Chapter Text
January 2022
“Gago, luluhod na ba ko sa harap ng practicum director? Because what the fuck do they mean na hindi pwede sabay sa OJT yung PE.” Sambit ni Renjun, bakas na ang stress sa mukha nito. Ilang araw na siyang walang tulog dahil sabay sabay ang exam ng mga majors tas sasabay pa itong balita na ‘to.
“Baka eto na ang parusa sa ating mga bading.” Hirit ni Haechan sa gilid niya at patuloy na nagtitipa ng laptop niya para magdraft ng appeal. Maybe they did BFF too hard to the point na sabay pa ata silang madedelay.
Bumuntong hininga si Renjun “Pero di ako papayag, grabe kung need ko iblackmail lahat ng pwede iblackmail sa kanila, gagawin ko! Di ko tinake yung tatlong majors ngayon ng sabay-sabay para lang madelay!” Reklamo nito with matching pagtayo at actions ng kamay pa.
Mabilis na sinesenyasan ni Haechan si Renjun na umayos at umupo nalang pero patuloy lang ang isa sa mga binibitawan niyang pagbabanta.
“Ano ba akala nila, nagpapakamatay ako ngayon sa mga subject ko para lang pumasa tas PE lang dahilan kung bakit ako madedelay. Aba parang gago—“
Napahinto si Renjun sa pinagsasabi niya nang makita ang swim team na dumaan sa harap niya at kasama na do’n ang crush niya for two years and seven months now na kapitbahay niya, si Jaemin Na.
Nakasukbit ang gym bag nito sa malapad na balikat niya, medyo basa pa ang buhok— halatang galing sa training. At suot ang black square rimmed glasses niya, inadjust niya pa ito dahil bahagyang bumagsak sa matangos niyang ilong.. What the fuck, ang lapad, ang pogi. And oh my god—did he just glance at me? Sandali, bakit parang natagalan yung sulyap?
Napaupo si Renjun at hinampas si Haechan, “Bakit di mo sinabing padaan sila Jaeco? Grabe, sinasadya niya siguro ‘yon no kasi ang luwag luwag ng daanan sa likod natin, bakit sa tapat ko pa talaga?” Sinundan niya ng tingin si Jaemin at humigop sa mango shake niya bago kinagat ang straw.
Umirap nalang si Haechan at sinimulan na kunin ang airpods niya dahil alam na niya kung saan ito patungo. Isang matinding delusional episode na naman.
“Sobrang pogi niya, lagi ko nalang siya nakikita kapag sobrang stressed ako. Maybe it’s a sign na kailangan ko siya sa buhay ko.”
Sumingkit ang mata ni Haechan, at kumunot ang noo, inikot ang hintuturo sa gilid ng sentido. Baliw . Ayan na naman kasi si Renjun sa sakit niya. Ano nga ba ang etiology ng sakit niya na ito? Let’s go back to where it all began.
June 2019 - Sophomore Year Term 3
Maaga dinismiss si Renjun sa isang klase niya kung kaya’t narito siya ngayon sa learning commons kasama ang kaibigan na si Haechan na busy sa pagkain ng Mongolian rice bowl niya.
Nakatuon ang pansin ni Renjun sa ginagawang transes dahil kahit na free time niya ay ilalaan niya sa pag-aaral para lang hindi siya matambakan ng gawain para makatulog siya ng maaga tuwing gabi. Baka may pag-asa pa ang height niya, malay niyo ba! Defying biology ang atake niya.
Siniko siya ng katabi at pasimpleng bumulong ito, “Teh, wag ka halata ha. 1PM direction, may pogi nakablack. Type mo.”
“Nakatalikod naman eh, pogi agad porket maganda build?” Reklamo ni Renjun habang jinujudge ang kaibigan. “Katawan lang ba akala mong habol ko?” Suminghap pa ito for the dramatic effect.
“Pogi nga kasi, antayin mo humarap.” Mariin na bulong ni Haechan, at mahinang hinampas ang braso ng kaibigan.
“Anong pinag-bubulungan niyo?” Biglang singit ni Chenle sa usapan, dinikit pa nito ang ulo niya kay Renjun.
“Ayun oh, pogi yon diba?” Bulong muli ni Haechan at ngumuso sa gawi ng lalaking nakaitim. Sakto naman ang pag-ikot nito paharap sakanila kung kaya’t kanya kanya ang tatlo sa pag-iba ng direksyon ng tingin.
“Ayan, gago kayo. Lumingon tuloy. Baka nafeel na pinaguusapan siya.” Tulak ni Renjun dun sa dalawang ulo na nakasiksik sakanya.
“Ah yun ba? Bestfriend yan nung classmate ko sa Rizal. Nakikita ko sa IG stories niya. Crush mo?” Tanong ni Chenle at umikot na ito para umupo sa harap nila. Nilapag ang dala-dala sa lamesa kung kaya’t medyo natatakpan na sila Renjun.
“Si Renjun. Crush niya.” Natatawang sagot ni Haechan. Mabilis na tumama sa braso niya ang kamay ni Renjun.
“Paladesisyon ka rin eh? Crush agad?” Naiinis na sagot ni Renjun sakanya.
“May banda ata sila kasi nagpopost ng covers minsan yung classmate ko eh.” Napahinto si Renjun sa pagttype kaya tumawa na ang dalawa niyang kaibigan, alam na alam paano siya hulihin.
Renjun would be lying if sasabihin niya na that one statement didn’t pique his interest. And yung mukhang ‘yon? Interesting. Mukhang baby boy na may great physique? Mukhang wholesome pero parang kayang buhatin ako gamit isang braso?
Tuluyan na naiba ang usapan dahil minsan lang nila makita si Chenle kahit na nasa iisang campus sila dahil ibang-iba ang sched nila sa kaibigan na mula sa ibang college.
Sa pagitan ng kanilang mga kwentuhan at tawanan, hindi maiwasan ni Renjun ang hindi tumingin sa direksyon ng lalaki. Tila may something rito na sobrang nakakakuha ng atensyon ng isang hamak na bio student na tulad niya. Hapit na hapit naman kasi ang black shirt niya, kaya kitang kita ang pectoralis major niya eh!
Kinagabihan noong araw na ‘yon ay sabihin nalang natin na nagsend si Renjun allegedly ng message kay Chenle, “Anong pangalan nung guy sa lib kanina?”.
Oh, teka, teka. It doesn’t start there, actually.
October 2019 - Junior Year Term 1
Natapos na ang klase ni Renjun sa Philippine History at eto siya ngayon nagmamadaling nagtitipa sa phone niya upang ikwento sa mga kaibigan ang isang lalaki na potential crush niya.
Renjun
guys ang cute istg para siyang boy next door type
mark lee name
Haechan
nakalimutan mo na si harold?
san ka, rj?
Renjun
sino ‘yon!! pokimon ka wala akong crush na harold
pauwi na
Chenle
HAHAHAHAHA
si lib guy tinutukoy niya, binigyan na niya ng nickname kasi di natin malaman
10am palang uuwi ka na?
Renjun
pass auq na dun di ko naman nakikita
isa lang class ko pag wed
Haechan
tangina mo kasi, le
dapat tinatanong mo nalang sa bestfriend niya
Chenle
ayoko! hindi pwede!
baka isipin nun si harold crush ko, eh siya naman talaga
Renjun
WTF
BSHSBSHSJS WHAT THE FUCK
NSJSNSJSJAJAJWJWISISNNWZBAHAKSOSJS
Ang malabong mata ni Renjun? Suddenly 20/20 vision. Sa hallway na araw-araw niyang dinadaanan pauwi, biglang hindi na siya sigurado kung gusto pa niyang umuwi. Mukhang may bago siyang gustong sundan.
Walking towards him is the guy he saw at the library, clad in his jersey shirt at black dry fit short, sporting a black-square rimmed glasses as well. May nakasukbit pang gym bag sa balikat nito. Nung malapit na ito sakanya, nabasa ng binata ang nakasulat sa jersey. Swimming Team.
Renjun would be a fucking liar kung idedeny niya na biglang tumugtog sa utak niya ang touch tank by quinnie. He’s so pretty when he— . Hanggang diyan lang muna, hindi pa siya ready sa mature roles. Tangina, ang pogi. Hindi gusto ni Renjun ang damsel in distress trope pero shet, baka talunin niya ang pool kahit di siya marunong lumangoy para lang maligtas siya nito.
Renjun
TANGINAAAAAA NIYO PAREHO
LALO KA NA HAECHAN
Haechan
ako na naman bunot mo!!
Renjun
no more potential crush
may crush na ko
TANGINAAAAAA MO TALAGA
salamat rin chenle sa walang kwenta mong tulong
ako na maghahanap sa kanya, alam ko na kung saan
Chenle
what are u saying bruh
Let’s just say umuwi si Renjun nang may ngiti sa labi at hindi nakasimangot dahil sa siksikang LRT.
February 2021 - Junior Year Term 3
Valentine’s Day
“Salamat sa Diyos! At may gagawin ka na rin about your almost 2 year crush!” Reaction ni Haechan nang makita niya ang pinipinta ni Renjun.
Kasalukuyan silang nasa condo ni Haechan, nabigla nga siya dahil ngayon lang ulit humawak ng painting materials ang kaibigan.
“2 years na pala yon. Grabe, tas hanggang ngayon hindi pa rin kami ni Jisung.” Reklamo ni Chenle sa gilid, habang kinakalikot ang remote ng TV para makahanap ng movie.
“Teh, at least kayo talking stage, may something! Eh etong kaibigan mo?” Turo ni Haechan kay Renjun kasabay ng pag-ikot ng mata. “Hanggang tingin lang, ayaw pa ipadaan diyan sa ka-situationship mo. Feeling high school amputa.”
Ngumiti si Renjun at nilagyan ng pintura sa mukha si Haechan, “Manahimik ka nga, wala kang pake. I’m masterminding everything.”
“Epal. Napakabagal mo, pag ikaw naunahan. Mamaya straight din pala ‘yon.” Pang-aasar ni Haechan muli sa nakakatanda.
“Hindi yun straight, tandaan mo birds of the same feather, stick together.” Sabi ni Renjun, habang umiikot din ang kanyang paintbrush, paturo sa kanilang tatlo. “Bading si Jisung, bading din ‘yun!”
“Pero gagi wait, hindi ba creepy yung I’ve been admiring you from afar? Sounds like stalker behavior diba?” Mabilisang tanongni Renjun dahil parte ito ng sulat na drinadraft niya sa utak niya.
“Sounds like you, kamo.” Hirit ni Chenle sa kanya. “Tsaka, ba’t mo crinacram ‘yan? Ngayon, Valentines teh.” Dagdag pa nito habang dumudukot na ng Piattos.
“Ayoko ngayon. Bukas ko ibibigay kasi I’m not like other girls.”
Day after Valentines.
Nakatayo si Renjun sa lobby ng sports complex ng eskwelahan nila at 7:30AM dahil alam niya na ganitong oras natatapos ang training ng swimming team. Baliw na nga ata siya ngayon kasi he swears how much he hates 7:30AM classes dahil ang hirap makipagsiksikan sa LRT sa umaga. Pero nandito siya para kay Jaeco.
Jaeco. Donut. A secret name na Haechan coined para they can talk about him in public na hindi masyado halata kasi after all, he’s an athlete and he’s a little famous sa isa niya pang org according to a friend.
Hindi rin alam ni Renjun kung saan nanggagaling ang lakas ng loob niya ngayon pero to be honest, he’s has always been this way. Dead set on doing whatever he puts his mind into. Ni katiting na kaba, wala na siyang nararamdaman dahil gusto niya lang ito gawin.
Sana mag-isa siya. Sana mag-isa siya. Ayaw niyang may kasama itong teammates dahil ayaw niya itong maging tampok ng tuksuhan. If there’s one thing na Renjun learned about Jaemin, it’s that he is a huge introvert and only ever hangs out with his two friends.
He’s also away sa spectrum ng cool guys despite being an athlete, he’s more of on the other end of the spectrum— a loser . Exactly, how Renjun liked it. Loser in Renjun’s dictionary is someone like Jaemin. Studious. Clean. Mabango. Someone with discipline. Jaemin can balance excelling in academics while breaking records in UAAP. A loser.
Sa lalim ng iniisip niya, lumagpas na sa kanya ang hinihintay niya. Shit. Mabilis na hinabol ito ni Renjun.
Tinapik niya ang balikat nito, habang kinakalma ang loob niya. Mabilis siyang nilingon ni Jaeco, naka-laki ang singkit na mata marahil sa gulat. Kahit si Renjun ay magugulat kung tapikin siya in these streets kung saan may napabalitang may nangangagat na bata.
“Sorry if nakakaabala.” Shet. Sounds like magrerecruit siya sa bible study. Huminga ng malalim si Renjun dahil nakatitig lang sakanya ang long time crush niya at kung wala siyang kaba kanina, ngayon kumakabog na ang dibdib niya. “Someone just wanted to give you this.”
Inabot ni Renjun ang isang dilaw na envelope na agad rin namang kinuha ni Jaemin. Medyo dumaplis pa nga ang kamay nito kung kaya’t pulang pula na ang isa.
“And who may that be?” Tanong nito sakanya, bakas parin ang kalituhan sa mukha. Ang pogi. Ang pogi ng mukha. Ang pogi ng boses. Gusto sumigaw ni Renjun.
“Ah, ako. Hehe,” Nahihiyang sagot ni Renjun, napayuko pa ito. Ramdam na ramdam na niya ang pag-init ng kanyang tenga.
“Thank you for this, ah” Sagot ni Jaemin sakanya, hinihintay ang pangalan ng lalaking nasa harap niya.
“Renjun. Ah right, I’m Renjun Huang.”
“Thank you, Renjun.” Nagbigay ng matipid na ngiti si Jaemin sa binatang nasa harap niya.
“No problem. I’ll go na rin, Jaemin. Have a great day ahead!”
Nagmamadali si Renjun na umalis kasi if he stayed further baka sumabog na lang ang dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Tangina, I hope I didn’t make a fool out of myself.
Oh wait, hindi pa nakkwento ang parte kung saan nalaman niyang kapitbahay niya pala ito.
April 2022 - Summer Break
Tuwing bakasyon, umuuwi si Renjun sa Nueva Ecija para makapagtouch grass at makapag-isip isip, malayo sa usok at polusyon ng Maynila. Iba ang hanging probinsya, madaming wala sa Maynila na rito mo lang makikita.
Una sa lahat, ako . Charot .
Pero marami ring wala sa probinsya na nasa Maynila lang.
Una sa lahat, si Jaeco.
Nagpaikot-ikot sa kama niya si Renjun. Jusko, hindi naman palapost si Jaeco. Paano ko na siya makikita? Alam niya na kuhang-kuha nito ang tipo niya, lalaking walang social media presence. Ang tanging laman lang ng feed nito ay dalawang post na naglalaman ng two seasons niya sa UAAP. Literal na isang taon pagitan. Lord naman, isang update lang naman!
“Renjun! Gising ka na ba?” Sigaw ng nanay niya mula sa labas ng kwarto niya.
“Opo, gising na.” But never sa pantasya kay Jaemin Na.
“Bumili ka nga muna ng itlog sa tindahan, bagay dito sa danggit natin na almusal. Bangon na diyan, nak.”
Ikalawang sa probinsya lang makikita, si Renjun na lalabas ng bahay na nakapangtulog lang. Ano bang pake nila? This is my turf. My hometown. Wala siyang pake sa mga tao dito dahil nasa Maynila naman ang bebe niya.
“Ate, pabili po limang itlog.”
“Ay ikaw pala ‘yan, Ren. Musta ka na?” Bati sa kanya ng tindera habang inaabot ang binili niya.
“Ayos lang naman po. Salamat po.” Nakangiting sagot ni Renjun, kinuha niya ang nakasupot na itlog at inabot ang bayad.
Sa kanyang pagtalikod sa tindahan, ay siyang pagdating ng isang pamilyar na mukha. Tangina, si Jaeco. Naramdaman ni Renjun ang pag-agos ng kung ano sa paa niya kasabay ng sigaw ng tindera, “yung itlog!”
Yung itlog? Natauhan bigla ang binata at dinampot ang supot at tumalikod kay Jaeco.
“Ate, pangscramble na ‘to. Pabili ulit lima, pang sunny side up.” Mabilis na sinabi ni Renjun tila naghahabol ng hininga.
He heard a chuckle from his back. Fuck, bakit nandito si Jaemin? Ang bilis ng tibok ng puso niya at ang bilis naman ni Lord. Kanina lang ay nagrereklamo siya na hindi niya ito makikita ngayon dahil bakasyon nga pero bakit nandito?
“Eto na oh, ‘wag mo na ihulog ah baka maging sampu pa pangscramble niyo.”
Ngumiti nalang si Renjun sa tindera at huminga ng malalim bago tumalikod rito, umikot nang hindi tinitignan si Jaemin at nagsimulang maglakad palayo. Shet, bakit nandito si Jaemin sa Nueva Ecija? At sa laki ng Nueva Ecija, sa bayan ko pa?
“Renjun!” Sigaw ng boses na nakakapagpanginig ng lahat ng pwedeng manginig kay Renjun lalong lalo na ang kanyang puso.
Napako ang paa niya sa kalsada, pero kahit gusto niyang tumakbo palayo, napilitan siyang lumingon— mabagal , tulad ng panalangin niyang sana magplay sa utak ni Jaemin ang intro ng ’Till I Met You .
Hindi siya sigurado kung paano nga ba dapat tumugon, pero bago pa siya makapag-isip ng matinong sagot, narinig niya ang boses nito.
“You left your wallet.”
Napakurap siya, agad na bumaba ang tingin sa pitakang inaabot sa kanya.
“Ay, hala.” Mabilis niyang kinuha, pilit na itinatago ang hiya sa ngiti. Bwisit. Ano ‘to, first meeting sa teleserye?
“Thank you, Jaemin.”
Tumango si Jaemin, “No worries.”
“Kapitbahay ba kita?” Tanong ni Renjun, kating-kati na kasi siya malaman bakit nasa lungga niya si Jaemin. In these very streets na nakasaksi ng kanyang pagiging mother sa chinese garter, bakit nandito ang college crush niya!
“Oo. I live right beside your house lang.” Sagot ni Jaemin habang tinuturo ang bahay na katabi ng kung nasaan sila ngayon.
Parang may sumipa sa dibdib niya.
…Ha?
“We bought the house lang mga four years ago.”
Nag-blink si Renjun. Four years ago?!
So ibig sabihin… all this time, nakatabi niya lang si Jaemin sa bahay pero ngayon lang niya nalaman? Tangina.
“Ah,” tumikhim siya, nagmamadaling i-process ang bagong impormasyon. “Ikaw pala yung sinasabi nila Mama na varsity sa university na kapitbahay namin. Akala ko pa naman volleyball player.”
Tumaas ang kilay ni Jaemin, parang natatawa. “Are you disappointed na it’s a swimmer instead?”
Renjun opened his mouth, pero walang lumabas na matinong sagot. Putek, paano ba sumagot nang hindi tunog obvious?
“N-No naman,” palpak niyang sagot. Lord, bakit ako nauutal?
Napansin niyang may bahagyang ngiti si Jaemin, pero hindi niya sigurado kung guni-guni lang niya o may kung anong aliw sa mga mata nito. Bakit parang natutuwa siya? Ano’ng nakakatawa? Ang itlog ko?
Para makaiwas sa kung ano pang kapalpakan, agad siyang nagpaalam. “Uh, sige, balik na ako sa bahay. Thanks ulit.”
Naglakad siya nang mabilis, pero kahit ilang hakbang na siya palayo, ramdam pa rin niya ang tingin ni Jaemin sa likod niya.
At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang gusto niyang lumingon. Kaya’t lumngon siya nang makapasok siya sa gate nila at doon niya nakita si Jaemin na nakatingin din sakanya at nakangiti.
At diyan na nagtatapos ang pinagmulan ng sakit na ito!
January 2022
“Dami mong alam, Renjun.Pero hanggang ngayon, ang status niyo ay ‘magkakilala’ pa rin?” tanong ni Haechan, may nakakaaliw na tono.
“Shhh, promise! Mas malapit na kami! Nagka-exchange na kami ng messages! At nagkakabatian pa sa harap ng buko stand!” sagot ni Renjun, halatang excited.
“Talaga? Ang cute naman!” Sarkastikong sagot ni Haechan, at tumawa ng bahagya. “Bumabati lang naman yun ‘pag kasama natin jowa ni Chenle na bff niya.”
Bumuntong hininga si Renjun. “Oo nga, gets ko. Pero, so what? Hindi naman si Jaemin ang may gusto sa akin, kaya hindi na ako dapat mag-expect. I am the one with feelings, di ba? Baka dapat ako ang magpaka-sweet!”
“Then what?”
“Edi wala, it’s not like I have expectations.”
Meron akong expectations. Kelan niya ba irereciprocate ang feelings ko? Magtatatlong taon na, wala pa ring kahit ano. Grabeng slowburn naman ata ‘to, baka tustado na kami after.
February 14, 2022
Mag-isang binabaybay ni Renjun ang hallway, pilit na nire-review ang notes niya. Nakaschedule ngayon ang exam nila sa Pathology—isa sa mga subjects na may mataas na mortality rate dahil halimaw ang mga prof rito.
Sa paligid niya, halos lahat may dalang bulaklak, may kaakbay na jowa. Wala na ngang jowa, may exam pa. Tas dalawang linggo ko nang hindi nakikita si Jaeco. Inang buhay ‘to.
Pagpasok niya sa plenary hall, sinalubong siya ng boses ng professor nila.
"Place your bags in front. Ang gadget lang na gagamitin niyo para sa exam ang dapat nasa upuan niyo."
"You know the rules—hindi niyo naman malilipat browser niyo. Don’t even try to cheat, or else fail na agad yun."
"Best of luck for this exam, guys! Sana may date kayo later, kasi ang lungkot naman kung bumagsak kayo tapos wala pa kayong date. Anyway, you may start now."
Napairap si Renjun pero agad din siyang tumutok sa screen. Isa-isa niyang sinagutan ang tanong—aral na aral niya ito. Ilang araw ba naman niyang pinagpuyatan. Nang lumabas ang score niya sa screen, napangiti na lang siya. Worth it naman ang pagod at puyat.
Pagbaba niya, ramdam na ang dagsa ng tao sa mga booth sa ibaba ng building. Iba’t ibang food stalls ang nagkalat, at habang umiikot ang mata niya, nakita niya ang kaklase niyang si Gab.
"Kamusta exam?" tanong nito.
"Masaya ako sa score ko, sis. Sana ganun pa rin next—"
Napahinto si Renjun.
Sa ‘di kalayuan, nakita niya ang pamilyar na pigura. Maganda ang ngiti ni Jaemin habang tumatawa kasama ang mga ngayong narerecognize na rin niyang teammates nito.
Bahagyang hinahaplos ng hangin ang buhok nito, kung kaya’t parang kinuha mula sa pelikula ang eksena sa harap ni Renjun ngayon.
Grabe, Lord. Sa Valentine’s ko pa talaga siya makikita.
"Ayan yung crush ko, Gab," Bulong niya sa kaklase.
"Ay, pogi nga!"
"Bye na pala, teh! Hahanap ako ng ibang pagkain dun sa kabilang building, di ko type mga nandito."
"Sus, susundan mo lang ata crush mo."
"Tange, may training ata sila. Sige na, bye!"
"Ate, magkano po sa California maki?"
"100 lang po ‘yan."
Habang naghuhukay sa tote bag para sa wallet, napalingon si Renjun sa kaliwa.
At doon niya nakita si Jaeco.
Pero iba ang naramdaman niya sa oras na ‘yon. Wala ang dating saya na nararamdaman niya tuwing nakikita ito. Sa halip, may kung anong biglang bumigat sa dibdib niya.
Si Jaemin . May kasamang babae. Bumaba ang mata ni Renjun at napansin na buhat pa nito ang bag ng kasama.
Kasama pa rin ang ibang teammates, pero nahuhuli ng lakad ang dalawa. Mukhang may sarili silang mundo.
Nasa harap niya ang pagkain, pero mukhang wala na siyang gana.
Naglakad siya sa palayo. Palayo kay Jaemin. Palayo sa binibili niyang California maki, bahala na kung ma-freedom wall siya.
Pero kasi parang may bumagsak sa loob niya. Pero hindi niya sigurado kung puso ba niya o ‘yung natirang dignidad niya.
Nahanap niya ang sarili sa banyo sa kabilang building. Nakatingin sa sarili at tinatantya ang emosyon. Ngunit, ramdam na ramdam ni Renjun ang kirot sa kanyang dibdib.
Renjun
nasa campus ka na?
Haechan
wala pa
yket?
Renjun
pasok ka na pls
iiyak na ko istg
Haechan
gago baket? bad exam?
Renjun
no si jaeco may jowa na ata
Haechan
okay im rushing out na!
3 days after Valentines 2022
“Ha?!” Ano ‘tong sinasabi ng mama niya na nagsabi ang kumare niya na sabay nalang sila ng anak niya umuwi?
Kumare = Nanay ni Jaeco. Jusko po.
Tila sumakit muli ang ulo ni Renjun, mas stress pa siya sa nangyayari ngayon kesa noong matambakan siya ng tatlong major exam sa isang araw.
“Ma, magbbus nalang ako.” Tangina, ayaw niya rin magbus pero mas ayaw niya sumabay kay Jaeco.
“Hindi na, nak. Nasabi na rin ni Janice sa anak niya eh. ‘Di ba kilala mo yun sabi mo? Itetext ka nalang daw eh. Ihanda mo na gamit mo ha.” Bilin ng mama niya at binaba na ang telepono.
Please lang tatlong araw na nga niyang sinusubukang di isipin ang nakita kasi kahit crush lang naman ‘yun, almost three years din yun ah. Almost three years of feeling it all alone.
Gusto sana kiligin ni Renjun because after all naclear naman na sakanya na hindi yun jowa kung hindi injured teammate ayon sa chismis ni Chenle.
Pero hindi niya pa rin magawang kiligin, kasi let’s say after Chenle confirmed na it was just an injured teammate. Renjun allegedly messaged Jaeco. And it went like any other convo they had before.
Renjun
hiiii! saw u earlier that’s why I thought i should greet u hehehe
happy valentine’s! :))
Jaemin
Hello!! Thank you hehe happy valentines also!
Renjun
hope you had a great day <3
Jaemin
Thank you!! You also :))
Dahan-dahang lumubog ang dibdib niya habang binabasa ‘yung chat. Hindi siya galit. Hindi rin siya nag-eexpect. Pero may kung anong bigat sa lalamunan niya na hindi niya malunok.
That was the slap that he needed. There’s nothing more to this. Jaeco is just kind. Mabait kaya whatever you give, he would reciprocate. The issue is he never initiates but it is okay.
Renjun totally gets it. Hindi lahat ng tao magugustuhan ka. It’s not offending as others make it seem. It’s just something totally normal. Gets niya ‘yon, gets na gets niya pero he can’t help it but feel his heart breaking.
And he gave himself that. The space and time to let everything go. No rushing and just feeling it all. Lahat ng nararamdaman niya, hinahayaan niya lang because after all once you exhaust it all, it will just all fade away.
“Haech, sabay kami uuwi ng kapitbahay premium ko. Mababaliw na ko,” Reklamo ni Renjun sa bestfriend niya na tinawagan niya after magmuni-muni dahil sa plinano ng nanay niya at ng kumare nito.
“Hayaan mo na, teh kesa magbus ka. Wait a minute….. By kapitbahay premium you mean?”
“Si Jaeco, teh. Tangina sila mama at mama niya ang nag-usap.”
“What? Oh my God. May chance ba to get yourself out of this situation?” Tanong ni Haechan. “Ang tanga ko syempre wala kasi si mama mo na nagsabi, siya nga pala ang batas. Oh my god.” Dire-diretsong putak ni Haechan.
Napasabunot nalang si Renjun sa bangs niya.
“Okay, isipin mo nalang mas okay na yan kesa makipagsiksikan ka sa Cubao. At wala ka na magagawa kasi papagalitan ka lang rin naman ni Tita kung magbubus ka pa, kawawa naman daw kasi ang bebe boy nila.”
Nagpaalam na siya at mukhang wala rin naman siyang matinong mapapala.
Tangina. Kung kailan handa na ‘kong mag-move on, saka ako binibigyan ng plot twist.
Pumindot siya sandali sa cellphone niya at tumugtog ng ang anthem ng buhay niya ngayon. Siguro by Yeng Constantino.
Siguro’y umiibig kahit di mo pinapansin, magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika’y mapatingin.
Nasa baba na ng lobby ng condo si Renjun, naghihintay. Yung text na sinasabi ng nanay niya? Hindi dumating. Ang nagtext nalang din sakanya ay si Tita Mama niya este yung mama ni Jaeco.
Grabe, mauubusan ba siya ng pogi points kung siya nalang magtetext at magsasabi na sabay sila ni Renjun ngayon parang ewan. Pero okay lang, magrereklamo pa ba siya eh susunduin na nga siya.
Magkakrus ang kamay ni Renjun habang nasa gilid niya ang maliit na maleta at nakatitig sa entrance ng condo. Ilang elevator rings na ang narinig niya, maging ang mahahabang busina ng jeepney.
Mga ilang minuto pa ang lumipas nakita niya ang pamilyar na pigura kung kaya’t tumayo na siya at hinila ang dalang bag.
Naka-dirty white shirt si Jaeco at brown cotton shorts na mukhang galing sa Uniqlo. Ang buhok ay mukhang hinayaan lang matuyo, ngunit ang ayos pa rin ng bagsak. And to complete the classic Jaeco look, black-square rimmed glasses na tila hinulma dahil plakadong plakado sa pogi niyang mukha.
Ramdam ni Renjun ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ganito pala yung itsura ng lalaking minahal ko ng tatlong taon…
Napakasimple pero naka-gwapo pero hindi marunong mag-initiate. Charot. Gets ko talaga, promise.
At least, hindi panget pinagdadramahan ko.
“Hi,” Bati ni Renjun, hindi niya kayang gawing mas enthusiastic pa dahil pagod siya sa exams at yung heartbreak nga na dahil sa lalaking nasa harap niya ngayon.
Ngumiti sa kanya si Jaemin at kinuha sa kamay niya ang maleta. “You look kinda sick, are you okay?”
“Nope, I’m just tired. COS things,” Maikling paliwanag ni Renjun na pinapanalangin niyang sapat na para hindi na magtanong si Jaeco. Dahil baka isang tanong pa, lagyan na niya ng meaning at ifeed na niya ulit ang kanyang delusional brain.
The drive is just normal. Or not. Normal ba yung sobrang tahimik, tipong rinig mo lang ay yung makina ng kotse, at ang sarili mong paghinga. Hindi rin alam ni Renjun ano ineexpect niya pero putek nagpretend nalang siya na tulog buong byahe para hindi niya makita.
Baka ikamatay ko ‘pag nakita ko pa kung paano siya magdrive habang magsisimula na ko magmove-on. Kung tinignan ko siguro baka abutin pa ko ng sampung taon. Feeling ko kaya ko ‘yun eh.
Totoong inaantok na si Renjun ng huminto ang sasakyan nila. Napadilat siya nang bahagya, saglit na inaninag ang paligid, saka naramdaman ang tamang bigat ng pagod sa katawan niya.
Tangina, sana kung ganto rin kabilis mag-fade feelings.
“We’re here,” anunsyo ni Jaeco, walang halong pagod sa boses. “Kunin ko lang maleta mo sa likod.”
Sumunod na rin si Renjun na bumaba ng sasakyan upang kunin ang gamit niya. Nang maibaba na ni Jaemin ang gamit niya ay ngumiti ito sakanya ng maliit.
“Thank you, Jaeco,” Sabi ni Renjun.
Napahinto siya. Tangina.
“Jaeco?”
“Ha? Jaemin kako.” Mabilis na na bawi ni Renjun, pero halata sa mukha niya ang slight panic.
Nakangiti pa rin si Jaemin, pero may maliit na kunot sa noo. “Narinig ko ‘yon, Renjun.”
“Wala kang narinig.” Hinawakan niya ang handle ng maleta niya, at tumalikod.
Nakakahiya. Now he knows, I have a nickname for him.
Pero syempre, dahil malas siya sa buhay pag-ibig, narinig niya ang pigil na tawa ng lalaki. “So Jaeco na pala ako ngayon?”
Mabilis niyang binubuksan ang gate, nagtama muli ang tingin nila ng makapasok siya kaya’t mabilis niya rin itong ibinagsak.
Mag-momove on na nga ako eh. Papansin pero hindi naman namamansin sa campus.
“Bakit parang may sumpong ka anak?” Tanong ng mama niya nang humalik siya dito pagkapasok sa bahay.
“Pagod lang po sa byahe at medyo inaantok na rin po.”
“Oh sige na, mag-ayos ka na at matulog.”
Totoong may sumpong si Renjun. Hindi niya alam kung dahil sa antok, sa pagod, o sa katangahan niya kanina—pero siguro, combination na ng lahat.
Pagkabagsak ng pinto ng kwarto niya, hindi na siya nag-abala pang ayusin ang gamit. Diretso siya sa kama, sabay dampot sa JBL speaker niya sa bedside table.
Kung alam lang ni Jaemin kung ilang beses na siyang nagpadala sa pagkadelulu niya. Kung alam lang niya kung gaano siya kawasak ngayon. Hindi na siguro siya magpapacute ng ganon. Bwiset. Kung alam lang niya.
Sucks to be him, though. He’s about to find out.
Binuksan niya ang speaker, sinaksak sa bintana, saka binuksan ang Spotify. Siguro – Yeng Constantino.
Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin. Magtitiis na lang ako, magbabaka-sakaling ika'y mapatingin. Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling. Sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko parang ayoko nang magising.
Wala na siyang pake kung nagagambala niya ang kapitbahay. Wala na siyang pake kung ano iisipin ni Jaemin o kung maingayan si Jaemin, edi mag-message siya. Mag-initiate siya. Magreklamo. Magmakaawa. Kasalanan naman niya ‘to.
Tinakpan niya ng unan ang mukha niya, pilit na hindi iniisip kung may maririnig ba siyang notification tone.
Pero ilang minuto lang, isang ding!
Binaba niya ang unan, kinuha ang phone.
Isang email mula sa practicum coordinator. Napatayo si Renjun at tumalon-talon.
Tangina. Sa wakas, pinayagan na siya mag-PE kasabay ng practicum. Tangina, di na siya madedelay.
Tatawagan na sana niya si Haechan para makipagsigawan ngunit isa pang ding, para sa bading.
Jaemin
Renjun, is that you?
Are you blasting off Yeng Constantino at this hour?
Salamat at wala na ang parusa sa bading. Kuhang-kuha na niya.
Napangiti siya, pero mabilis ding pinigil.
Dapat lang. At least, ngayon, ako naman ang iniisip mo.
Or at least, ‘yon ang akala niya.
Kasi ilang segundo lang, another ding!
Jaemin
Alam mo bang rinig ka sa kabila? So gusto mong malaman ko, ganun?
Napatitig lang siya sa screen. Putangina .
Napindot niya agad ‘yung message thread, tiningnan ‘yung message, tiningnan ulit—para lang siguruhing totoo ‘to.
Nag-reach out si Jaemin.
Shit. Thank you, Yeng Constantino?
bonus!!
Sa kabilang bahay, si Jaemin naman ang nakatitig sa phone niya, iniisip kung dapat ba niyang bawiin ang message—o kung dapat niya nang simulan ‘to.
He’s about to find out.
