‘To naman, parang others. Magpapanggap lang naman kami ng panandalian at tsaka, pag naubos na namin yung inumin namin pwede naman naming kalimutan ang isa’t isa.
“Nimo?” Napatingin ako sa kung sino ang tumawag sa akin at napangiti nung nakita sina Ate Cha at Ate Mira. Aba’y ano ba ‘tong coffee shop na ‘to? Akala ko hindi ‘to sikat pero bakit parang halos lahat ng kakilala ko napapadpad dito?
“Ate Cha!” Sigaw ko. Napatayo agad ako para salubungin siya ng yakap. “Umuwi na pala kayo! Hesos, bakit hindi man lang nagsabi!”
Niyakap ko ng mahigpit si Ate Cha. She was like a mentor to me. Napakagaling ni Ate Cha magsulat kaya siya naging isang ehemplo sa akin na gusto ding makilala sa larangan ng pagsusulat. Nung binitawan ko na si Ate Cha, si Ate Mira naman sana ang yayakapin ko pero nakatingin siya kay Iya. Lumapit siya at umupo agad sa tabi nito at nagbulungan silang pareho.
Pero it seemed like it was only Ate Mira who knew Iya. Nakatingin lang sa kanila si Ate Cha. Kinalabit niya ako. “Nung huling pag-uusap natin, si Santi pa yung nililigawan mo so explain to me, Nimo, bakit iba yung kasama mo? Bago kami pumasok ni Mira, nakita ko na si Santi at iba din kasama niya.”
Napairap ako sa sinabi niya. “Eh kasi namin, Ate Cha, binigyan ba naman ako ng spiel na it’s not you, it’s me at hindi ako pinili. Tapos ngayon malaman-laman ko may iba pala siya. Binigyan ko pa naman din yan ng oras tapos yun lang pala. Eh di sana tinapos ko na lang yung manuscript ko.”
Napakamot si Ate Cha ng ulo niya. “Alam mo ikaw bata ka, ngayon nga lang tayo ulit nagkita pero pinapasakit mo agad ulo ko."
Napa-pout na lang ako dun pero binalin ni Ate Cha yung atensyon ya kina Ate Mira at Iya. “Yab, kanina pa kayo dyan nag-uusap. Paano kung pinakilala mo na lang yan sa akin? Tsaka, actually, si Nimo dapat magpakilala since ka-date niya.”
Ate Mira looked up and met her lover’s gaze and flashed a big smile. “Sorry, mahal. I just didn’t expect na sa lahat ng lugar na makikita ko tong si Iya, dito pa talaga.”
But Ate Mira was eyeing Iya carefully, na para bang may sekreto na silang dalawa lang ang may nakaalam. “Iya, this is Cha, my girlfriend. Cha, si Iya. Nakwento ko siya sayo.”
Ate Cha was staring at Iya by then at nakita ko ang flicker ng recognition sa kanyang mga mata. Ate Cha shook Iya’s hand, na para bang nahihiya pa siya dito. Luh, in front of her girlfriend pa talaga? Etong si Ate Cha, di na talaga matanggal sa sarili ang dating branding na babaero.
Hinampas ko siya. “Ate Cha naman! Ba’t biglang naging shy type at pa-cute ka? Eh ka date ko yan tsaka in front of Ate Mira talaga?”
Tawang-tawa si Ate Mira at Iya sa akin at napatitig lang si Ate Cha sa akin in exasperation. “Nimo, seryoso ka? Hindi mo ba siya namumukhaan? Hindi mo ba siya kilala?”
She was saying this in a whisper, in the same manner that Santi did earlier din nung nakapila pa kami. “Anong namumukhaan? Ka-date ko siya, Ate Cha. Bakit mo naman sasabihin na hindi ko siya kilala?”
Ate Cha ran a hand on her face and sighed. Ate Mira was still laughing at the whole thing and even Iya was giggling in her seat, sipping her pricey coffee. Ano ba ang nangyayari? Pero Ate Mira suddenly laced her hand with Ate Cha’s. “Alam niyo, mamaya na lang tayo mag-usap. Nimo, pumunta ka mamaya dito. Ni-rent namin yung lugar para sa isang gabi ma-showcase and spoken poetry ni Cha. Iya, sumama ka.”
The last sentence was a command directed at Iya na napairap lang. Mukhang magkaibigan silang dalawa pero kung paano, hindi ako sigurado. Eh, paano ko naman kasi malalaman eh ngayon ko lang din naman nakilala si Iya.
Tiningnan ako ni Ate Mira. “Nimo, make sure na dalhin mo yan siya ha. Magka- date kayo diba.”
May diin talaga yung pagkasabi ni Ate Mira ng date kaya napakunot na lang ang noo ko. Alam ba niya?
Ate Cha and Ate Mira moved to the counter. Siguro may kakausapin if they were gonna rent this place. Napabalik na lang ang atensyon ko kay Iya at sa kape at cake na nasa lamesa namin. I sipped my coffee and winced. Potek, Americano pala yung order ko.
Natawa naman si Iya sa reaction ko. “Ayaw mo? Ba’t mo inorder?”
“Nag lag kasi utak ko.”
Iya chuckled but reached for my drink, pulling it right next to hers. Tumayo siya ng saglit at pumunta sa counter. Pagbalik niya, may dala na siyang teaspoon. She began to add the cream on her coffee to mine. “Sea salt cream lang yan pero siguro enough naman yan para bigyan ng lasa at tamis yang kape mo, para hindi masyadong mapait. Or do you want ba na humingi ako ng simple syrup?”
Nakatitig lang ako sa kanya nung sinabi niya yun. Buong buhay ko, ang tanging mga taong nag-alala at alalay sa akin ay ang pamilya ko. Dahil sa kanila, natutunan kong maging maalaga sa iba. Princess treatment nga si Santi sa akin nun nung nanliligaw ako.
Ganito pala feeling nun?
Iya’s eyebrows rose. “Nimo, are you okay?”
Napangiti ako. “Huy, ikaw ha. Fake dating trope lang tayo bakit ka nagpapa-fall?”
Iya rolled her eyes and focused on her drink. Di nga siya tumikim ng cake. “Ayaw mo? Share tayo. Di naman ako LC. Ikaw ba?”
Iya was staring at me as I began to eat. “Nimo, hindi mo ba talaga ako kilala?”
I was mid-bite when she asked that. I lowered the fork back sa plate. “Dapat ba kilala kita?”
She cracked a smile but shook her head. “Hindi naman. It’s just that, the people we’ve met here, they knew who I was. And yes, Mira and I know each other. We… work together, I guess.”
I snorted. “So kung kilala ka ng kakilala ko, automatic ba na dapat kilala kita? I’m a lot of things, Iya, pero hindi Marites ang pangalan ko.”
Iya snorted a laugh and shook her head. “Okay, okay. I get it, Nimo. Hindi mo ako kilala.”
“So magpapakilala ka ba? Kasi alam mo, tinatawag kitang Iya kasi sabi mo yan yung pangalan mo pero hindi pa rin kasi matanggal sa isipan ko yung tanong ni Santi sa akin kung bakit ko kasama ang isa Leanna churva.”
She smiled and then took a deep breath. “Google mo. Leanne Montenegro. It feels weird if I tell you outright who I really am.”
“Naks naman. Ganyan ka ba ka famous para magkaroon ng Wikipedia page?”
Iya shook her head at me. Siguro at this point pagod na sya sa dinami ba naman ng sinabi ko sa kanya. Wala pa nga atang naka isang oras na magkasama kami eh sobrang dami ko nang pinagsasabi. Sabi nga ba naman ni nanay ay maging newscaster na lang daw ako.
I pulled out my phone and typed in the name Leanne Montenegro. Clinick ko ang unang nakita ko tungkol sa kanya at ang larawan agad ni Iya ang una kong nakita. King and Queen of Primetime, magbibida sa bagong teleserye. Ashton Villamor at Leanne Montenegro…
Muntik kong mabuga ang kape na iniinom ko kung ininom ko nga naman. Tiningnan ko ang nakasulat sa phone ko and then tiningnan ko si Iya. Anak ng peste, anong klaseng lupa na naman ba tong hinukay mo Nimo Valderrama?
Napahinga ako ng malalim before lowering my phone. Iya was staring at me and hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin ng tingin nya. Malamang, hindi naman ako si Edward Cullen na mind reader.
Pero kung andito sya sa isang di kilalang coffee shop- di nga ba?- tapos naka get up pa sya na para bang ninja sya, ibig sabihin nun, she was trying to live her regular life. Isang araw or kahit na isang oras man lang na wala siya sa spotlight. Queen of primetime ba naman siya eh malamang sikat nga ‘to.
“Paano ka naging sikat eh di nga kita kilala. Pfft,” Pagsasabi ko na lang habang kinain yung cake ko. “May queen of primetime pang pag describe sayo. Kung totoo yun edi sana nagsigawan na ang mga tao dito.”
Iya cracked a smile and surprised me by nodding her head in agreement. “May point ka din naman. And that’s honestly why I come here, of all places I could be; TD Café offered exactly that. At least, yun yung kinuwento sa akin ni Isla when she started this café from scratch with her partner.”
TD Café. Oo nga, yun yung pangalan ng coffee shop na ito na makikita sa isang sulok ng eskinita malapit sa condo ko. Parang nakatago sya kasi ang taas ba naman ng mga buildings sa lugar na ito.
“So pumunta ka ba dito dahil kakilala mo yung may-ari?” Pagtatanong ko sa kanya, aware na I was getting sidetracked from the original conversation at large.
Tumango siya. “Oo. They have a version of this café in Bantayan, Cebu. Hangin and Hiling. Yung may-ari nun ay ang partner ni Isla na si Amihan. Nung bumalik na si Isla sa Maynila, she wanted to bring the same essence of that café here in the city hence this version, Tagpuang Diningin.”
Napangiti ako dun. For some reason, I could feel like there was more to that story than what Iya was sharing. “Parang gusto kong makilala yang mga yan. Mukhang may kwento sila eh. Kasi alam mo, if you haven’t realized, isa akong aspiring na manunulat…”
Napatigil ako bigla when I said that. There I was again, proud of a craft that I wasn’t perfect in. Napailing na lang ako. “Pero hindi naman yan ang pinag-uusapan natin. Ang topic sentence ng conversation na ito ay bakit napadpad si Leanne Montenegro dito sa coffee shop na ‘to?”
Iya bit her lip and shrugged lightly. “It’s one of the places I find peace in. If you haven’t noticed, the people here don’t seem to care whether sikat ka or hindi. They’ve been glancing at me since I walked in and even your friend knew who I was pero hindi siya gumawa ng eksena. Isa sa mga rules ng coffee shop na ito- as per Isla had made sure everyone who came knew-, bawal ang gumawa ng eksena. She and Amihan wanted this place to be a quiet tagpuan for people.”
“Saan ba nakalagay ang rule na yan? Ilang beses na akong pumasok dito pero di ko naman alam yan ah.” Gawa-gawa ata ‘to sya ng kwento.
Iya grinned and then pointed at the counter kung saan nakalagay ang menu on a chalkboard and above that, the line she just said, yung rule ni Isla. “This place promotes peace and tranquility and comfort from the chaotic world. Di mo ba napansin? Halos lahat ng tao dito are minding their own business.”
Tapos napahinga siya ng malalim. “This is a safe space for me, Nimo. Palagi akong andito pero ngayon lang kita nakita.”
“Bawal bang mag coffee shop hopping? Tsaka yang si Santi kasi hindi mahilig sa mga ganito. Gusto niya yung mas estetik pa dito pero hindi naman masarap ang kape. Yun lagi yung napupuntahan namin. Andito lang naman ako ngayon kasi ano…”
The words trailed and weren’t followed with anything more than that kasi paano ko ba sasabihin sa kanya na andito sana ako para maghanap ng inspirasyon para sa pagsusulat ko? Parang ang corny naman kasi. Pero sabi kasi ni Ate Cha, to find inspiration in what was normal kaya eto ako. Pero parang there isn’t anything worth writing about here naman.
Di na nadugtungan ang pinagsasabi ko kasi may tumapik sa akin. Si Santi pala. Nakasunod sa kanya si vamfyr. “Huy, nakita namin si Ate Cha. She invited me sa spoken poetry nya dito mamaya. Is it okay if we come?”
Napakunot noo ko sa tanong niya. “Bakit ako ang tinatanong? Hawak ko ba ang listahan kung sino ang pwedeng pumasok mamaya?”
Santi rolled her eyes at me as she reached for vamfyr’s hand, interlacing it with hers. Aba’y right in front of my iced Americano pa talaga. “Whatever. Inimbita din naman kami so we’re going. I love Ate Cha’s works. I’m sure Maui will love them din. And I’m guessing I’ll see you two there din?”
“Actually…” Iya began and I had a feeling she was going to say na hindi kami pupunta at hindi pwede yun! Hindi ako pwedeng malamangan!
“We’ll be there din,” I quickly said and flashed her a smile, “And mag-antay ka. Baka mag debut din ako ng sarili kong poetry.”
Santi stared at me for a moment and there was a ghost of a smile on her face. “Sana nga. Sana hayaan mong palakpakan ka din ng kahit konting tao, hindi yung buong mundo agad.”
She left right after saying that and I ended up mulling over her words, feeling their weight. “Ang bigat nung sinabi niya. Okay ka lang?”
I looked up and met Iya’s gaze. She wasn’t prying on what Santi meant. Instead, she was asking how I felt. Parang ngayon lang ata nangyari sa akin yun. Most of the time, palagi akong pinagsasabihan ng tao matapos nilang malaman yung kwento ko, yung kung paano ko gustong-gusto pagandahin ang mga sinusulat ko bago ko sila ipakita sa buong mundo.
“Oo naman! Sus. OA lang yun noh. Alam mo kasi, hindi pa handa ang buong mundo sa kakayahan ko bilang manunulat.”
Iya’s eyes softened and she shook her head at me, leaning back on her chair. Naubos na pala niya ang kape niya pero nananatili pa rin siya dito, kasama ako. “Alam mo, I used to be like you. I did everything to finetune myself in acting. Lahat ng acting classes, tinahak ko. Pero it takes time, Nimo. Success doesn’t happen overnight and even if it does, it’s still fleeting so kailangan mo talaga siyang pagtrabahuhan.”
I let out a quick chuckle. “Naks naman. May pinaghuhugutan. Syempre naman, primetime queen ka diba?”
Iya shook her head at me na lang pero bago pa siya makapagsalita, biglang sumulpot ulit sina Ate Cha. “Huy, kayong dalawa, you’ll be here mamaya ha? Tsaka nasabihan na namin sina Isla about you, Iya.”
Ate Mira was looking at Iya when she said that at napairap lang si Iya pero she was smiling, grateful for her friend’s caution it seemed. “I have an exhibit na kailangan kong puntahan, Mira. You know this has been my first day off in weeks.”
Nanlaki mata ko sa sinabi ni Iya. Kung may pupuntahan siya at hindi ko siya kasama mamaya, ano na lang kaya ang sasabihin ni Santi? Hindi pwede. “Saan ba yang exhibit na yan? Sasamahan kita basta’t sasamahan mo ko bumalik dito mamaya. Anong oras ba yung sayo, Ate Cha?”
Ate Cha was looking at me in amusement. “Mamayang 8PM pa naman. Yung exhibit ba, Iya, anong oras?”
Iya opened her phone to check. “Akim said it starts at 6PM naman. Kung gusto mo talaga, Nimo, sasamahan kita. Mukhang iiyak ka na kasi if tatanggi ako.”
Her answer made me sigh in relief at umalis na sina Ate Cha at Ate Mira. Iya let me finish my food while she was busy on her phone. “Sorry kung napipilitan ka ha. Ayoko kasing makita ako nina Santi mamaya na mag-isa lang. Ngayon lang naman ‘to. Pramis, hindi na kita guguluhin ulit.”
Iya lowered her phone and flashed me a smile. “It’s okay, Nimo. Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw.”
There was a hint of wistfulness in her voice when she spoke, na para bang ang lungkot niya na wala siyang plano for the day. “Ayaw mo nun? You have all the time to relax and do whatever.”
Iya sighed. “But doing whatever sometimes equates to doing nothing. At kung wala akong ginagawa, naaalala ko ang mga bagay na hindi dapat.”
Her answer piqued at my interest and I leaned closer. “Bakit, ano ba lagi mong ginagawa sa off-days mo?”
Iya’s eyebrows rose at my question. “Akala ko hindi Marites ang pangalan mo.”
“Hindi naman pero yan yung pangalan ng lola ko so genetic siguro.”
She burst out laughing at my statement. “Joker ka eh, noh? Baka komedyante ang calling mo at hindi manunulat.”
Napaisip ako dun. “Hmm. Pwede? Pero kasi, di naman bebenta lahat ng jokes ko sa lahat ng tao so baka hindi ako sisikat.”
“Sumusulat ka lang ba para sumikat?”
“Kung sasabihin kong oo, anong isasagot mo?”
“You won’t get anywhere if fame is your only goal, Nimo.”
I pursed my lips. “Once again, hindi yan ang topic sentence natin, Iya. Bakit ba ang hilig-hilig mong e turn yung tables at ako ang e hotseat? Ikaw yung tinatanong ko.”
She stared at me long and hard, na para bang may pinag-iisipan pa siya ng mabuti bago siya magsalita. And then, something in her face shifts, it relaxes, in a way that tells me that she was ready to tell me whatever the hell it was she was holding onto.
“I just broke up with my boyfriend,” she said in a whisper, biting down on her bottom lip as soon as the words left her lips na para bang pinipigilan niya ang sariling umiyak. “It’s not my love team partner, if that’s what you’re wondering but he’s also with me in the industry. He’s not paired with a love team like I am.”
She was quiet for a moment and I waited kasi parang feeling ko may idudugtong pa siya. Madaldal ako pero hindi naman akong pinalaking bastos. “And if you’re wondering din, oo, the fact that kailangan kong mag fan service with Ashton at maraming delulu na iniisip na kami ay usually ang cause ng pag-aaway namin. I’ve told him a hundred times I’m willing to shout to the world na siya ang boyfriend ko pero…”
She let her words trail off and then looked down at her hands, playing with the ring she was wearing on her right ring finger. “Pero kasi ayaw niya. Kasi daw it’s not the right time to. Pero hindi na din kasi niya kaya yung mga nakikita niya so the solution he had was to end things between us. Hindi na niya inantay kung anong say ko dun, na para bang siya lang yung nasa relasyon.”
I didn’t say anything kasi ano ba ang sasabihin ko? I’ve never been in a straight relationship so I didn’t know how their dynamic worked. Neither of us spoke for a moment. We let the silence between us grow louder to the point na para bang mas maingay pa yung silence keysa sa quiet hum of business ng cafe kung nasaan kami.
Finally, I pushed the plate of finished cake on the table away from me. “Saan nga ba yung exhibit na pupuntahan mo? Sabi mo diba 6PM yun? It’s 4:30. Kung malayo pa, baka ma late tayo at hindi makabalik dito para sa spoken poetry ni Ate Cha.”
Iya stared at me, na para bang she didn’t expect me to not say anything or ask anything about what she just confessed. It was clear that she didn’t expect me to change the topic. “The exhibit is in Taguig. I can book a grab papunta dun-,”
I showed her the keys to my Fazzio. “May extra helmet akong dala. Andun sa motor. Lika na.”
I reached for her hand and dragged her out of the cafe and to where I parked my green Fazzio. I handed her a white helmet with a cheeky smile. “Don’t worry, safe driver ako pero kumapit ka ng mabuti sa akin ha? I wouldn’t mind din if yakapin mo ko. Hindi ko iisiping nagcha-chansing ka. Parang kailangan mo kasi ng yayakapin ng mahigpit. Since sasamahan mo ako mamaya, I volunteer as tribute na lang.”
“Why aren’t you asking me to expound it?”
“Di ako si Christy Fermin, si Ogie Diaz or si Christian Gaza.”
I helped put the helmet on Iya. “You’re not even gonna ask me who he is?”
I paused, considering it for a moment and then shaking my head. “Ba’t ko tatanungin? Parang ang gago naman kasi niya. Willing ka na ngang ipagsigawan sa buong mundo na mahal mo siya pero ayaw niya. Parang gusto pa niyang itago lang muna yung relasyon niyo and even if it’s for practical reasons, Iya, you deserve to be loved loudly and proudly.”
Iya sucked in a breath and looked away from me for a moment. Napatitig ako sa kanya, sensing na napaiyak ko ata siya sa sinabi ko. Natahimik ako dun kasi I didn’t intend to make her cry. Tahimik lang ako sa tabi niya while she tried to hold herself together. Pero kasi, hindi ko din namang branding maging estatwa lang sa gilid habang may umiiyak sa harap ko.
Kaya ayun, I reached for her arm and pulled her to me, wrapping my arms around her in an embrace. Iya stiffened at first, surprised and taken aback at the gesture but eventually relaxed in my arms. She wrapped her arms around my neck, hugging me tightly, pulling me closer, and cried softly on my shoulder. Buti na lang parehas lang kami ng height.
When Iya pulled away from me, she wiped her tears with the back of her hand and let out a snort. “Sorry ha. Di ko naman inexpect na iiyak pala ako. Ikaw kasi, you hit me right in the feels when you said I deserved to be loved loudly.”
I tilted my head and offered her a charming smile. “Kung yan yung gusto mo, kaya kong ibigay yan. Sabihin mo lang, I’ll give you a taste of how it feels to be loved like that. Lagi ba naman akong nasa listahan ng noisy.”
Iya rolled her eyes as she watched me get on my motorbike. “Asus. Eh hindi ka pa nga nakapag-move on dun sa kay Santi ah. Ginamit mo pa nga ako and now I’m stuck with you for the rest of the night.”
“Ay, hindi ako ang nalugi dun. Siya. Kasi ako, nagmamahal ako ng tapat at totoo. Handa akong ipagsigawan sa buong mundo ang nararamdaman ko para sa taong mahal ko. I could have loved her in whatever version of love she asks from me pero kaso ayun, iba pinili so it’s not my loss ha. It’s hers.”
“Aba, masyado ka namang mahangin,” Iya responded as I helped her get on the bike. She placed her hands on my shoulders as I turned on the bike.
“Hala, wag mo kong hinahamon, Iya Montenegro ha, baka umuwi kang naka-fully moved on sa ex mong bugok at in love sa akin,” Pagmamayabang ko habang inaatras ang motor para makaalis kami.
Tawang-tawa si Iya sa pinagsasabi ko and teased me by saying, “Oh sige nga. Subukan mo. Tingnan natin kung by the end of the night, Iya becomes sa iyo.”
