Actions

Work Header

Tanging Hiling

Summary:

Isa lang ang hiling ni Owen ngayong pasko at sa mga susunod na pasko.

Notes:

Happy New year ebriwan! Sorry super inactive ko lately, na-realize ko nga na wala akong natapos na kahit anong work this year hahaha, kaya eto na lang muna ang gift ko sa inyo!

Tip! ♡
— if ayaw mo sa angst, stop ka na sa chapter 1.
— if ayaw mo ng smut, proceed ka na sa chapter 2.

Enjoy! ♡

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Kabanata I

Chapter Text

Kabanata I.


“Haviel…”

Napangiti si Owen pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ni Haviel, mabuti na lang at walang nakakakita sa kanya dahil nasa likod siya ng bahay nila ngayon. Nagpaparikit siya ng apoy gamit ang papel mula sa lumang notebook ni Mutya upang tuluyang magliyab ang mga uling. Pinapakuluan kasi niya ang mga lamang loob ng ihaw-ihaw bago niya ibenta ‘to kinabukasan.

“Haviel Alonzo.”

Napakagat si Owen sa labi niya habang pinagmamasdan ang apoy na unti-unting kumalat sa uling, habang pinapaypayan niya ito ay ayaw pa rin mawala sa isip niya ang mukha ni Haviel. Nababaliw na nga yata siya, kasi ayaw na talagang mawala ang ngiti sa labi niya.

Namumula na ang mga pisngi at tenga niya, hindi sa init na nagmumula sa apoy kundi sa init na nararamdaman niya. Nakailang kamot na nga siya sa tenga niya habang pinipigilan ang pag ngiti niya, kasi kahit anong gawin niya ay hindi na niya talaga makalimutan si Haviel.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong may mangyari sa kanila sa kubo.

Napasulyap tuloy si Owen sa maliit na kubo na nasa gilid lang niya, hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil bumubuhos sa kanyang isipan ang mga alaala ng ginawa nila sa loob noon, pero agad niyang kinagat ulit ang labi niya dahil nagmumukha na talaga siyang tanga dahil kanina pa siya ngiti nang ngiti.

Nakakahiya! Ano ba ‘yan! Baka may makakita sa kanya na ngumingiti mag-isa, kaso anong magagawa niya? Sa ulo pa niya ang lahat ng nangyari sa kanila.

Halos wala na siya sa sarili noong mga oras na ‘yon pero sa tuwing ganitong pagkakataon ay naaalala niya ang lahat. Naalala niya kung paano kumapit sa kanya si Haviel, kung paano siya halikan nito nang marahan at malalim, pati ang itsura nito noong ginagawa nila iyong bagay na ‘yon, kung paano malukot ang mukha nito sa tuwing binabaon niya ang sarili niya sa binata, pati ang mahihinang halinghing nito ay nakaukit pa rin sa isip ni Owen, pati ang malambing na boses nito sa tuwing bumubulong ito sa kanya at nakikiusap na bilisan niya, at tangina, pati ang pakiramdam sa tuwing hinahalikan niya ang malambot na labi nito, sa tuwing kinakagat niya ‘yon at dinidilaan, pati  kung gaano kalambot ang balat ni Haviel sa tuwing hinahawakan niya iyon, tangina talaga.

Tandang tanda pa rin niya. 

Napahawak na lang siya sa bibig niya upang pagtakpan ang ngiti niya nang maalala niya na hinalikan siya ni Haviel pagkatapos ng heat nito. Naalala niya kung paano siya tingnan nito, at kung paano siya nito yakapin noong bumalik na silang dalawa sa huwisyo.

“Baliw.”

Agad na napalingon si Owen sa likod niya at nakita niya si Mutya na may hawak-hawak na timba, mukhang didiligan nito ang mga halaman nila sa likod bahay pero nakita niya si Owen na ngumingiti mag-isa kaya’t tumigil muna ito upang husgahan ang kuya niya.

“Paano ka nagustuhan ni Kuya Viel? Ang pangit-pangit mo na nga, baliw ka pa. Tsk tsk!” sabi ni Mutya pagkatapos nitong ibaba ang timba sa harap ni Owen.

“Anong sinasabi mo d’yan? Magdilig ka na nga do’n! Dami mo pang satsat.”

“Ginayuma mo siguro si Kuya Viel ‘no?” pang-aasar pa nito.

“Anong ginayuma? Ang sabihin mo, pogi lang talaga ‘tong Kuya mo kaya nagustuhan niya rin ako.”

“Ay sus! Kung alam ko lang baka kaya ka napapadalas sa may bukid kasi naghahanap ka ng mga halamang gagamitin mong pang-gayuma kay Kuya Viel.”

“Anong halaman-halaman sinasabi mo d’yan?! Inuutusan lang ako ni Tatay na linisin ‘yung kubo natin doon sa bukid kasi disyembre na, maaani na ulit ‘yung mga lanzones at bayabas doon.”

“Weh?” pang-aasar pa lalo ni Mutya kaya naman kinuha ni Owen ang lukot na papel sa gilid niya para ibalibag iyon kay Mutya.

“Nanay!!! Si Kuya nga oh!!!” sumbong ni Mutya nang tinamaan siya sa mukha. Mabuti’t papel lang naman iyon kaya’t hindi masakit, hindi rin naman siya babalibagin ni Owen ng alam niyang makakasakit sa kapatid niya.

“Hoy! Ano na naman ba ‘yan?!” sigaw ng nanay nila mula sa loob ng bahay. “Kayo talagang dalawa!”

“Sumbungera!” inis na sabi ni Owen. “Magdilig ka na nga do’n bago mo pa ko mainis.”

“Bleh!” dumila pa si Mutya sa kanya at tsaka nito muling binuhat ang timbang hawak niya upang magtungo na sa likod ng bahay.

Nawala na tuloy ang ngiti ni Owen dahil sa sinabi ni Mutya, iritable na siya habang nagpapaypay ng pinapakuluan niya. Napapaisip tuloy siya kung ganoon ba talaga siya kapangit? Sa pagkakaalam niya hindi naman siya pangit, palagi ngang nirereto nila Aling Nena ang mga anak nilang omega sa kanya, tapos nanalo pa nga siyang Mr. Baryo noong binatilyo pa siya. May mga nagkakagusto rin naman sa kanya.

Kaya pangit ba talaga siya?

Napasulyap siya sa repleksyon niya sa jalusi ng kanilang bintana. Napakunot ang noo niya lalo nang makita niyang may isang tigyawat siya sa gitna pa ng noo niya, pero kahit na! Hindi naman siya pangit ah?

Umanggulo pa siya upang makita niyang mabuti ang mukha niya, sinusubukan pa niyang ngumiti sa harap ng salamin, heh! Medyo awkward nga lang siyang ngumiti, pero okay naman ang mukha niya! Gwapo pa rin siya, tapos matangkad pa siya. Hindi siya kaputian pero ano naman? Bagay naman sa kanya ang kulay niya, tsaka…

Itinaas niya ang manggas ng kanyang suot na pang-itaas upang makita niya ang braso niya, tiningnan niyang mabuti kung may lalabas bang muscle doon pero walang lumabas kaya’t sinubukan niya ulit kaso biglang may tumawa sa likuran niya.

“Ano ‘yan?! Baliw!” natatawang sigaw ni Mutya. “Sasabihin ko kay Kuya Viel ‘yung ginagawa mo!”

“Hoy!” sigaw ni Owen. “Anong sasabihin mo sa kanya?!”

“Sasabihin ko kay Kuya Viel na nagpapa-pogi ka kapag mag-isa ka lang!” 

“Kukutusan kita!” banta ni Owen pero mabilis na dumila sa kanya si Mutya para mas lalong asarin si Owen. Wala ng laman ang timbang hawak nito kaya’t mabilis na itong nakatakbo sa loob ng bahay nila nang hinabol siyang bigla ni Owen.

“Nanay! Nanay! Si Kuya oh!” sumbong ni Mutya habang nagtatago sa likod ng nanay nilang naabala sa pagwawalis dahil sa paghahabulan nilang magkapatid.

“Ano ba naman kayong dalawa!” sermon sa kanila ng nanay nila. “Owen naman, ang tanda-tanda mo na, pinapatulan mo pa ‘tong kapatid mo.”

“Eh ang lakas po kasing mang-asar, ‘nay eh! Kita mo oh! Ayan ‘nay!” sabay turo ni Owen kay Mutya na naka-labas pa rin ang dila pero nang humarap sa kanya ang nanay nila ay agad itong sumeryoso at nagkunwaring hindi binubuwisit ang kuya niya.

“Mutya, huwag mo nang asarin ‘yang kuya Owen mo. Naaabala ‘yung pagpapakulo niya dahil sa’yo eh.”

“Eh paano naman kasi ‘nay! Parang baliw po kasi si kuya doon sa likod-bahay! Ngumingiti mag-isa tapos nagpapa-muscle,” humagikgik pa si Mutya kaya’t napatingin sa kanya ang nanay nila.

Agad namula ang tenga ni Owen dahil sa sinabi ni Mutya, paano naman kasi ay kahit ang tatay nilang nag-aayos ng lambat mula sa ‘di kalayuan ay narinig din ang sinabi ni Mutya kaya’t napatingin din ito sa kanya.

“H-Hindi totoo ‘yan,” nauutal na sabi ni Owen habang kinakamot ang likod ng tenga niya kaya’t mas lalong nahahalatang nagsisinungaling siya.

“Malapit na sigurong mawala ‘yung bisa ng gayuma mo kay Kuya Viel, kaya kinakabahan ka na!” tawang-tawa na sabi ni Mutya.

“Hoy, huwag mong ginaganiyan ‘yung Kuya mo ha!” saway ng nanay nila kay Mutya pero napansin ni Owen na medyo natatawa rin ito. “Gwapo ‘yang Kuya mo ah.”

“Nasaan po ‘yung gwapo d’yan, ‘nay?” tanong ni Mutya habang inililiit pa ‘yung mga mata niya na para bang hinahanap niya kung nasaan ang gwapo.

“Ayan! Gwapo ‘yan, nanalo ‘yan ng Mr. Baryo noong dise sais siya.”

“Noon po ‘yon, hindi ngayon!” sabat pa ni Mutya. “Tingnan mo nga po ‘yan ‘nay oh! Ang haba ng buhok tapos ang gulo-gulo! Parang hindi naliligo.”

“Hoy, chanak! Baka ikaw ang hindi naliligo? Naliligo ako ‘no! Tsaka…” napahawak si Owen sa buhok niya. “Uso kaya ‘to.”

“Anong uso?! Tingnan mo nga ‘yang itsura mo! Mukha ka lang bisugo kapag natatabi ka kay Kuya Viel.”
 
Mas lalong napasibangot si Owen nang makita niyang natawa ang nanay niya sa sinabi ni Mutya, pati ang tatay nila ay napangiti rin sa sinabi ng kapatid niyang walangya, kaya’t hindi siya makapaniwala nang inilibot niya ang paningin niya sa buong pamilya niya.

“Pati ba naman po ikaw, ‘tay?”

“Alam mo ‘nak, totoo naman ‘yung sinabi ni Mutya na mahaba na talaga ‘yang buhok mo,” sabi pa nito, natatawa rin. “Kaya magpagupit ka na d’yan kay Ka-Nestor, para gumwapo ka na ulit.”

“Edi sinasabi niyo po na pangit ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Owen.

“Naku hindi! Wala akong sinasabing ganyan ah,” kontra ng tatay niya, pero nang magtama ang paningin nila ay natawa ito nang mahina, tsaka siya napalingon sa nanay niya na natawa rin.

“Oh?! OH! Bakit po kayo tumatawa ni nanay?”

“Wala ‘yon anak! Natawa lang ako dito sa sinabi ni Mutya na mukha kang bisugo, pero hindi totoo ‘yon kasi gwapo ka talaga anak.”

“Pero bakit kayo natatawa kung hindi naman totoo?!” naiinis nang sabi ni Owen dahil mas lalo lang nagtawanan ang buong pamilya niya.

“Naisip ko lang kasi na may katabing bisugo si Haviel pero–” natawa na naman ang nanay nila. “Hindi naman ikaw ‘yon, anak.”

“Kaya natatawa sila nanay kasi si Kuya Viel– sobrang ganda, sobrang gwapo, ang sexy-sexy pa, tapos sobrang puti at sobrang kinis ng balat, kutis mayaman talaga, tapos ikaw– pfft! Mukha kang isdang nakawala sa lambat!”

“Ikaw! Sumusobra ka na–” akmang kukurutin ni Owen si Mutya pero mabilis agad itong nagtago ulit sa likod ng nanay nila. 

“Hindi totoo ‘yon anak, huwag kang magpapaniwala d’yan kay Mutya,” pag-comfort ng nanay nila sa kanya kaya’t kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya, kaso bigla pa itong nagsalita ulit. “Pero totoo naman kasing sobrang ganda niyang si Haviel kaya kahit sinong matabi—”

“Nay!” padabog na sabi ni Owen, para tuloy siyang batang nagmamaktol.

Mas lalong nagtawanan ang pamilya niya.

“Bahala na nga kayo d’yan! Magpapakulo na ako doon, baka ito pang chanak na ‘to ‘yung mapakuluan ko,” sabay turo niya kay Mutya na nakangisi pa rin sa kanya.

Nag-angilan pa silang magkapatid bago tuluyang lumabas si Owen patungo sa likod bahay, muli siyang bumalik sa pwesto niya at naupo.

Napaisip tuloy siya kung hindi ba talaga sila bagay ni Haviel?


______________________________________


“Alam mo, hindi kayo bagay ni Haviel.”

Biglang sumama ang tingin ni Owen kay Joyjoy na nasa tabi niya, umiinom ito sa straw ng softdrinks na nakalagay sa plastic habang nakatingin kay Haviel. Hindi naman siya tinatanong ni Owen pero bigla na lang nagsalita. Mas lalo tuloy sumimangot si Owen habang nagpapaypay ng iniihaw niya.

“Sobrang ganda talaga niya! Para siyang artista! Alam mo ‘yun? ‘Yung mga lumalabas sa TV, tapos pinagkakaguluhan ng mga tao, tingnan mo oh! Pinagkakaguluhan siya ng mga bata at mga chismosa d’yan sa kanto.”

Napasulyap din tuloy si Owen kay Haviel.

Nasa tindahan ito malapit sa ihawan nila, bumibili lang ito ng softdrinks doon pero pinagkakaguluhan na naman siya ng mga batang nagtatanong sa kanya ng kung anu-ano, pati ang mga kapitbahay nila ay kinakausap si Haviel, mukhang inirereto na naman ang mga anak nilang alpha kahit kalat naman na sa buong baryo na may kung ano sa kanila ni Haviel.

Mas lalo tuloy siyang naiinis, para bang ginagawa lang siyang biro ng mga tao sa baryo nila.

Mabuti na lang talaga at ilang si Haviel sa mga tao kaya’t kahit kinakausap siya ng mga ito ay mabilis itong nakakaisip ng paraan para makatakas agad sa mga nagkakagulong tao.

“Ay sus! Tang inang mukha ‘yan,” ani Joyjoy nang makita niyang nakanguso si Owen habang pinagmamasdan si Haviel na tumawid ng kalsada, tapos lahat ng mga tambay ay halos mamalipit ang mga leeg para lang sundan siya ng tingin.

Kahit nga ang mga bumibili sa kanya ng ihaw-ihaw ay nakatingin din kay Haviel kaya’t alin na lang niya ay singhalan ang mga binatilyong estudyante, pero pinigilan niya ang sarili niya dahil hindi naman siya ganoon kababa para gawin ‘yon.

“Tigilan mo nga ako, Mary Joy.” Inis na sabi ni Owen sa kaibigan niya.

“Alam mo ikaw! Ilang araw ka nang nababanas, ano bang problema mo?”

“Wala,” masungit na sagot nito.

“Ay sus! Huwag mo ngang dibdibin ‘yung sinabi ko, binibiro lang naman kita.”

“Totoo naman eh,” sagot ni Owen. “Sobrang ganda naman talaga ni Viel kaya hindi kami bagay.”

“Alululululu!” kantyaw ni Mary Joy. “Para ka namang bata niyan! Kanino ka ba naman magseselos? Kahit i-reto ng mga chismosa diyan kay Haviel ‘yung mga anak nilang mga mukhang tuko, hindi papatulan ni Haviel ‘yung mga ‘yun.”

“Nanalo rin ng Mr. Baryo ‘yung anak ni Aling Sita nung isang taon.”

“Sino? Si Jolo? Jusmiyo! Mukha ring tuko ‘yon,” ani Mary Joy. “Ikaw nga yata talaga pinaka gwapo dito sa baryo, kaya ka nga nirereto ng nanay ko sa akin dati eh. Mayaman lang talaga ‘yang sila Aling Sita kasi nagpapa-five six, kaya nakakaporma lagi ‘yang si Jolo.”

“Wala kasing papatol sa’yo, kaya nirereto ka na lang ng nanay mo, kahit ako ‘di kita papatulan eh,” pang-aasar ni Owen sa kanya.

“Hoy! May girlfriend ako! Girlfriend ko si Cheena!” pikon na sabi ni Mary Joy.

“Sinong Cheena? ‘Yung chinitang maputi na nagtitinda diyan sa panaderya?” 

“Oo! Girlfriend ko ‘yon ‘no! Monthsary na nga namin sa lunes,” proud na sabi pa nito. “Tapos sasabihin mo sa akin na walang papatol sa akin? Eh ang ganda-ganda ng girlfriend ko.”

“Alam ba ng girlfriend mo na sinasabi mo sa akin na ako ang pinakagwapo dito sa baryo?” nakangising tanong ni Owen.

“Ikaw! Ang yabang mo rin ‘no? Oh ano naman? Hindi naman ako mahilig sa gwapo,” iritadong tanong ni Mary Joy. “Alam mo ikaw! Katulad ka rin ng ibang alpha d’yan, ang yabang-yabang mo, sinabihan ka lang na gwapo, makangisi ka na diyan akala mo ‘di ka nagmamaktol kanina.”

“Pero sinabi mo pa rin na ako ‘yung pinakagwapo dito,” pang-aasar pa lalo ni Owen.

Napabuga ng hangin si Mary Joy sa inis. “Sus! Ang yabang talaga!”

“Gwapo ba?” sabay pa-pogi ni Owen sa harap niya, itinaas baba pa nito ang kilay kay Mary Joy na parang nang-aasar pa, kaya’t ngumiti ng sarkastiko sa kanya si Joyjoy, pero natigilan silang dalawa sa asaran nila nang mapansin nila si Haviel na nakatayo sa gilid nila at pinapanood sila.

Wala itong reaksyon noon, tinitingnan niya lang sina Owen at Joyjoy na parehong nagulat sa biglang pagsulpot niya sa gilid, hanggang sa bigla na lang nitong ipinalupot ang kamay niya sa braso ni Owen at hinila ito ng kaunti papalayo kay Joyjoy.

Napangisi tuloy bigla si Mary Joy nang mapalingon sa kanya si Owen, tinaasan pa niya ito ng kilay at bumulong.

“Seloso,” mas lalong ngumisi si Joyjoy nang kumunot ang noo ni Haviel nang makita siya nitong bumulong.

Ang sama-sama tuloy ng tingin sa kanya ni Haviel, hindi ito nagsasalita, pero ramdam na ramdam ni Owen ang paghigpit ng kapit ni Haviel sa braso niya habang pinagmamasdan nitong maglakad si Mary Joy patungo kay Mutya.

Hindi tuloy maiwasan ni Owen ang mapangiti habang tinitingnan niya si Haviel, bakit nga naman siya maiinggit sa ibang lalaki d’yan kung nasa kanya lang naman palagi ang atensyon ni Haviel? Sinamantala niya tuloy ang pagkakataon upang halikan ito sa noo, pero mukhang pareho silang nagulat sa ginawa niya. Magdadalawang linggo pa lang simula noong may nangyari sa kanila sa kubo, pero bakit parang nasasanay na siyang halik-halikan si Haviel?

Nahiya tuloy siyang bigla, kahit si Haviel ay napa-iwas ng tingin sa kanya pero hindi ito bumitaw ng kapit sa kanya. Tangina, sa dami ng nangyari sa kanila ay nagkakahiyaan pa talaga sila ngayon? Nakita na nga nila ang katawan ng isa’t isa eh.

Mas lalo pa silang nahiya nang mapansin nila ang dalawang binatilyong alpha na kanina pa sila pinapanood, parehong mukhang disappointed at naiinggit kaya’t nagsimula na namang lumabas ang yabang ni Owen nang ngisihan pa niya ang mga ito.

Madaling naubos ang tindang ihaw-ihaw ni Owen dahil kasama niya si Haviel, palagi namang ganoon. Dinadayo pa sila ng mga taga-dulo para lang masilayan si Viel. Gusto na ngang pagtutusukin ni Owen ang mga mata nito ng stick ng ihaw-ihaw dahil sobrang lagkit ng tingin nila kay Viel, mabuti na lang at kahit anong pagpapapansin nila kay Viel ay hindi sila pinapansin nito, lalo na’t abala ito palagi sa pagtulong sa kanya sa pagsusukli at pagpunas ng pawis niya. 

Kaya’t palagi lang silang umuuwing pupuwit-puwit.

Nang matapos si Owen sa pagligpit ng tindahan niya ay naabutan niya sina Mutya at Haviel na naghahanda ng hapagkainan sa loob, nandoon din si Joyjoy, mukhang makikikain na naman sa kanila, palaging dinadahilan na mas masarap daw magluto ang nanay ni Owen kaysa sa nanay niya.

“Hi,” bulong ni Owen kay Haviel nang lumapit siya sa kanila.

“Hi.” Nahihiyang sagot naman ni Haviel sa kanya, akala mo ay hindi sila buong araw na magkasama.

“Argh! Ang baho mo kuya! Maligo ka nga muna! Dumidikit ka pa kay Kuya Viel, hindi ka na nahiya!” reklamo ni Mutya kaya naman agad na napasimangot si Owen sa kanya, malayo si Mutya sa kanya kaya piniguradong hindi naman siya naamoy nito.

“Anong mabaho?! Hindi kaya!” sagot naman agad ni Owen dahil sigurado siyang hindi siya mabaho, pero dahil sa sinabi ni Mutya ay bigla siyang na-conscious. Sinubukan niyang amuyin ang sarili niya at nakita siya ni Viel na ginagawa iyon kaya’t agad siyang namula lalo sa hiya.

“M-Maligo nga muna ako,” nauutal na sabi nito bago nagmamadaling pumunta sa banyo.

“Hindi naman mabaho si Owen…” mahinang sabi ni Viel bago nagpatuloy sa paglagay ng pinggan sa hapagkainan pagkatapos niyang panoorin na magtago si Owen sa banyo.

“Alam ko Kuya Viel, inaasar ko lang siya hehe,” natatawang sabi ni Mutya bago kumapit sa braso ni Haviel. “Ikaw Kuya Viel? Bakit ang bango-bango mo palagi? Natural scent mo ba ‘yan? Or sa pabango mo? Kahit buong araw kang nasa ihawan ang bango-bango mo pa rin, grabe! Nakakainggit.”

“A-Ako?” nahihiyang sabi ni Viel bago siya napaamoy sa sarili niya. “S-Sa shower gel ko yata?”

“Shower gel? Ano ‘yon? Iyon ba ‘yung sabon niyong mayayaman?” curious na tanong ni Mutya habang kapit na kapit sa braso ni Viel. “Yung nabibili lang diyan sa tindahan ‘yung sabon namin eh, assorted na nga sila kasi nadidikit ‘yung mga paubos na sa mga bagong bili.”

“Huy, Tyatya! Hindi makapaghain ng ayos ‘yang si Haviel kasi kapit na kapit ka,” sermon ni Mary Joy. “Para kang Kuya Wentong mo, kung makakapit kayo kala niyo bigla na lang mawawala si Haviel. Hindi naman aalis ‘yan, jusmiyo kayong dalawa.”

“Ikaw nga ayaw mong tumulong eh!” inis na sabi ni Mutya kay Mary Joy pero imbes na tumulong ay mas lalo pa itong humilata sa upuan.

Habang naghihintay sila sa mga kasama nilang kumain ay nagkwentuhan muna sina Joyjoy at Mutya. Ikinukwento ni Mary Joy kay Mutya kung paano niya hiningi ‘yung number nung magandang babaeng nagtitinda sa panaderya, tsaka kung paano sila nagsimulang mag-usap, tili nang tili si Mutya, kaya’t hampas siya nang hampas sa braso ni Joyjoy, habang si Haviel naman ay tahimik lang na nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Saglit pa silang nagkatinginan ni Mary Joy bago ito ngumiti sa kanya at sinabing hindi raw talaga siya nagkakagusto sa alpha, kaya’t omega rin ang girlfriend niya.

Agad namang napaiwas ng tingin si Haviel, bahagyang napakamot sa kanyang batok sa sobrang hiya. Alam niyang may ibig sabihin si Mary Joy doon, siguro ay napapansin din nito ang pagkapit niya ng mahigpit kay Owen sa tuwing lumalapit si Joyjoy dito.

Hindi niya tuloy namalayan nang nasa likuran na pala niya si Owen.

“Nasaan na sila nanay? Hindi pa ba sila nakakauwi?” tanong ni Owen nang maupo ito sa tabi ni Haviel, namumula na naman ang pisngi ni Haviel dahil halos tumalon ang puso niya nang salubungin na naman siya ng amoy ni Owen.

“Nandyan na sila sa likod-bahay, kinukuha lang nila ‘yung ube halaya na ginawa nila.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Haviel nang maramdaman niyang hinawakan ni Owen ang kamay niyang nakapatong sa kanyang tuhod, nasa ilalim iyon ng lamesa kaya’t silang dalawa lang ang nakakaalam na magkahawak ang mga kamay nila. Paminsan-minsan pa ay ginagalaw ni Owen ang hinlalaki niya para himasin ang kamay ni Haviel.

Pasimpleng sumulyap si Haviel kay Owen, doon niya napagmasdan lalo kung gaano ‘to kagwapo maski wala itong kahit anong kolorete sa mukha. Namumula ang pisngi nito kahit moreno siya, tapos sobrang lambot tingnan ng labi kahit bahagya iyong nanunuyo, bumabagsak din ang konting tubig mula sa mahaba nitong buhok.

Saktong pagdating ng nanay at tatay ni Owen ay siyang pag-alis ni Haviel sa kamay niya dahil halos maghurumentado na ang puso niya, hindi siya makakilos ng ayos kung gayong nakahawak ito sa kanya. Nagulat si Owen sa ginawa niyang pag-alis ng kamay pero hinayaan siya nito.

“Oy, ‘di ka pa nagpapatuyo ng buhok, nandyan ka na agad!” utas ng nanay ni Owen sa kanya.

“Hindi ka pa rin ba nagpapagupit kay Ka-Nestor? Wala ba siya sa bahay nila o sa pagupitan?” tanong naman ng tatay niya habang inilalagay nito ang ube halaya sa hapagkainan.

“Oo nga! Pangit-pangit mo na!” pang-aasar na naman ni Mutya.

“Tatahiin ko na ‘yang bunganga mo kapag hindi ka pa tumahimik,” nang aasar din na sabi ni Owen. “Ang ingay-ingay mo, kita mong may bisita.”

“Sus! Wala ka namang pake sa akin kahit magsaksakan kayo ni Mutya sa harap ko, diyan ka lang kay Haviel nahihiya eh,” gatong pa ni Mary Joy dahilan kung bakit natawa rin si Mutya. “Kunwari pa siya eh! Lagi namang nagpapa-pogi kay Haviel.”

Mas lalong namula si Owen, nahihiyang napasulyap kay Haviel na ngayon ay nakatingin sa kanya kaya’t mabilis din na nag iwas ng tingin si Owen.

“Tumahimik ka nga, Joyjoy! Bakit ka ba nandito?” inis na tanong ni Owen. “Umuwi ka na nga.”

“Ay sus!” ani Mary Joy. “Haviel oh! Pinapauwi ako ni Wentong!”

Mas lalong namula si Owen nang makita niyang inosenteng napatingin si Haviel kay Joyjoy na tawa nang tawa.

“Manahimik ka na nga lang!” ani Owen, pulang pula na pati ang kanyang tenga kaya’t pati ang nanay at tatay niya ay natawa na lang rin sa kanya.

Buong pagkain nila ay inaasar siya ng pamilya niya sa harap ni Haviel, kaya naman ng kinagabihan noon, pagkatapos niyang ihatid si Haviel sa bahay nito, ay nakapag desisyon na talaga siya na magpagupit kinabukasan.


______________________________________


“Pfft!”

Agad napatigil si Owen nang makita niyang nagpipigil ng tawa ang kapatid niyang si Mutya pagkapasok pa lang niya ng pinto ng bahay nila.

“Problema mo?” 

Hindi na nakapagpigil sa pagtawa si Mutya. Bigla na lang itong humagalpak ng tawa, napapahampas pa ito sa binti niya sa at halos hindi na makahinga.

“Parang tanga ‘tong batang ‘to,” ani Owen bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Medyo namumula na ang tenga dahil mukhang alam na niya kung bakit humahagikgik na parang biik si Mutya.

“Ikaw ang mukhang tanga, Kuya!” ani Mutya. Halos mangiyak-ngiyak na sa kakatawa, hindi na tuluyang maidilat ang mga mata. “Anong klaseng gupit ‘yan?! Para kang tambay diyan sa tindahan ni Ka-Melinda na ‘di ko pupuntahan dahil natatakot akong masutsutan.”

“Baliw! Anong problema sa gupit ko?” angil ni Owen, medyo kalmado pero may konting iritasyon na sa boses niya. “Sabi ni Ka-Nestor bagay daw sa akin ‘tong gupit ko, tsaka uso kaya ‘to!”

“Sabi niya lang ‘yon kasi siya gumupit sa’yo,” tawa pa ni Mutya. 

Hindi na tuloy nila napansin na pumasok mula sa likod na pintuan ang nanay nila.

“Oh! Owen! Nandito ka na pala ‘nak, samahan mo ko mamili mamaya ng pang-noche buena natin bukas—“ napatigil ang nanay niya sa pagsasalita nang mapatitig ito sa kanya. “Bakit ganyan ang gupit mo?”

“Bakit po ‘nay? Hindi po ba bagay?” nai-stress nang sabi ni Owen.

Kinabahan na siya sa reaksyon ng nanay niya dahil ito ang pinaka gwapong gwapo sa kanya, kahit anong isuot niya at igupit niya sa buhok niya ay palagi itong nagagwapuhan sa kanya. Kaya naman nang makita niyang hindi ito ngumiti nang makita ang bagong gupit niya ay nagsimula nang magsisi si Owen na nagpagupit pa siya.

“Bagay naman sa’yo nak, mukha ka nga lang sigang alpha,” anito.

“Sigang alpha? Mas mukha rin siyang adik ‘nay!” gatong na naman ni Mutya.

“Ikaw talaga Mutya, panay ang pang-aasar mo sa kuya mo,” ani ng nanay nila. “Bagay naman sa kanya ‘yung gupit niya, nagmukha lang talaga siyang maangas, eh alam mo namang mabait ‘yang kuya mo at tatahi-tahimik minsan kaya nanibago lang ako.”

“Anong maangas po ‘nay? Hindi naman mukhang maangas si Kuya! Baka po maangis? Ang asim!”

“Alam mo ikaw Mutya, hahampasin na kita mamaya, makita mo,” banta ni Owen dito, pero alam ni Mutya na hindi iyon kayang gawin ng kuya niya dahil masyado itong mabait, kaya naman nagpatuloy lang siya sa pang-aasar pa rito.

“Alam mo kuya, sana hindi ma-disappoint si Kuya Viel kapag nakita ‘yang gupit mo,” tawa ni Mutya. “Baka mapagkamalan ka pa noong akyat bahay pagpumunta ka sa bahay niya!”

“Ikaw Mutya, tigilan mo na ‘yang pang-aasar mo sa Kuya mo, kita mo oh! Namumula na naman ‘yung tenga,” pagpansin pa ng nanay niya kaya’t mas lalong natawa si Mutya.

Napakamot na lang tuloy lalo si Owen sa tenga niya kasi sa totoo lang ay medyo napapaisip na talaga siya na baka hindi talaga bagay ang gupit niya, at baka nga hindi magustuhan ni Viel iyon.

“Magandang gabi po! Makikikain ulit ako—” maingay na bungad ni Joyjoy pagpasok pa lang niya ng bahay nila Owen, pero napatigil itong bigla nang makita niya ang itsura ni Owen ngayon. 

Ilang minuto nitong sinuri ang itsura ni Owen bago ito ngumisi na parang tanga. 

“Tanginang gupit ‘yan!” biglang humagalpak din ng tawa si Joyjoy kaya alin na lang ni Owen at magpakain sa lupa dahil nakisali pa si Mutya sa pagtawa, kahit ang nanay niya na ngayon ay nagliligpit ay hindi rin mapigilan ang matawa rin dahil nakakahawa ang tawa nina Joyjoy at Mutya.

“Ano bang problema sa gupit ko? Uso nga ‘to ngayon sabi ni Ka-Nestor!” naiinis na talagang sabi ni Owen habang sinasalat ang bagong gupit niya.

“Anong uso?! Bakit naki-uso ka?” Lumapit pa sa kanya si Joyjoy para hawakan ang buhok niya at hawiin ito para makita niya ng maayos ang undercut ni Owen. 

“Tang ina, may ahit pa!” 

Iwinakli ni Owen ang kamay niya Joyjoy sa buhok niya kaya naman mas lalo lang natawa si Mary Joy nang makita niyang pikon na pikon na talaga si Owen.

“Pangit ba talaga?” seryoso nang tanong ni Owen ngayon, humarap na nga ito sa salamin nila sa bahay para tingnan nang mabuti kung ayos lang ba ang gupit niya.

Sobrang laki lang talaga ng pinagbago ng itsura niya ngayon kasi dati ay medyo mahaba at magulo ang buhok niya pero ngayon ay umiksi na ito ng sobra. 

Noong una ay ayos naman ang tingin niya sa bagong gupit niya lalo na nung pinupuri siya ni Ka-Nestor at ng mga kumpare nitong nakatambay sa barber shop niya na bagay raw ang bagong gupit niya sa kanya, pero ngayong tinatawanan siya nina Mutya ay hindi na siya mapakali.

Natatakot siya na baka tawanan rin ni Haviel ang itsura niya ngayon.

“Tay!” tawag ni Mutya nang makita niyang pumasok sa pintuan ang tatay nila. “Tay! Tingnan mo po yung gupit ni Kuya!”

Napahawak na tuloy si Owen sa buhok niya. Naiilang na talaga sa bagong gupit niya.

“Sobrang iksi naman yata ng pinagupit mo, Owen?” tanong ng tatay niya.

“Tay, pangit po ba?” tanong ni Owen, mukhang maiiyak na.

“Hindi naman ‘nak, nakakapanibago lang dahil sa undercut mo, medyo nagmukha kang… matapang?”

“In short mukha kang akyat bahay!” Biro pa ulit ni Mutya.

Sumibangot si Owen.

Tinakpan niya ang buhok niya at parang bata siyang nagtatakbo patungo sa loob ng kwarto niya.

Buong gabi nag-sorry si Mutya sa kuya niya sa harap ng pinto ng kwarto nito kasi ayaw na talagang lumabas ni Owen ng kwarto, nag-sorry na rin si Mary Joy at pinipilit si Owen na lumabas na ng kwarto niya para kumain ng hapunan pero hindi talaga nila ito napilit.

Kinabukasan ay lumabas si Owen nang naka-cap na ang buhok, tagong-tago na ang bagong gupit niya, wala na tuloy ni-isa sa pamilya niya ang nagbiro pa ulit o nagkumento sa buhok niya simula noon.

Halatang nakokonsensya si Mutya pero hindi na lang siya ulit kumibo. Mabuti na lang at nagsalita ang nanay nila noong kumakain sila ng agahan para mawala ang awkward na katahimikan sa pagitan nilang lahat.

“Anak, saan magpapasko si Viel?”

Napatigil si Owen sa pagkain, napalunok at hindi alam kung saan magsisimula.

“Balak ko po sana siyang ayain dito sa bahay nay, pwede po ba?” mahinang sabi niya.

“Oo naman anak! Iyon nga sana ang sasabihin ko sa’yo, maghahanda naman tayo, dito mo na rin pakainin si Haviel, kaysa naman mag-isa siya doon sa bahay niya.”

“Sige po nay, sabihin ko sa kanya...” sagot naman ni Owen, awkward na kumakain ng agahan na may suot na cap kahit nasa loob sila ng bahay. “Pwede rin po ba siya dito na lang rin sa bagong taon nay? Balak ko po sana siya dalhin sa kubo natin sa may bukid ni tatay para mapanuod namin yung fireworks sa may kabilang baryo.”

“Sige lang anak, kahit dito mo na siya patulugin ng noche buena hanggang bagong taon—“

Napatigil si Owen sa pagkain. “Pwede po nay?”

“Oo naman,” ani ng nanay niya.

“Pwede po ba siya matulog sa kwarto ko?” 

“Saan mo naman siya papatulugin kung hindi sa kwarto mo? Alangan naman sa tabi ni Mutya o sa gitna namin ng tatay mo?” biro ng nanay niya.

Parang gusto rin magsalita at magbiro ni Mutya pero hindi niya magawa dahil may atraso pa siya sa kuya niya, kaya’t nanahimik na lang siya.

“Okay lang talaga sa inyo nay? Na tabi kami sa kama?” paninigurado ni Owen. 

Sa pagkakatanda kasi niya ay tradisyunal ang mga magulang niya.

Si Owen ay bunga ng kasal, kaya naman akala niya ay ganun din ang gusto ng magulang niya sa kanya. Akala niya ay hindi papayag ang mga ito na magtabi sila ni Haviel sa kama ng hindi pa sila mated at kasal.

“Bakit naman hindi kami magiging okay? Nagsama na nga kayo ni Viel dyan sa kubo natin sa likod-bahay,” paalala ng nanay niya kaya’t mas lalong namula si Owen.

“Hindi nay— ano kasi po— ‘di ba tradisyunal kayo ni tatay kaya napaisip lang po ako kasi hindi pa po kami kasal ni Viel.”

“Ga, tingnan mo ‘tong anak mo,” ani ng nanay niya sa tatay niya. “Parang nagpapaalam na ng kasal oh.”

“Hindi naman po sa ganoon nay,” nahihiyang sabi ni Owen pero nagtawanan lang ang mga magulang niya.

“Anak, kung ano man ‘yang pinaplano mo, huwag mong gawin, isang plywood lang pagitan ng kwarto mo at kwarto ng kapatid mong babae,” paalala ng tatay niya kaya’t agad namula ulit si Owen.

“Ay! Hindi po tay! Wala po akong plano! Naisip ko lang talaga na baka hindi kayo pumayag na dito matulog si Haviel kasi nga po hindi pa kami kasal.”

“Nak, para na rin naman kayong kasal na dalawa, doon ka na nga minsan nakatira sa bahay niya, marka na lang ang kulang,” anito, kaya naman kahit si Owen ay medyo napanguso.

Tama naman ‘yung tatay niya. Kaya lang naman siya ngumuso kasi pinipigilan niya ang sariling ngumiti dahil sabi ng tatay niya ay para na raw silang mag-asawa, hehe.

Sobrang excited tuloy niya, kaya naman ika-23 pa lang ng Disyembre ay sinundo na niya si Haviel sa bahay nito. Nagtataka si Haviel nang makita niya si Owen na nakangiti sa harap ng pintuan niya habang may hawak-hawak na kalamay kanin na gawa ng nanay niya.

“What… are you doing here?”

“Ha?” tanong ni Owen bago pumasok sa loob ng bahay ni Haviel, hindi naintindihan ang sinabi. “May dala akong kalamay kanin, pinapabigay ni Nanay sa’yo.” 

Mabilis na yumakap si Owen kay Haviel kaya naman kahit nagtataka pa rin ay yumakap na lang rin pabalik si Haviel, medyo naguguluhan kung bakit nasa bahay niya agad si Owen pero hinayaan niya lang ito na isiksik ang mukha nito sa leeg niya.

“Namiss kita, Viel…” bulong ni Owen habang inaamoy ang leeg niya.

“We were together yes– M-Magkasama tayo kahapon…” nahihiyang sabi ni Viel.

“Alam ko, pero na-miss pa rin kita,” ani Owen sa harap mismo ng leeg niya, naramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa kanyang balat kaya naman natawa nang mahina si Haviel. Nakikiliti.

“Akala ko sa 24 ka pa pupunta?”

“Hindi kita masusundo bukas eh,” bahagyang lumayo si Owen sa kanya para maharap nito ang kanyang mukha, pero nanatili ang isang kamay nito sa kanyang baywang. “Magluluto ako ng handa bukas kaya ngayon na kita susunduin, may gagawin ka ba ngayong araw?”

Agad namang napailing si Viel.

Wala naman talaga siyang ginagawa, naka-dipende nga lang halos lahat ng ginagawa niya kay Owen, kapag wala si Owen sa bahay niya ay nagbabasa-basa lang siya o hindi naman kaya ay tumutulala, kapag nandoon si Owen tsaka lang siya nagkakaroon ng ginagawa.

“Okay lang kung ngayong araw na tayo umuwi sa bahay?” Kaya’t tumango agad si Viel. “Sige, pero sabi ko kay Nanay mga hapon na tayo uuwi para makapag-ayos pa tayo ng mga gamit mo,” mabilis na hinalikan ni Owen sa labi si Viel sa gitna ng pag-uusap nila kaya’t halatang nagulat si Viel, tumama pa nga ang suot na cap ni Owen sa noo ni Viel kaya’t nagkagulatan silang dalawa.

“Sorry,” natawa nang mahina si Owen.

“Ayos lang,” ngumiti si Viel bago tuluyang humiwalay ng yakap si Owen sa kanya para magtungo sa kusina ni Viel, syempre sinama niya ‘yung kalamay kanin at si Viel. Hawak-hawak niya ito sa kamay habang naglalakad sila patungo sa kusina.

“Kumain ka na ng agahan?” malambing na tanong ni Owen habang inihahain niya ang kalamay kanin.

Dahan-dahang umiling si Viel habang pinapanood si Owen na biglang natigilan. Napatingin pa ito sa orasan at napakunot ang noo.

“Alas onse na,” anito. Hindi naman galit pero may halong pag-aalala sa boses.

Tinignan niya si Viel na parang kinakagalitan niya ito, kaya naman mabilis na nag-iwas ng tingin si Haviel, bigla na lang itong nakatingin sa kisame kahit wala naman siyang tinitingnan doon, halatang hindi mapakali si Haviel, parang batang nakagalitan dahil pinaglalaruan pa niya ang mga daliri niya.

Napabuntong hininga na lang si Owen bago niya dahan-dahang hinila si Haviel, hindi pa rin kumikibo si Viel kahit nakadikit na si Owen sa kanya at nakayakap sa kanya mula sa likuran.

“Hindi naman kita kinakagalitan, nag-aalala lang ako na hindi ka kumakain palagi sa tamang oras kapag wala ako dito, hindi naman pwedeng babantayan kita palagi…” ani Owen, pero hindi nagsalita si Viel kaya naman napabuntong hininga na lang ulit si Owen bago siya naupo sa upuan at hinila niya si Haviel para maikandong ito sa hita niya.

“Eto, kainin mo na ‘to tapos pag-uwi natin magluluto ako ng paborito mo,” aniya habang inilalagay sa harap ni Viel ang kalamay kanin.

“Bicol express?” mahinang tanong ni Viel, nahihiya pa rin pero kagabi pa kasi siya nagki-crave sa luto ni Owen, wala lang siyang mapagsabihan at medyo nahihiya nga siya kaya kinikimkim na lang niya.

“Opo,” mahinang sabi ni Owen bago niya hinalikan ang balikat ni Viel. “Bumili na ako ng mga sangkap kaninang madaling araw sa palengke, luluto ko agad pagkauwi natin sa bahay.”

Kaya naman kahit wala pa ring ganang kumain si Viel ay sinubukan niyang kumain dahil binabantayan siya ni Owen, nahihiya rin siyang tanggihan ang luto ng nanay nito kaya naman pinilit na niya ang sarili niyang kumain.

Pinagsaluhan nilang dalawa ang kalamay kanin habang nakakandong si Viel sa kanya, halos salitan silang kumakain at nagsasama lang sila sa iisang tinidor habang kinukumusta ni Owen ang araw niyang kakasimula pa lang.

Medyo na-pressure pa nga si Viel kaya kinuwento na lang niya na naubos ‘yung conditioner niya kaya wala siyang nagawa kundi magshampoo na lang, medyo hindi na-gets ni Owen ‘yun kasi hindi naman siya nagko-conditioner, kapag naman nauubos ‘yung shampoo niya ay ‘yung sabon na lang ang ginagamit niya sa buhok kaso ayaw naman niyang ma-disappoint si Viel na hindi niya gets ang sinasabi nito kaya naman tumango-tango na lang siya at pinilit niyang intindihin ang sinasabi nito.

Minsan talaga may mga bagay sila na hindi nila maintindihan na dalawa sa isa’t isa, mabuti na lang ay pareho nilang iniintindi ang isa’t isa sa mga ganoong pagkakataon. 

“Kontian mo na lang ‘yung dala mong damit, Viel.” Paalala ni Owen nang makita niyang halos buong kabinet ni Haviel na ang ipinapasok niya sa bag. “Suot mo na lang ‘yung damit ko kapag kinapos ka, o ‘di naman kaya ay lalabhan ko na lang kapag naubusan ka na, kaysa magbitbit ka ng marami.”

Kaya naman napatingin si Haviel sa mga nilagay niyang damit bago niya iyon dahan-dahang ibinalik sa kabinet niya. Namili lang siya ng isusuot niya sa pasko at bagong taon, ang iba ay mga pangbahay na lang dahil mas gusto niyang sinusuot ang mga damit ni Owen.

Tinulungan siya ni Owen magtiklop ng mga damit niya nang matapos na nitong ayusin ang napunding ilaw sa kusina. Magkatabi silang dalawa sa kama niya habang paminsan-minsan pang humahalik si Owen kay Haviel, naguguluhan nga si Haviel kung bakit halik ito nang halik sa kanya.

Pero mas nagtataka siya kung bakit ayaw alisin ni Owen ang cap niya kahit nasa loob ito ng bahay.

Nang pagpatak ng hapon, pagkatapos nilang magligpit sa bahay ni Haviel ay umalis na agad sila pagkatapos nilang siguraduhing nakatanggal na ang lahat ng saksak sa bahay, at nakababa na rin ang switch ng kuryente dahil isang linggo silang hindi uuwi. 

Lumabas sila sa bahay ni Haviel na para silang magtatanan dahil kahit sinabihan ni Owen na huwag na itong magdala ng maraming damit ay dala pa rin ni Haviel lahat ng mga kolorete niya.

Hawak-hawak ni Owen ang bag ni Viel sa kaliwang kamay niya habang hawak naman niya sa kanang kamay niya ang kamay niya Haviel. May suot pa si Owen na backpack na puro gamit din ni Viel ang laman, idagdag mo pa na naka-cap pa rin siya, pinanindigan talaga niyang hindi niya aalisin ‘yon. Habang si Viel naman ay suot-suot ang hoodie ni Owen na pinahiram sa kanya para hindi raw siya mahamugan.

Mukha tuloy silang magtatanan talaga.

Hindi tuloy maiwasan na mapatingin sa kanila ang mga nakatambay sa labas. Mas lalo pang humihigpit ang hawak ni Owen sa tuwing may alphang bumababa ang tingin sa hita ni Viel. Napabitaw na nga siya sa kamay nito para hilahin papalapit sa kanya si Viel, tsaka niya ito hinawakan sa baywang at sinamaan ng tingin ang lahat ng alphang nakatingin ng hindi maganda dito.

Mabuti na lang at ilang lakad lang bago makarating sa bahay nila Owen dahil nasa kabilang purok lang naman ito. Nakangiting bumungad sa kanila ang Nanay ni Owen na nasa labas ng bahay at naghahalo ng haliya.

“Viel, si Nanay…” hinatid ni Owen si Viel sa harap ng nanay niya kaya’t agad namang nagmano si Haviel dito. Tuwang-tuwa naman ang nanay niya sa hindi malamang dahilan.

“Mano nga po ‘nay,” nagmano rin si Owen nang hindi inaalis ang cap niya kaya’t kinutongan siya ng nanay niya.

“Bastos ka, ayaw mong alisin ‘yan,” anito pero imbes na alisin ni Owen ay hinawakan pa niya ito nang mahigpit.

“Yoko nga po,” mabilis na sabi ni Owen at tsaka niya hinila si Viel papasok ng bahay nila bago pa siya mabulyawan pa ulit ng nanay niya.

Noon lang nakumpirma ni Haviel na ayaw ngang alisin ni Owen ang cap niya, akala pa ni Viel kanina ay nakakalimutan lang alisin ni Owen.

Pagpasok nila sa loob ng bahay ay nasa loob din sina Mutya at Joyjoy na naghihingutuhan. Kinukutuhan ni Joyjoy si Mutya na nakaupo sa sahig ng bahay nila habang nakaupo naman si Joyjoy sa sofa nilang gawa sa bamboo.

“Ano ba ‘yan, salaula!” Reklamo ni Owen kaya’t napatingin agad sa kanila ang dalawa. “Laro ka kasi nang laro ng tanghaling tapat kaya ka kinukuto eh.”

“Hoy hindi ah! Wala akong kuto, lisa lang,” pagdadahilan pa nito.

“Eh saan ba galing ‘yung kuto?” sarkastikong tanong ni Owen. “Kapag napisa ‘yan kuto na rin ‘yan. Puro ka kasi laro sa kalsada, kutuhin ka na! Viel, tara na po dito sa kwarto…” biglang bago ng tono ni Owen, kaya naman kahit nakatingin pa si Haviel kina Joyjoy at Mutya ay agad siyang sumunod kay Owen sa loob ng kwarto.

“Konti lang naman ‘yung lisa ko, ‘di ba Ate Joy?!” paghahanap pa ni Mutya ng kakampi. Malakas ang pagkakatanong niya para marinig pa rin sila ni Owen sa kwarto, nakabukas naman ang pinto nito kaya’t nagkakatanawan pa rin silang dalawa.

“Oo nga, nakaka-anim na lisa pa lang kami, tatlong oras na kami dito,” pagkampi ni Joyjoy sa mas nakakabata.

“Binibilang niyo pa talaga ha?” Sumilip pa si Owen sa pintuan kahit nasa loob na siya ng kwarto kanina para lang asarin si Mutya. “Huwag kang lalapit sa amin ng Kuya Viel mo ha! Baka mahawahan mo pa kami.”

“Paano kita mahahawahan ng kuto, eh kalbo ka?!” ganti ni Mutya sa kanya.

Natigilan bigla si Owen at napatingin kay Viel na nakatingin ngayon sa kanya, halatang curious si Haviel kaya’t agad na namula ang mukha ni Owen at nag-iwas ng tingin dito.

“Anong kalbo?! Hindi ako kalbo ‘no! Sinungaling—”

“Owen kalbo! Owen kalbo!”

“Anong Owen— Kuya mo ko!” naasar na rin na sabi ni Owen.

“Kalbo! Kalbo! Kalbo!” paulit-ulit na sigaw ni Mutya habang tumatawa naman si Joyjoy.

Agad na natuliro si Owen, naiilang kasi hindi naman talaga siya kalbo, halatang nang-aasar lang si Mutya dahil alam nitong hindi niya aalisin ang cap niya kahit anong mangyari.

“Sinungaling ka talaga, hindi naman ako kalbo, nakita niyo naman gupit ko kagabi,” pulang pula nang sabi ni Owen.

Nakatulala lang sa kanya si Viel sa kanya hanggang sa bigla na lang itong natawa nang mahina.

Tinapakpan agad ni Haviel ang mukha niya dahil hindi niya sinasadyang matawa, nahahawa lang siguro siya kay Joyjoy at natatawa siya sa pang-aasar ni Mutya— pati na rin siguro sa ideyang kalbo si Owen.

Nakita ‘yon ni Mutya at Joyjoy kaya’t napatayo bigla si Mutya sa sahig sa sobrang gulat.

“Hala! Pinagtatawanan ka rin ni Kuya Viel!” sabay turo ni Mutya dito na akala mo ay hindi nakita ni Owen na tumatawa si Haviel.

Talagang pinapamukha pa sa kanya ni Mutya.

Pinipigilan naman ni Haviel na tumawa, tinatakpan nga niya ang mukha niya para hindi na tumuloy pero mas lalo lang siyang natatawa dahil nahahawa siya sa hagalpak ni Joyjoy na halos hindi na makahinga at makatayo sa upuan.

Wala naman talagang nakakatawa, hindi rin nila alam bakit sila natatawa.

“Viel, hindi naman po ako kalbo eh…” parang naluging sabi ni Owen.

“Talaga? Kung hindi ka kalbo pakita mo nga kay Kuya Viel ‘yung bagong gupit mo oh!” hamon ni Mutya sa kanya kaya naman agad siyang sinamaan ng tingin ni Owen.

Sinasagad talaga ni Mutya ang pasensya niya para mapilitan siyang tanggalin ‘yung cap niya.

Imbes na alisin ni Owen ang cap niya ay tumahimik na lang ito bigla at nag-walk out ulit sa kwarto niya.

Natigilan tuloy silang tatlo, kaya’t nang pumasok ang Nanay nila sa bahay ay nagtataka ito kung bakit walang kumikibo sa kanilang lahat.

Pagkatapos ayusin ni Owen ang mga gamit ni Viel sa kwarto niya ay agad itong nagtungo sa kusina para ipagluto si Viel ng Bicol Express. Nanatili itong nakatahimik kaya’t hindi alam ni Viel ang gagawin niya. Nakatayo lang siya sa gilid ni Owen, sumusunod-sunod lang siya dito kahit saan ito magpunta, hindi niya alam ang sasabihin. Hindi rin kasi siya pinapansin nito kaya’t pakiramdam niya ay nagalit ito sa kanya.

Ilang beses nagkatinginan sina Mutya at Haviel, pati na rin si Joyjoy dahil mukhang nagtatampo na naman si Owen, kaso ngayon lang nakita ni Viel na nagkaganoon si Owen kaya’t nag-pa-panic na siya sa loob-loob niya.

“Wen…” bulong ni Haviel habang hinihila ang laylayan ng suot na puting t-shirt ni Owen.

“Hm?” ani Owen, ngunit hindi pa rin tumitingin sa kanya, nanatili siyang abala sa pagluluto. Ayos lang naman kay Viel, kaysa naman sa hindi siya pansinin nito ng tuluyan.

Hindi na lang ulit nagsalita si Haviel, nanahimik na lang din siya sa gilid ni Owen, pinapanood niya itong matapos sa pagluluto, kaya’t wala talagang kumikibo sa kanilang dalawa hanggang sa makaluto na ito.

Nakauwi na nga’t lahat si Joyjoy ay wala pa rin talaga silang kibuan ni Owen.

Kahit nang kumakain na sila kasama ang buong pamilya ni Owen ay pareho silang hindi kumikibo na dalawa, pero kahit na ganoon ay pinagsisilbihan pa rin ni Owen si Haviel, nilagyan niya ng kanin ang pinggan nito, at paulit-ulit na sinasandukan ng ulam ang pinggan sa tuwing nauubusan ito, sinasalinan niya rin ng malamig na tubig ang baso nito at inaabutan ng panghimagas kahit hindi sila nag-uusap.

Ilang beses na ngang nagkatinginan ang Nanay at Tatay ni Owen habang pinapanood silang dalawang parehong nakatahimik, hinayaan na lang nila dahil baka tampuhang mag-nobyo lang kaya’t nang matapos silang kumain ay si Mutya na lang ang inutusan ng nanay niyang maghugas ng pinggan para makapagpahinga na ‘yung dalawa sa kwarto.

Magdadabog sana si Mutya dahil siya na nga ang naghugas ng pinggan ng tanghali pero naalala niyang siya nga pala ang dahilan kung bakit hindi nagkikibuan sina Owen at Haviel kaya’t wala siyang nagawa kundi ang maghugas ng pinggan— pero padabog pa rin.

Nakutongan tuloy siya ng Nanay nila.

Hinatid ni Owen si Haviel sa kwarto bago siya magpaalam na maglilinis lang muna siya ng katawan, nagulat pa nga si Haviel nang sa wakas ay nagsalita na si Owen pero mabilis din itong naglakad palabas ng kwarto dala-dala ang tuwalya at damit niya.

Tahimik na naghihintay si Haviel sa loob ng kwarto, nakaupo lang siya sa kawayang papag ni Owen, kaya’t nang makabalik si Owen ay naabutan niya si Haviel sa pwesto nito kung saan niya ito iniwan.

“Nakapaglinis na ako…” mahinang sabi ni Owen, nakasuot na ito ng bagong damit at umaamoy na ang sabon nito pati na rin ang kanyang natural scent. Halos umikot ang paningin ni Haviel sa sobrang tapang ng amoy ni Owen pero pinigilan niyang mag-react ang katawan niya. 

Umangat ang tingin ni Haviel sa ulo ni Owen at nakita niyang hindi ito nagbasa ng buhok dahil naka-cap pa rin ito.

Napakagat siya sa labi niya.

“Maliligo na rin ako…” mahinang paalam ni Haviel bago niya binuksan ang bag niya kung saan nakalagay ang mga damit niya pero mabilis namang binuksan ni Owen ang kabinet niya dahil nailipat na niya doon ang mga damit ni Haviel kanina.

“Nandito na ‘yung mga damit mo,” anito bago inabot ang isang pambahay na damit kay Viel.

“Salamat…” 

Kinuha ni Haviel ‘yon pati ang mga pampaligo niya bago siya lumabas na ng kwarto at nagtungo na sa banyo nila Owen, wala na si Mutya sa kusina, baka nasa kwarto na rin niya. Pati ang Nanay at Tatay ni Owen ay wala na rin, baka matutulog na dahil nakapatay na ang ilaw sa kusina at sa salas.

Nagulat si Haviel nang maramdaman niyang may tao sa likod niya kaya’t agad siyang napaharap dito, nakita niyang nakasunod sa kanya si Owen, hawak-hawak ang tuwalya niya.

“Natatakot ka ba sa dilim?” tanong ni Owen dahil bakas sa mukha ni Haviel ang takot.

“H-Hindi…” anito.

Natakot lang talaga si Haviel kasi akala niya ay may ibang tao sa likuran niya.

“Gusto mo ba bantayan kita dito sa labas ng banyo?”

Agad namula ang mukha ni Haviel. “H-Hindi na kailangan.”

“Sigurado ka? Buksan ko na lang ‘yung ilaw sa salas kung gusto mo,” suhestyon nito.

“Hindi— okay lang, okay na…” nahihiyang sabi ni Viel bago siya tuluyang pumasok sa banyo nila Owen.

Hindi naka-tiles ang banyo nila pero bato ito, puro hollow blocks, medyo malamig din dahil may malaking bintana sa itaas na kapag humangin ay pumapasok ang lamig sa loob, may ipon din na tubig sa isang malaking drum o balde na nasa gilid dahil sa tuwing gabi ay humihina ang tulo nito, minsan kapag nauubusan ng tubig ay kumukuha pa sa poso negro si Owen sa likod ng bahay nila.

Inaasahan na ni Viel na malamig ang tubig na ipapangligo niya pero laking gulat niya ng mainit ang tubig na nasa balde. 

Napapikit-pikit pa siya bago niya muling inilublub ang kamay niya doon, dinadama ang mainit na tubig sa kanyang balat ngunit halos mapatalon siya nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo.

Nag-aalangan man ay binuksan ni Haviel ang pinto at bumungad sa kanya si Owen na may hawak na timbang may laman din na tubig.

“Baka magkulang ‘yung tubig, eto pa…” aniya bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo, doon lang napansin ni Viel na may hawak pa itong thermos na may lamang mainit na tubig.

Kaya siguro matagal si Owen maligo kanina ay dahil nag-igib at nag-init pa ito ng tubig.

Ibinuhos ni Owen ang tubig sa malaking balde kaya’t napuno ito at tsaka niya binuhusan ulit iyon ng mainit na tubig hanggang sa umapaw na iyon. Sinalat ni Owen ang tubig at bahagya pa siyang napaso.

Napatingin pa itong bigla sa malaking bintana sa banyo nila.

“Teka, saglit—” Aligagang sabi nito bago kinuha ang isang tuwalyang medyo basa pa. Tumungtong pa ito sa toilet at tsaka niya isinabit ang tuwalya sa bintana para maharangan ang malamig na hanging pumapasok dito.

“Ayan… Okay na…” tiningnan pang mabuti ni Owen ‘yon bago siya humarap kay Viel na nakatingin lang sa kanya, nakatitig lang ito na parang batang nanlalaki ang mata sa kanya.

“Malamig pa rin ba? Gusto mo bang mag-init pa ako ng tubig—” 

Napatigil si Owen nang bigla siyang hinalikan ni Haviel sa pisngi. 

“Thank you…” mahina at nahihiyang sabi ni Haviel.

Hindi agad nakapag-react si Owen pagkatapos niyang maramdaman ang malambot na labi ni Viel sa pisngi niya, para pa siyang naestatwa sa kinatatayuan niya dahil ‘di siya agad nakagalaw.

Unti-unti siyang napangiti at parang batang kinilig kaya naman agad niyang tinakpan ang bibig niya para itago ang mga ngiti niya. Nakailang ubo pa nga siya para lang maalis ang ngiti sa kanyang labi at hindi isipin ni Haviel na para siyang tangang ngumingiti mag-isa.

“S-Sige, kung okay na… Labas na ako…” 

Hinihintay ni Owen na sumagot si Viel sa kanya pero nakatitig lang ito sa kanya, kaya naman kahit naiilang ay ibinalik niya rin ang tingin kay Haviel. 

Kahit hindi masyadong malakas ang ilaw dahil halos kumukundap na ang bumbilya ay kitang kita pa rin ni Owen ang ganda ni Haviel sa kulay dilaw na ilaw ng banyo nila.

Unti-unting natuon ang atensyon ni Owen sa labi ni Viel na bahagyang naka-awang, basang basa ito at namumula, halatang alagang-alaga ni Viel ang labi niya… 

Natikman at nadama na ni Owen ‘yon kaya’t alam niya kung gaano iyon kalambot.

Hindi na tuloy maiwasan ni Owen na bumaba rin ang tingin niya sa maputing leeg ni Haviel, kitang kita ito dahil maluwag ang suot na damit ni Viel… Nakalaglag ang manggas nito sa kabilang balikat niya, parang gustong kagatin ni Owen ang leeg nito, panggigilan niya talaga hanggang sa dumugo at maangkin na niya si Viel— pero alam niyang hindi pa pwede.

Sunod na bumaba ang paningin niya sa kulay puting damit ni Viel… Medyo nabasa ang gawing harapan noon kaya’t dumidikit sa kanyang balat… Naging malinaw rin iyon kaya’t kitang kita niya ang dibdib at ang kulay pink na utong ni Haviel na bumabakat sa puting damit niya.

Halos mapamura si Owen nang mapagtanto niyang naninigas iyon, dahil siguro sa lamig…

Agad na nag-iwas ng tingin si Owen, ibinalik niya ang tingin niya sa mga mata nito at nakita niyang nakatitig pa rin sa kanya si Viel… Malamlam ang mga mata nito at para bang may gustong sabihin.

Nang maamoy ni Owen ang tamis ni Haviel ay halos masamid siya, hindi siguro napapansin ni Haviel na humahalimuyak na siya, nasa loob lang sila ng maliit na banyo kaya naman halos mahilo na si Owen sa bango ni Haviel— ilang saglit lang ay naghalo na ang amoy nilang dalawa, at halos manghina na rin si Haviel. 

Hinawakan ni Owen ang baywang ni Viel nang bahagya itong mabuwal. Mukhang maling desisyon iyon dahil mas lalo lang tumapang ang amoy nilang dalawa.

“V-Viel…”

Halos kapusin ang hininga ni Owen nang maramdaman niyang kumapit sa braso niya si Haviel, mahigpit ang kapit nito sa braso niya, para bang ayaw siyang paalisin nito.

Kaya naman itinapon na ni Owen ang lahat ng natitirang pagpipigil niya sa katawan at tsaka niya hinila papalapit sa kanya si Haviel. Basa na ang harap na damit ni Viel kaya’t ramdam na ramdam ni Owen ang pagkabasa rin ng kanyang damit.

“Haaa…” mahinang halinghing ni Viel nang magkadikit ang kanilang katawan, parang kiniliti ang tenga ni Owen nang marining niya ‘yon.

Muling nagtama ang mga mata nila at ilang saglit lang ay unti-unti nang naglapit ang mga mukha nila, naghihintayan kung sinong mauunang lumapit ulit. 

Si Owen na ang sumunggab pero hindi pa nagtatama ang mga mukha nila ay naghiwalay ulit sila dahil tumama ang cap ni Owen sa noo ni Viel.

“Ay, sensya na…” nahihiyang sabi ni Owen nang mapahawak si Viel sa kanyang noo.

“I-It’s okay—“

Natigilan si Viel nang inalis ni Owen ang cap niya at mabilis na pinasadahan ng suklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya para ayusin ito.

Napalunok si Haviel.

Halos kapusin siya ng hininga nang makita niya ang bagong gupit ni Owen. Naka-undercut ito at may isang guhit ng ahit sa gilid. Ibang iba ang mukha ni Owen ngayon sa karaniwang itsura nito.

Nagulat pa si Owen nang biglang ibinalik ni Viel ang cap sa ulo niya.

Nag-iwas pa ng tingin ang namumulang si Haviel, hindi naman makapaniwala si Owen sa nangyari.

“Ganoon ba talaga kapangit ‘yung gupit ko—“ malungkot na sabi ni Owen pero bigla siyang natigilan sa pagsasalita nang muntik nang ma-out of balance si Haviel.

Muntik nang mapaupo. Mas lalong nanghihina.

Hindi inaasahan pareho nina Owen at Viel nang biglang humalimuyak na naman si Haviel sa buong banyo, ang kanyang amoy ay may kasama ng kakaibang amoy na naging pamilyar na kay Owen.

“Viel…”

Unti-unting napangisi si Owen nang dahan-dahan niya ulit inalis ang kanyang cap, napaiwas ng tingin si Viel sa kanya nang makita niya ulit ang buhok ni Owen, literal na tumalikod pa ito kaya naman hindi na napigilan ni Owen ang matawa. 

“Nagustuhan mo ‘yung bagong gupit ko, Viel?” nang-aasar na tanong ni Owen.

Hindi kumikibo si Haviel, nanatili lang itong nakatalikod kahit gumagapang na ang kamay ni Owen sa baywang niya para yakapin siya mula sa likuran.

“Bakit ‘di ka makatingin…” bulong ni Owen bago nito isiniksik ang mukha niya sa leeg ni Haviel.

“Bumagay ba sa akin?” halos dumikit ang magaspang at bahagyang nanunuyong labi ni Owen sa makinis na balat ni Viel kaya naman napapikit na lang siya bago niya dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Owen na nakayakap sa kanya para sana alisin ‘to.

“Uhm, Wen… W-Wait…”

“Hm?” tanong ni Owen habang patuloy ito sa pagdampi ng labi niya sa leeg ni Haviel.

Napapikit na lang si Viel sa sobrang kahihiyan. Hirap pa rin talaga siyang magpigil ng pheromones niya simula nang tumigil siya sa paggagamot, alam na alam tuloy ni Owen kung gaano siya ka-handa ngayon.

“Baka lumamig y-yung tubig–“

“Mag-iinit ako ng bago.” 

Iniiwasan talaga humarap ni Haviel dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin ulit si Owen lalo na’t… Ganoon ang itsura niya ngayon… 

Sobrang… Gwapo…

Matagal naman nang pogi si Owen. 

Pogi ang tamang deskripsyon sa kanya noon, lalo na kapag ngumingiti ito ng matamis, sobrang pogi talaga. Hindi naman itinatanggi ni Haviel ‘yon, hindi naman siya mababaliw kay Owen sa unang kita palang niya dito kung hindi siya nakuha agad ng ngiti nito. 

Palagi pang nakababa ang mahabang buhok nito kaya’t mas lalo siyang pumupogi. Mukha itong anghel.

Unang kita mo palang sa kanya ay alam mo ng mabait sya, alam mo ng mabuti siyang tao dahil ibinibigay agad iyon ng awra at enerhiya niya. Kung paano siya manamit, tumayo, at magsalita, alam mo na agad na maamo siyang tao kaya’t sa ayaw mo man o sa gusto, madali kang magtitiwala kanya.

Kaya’t hindi akalain ni Haviel na mababago bigla ang itsura nito dahil lang sa simpleng gupit.

Maangas naman talaga minsan si Owen dahil kahit papaano ay alpha pa rin ito, pero iba na ngayon, para bang pati ang pag ngiti nito ay may kasama ng yabang.

Akala ni Haviel ay hindi niya magugustuhan ‘yon dahil hindi siya komportable sa mga alpha, kaya nga niya nagustuhan si Owen ay dahil halos hindi mo mapapansing alpha siya dahil sa pagiging mabait at maamo niya.

Napagtanto tuloy ni Haviel na gusto niya talaga si Owen.

Gusto niya si Owen kahit ano man siya dahil bakit ngayon na sobrang mukhang alpha nito ay para bang mababaliw pa rin si Haviel sa sobrang pagkahumaling niya.

Hindi siya natatakot kay Owen, dapat matakot siya at mangamba pero hindi, mas lalo lang siyang nababasa.

Basang basa na siya..

Mukhang naramdaman ni Owen ang pagkabasa niya dahil idinidikit nito ang sarili niya sa likod ni Haviel, kaya naman nang marinig ni Haviel ang mababa at mahangin na tawa ni Owen ay mas lalo siyang nahiya at namula.

“Owen, m-maliligo na ako–“

“Papaliguan na lang kita…” bulong niyo sa kanya. “Basang basa ka na rin naman.”

Gustong umiyak ni Haviel sa sobrang hiya dahil pagkatapos iyong sabihin ni Owen iyon ay mas lalong nanlagkit ang ilalim niya. Sobrang basa na talaga noon sa puntong nararamdam niyang bumabagsak na ang lagkit sa binti niya, sigurado siyang mas lalong naaamoy ni Owen iyon.

“Ako na magpapaligo sa’yo, Viel…” malambing na bulong ni Owen habang hinihimas ang baywang niya. “Ayos lang ba?” 

Paano naman makakatanggi si Viel do’n?

Kaya’t tumango siya. “A-Ayos lang…”

Napasinghap si Owen nang marinig niyang pumayag si Viel, para bang hindi niya inaasahan kahit alam naman nilang parehong papayag si Viel. Amoy na amoy sa loob ng maliit na banyong kinalulugaran nila na gustong gusto rin naman ni Viel.

“Putang ina,” malutong na mura ni Owen nang idiniin niya lalo ang sarili niya sa pwet ni Haviel at dahan-dahang dumikit lahat ng lagkit ni Viel sa kanya, kumakatas na rin iyon suot na pang ilalim ni Viel, ngayon ay basang basa na rin ang bagong palit na shorts ni Owen dahil sa tindi ng pagdikit niya.

“Ah, tangina,” dahan-dahan kinikiskis ni Owen ang sarili niya sa likod ni Viel. “Puta…”

Para sa mabait na binata at masunuring anak, masyadong palamura si Owen.

Matagal nang napapansin ni Haviel iyon. Hindi naman sa ayaw niya, mas lalo nga siyang namumula sa tuwing nagmumura si Owen, para kasing hindi bagay sa kanya— ngayon ay medyo umayon na sa itsura niya ang tabas ng dila niya. Hindi tuloy alam ni Viel ang mararamdaman niya.

“Ayaw mo talagang humarap sa’kin, Viel?” 

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya kayang humarap kay Owen dahil mababaliw lang siya, masyado na siyang maraming kahihiyan kaya naman dahan-dahang umiling si Viel.

“Ganoon?” tanong ni Owen habang dahan-dahang ipinapasok ang kamay niya sa loob ng pang-ibaba ni Haviel.

Hindi tuloy mapigilan ni Viel ang mapahalinghing at manghina nang maramdaman na niya sa butas niya na hinihimas at iniikot ikot ni Owen ang daliri niya doon, tumutunog pa iyon kahit hindi pa pinapasok ni Owen ang daliri niya dahil sa dami na ng katas ni Viel.

Rinig na rinig iyon dahil maliit lang ang banyo, tahimik rin ang kapaligiran dahil madaling araw na at tanging kaluskos na lamang ng mga halaman sa labas at huni ng mga kuliglig ang naririnig nila…

Kaya’t anumang gawin nila ay naririnig nila iyong dalawa.

“Viel, gusto kong makita ang mukha mo, harap ka sa akin, hm?” malambing na sabi ni Owen, tila ba may halong pagmamakaawa sa tono nito habang dahan-dahang ipinapasok niya ang dalawang daliri niya sa loob ng butas ni Viel.

Napapikit naman si Haviel at napahawak sa isang braso ni Owen na nakahawak pa rin ngayon sa baywang niya, para lang maalalayan niya rin ang sarili niya sa panghihina.

“Harap kita sa salamin ha?” paalam niya bago niya iniharap si Haviel sa maliit na salamin na nakasabit sa banyo, maliit lang iyon, plastic na kulay red pa ang gilid, may nakalagay na sachet ng shampoo at sabon na magkakadikit doon, at may bakas ng tubig na natuyo sa salamin dahil hindi pa iyon napupunasan pero kitang kita pa rin ni Haviel ang itsura niya doon.

Halos tumigil ang paghinga ni Haviel nang dumiretso agad ang tingin ni Owen sa kanya nang tumingin din ito sa salamin, at kahit sa salamin lang sila nagtitinginan ay kitang kita pa rin nila ang isa’t isa. Nakadikit ang labi ni Owen sa likod ng tenga ni Viel, nakangisi ito bago niya dahan-dahang dinilaan iyon.

Agad namang napapikit si Viel dahil sa sensasyong naramdaman niya sa mainit na hininga at basang dila ni Owen, hindi niya naiwasang mapahalinghing dahil nilalabas pasok ni Owen ang dalawang daliri niya sa basang basa na butas niya habang dinidilaan pa nito ang likod ng tenga niya. Lahat iyon ay ginagawa niya habang titig na titig ito sa repleksyon nilang dalawa sa salamin.

“Ahh– Owen…”

“Shh…” bulong ni Owen sa kanya. “Baka magising sila Nanay…”

Kaya naman agad na kinagat ni Viel ang labi niya para pigilan ang pag-ungol niya, pero kahit kagat-kagat na niya iyon ay may mga halinghing pa ring nakakatakas lalo na’t rinig na rinig niya ang malaswang tunog gawa ng katas niya at ng paglalabas pasok ng daliri ni Owen sa butas niya.

“A-Ahhh…” napabitaw si Viel sa pagkakagat ng labi niya nang paulit-ulit tinamaan ni Owen ang dulo niya. Napatingala siya at napasandal sa balikat ni Owen habang walang tigil ito sa pagdila sa leeg niya at paggalaw ng daliri nito sa loob niya.

“Shhh…” pagpapakalma na naman sa kanya ni Owen pero hindi niya na kaya, nanginginig na siya at parang babagsak na. 

“O-Owen— malapit na ako—“

“Mhm?” mabilis na hinugot ni Owen ang daliri niya kaya’t agad napasinghap si Viel, para bang may nawala sa kanya nang tumigil si Owen, parang may kulang na sa kanya. 

“Wen…” halos magmakaawang sabi ni Viel.

“Teka lang,” anito kaya naman napalingon sa kanya si Viel dahil hindi niya alam kung bakit tumigil itong bigla, paglingon niya ay bahagya siyang magsisi dahil nakita niya si Owen na ibinaba short niya.

Nang magtama na naman ang paningin nila at nakita niya ang itsura ni Owen ngayon ay parang nalaglag ang puso ni Haviel. Naghahabol din si Owen ng hininga katulad niya pero nakangisi ito habang bahagyang sinasalsal ang titi niya, kaya’t agad na nag-iwas ng tingin si Viel. Hindi niya kinaya ang nakita niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Haviel, hindi niya akalain na makikita niya si Owen ng ganoon ang itsura.

“Viel…” mahinang tawag ni Owen sa kanya bago nito dahan-dahang hinawakan ang pisngi niya para iharap siya ng bahagya sa kanya, hinalikan siya ni Owen sa labi pero nang maramdaman niyang ipinasok ni Owen ang dila niya sa bibig ay napaungol ulit siya nang malakas sa sobrang dulas at init ng dila ni Owen.

Natawa nang mahina si Owen at tumigil, hinalikan nalang niya si Haviel sa pisngi bago siya pumwesto ulit sa likod nito.

“Viel, ibababa ko na ‘yung shorts mo ha?” paalam nito sa kanya, hindi sumagot si Viel kasi nahihiya siya na halos lahat ay ipinagpapaalam pa ni Owen. 

“Ipapasok ko na,” paalam na naman nito.

Hindi sumagot si Haviel pero naramdaman na niya ang matigas na ari ni Owen sa likod niya, itinutok niya ‘yun sa butas ni Haviel pero hindi tuluyang ipinasok. Dahan-dahan pa muna niyang ikiniskis kay Haviel, tila ba’y binabasa niya iyon bago niya iyon dahan-dahang ipinasok.

Sigurado si Viel na ulo pa lang ‘yon pero ramdam na ramdam na agad niya. Napapikit siya nang mariin at napakagat sa labi niya, halos dumugo ang labi niya sa sobrang tindi ng pagkakakagat niya huwag lang siyang makagawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising nila ang pamilya ni Owen. Malayo naman ang banyo sa mga kwarto, pero tahimik ang gabi. Hindi siya sigurado kung abot ang ingay nila sa labas.

“Viel… Relax ka lang…” Medyo pabirong sabi ni Owen para pagaanin ang tensyon sa kanilang dalawa habang hinihimas nito ang baywang niya, pilit na pinapakalma ang naghuhuramentadong si Viel.

“Hindi ko pa napapasok ng buo, ang sikip mo eh,” pigil hiningang bulong nito lalo na nang maramdaman niyang mas lalong sumisikip sa Viel habang patuloy siyang binubulungan ni Owen, kaya’t halos mapiga na ang titi niya habang pinapasok niya iyon.

“Viel, kalma,” utos na ni Owen nang sinubukan niya ulit ipasok iyon nang mas malalim.

“Putangina…” Nanghihinang mura niya nang makapasok siya nang paulit-ulit sa butas ni Haviel nang dahan-dahan, tila ba sinasanay pa niya ang sarili niya sa sikip ng loob noon.

Nakapatong ang noo ni Owen sa balikat ni Viel habang marahan siyang pumapasok kay Haviel, hindi niya binibilisan dahil sa takot na baka marinig sa labas ng banyo ang bawat pagtama ng katawan nilang dalawa. 

Ayaw rin niyang saktan at biglain si Viel.

Mabigat ang bawat paghinga ni Owen, hindi makapaniwala dahil sa sarap ng nararamdaman niya. Nanggigil na siya dahil sa bawat pag-ulos niya ay mahinang humahalingling din si Viel, halatang nagugustuhan din ang ginagawa niya.

Nakatingala si Viel at nakapikit, bahagya rin naka-awang ang makinis at malambot na labi nito, paniguradong wala na rin sa sarili kahit dahan-dahan lang ang pag-ulos ni Owen ay sinasagad naman nito sa dulo. Malaki ang ibaba ni Owen, kaya’t kahit pakiramdam ni Viel na parang binibiyak siya ay hindi niya iyon iniinda sa tuwing tinatamaan ni Owen ang dulo niya.

Hawak-hawak siya ni Owen nang mahigpit para hindi sila bumuwal na dalawa, nakatayo lang sila sa gitna ng maliit na banyo kaya’t isang maling galaw lang nila ay posible silang tumumba. Nakahawak naman nang mahigpit si Viel sa kamay ni Owen na nakahawak sa kanya, humahanap din ng suporta upang hindi siya bumuwal habang paulit-ulit siyang pinapasok ni Owen.

“Ang bango mo talaga, Viel…” bulong nito habang inaamoy ni Owen ang leeg niya, ang kaninang nanunuyong labi ni Owen ay namamasa na rin kakadila at kakahalik niya sa leeg ni Haviel na ngayon ay basang-basa na dahil sa laway niya.

“Ang kinis mo pa, tangina…” dahan-dahang pinasok ni Owen ang kamay niya sa loob ng basang t-shirt ni Haviel para hawakan ang makinis na tiyan nito paakyat sa dibdib, agad niyang pinaglaruan ang utong ni Haviel nang mahuli niya ito. Inikot-ikot niya ang daliri niya at bahagyang pinipisil pa iyon.

“W-Wen… Ahh…” halos mapaupo si Haviel nang maramdaman niya ang daliri ni Owen na walang tigil sa paggalaw sa utong niya kasabay nang paglabas pasok nito sa butas niya, hindi pa ito nakuntento dahil hinalikan pa niya ang likod ng tenga ni Haviel.

Hindi alam ni Haviel kung paano niya pipigilan ang sarili niya sa pag-ungol dahil sa dami nang ginagawa ni Owen sa kanya, nanginginig na ang tuhod niya at halos parang lantang gulay na siyang inaalalayan na lang ni Owen para hindi tuluyang bumagsak.

Kagat-kagat niya ang labi niya at hindi na niya alam kung saan siya kakapit nang binitawan ni Owen ang utong niya para hawakan siya sa baywang upang matira siya nito nang mas mabilis.

“O-Owen… W-Wait… Oh my god…” 

Napakapit ang dalawang kamay ni Haviel sa hollow blocks sa dingding, nararamdaman niyang bumabaon na ang magalas na tekstura noon sa makinis niyang kamay sa sobrang bilis ni Owen, ngunit hindi na niya iniinda pa ang sakit noon dahil mas binabalot ng nararamdaman niyang sarap ang isip niya.

Dahan-dahang inangat ni Haviel ang mukha niya upang pagmasdan si Owen mula sa repleksyon ng malabong salamin, gusto niyang makita kung kagaya niya ba si Owen, kung nagugustuhan din ba nito, kung nababaliw na rin ba ito.

Doon niya nakitang nakatitig din sa kanya ito mula sa repleksyon, malumanay ang bilugang mata nito na tila ba wala na sa sarili, animo’y lasing na lasing siya sa ginagawa niyang pagbayo kay Haviel.

Sobrang tahimik ng kapaligiran kaya’t naririnig ni Haviel ang bawat pagtama ng balat nila sa isa’t isa. Mas lalo lang iyong nakakadagdag sa sensasyong nararamdaman niya. 

Nang makita ni Owen ang kamay ni Haviel na halos madiin na sa hollow blocks ay agad niyang hinatak si Haviel pabalik sa kanya at tsaka niya hinawakan ang baba nito paharap sa kanya habang patuloy niya itong tinitira.

“Huwag kang kumapit do’n, baka masugatan ka…” bulong ni Owen bago niya hinuli ang labi ni Haviel para mahalikan itong muli sa labi. Mabuti na lang ay mas matangkad ng ‘di hamak si Owen kay Haviel kaya’t kahit nasa likod niya ito ay kayang kaya niyang pagpiyestahan ang labi ni Haviel.

Naka-awang na lang ang labi ni Haviel dahil sa sobrang likot ng dila ni Owen sa loob ng bibig niya, tila ba’y wala na rin siya sa sarili niya at hinahayaan nalang niya si Owen na gawin ang lahat ng gusto nito dahil nagblangko na ng tuluyan ang utak niya, wala kasing tigil sa pagbayo si Owen sa butas niya habang patuloy pa ito sa pag galugad ng dila niya ang loob ng bibig ni Haviel.

Bumabagsak na nga ang pinaghalong laway nilang dalawa sa bibig ni Haviel pababa sa maputing leeg nito pero wala nang pumapansin sa kanila noon dahil pareho na silang wala sa sarili. 

“Ah…” Mahinang napaungol si Owen nang sinubukan niyang laliman pa ang pagbayo at nagawa naman niya, sobrang dulas kasi ng butas ni Haviel kahit masikip, naglalawa na sa sarili niyang katas.

“Ang sikip, tang ina, ang sarap…” hindi na pinag-iisipan ni Owen ang mga nasasabi niya. “Sagad ko pa sa loob putangina, ayan, ganyan ka lang nang masagad ko…”

“AH!” napasigaw nang malakas si Haviel nang biglang siyang sinagad ni Owen nang isang tira, napausad siya halos at muntik nang tumama sa salamin kaya’t nabitaw siya ng kapit sa kamay ni Owen na nakayakap sa kanya at muli siyang napakapit sa dingding ng banyo.

Natawa nang mahina si Owen, halos mainit na hangin lang iyon na bumuga sa likod ng tenga ni Haviel.

“Sensya na, nabigla ba kita?”

Imbes na magmukhang sinsero iyon ay nagtunog pilyo pa iyon. Hindi sumagot si Haviel, pumikit na lang siya at dinamdam ang bawat paghagod ni Owen sa kanya, ayaw na niyang tingnan muna si Owen, hindi na kaya ng puso niya, parang mas mauuna pa ‘yung sumabog sa bilis kaysa sa kanya sa tuwing nakikita niya si Owen sa salamin.

“Viel… Harap ka sa akin…” 

Mukhang napansin ni Owen ang pag-iwas niya ng tingin.

“Haviel,” hinawakan ulit ni Owen ang baba niya at tsaka siya nito marahang iniharap ulit sa kanya, kahit naiilang ay hindi na alam ni Viel kung saan ilalagay ang paningin niya kaya’t wala na siyang pagpipilian kundi ang muling tingnan ang mukha ni Owen.

Pero parang maling desisyon iyon dahil nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya agad kung paano siya tingnan ni Owen, alam ni Haviel ang ganoong tingin, alam ni Haviel na puro pagnanasa na ang nasa mata nito, wala na sigurong natitirang kahit anong pagpipigil sa binata.

Akala ni Haviel ay magiging marahas na sa kanya si Owen, akala niya ay isasandal na siya nito sa magalas na pader at titirahin nang paulit-ulit hanggang sa mawalan na siya ng malay sa bilis, pero laking gulat niya nang bigla itong ngumiti sa kanya nang matamis, at muling naging malumanay ang paningin ni Owen sa kanya kahit may bahid pa rin ng pagnanasa ang paningin nito.

“Ang ganda mo Viel,” sabi nito habang pinagmamasdan ang mukha ni Haviel. “Ang ganda-ganda mo tang ina…” 

Mas humigpit ang yakap ni Owen sa kanya pati na rin ang pagkakapiga nito ng pisngi niya habang dahan-dahang binibilisan ulit ni Owen ang pagbayo sa kanya.

“Ang swerte ko…” napangisi pa si Owen. “Putang ina, ang swerte-swerte ko…”

“O-Owen…” hindi na napigilan ni Haviel na tawagin ang pangalan ni Owen dahil nararamdaman niyang may halo ng gigil ang pagbaon ni Owen sa butas niya, at hindi na iyon namamalayan pa ni Owen.

“Masarap ba, Viel?” titig na titig na tanong ni Owen. “Kasi kung ‘di ka nasasarapan itigil na natin ‘to.”

Madali lang sagutin ang tanong ni Owen pero nahihiya si Haviel kaya’t hindi niya ito masagot-sagot, hinayaan na lang niya ang halimuyak niya at ang dami ng katas niya na gumagapang na pababa sa binti niya ngayon ang sumagot sa tanong ni Owen, pati na rin ang mahinang halinghing at ungol niya.

“Haviel, tinatanong kita,” giit pa ni Owen bago nito muling piniga ang pisngi ni Haviel, naghihintay pa rin ng sagot kahit alam niya naman ang isasagot nito.

“Masarap ba?”

“Mhm…” 

“Sarap?”

Napaungol si Haviel.

“Gusto mo ‘yan?”

Tumango si Haviel, mabilis at hindi alam kung anong gagawin niya dahil mas bumibilis din ang pagkantot ni Owen sa likod niya, mukhang wala ng pakialam sa paligid niya dahil hindi na nito iniintindi ang malaswang tunog ng pagtama ng balat nila sa isa’t isa na ume-echo na sa apat na sulok ng maliit na banyo.

“Malapit na ako,” bumibigat na ang paghinga ni Owen, halos puro hangin na lang iyon nang sambitin niya. 

Ramdam na niya ang sukdulan niya pero pinipigilan pa niya dahil gusto pa niyang magtagal sa loob ni Haviel, pero kahit gusto pa niya ay mukhang tatapusin na niya dahil mukhang hindi na kaya ng katawan pa ni Viel na tumagal pa, halos hindi na kasi nito maidilat pa ang mga mata niya, at halos wala ng halinghing na lumalabas sa labi niya. Paos na paos na siya.

Hinalikan siya ni Owen sa sintido niya, malamig sa loob ng banyo dahil sa simoy ng hangin mula sa labas pero pawis na pawis na silang dalawa. Nalalasahan na nga ni Owen ang pawis ni Haviel pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tamis ng amoy nito ay tila ba kahit ang pawis ng binata ay tumatamis na rin.

Hindi siya tumigil sa pagpatak ng malalambing na halik kay Haviel, dinahan-dahan na rin niya ang pagbayo ulit para makapagpahinga kahit papaano si Haviel, sinusubukan na rin niya pakalmahin ito, baka madaan pa niya sa usapan at mapapayag pa niya na ituloy nila sa kubo pagtapos nila sa banyo.

“Kaya mo pa, Viel?” malambing na tanong ni Owen. “Gusto mo ba ituloy ko pa? O gusto mo iputok ko na?”

Hindi makasagot si Haviel, nakaawang nalang ang bibig nito at nakapikit, mukhang lasing na lasing na sa kantot, napansin ni Owen na mukhang hindi na nga nito kaya kaya’t muli niya itong niyakap nang marahan at hinalikan sa likod ng tenga, malambing lang iyon at nanunuyo.

“Putok ko sa loob mo, hm?”

Agad kumalat ulit ang matamis na amoy ni Haviel sa loob ng banyo nang marinig niya ang simabi ni Owen, gusto niyang sabihing huwag, pero iba ang dinidikta ng katawan niya at kahit mismong ang matinong pag-iisip niya ay nawala na, mukhang natangay na ng pagbayo ni Owen sa kanya.

Kahit si Owen ay mukhang hindi na rin nag-iisip ng tama, nadala na rin siguro ng pagnanasa at ng instinct niya na buntisin ito.

“Gusto mo rin na iputok ko sa loob mo?” tanong pa ulit ni Owen nang muling tumamis ang amoy ni Haviel, halos singhutin na ni Owen ang leeg nito, dinilaan pa niya at sinipsip.

“Payag ka, Viel? Ipuputok ko sa loob?”

“Owen…” napapikit muli si Haviel, naramdaman niyang malapit na rin siya.

Ang panghihina ng tuhod niya ay napapalitan na ng gigil, napapatingkayad na siya dahil nararamdaman niyang naiipon na ang lahat sa kanyang tiyan, at konti na lang ay sasabog na rin siya, pareho sila ni Owen.

“Ipuputok ko ‘to sa loob mo, Viel.” Sabi pa ulit ni Owen. “Pupunuin kita ng tamod ko.”

“Owen—“ halos maiyak na si Haviel, hindi niya inaasahan na ganoon ang lalabas sa bibig ni Owen, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya iyon nagustuhan, dahil halata sa reaksyon ng katawan niya na nagugustuhan niya rin iyon.

“Isang putok lang, ‘di ko na uulitin kahit kailan,” sabi pa ni Owen habang dahan-dahang nilalabas pasok pa rin ang sarili niya. “Ipapakuha kita ng gamot kay Joyjoy sa center para ‘di ka mabuntis… Payag ka?”

Hindi sigurado si Haviel kung nasa huwisyo pa nga ba si Owen dahil sa mga sinasabi nito. Hindi sumagot si Haviel, kasi gusto rin niya, gusto rin niya ang ideya na ipuputok ni Owen sa loob niya.

“Puta—“ biglang binitawan ni Owen ang pagkakayakap niya kay Haviel para muli niya itong hawakan sa baywang kaya’t wala na naman itong makapitan bukod sa dingding, imbis na kamay ang ipangkapit ni Haviel ay buong gilid ng siko niya hanggang kamay niya ang naidikit niya sa pader para maalalayan ang sarili niya.

Ramdam agad niya na nagsugat iyon nang panggigilan na naman siya ni Owen, paulit-ulit siyang dumidiin sa dingding kada tira ni Owen sa kanya.

“Magagasgasan ka nga diyan,” muli siyang hinatak ni Owen para hindi siya dumikit sa dingding. Sa dalawang kamay siya nito hinatak kaya’t iyon na lang ang umaalalay kay Haviel para hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig, kaya naman nakayuko na lang siya habang patuloy siyang tinitira ni Owen sa likod.

Napansin ni Owen na masyadong malapit ang mukha ni Haviel sa dingding at isang maling galaw lang niya ay tatama na ang magandang mukha nito sa hollow blocks kaya’t agad niyang inilipat si Haviel at iniharap sa kabilang gilid, malapit iyon sa malaking drum na puno ng tubig.

Nang binitawan ni Owen ang kamay ni Haviel ay agad namang kumapit si Haviel sa malaking drum ng tubig, hindi siya nasusugatan doon dahil may plastic hose na hiniwa sa gitna at inikot sa gilid ang ibabaw noon, medyo madulas nga lang ngunit kaya naman niyang kumapit.

Hinawakan agad siya ni Owen sa baywang nang makita nitong maayos na ang pwesto nilang dalawa, at tsaka siya muling kinantot nito nang mabilis.

Kada bayo ni Owen sa kanya ay tumatapon ang ilang tubig mula sa malaking balde, kahit na gumagalaw iyon ay kitang kita pa rin ni Haviel ang repleksyon ng mukha niya sa tubig, bahagya siyang naluluha pero bakas sa mukha niya ang sarap.

Nahiya siyang bigla dahil sa reaksyon niya kaya’t sinubukan niyang tingnan ang repleksyon ng mukha ni Owen, inaasahan niyang makitang nakatingin din sa kanya si Owen pero hindi, hindi ito nakatingin sa kanya pero bumilis pa rin lalo ang tibok ng puso ni Haviel.

Nakatingala si Owen at bahagyang naka-awang ang labi, nakapikit ito at sarap na sarap habang tinitira siya. Bumabagsak ang pawis nito sa kanyang noo at dumidikit na ang ilang piraso ng buhok niya sa kanyang balat. Bahagya nitong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya upang maalis ang pagdikit noon sa noo niya bago niya muling binalik ang kamay niya sa baywang ni Haviel. Sumilay na naman ang ahit sa gilid ng buhok nito na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ni Haviel.

“Ahh… Tangina ang sarap…” wala sa sariling sabi ni Owen habang patuloy siyang dinadama nito.

Nang dumilat si Owen ay una niyang pinagmasdan ang burat niyang naglalabas pasok sa butas ni Haviel, gusto niya lang makita kung paano iyon higupin at dumulas sa loob ni Haviel. Ang laswa pero gustong gusto niyang makita ‘yon dahil nakikita niya kung paano niya angkinin si Haviel.

Napakagat pa siya sa labi niya para kontrolin ang sarili niya at hindi niya lubos na panggigilan si Haviel, dahil kapag hindi niya na-control ang sarili niya ay baka makagat na nga niya ito sa leeg para wala na talaga itong kawala sa kanya, at baka mapaaga rin bigla ang rut niya katulad nung nakaraang linggo, baka hindi na niya tigilan talaga si Haviel hangga’t hindi niya nabubuntis.

Baka hindi lang sila abutin ng tatlo o apat na araw ‘pag nagkataon, baka isang linggo pa niyang tirahin si Haviel. Kung ‘di lang nila kailangan kumain at maligo, at kung wala lang responsibilidad at trabaho si Owen kahit isang buwan pa sila sa kubo, ‘di talaga siya magsasawa, hindi na matutuyo ulit ang butas ni Haviel. Pupunuin niya talaga iyon sa tipong kada pasok niya sa butas ay aapaw lang ang lahat ng lagkit doon at walang tigil na babagsak sa maputing binti ni Haviel.

Napasinghap si Owen sa iniisip niya, natawa pa siya ng bahagya, ano ba ‘tong mga pinag-iiisip niya. 

Tiningnan niya ang mukha ni Haviel pero natuon ang atensyon niya sa drum ng tubig dahil nakita niya ng maayos ang repleksyon ng mukha nito doon. Nakatingin din ito sa kanya. Malumanay din ang mga mata at tila ba patuloy na nalalango.

“Ganda mo talaga,” halos mapamura na naman si Owen.

Ang namumulang pisngi nito ay sobrang tingkad na, kitang kita pa rin iyon kahit kulay dilaw ang ilaw ng banyo nila, pinagpapawisan na din ito ngunit para bang napakabango talaga ng pawis nito dahil napakaganda pati ang paggapang noon sa balat niya, parang gusto pa niyang dilaan at sipsipin, kung papayag lang si Haviel, bakit hindi?

Sa itsura palang nito ay mukhang mapapayag niya sa kahit anong gusto niyang gawin, naka-awang pa rin ng bahagya ang bibig, halatang sarap na sarap.

Kaya paano niya titigilan ‘to?

“Kapag naibahay na kita, aaraw-arawin talaga kita.”

Bahagyang napa-iwas ng tingin si Haviel nang sambitin iyon ni Owen, halos magkulay pula na ang buong mukha niya sa sobrang hiya, hindi na lang pisngi niya ang namumula at hindi na siya tuluyang makatingin pa ulit kay Owen, pero sa hindi malamang dahilan ay tila ba nagugustuhan iyon ng katawan niya.

Malapit na si Haviel, hindi na niya kayang pigilan.

“O-Owen… A-Ahh…”

“Hm?” humigpit ang kapit ni Owen sa baywang ni Haviel, halos mamula na rin ‘yon dahil bumabakat na ang mga daliri ni Owen sa balat niya. Ang maputi at makinis na puwet nito ay pulang pula na rin dahil sa patuloy na pagtama ng katawan ni Owen doon.

“Please…” nagmamaka-awa nang sabi ni Haviel.

“Ano?” tanong ni Owen, hindi na niya naririnig si Viel dahil halos nakadukdok na ang mukha nito sa drum ng tubig, kapag nabitaw siya ay siguradong tatama ang mukha niya sa tubig.

“S-Sa loob…”

“Pucha? Payag ka?” gulat na sabi ni Owen, bumilis na naman ang paggalaw niya ngunit sinasagad niya iyon sa dulo kaya’t napapaurong si Haviel kada sagad nito 

“A-Ahh…”

“Ano, Viel? Payag ka? Sigurado ka?”

“A-Ah, mhm, s-sa loob, please…”

“Ipuputok ko talaga ‘to sa loob Viel, tang ina— hanggang sa mawala ulit tayo sa ulirat, puta— ahh—“

“O-Oh—” hindi na natuloy ni Haviel ang sasabihin niya nang mauna siyang labasan.

Hiyang hiya na talaga siya dahil hindi naman hinawakan ni Owen simula kanina ang ari niya pero nilabasan na agad siya, kitang kita niya kung paano sumurumpit iyon sa kulay asul na drum ng tubig, kitang kita ang kulay puting likidong tumama doon.

Sa sobrang hiya, at pati na rin sa sarap na sensasyong nararamdaman niya ay hindi na napigilan ni Haviel na umiyak, halo-halo na ang nararamdaman niya, hindi na niya alam ang dahilan.

“Nilabasan ka na?” tanong ni Owen sa mababamg boses. “Takte, ang sikip mo lalo.” 

Nanginginig na ang buong katawan ni Haviel dahil kahit nilabasan na siya ay patuloy pa rin si Owen sa pag labas-pasok sa kanya, hindi na niya alam ang gagawin niya, napapatingkayad na siya dahil sa nararamdaman niya, sagad na sagad na, wala na siyang mailabas, kaya’t bumabagsak na lang ang mga luha.

“Saglit na lang, Viel. Malapit na ako— A-Ahh… Ayan na…”

Langong lango na si Owen pero pilit niya kasing pinipigilan ang sarili niya kanina pa kahit malapit na siya, gusto pa niya talagang magtagal pa sa loob ni Haviel, ang init kasi, ang sikip, ang dulas, ang sarap.

Putang ina, ang swerte niya talaga.

Sa lahat ng alpha na nanligaw kay Haviel sa baryo nila, sa kanya siya bumagsak. 

Kahit umiyak pa ng dugo ang mga hinayupak na ‘yun, putang ina nila, kanya lang si Haviel. Kanya lang, tangina, kanya lang ‘to, ‘di nila mahahawakan ‘to. 

Siya lang, kanya lang.

Malakas niyang hinatak ulit si Haviel patungo sa kanya para mayakap niya ito bago siya tuluyang labasan.

Hindi niya napansin na sumayad na pala ang buhok ni Haviel sa tubig kaya’t nang hinatak niya ito ay halos tumilansik iyon lahat sa banyo, bumagsak pa ang ilang tubig na ‘yon sa mukha ni Haviel na humahalo na sa pawis nito at luha nito, nakapikit na siya upang hindi siya mahilam noon, pero kahit na pawis na pawis ay napakatamis pa rin talaga ng amoy nito.

“Putang ina,” hindi na makapagsalita ng ayos si Owen, puro mura na lang talaga ang lumalabas sa bibig niya dahil sa sobrang bilis ng paggalaw niya, ayaw din niyang mabitawan si Haviel kaya’t yakap na yakap siya dito habang hinaharurot niya ito.

“Puputok ko sa loob mo lahat, hm?” tinirada niya ng isang malakas si Haviel at halos mapatalon na ito. Kahit nagulat ay impit lang itong napa-ungol para pigilan pa rin ang sarili na gumawa ng ingay.

“Hindi ko ipuputok ‘to hangga’t ‘di ka sumasagot, Viel… Sige na oh… Sabihin mo munang gusto mo rin…”

“G-Gusto ko…” dala na rin siguro ng pagkasabik kaya’t sumagot na rin si Haviel. Wala na rin siya halos sa ulirat, mukhang muli na naman kasing naiipon ang lahat sa tiyan niya at para bang lalabasan ulit siya.

“Sa’yo ko lang ibibigay ‘to, Viel. Ikaw lang kaisa-isahang hinawakan ko, ikaw lang minahal ko.”

Hindi na iyon halos marinig ni Haviel, wala na siya ulit sa sarili niya dahil halos hindi na galaw ng tao ang ginagawa ni Owen sa kanya sa sobrang bilis niya. Bigla na lang nawala ang lambing at pag-iingat ng bawat galaw nito dahil napalitan na iyon ng rahas nang malapit na malapit na siya.

“Putang ina, Haviel. Binabaliw mo ko.” 

Napahawak na ang isang kamay ni Haviel sa bibig niya para pigilan ang sarili na umungol, kahit hindi niya alam kung para saan pa ‘yon dahil pigilan man niya ang sarili niya na gumawa ng ingay ay malakas pa rin naman ang tunog ng pagtama ng balat nila sa isa’t isa.

“Tang ina— ayan na– a-ahh…”

Napahagulgol na lang si Haviel nang mauna na naman siyang labasan bago labasan si Owen sa loob niya.

Totoo ang sinabi ni Owen, ipinutok niya nga lahat sa loob ni Haviel dahil kahit nilabasan na siya ay naglalabas-pasok pa rin siya hanggang sa maiputok niya lahat sa loob, sa dulo, sagad, lahat-lahat.

Mabigat ang paghinga ni Owen nang niyakap niya ulit si Haviel nang maingat, hindi pa rin niya hinihugot ang sarili niya sa loob, dinadama pa niya ang tamod niyang sumagad hanggang sa dulo.

Nakapikit si Haviel at naghahabol din ng hininga, nakasandal ang likod ng ulo niya sa balikat ni Owen habang nakasandal naman ang noo ni Owen sa balikat niya, hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit sobrang kontento niya nang maramdaman niya ang mainit na likido sa loob niya. 

Nakatayo silang dalawa sa gitna ng banyong may kumukundap na ilaw, nanginginig pa rin si Haviel dahil sa pagkakalabas niya ng dalawang beses, pero yakap-yakap siya ni Owen kaya’t hindi siya bumabagsak.

Walang nagsasalita sa kanila, walang kumikibo, ang tanging ingay lang na naririnig nila ay ang bawat paghinga nila at ang mga kuliglig sa labas.

Pareho pa silang lango sa pagkakaabot nila sa rurok nila.

Hanggang sa nabasag ang katahimikan nang bahagyang natawa si Owen. 

Hindi rin alam ni Owen kung bakit siya tumawa, baka dahil sobrang saya niya lang talaga.

“Ayos ka lang, Viel?” tanong niya kahit hinihingal pa rin, isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ni Haviel at marahan itong hinalikan doon na para bang sinusuyo niya ito pagkatapos.

“Kaya mo pa? O gusto mo paliguan na kita?” Muli niyang hinimas ang baywang nito habang patuloy siga sa paghalik ng leeg nito.

“Gusto mo pa? Isa pa?”

Dahan-dahang tumango si Haviel kaya naman agad na napangisi si Owen habang patuloy siya sa paghalik sa matamis na balat nito.

Tang ina.

Kung papayag si Haviel, isang buong gabi talaga niya itong tatabihan, titigil lang siya kapag nakatulog na ito.