Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Relationships:
Characters:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-02-06
Updated:
2025-02-08
Words:
5,383
Chapters:
2/?
Comments:
12
Kudos:
75
Bookmarks:
7
Hits:
1,491

Caffeine Overdose: A Cross Dressing Disaster

Summary:

It started with JL cross dressing for a school event with a certain boy group as their surprise guest!

Chapter 1: 1 Day Before D-Day

Chapter Text

"Sige na JL! Please! Tulungan mo na naman tong best friend mo please!"

"Ewan ko sayo Juwon. Para kang sira. Sa iba ka humingi ng tulong."

"But JL! Wala na kong ibang choice! Please naman! Luluhod ako kung gusto mo!"

"Hoy! Ano ba! Tumayo ka nga diyan! Tatadyakan talaga kita! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!"

Kung alam lang ni JL na may ibang motibo pala tong si Juwon, kanila Woongki at Shuaibo nalang sana siya sumama.

Nasa mall ang mag-classmate para mamili ng mga kaka-ilanganin nila sa school fair. Founding anniversary na kase ng U.L kaya busy na ang mga students sa paghahanda. Mabuti nalang at di na tuloy ang unang planong field trip sa Bataan, dahil sure siyang di siya maka-kasama.

Unique ang concept ng kanilang booth this year para siguradong eye catching. Ang concept? Cafe with a twist! And the twist? Ito ngayon ang malaking problema na hinaharap ni Juwon.

"Please JL!" pagmamaka-awa ni Juwon habang naka-luhod at naka-yakap sa legs ni JL, "Ayokong mag cross-dress! Ayoko! Di bagay sakin ang mga gayan! Mag-mumukhang tanga lang ako! Lagot ako pag nakita ako ng mga kuya ko!"

Ahh.. Yes.. Cross-dress servers nga pala ang napili ng kanilang president na concept. At dahil absent si Juwon nung araw ng botohan, siya ang naging pa-unang alay.

"Ano ka ba Juwon? Tumayo ka na nga! Sisipain na talaga kita!"

"But bestie!"

"Nope!"

"But Kuya JL!"

'Ayan na naman siya' isip ni JL, 'Nagkukuya lang pag may kailangan.'

"Hoy! Wag mo kong ma kuya-kuya. Ilang buwan lang ang agwat natin!"

Napa-simangot si Juwon. Mukhang wa-epek ang kanyang tactics kay Jl. Ano ba ang dapat niyang gawin para mapa-oo ito?

"Ahh Tama!" biglang sigaw ni Juwon, "If mag-agree ka na ikaw nalang sa spot ko. Ibibili kita ng ticket sa concert ng favorite band mo! Ano nga ba yon? Luminous?"

"Shit." sabi ni JL.

Mukhang mapapa-payag ata siya ni Juwon nito. Favorite band pa naman ito ni JL. Matagal na niyang gusto mapanuod ang mga ito subalit di talaga kaya ng allowance niya ang price ng ticket, masyadong mahal. Crush na crush talaga ni JL ang mga member nito. Kay gwapo ba naman. Ang lakas ng appeal. At tsaka yung mga boses, Diyos ko, ang sarap pakinggan.

"As if maa-afford mo yung presyo ng ticket." Nanginginig na pagkasabe ni JL, "Paano mo ko mabibilhan eh ang mahal-mahal non?"

Biglang tumayo si Juwon at tinignan sa mata si JL. Naka-ngiti ito. Alam na ni Juwon na wala ng kawala si JL.

"No problem!" sagot ni Juwon, "Tina-tanong ako ng grandparents ko kung ano daw ang gusto ko'ng regalo. Sasabihin ko na lang, ticket for luminous concert. Sigurado akong bibilhan nila ako."

"Spoiled brat karin talaga no?"

"Hey! There nothing wrong with being pampered."

"Pshh.. Pasalamat ka youngest grandchild ka."

"Edi, thank you." sarkastikong sagot ni Juwon, "So ano payag ka?"

Bakas sa mukha ni JL ang pag-aalinlangan.

"Please JL! Besides, di naman to ang first time na mag-co-cross dress ka." diin ni Juwon, "Tsaka, maganda ka namang tignan pag naka pang damit babae."

True. Last year yun. Freshman Year. May project silang group acting, tapos Florante at Laura ang topic. Ang problema, lalaki silang lahat sa grupo kaya no choice sila kundi ang mag botohan kung sino ang magiging Laura at sa kasamaang palad si JL ang napili na gaganap. Mabuti na lang at nalaman ito nina Woongki at Shuaibo, mga senior niya na ahead sa kanya ng isang taon, kaya pinag-tulungan siya ng mga ito na pagandahin. Kaya ang ending? First Place! Kaya ang naging palayaw ni JL sa school year na yon ay 'Jay Laura'.

"Okay! Fine!" may inis na sagot ni JL, "Pero dapat ikaw din ang mag-pro-provide ng isusuot ko."

"Game!" masayang sagot ni Juwon,"Thank you JL! You're the best talaga!" sabay kiss sa pisngi ni JL.

"Ah! Park Juwon! Yung laway mo!"

"Excuse me, mga iho?" tanong ng isang guard. Di namalayan ng dalawa na may guard pa lang kanina pa nakabantay sa kanila, "Mukhang kanina pa kayo nagsisi-sigaw. Pwede bang paki hinaan niyo ang inyong mga boses? Nakaka-distorbo kayo sa ibang mamimili."

Na mula ang mukha ng dalawa sa hiya.

Humingi ng paumanhin ang dalawa sa guard pagkatapos ay umalis na ang mga ito para ituloy ang kanilang pamimili.

Kina-bukasan, ipinag-bigay alam ni Juwon sa kanyang mga ka-klase ang pagpayag ni JL na pumalit sa kanya.

"Boo!" sigaw ni Heejun, "Coward! Si Elisha nga pumayag. Values and Religion teacher pa sa school ang nanay niyan."

"Anong coward ka dyan?" mainit na tanong ni Juwon, "Batuhin kaya kita nitong aqua flask ko. Gusto mo? Besides, she doesn't count, may girlfriend yan dito sa school, approved pa ng nanay. Kasalanan ko ba na nag-aaral rin dito sa school na to ang mga sira ulo kong ultra-masculine na mga kuya? It's better na si JL ang magse-serve kay sa ako. Proven and tested na natin last year. Maganda pag naka-damit pang babae."

"Sa bagay." sabi ng kanilang president nasi Mac, "Bat ba di natin na nominate to last week?"

"Eh kase nga diba. Ni-nominate niya si Juwon kaya wala ng spot mula sa row nila." paalala ni Zhinou.

Biglang napa-tingin ng matulis si Juwon kay JL, "Ahh.. so ikaw din pala ang may kasalanan?"

Nag-kibit balikat lang si JL, "Not my fault absent ka last week. Besides, what's done is done, so you better keep your promise."

Napa-simangot si Juwon, "I guess. Pa salamat ka bestfriend kita."

"So, that's it." sabi ni Mac, "Sila Kotoko, Nana, Elisha and Gehlee sa girls then sila Royce, Zenzen, Sirin and JL naman sa boys."

"Yes!"

"Naka-ready na ang lahat para bukas. Costume nalang ang wala. At dahil nga excempted kayo sa mga bayarin, kayong walo na ang bahala maghanap mamaya ng maisusuot niyo bukas."

"Yes!"

Tinignan ni JL ang mga kasama niyang mag-cross dress. Ang mga girls ay mukhang excited para bukas. Sina Royce at Sirin naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang expression. Si Zenzen lang , na naka-dungaw sa bintana, ang mukhang okay sa kanilang tatlo. Kaya nilapitan ito ni JL.

"Zen? Ready ka na ba para bukas?"

Di ito sumagot kaya niyug-yug niya ang balikat nito.

"Huh? Oh JL!" bati nito, "Anong meron?"

"Ready ka na ba para bukas?"

"Anong meron bukas?" tanong ni Zenzen, bakas sa mukha nito ang pagkalito.

"You know! Yung cafe! Para sa school fair bukas! Mag-co-cross dress pa naman tayo bukas. So ano? May costume ka na ba?"

"HA!? Wait! Wala akong alam!"

"Anong wala kang alam!" biglang sabat ni Mac, "Ilang araw na tayong nag me-meeting! Di ka ba nakikinig sa akin?!"

"Ah, hindi eh." inosenteng sagot ni Zenzen, "Ang pangit kase ng boses mo, ang sakit sa tenga."

"Bwiset ka!"

Natapos ang kanilang meeting na may bukol sa noo si Zenzen at may yupi ang aqua flask ni Juwon.