Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-12-15
Words:
4,166
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
64
Bookmarks:
2
Hits:
738

Perfect Focus

Summary:

An AU wherein Colet can’t focus on being perfect because of a certain someone.

Notes:

Sa sobrang stressed ko gumagawa ako ng oneshot sa office in between sa werks me kapag utang-uta na ako. w(゚Д゚)w . Ginagawa ko ito habang sawang-sawa na ako sa pagiging alipin ng salapi kaya sorry in advance if I will let you down lols. Thanks to BINI and MaColet for keeping my sanity. Bakit ba walang ibang angle yung kiss? Hmmp.

Work Text:

Perfect Focus




“Colet, wala ka bang balak bumangon dyan?”

 

Mataas na ang sikat ng araw. Ilang beses na akong tinatawag ni Mama at katulad ng tanong niya ay wala nga talaga akong balak bumangon. Anong oras naman na kasi at kung magsimula man akong mag-ayos ngayon ay mali-late din naman ako sa school.

 

“May balak ka bang pumasok bata ka?”

 

Wala akong gana. Walang energy yung mga binti ko para tumayo pati na rin lahat ng joints ko. Ngayon ko lang ito naranasan. Ngayon ko lang naranasan na ma-disappoint sa sarili ko at ganito pala ang epekto nito.

 

“Wala po,” sigaw ko mula dito sa kwarto. Biglang sumilip ang ulo ni Mama sa pinto. Nagkatitigan kami  kaya nakita ko kung paano napa-buntong hininga na lang siya.

 

Nitong mga nagdaang araw ay tila wala ako sa aking sarili. Wala kasi akong nagawang tama. Mantakin mong ilang college activities ang nagdaan, quizzes, seatworks at recitations tapos lahat ng iyon ay may mali ako! May mali ibig sabihin hindi perfect! Hindi 100 percent rating! Naging tanga ako which is not so me!

 

“Kung hindi ka papasok, kumain ka na lang ng almusal. Sayang yung pagod ko kapag lumamig lang ‘yon,” sabi ni Mama bago siya umalis.

 

Pinilit ko ang aking sarili na bumangon. Ang bigat-bigat. Pati pagsuot ng alpombra ang bigat. Pati paglalakad ang bigat, pati paghila sa upuan ang bigat, pati paghawak ng kubyertos ang bigat.

 

“Ano bang nangyari sa iyo bata ka?” pagtataka ni Mama habang nilalagyan niya ng sopas ang mangkok ko.

 

Gusto kong sagutin siya pero ayoko makatikim ng sapok. Hindi naman kasi istrikto si Mama pagdating sa grades kaya mas mananagot ako sa kanya kung malalaman niyang ang hindi ko pagiging perfect ang dahilan kaya ako nagkakaganito. Paniguradong makakarinig nanaman ako ng litanya ukol sa pagmamahal niya sa akin kahit maging ano man ako.

 

Hindi katulad ko ay perfect ang pagkakaluto ni Mama ng sopas. Tamang gulay, tamang meat at tamang gatas. Super sarap. Ganito ang perfect maganda ang kakalabasan kaya alam ko na ang magiging future ko dahil sa mga pagkakamali ko nitong nakaraan.

 

“Nagustuhan mo ba anak? Si Maloi nakailang mangkok niyan kanina,”

 

Napatigil ako sa pagkain.

 

“Si Maloi?” gulat na reaksyon ko.

 

“Oo, kanina nandito siya. Hinihintay ka niya kaya lang tulog ka pa.”

 

Napatayo ako, “Bakit hindi niyo po ako ginising?!”

 

“Aba, kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo kaya lang hindi ka naman bumabangon dyan.”

 

Nakasimangot akong bumalik sa pagkaka-upo. Gusto kong pumasok kaya lang ay late na ako kapag pumasok ako. Kapag na-late ako ay masisira ang streak ng maaga kong pagpasok… absent ako kaya sira ang complete attendance ko… so what? Wala na akong pake kasi sira na naman ang future ko.

 

Pagkatapos kong mag-almusal ay bumalik na ako sa aking silid. Tinignan ko ang aking kama… Kakakain ko lang at kapag humiga ako agad ay hindi ako matutunawan ng maayos, tapos tataba ako at masisira ang figure ko… who cares? Sira na naman ang future ko.

 

Habang nakahiga ay nakatitig ako sa kisame. May iniisip ako pero palagi itong tinutulak ng daloy ng kawalan which is hindi normal. Hindi talaga!

 

Arghh!!!

 

I am a person of focus! Kalkulado lahat ng ginagawa ko and error is not an option for me. Lagi akong perfect sa lahat ng gawain ko dahil I strive to be one pero lately ay puro kapalpakan ang pinaggagagawa ko.

 

“Sino kayang sinabayan niya kanina? I hope hindi siya na-late.”

 

Kung iisipin ay wala namang nabago sa mga ginagawa ko. Alam kong matalino ako inherently pero kahit kailan ay hindi ako nagpabaya. Like I said, I strive to be perfect at kapag iyon ang aim, dapat maging masipag. Aral sa umaga, aral sa gabi, then exercise for a healthy mind, body and soul…

 

“Kapag um-attend siya sa club nila mamaya siguradong late na siya uuwi… sino sasabay sa kanya?”

 

Bumangon ako para kunin ang daily planner ko na nasa study table. Binuksan ko ito para tignan ang mga plano ko dapat ngayong araw. Sa unang gawain palang ay palyado na agad ang plano ko. Bwiset.

 

Breakfast with Maloi… Hindi nagawa.

 

Lunch with Maloi… Hindi magagawa.

 

Tutoring Maloi…

 

Walk home together with Maloi…

 

Yung simpleng task nga na ganito hindi ko magawa so paano na ang future? Ilang araw ko ng iniisip kung ano ang mali sa mga ginagawa ko at bakit hindi ako makapag-focus pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Sirang-sira na talaga ang kinabukasan ko. 

 

AAARRRRGGGHHH!

 

Binitawan ko ang aking planner saka kinuha ang aking smartphone. Pagkabukas ko sa natutulog nitong screen ay nagulat ako na marami na palang messages na hindi ko nabasa. Wala ako sa mood na mag-reply kaya pinili ko lang basahin ang isa.

 

Maloi: Bakit hindi ka papasok? May sakit ka ba?

 

Gusto kong sabihin na wala akong sakit at tinatamad lang ako pero kapag iyon ang sinabi ko ay for sure masisira ang image ko sa kanya.

 

“May sakit ako,” tugon ko dahil kung iisipin ay may sakit naman talaga ako like I’m always perfect then suddenly I can’t focus. It’s obvious that there is something wrong with me!

 

Maloi: Nandito na ako sa school… Mamayang pag-uwi, dadaan uli ako sa inyo para ma-share ko yung notes for today.

 

Her reply and I am dying. May parang biglang sumakal sa akin dahilan para hindi mag-function ng normal at maayos ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit! Nanginig din bigla ang mga daliri ko kaya agad akong bumalik sa aking kama at binaon ang mukha ko sa unan.

 

Pisti!

 

Hindi ako sanay na ako ang tinutulungan kaya siguro ganito ang nangyayari sa akin.

 

“You don’t–” 

 

Tumigil ako sa pagtipa at sumubsob uli sa unan. Nag-isip ako ng maigi. Inisip ko ang pros and cons kapag tinulungan niya ako like kung paano iyon makakaapekto sa aim ko for perfection saka sa pride ko. Hindi kasi reliable  yung notes ni Maloi at kapag kinopya ko iyon ay baka magkamali pa ako.

 

Nang makapag-isip ay umalis ako sa pagkasubsob ko sa unan saka nagtipa ng mabilis na reply sa kanya.

 

“Oo, dumaan ka dito pag-uwi. Itsi-check ko kung tama ‘yang notes mo,” message ko dahil iyon ang tamang gawin. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mali siya, “Ikaw lang, huwag ka magsama ng iba,” dagdag ko dahil makakaistorbo lang sa pagtuturo ko sa kanya kung may isasama pa siya.

 

Maloi: Okay, ako lang. 

 

Muli ay parang sinasakal nanaman ako dahil sa tugon niya. Mukhang may sakit talaga ako at kailangan kong ayain sa doktor si Mama bago kami magkita ni Maloi mamayang hapon.

 

Madali ko lang naaya si Mama na tumungo kami sa ospital upang makapagpatingin kami sa doktor. Maging siya kasi ay hindi sanay sa nangyayari sa akin to the point na napandilatan niya pa ako ng tingin dahil sa gulat sa nais ko. Pagkatapos niyang pakiramdaman ang noo at leeg ko saka haplusin ang likod ko ay agad niya akong tinanong. 

 

“Sa general physician o diretso na tayo ‘nak sa psychiatrist?”

 

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging tanong niya. Anyway, syempre sa general physician kami nagpunta.

 

“Iyon lang ba iha yung nararamdaman mo? I mean hindi ka makapag-focus?”

 

Tumango ako. Tinignan ako ni Dok ng matagal, masinsinan parang hindi makapaniwala bago siya bumaling ng atensyon kay Mama.

 

“Basta gusto niya raw magpatingin kaya dinala ko siya sa iyo Dok,” biglang parang paliwanag ni Mama.

 

Ilang ulit na tumango si Dok bago parang mag-isip ng maigi.

 

“Kailan mo na-realize na hindi ka makapag-focus?”

 

“Last week ko po na-realize kasi first time kong hindi maka-perfect sa exam.”

 

Nakita ko kung paano ngumisi si Dok pero pinalagpas ko iyon dahil napansin ko naman ang pagbuga ng hininga ni Mama.

 

“Hindi ka naka-perfect? I see. Bakit lagi ka bang perfect?”

 

“Opo,” mabilis kong sagot at naging korteng O ang bibig ni Dok. Sunod ay tinitigan niya ako ng maigi. Mga tatlong segundo rin akong nakipagtitigan sa kanya.

 

“Masipag ka sigurong mag-aral iha. Sa tingin ko kasi ay stressed ka at kasalukuyang nabu-burn out,” konklusyon niya na hindi ko pinaniwalaan. 

 

Like why would I believe him when studying is my hobby? Ito ang nakakapagpasaya sa akin and for someone to say that it’s the reason why I’m having a problem right now… unbelievable kaya umangal ako.

 

“I don’t think that is the reason Dok,” apela ko na nagpamilog naman ngayon sa mata niya.

 

“Ow… Okay. How about may pangyayari ba lately na may kakaibang impact sa’yo? Or tao na nakakapagpagulo sa iyo?” he asked while looking at me with curious eyes. Pinagisipan ko ng matindi ang tanong hanggang sa mapatigil ako dahil sa biglaang paghagikgik sa aking tabi. Nilingon ko si Mama kaya’t naabutan ko siyang pigil na tumatawa. 

 

“I see, bakit ba hindi ko tinanong agad. Nag-away ba kayo ng jowa mo?”

 

Agad nabalik ka Dok ang atensyon ko. Saan niya nakuha ang tanong na iyon? At jowa talaga? Pwedeng pakiayos naman ng wording?

 

“Wala po akong girlfriend,” 

 

Sabay na tumaas ang mga kilay ni Dok, “Girlfriend,” pag-uulit niya saka nilingon si Mama. Nakita ko naman ang pagtango ng nanay ko na hindi ko naiintindihan kung para saan. 

 

Hindi na nagtanong si Dok after that at nagsulat na lang siya sa prescription then iniabot ito sa akin. Pagkatingin ko dito ay tanging dalawang bagay lamang ang nakasulat. Isang brand ng vitamins at word na MAGPAHINGA.

 

What the hell? Paano na lang ako makikipagkita kay Maloi kung hindi ako magiging in perfect condition?!

 

“Ma, anong klase ‘to? Paano ako gagaling kung ganito?” tanong ko kay Mama habang naglalakad na kami patungo sa sakayan ng tricycle. 

 

Humalakhak siya ng nakakaasar bago sumagot sa akin, “Tama naman si Dok a, sa tingin ko anak kailangan mo talagang magpahinga.”

 

“Ma!”

 

Tumawa siya, “Ano bang gusto mo na ireseta sa iyo ni Dok?”

 

Huminto ako sa paglalakad gayundin siya. Napaisip ako saglit. Gusto ko lang naman bumalik ang focus ko para kapag nagkita kami ni Maloi mamaya ay maging perfect pa rin ako sa paningin niya. Para kapag nahihirapan siya ay hindi siya magdalawang isip na magpatulong sa akin dahil sa reputasyon kong hindi nagkakamali. Para hindi siya sumama sa iba at makita niyang may future siya kapag sa akin siya sumama.

 

Hindi na ako nagpabili ng vitamins kay Mama dahil meron naman kami. Dahil rin sa nanghihina ako ay nag-tricycle na kami pauwi. Mga sampung bahay patungo sa amin nang mapansin ko ang isang maliwanag na pigura sa dulo ng aking paningin. Biglang nawala ang panghihina ko at kahit tumatakbo pa ang tricycle ay para bang gusto ko ng tumalon para agad na puntahan siya.

 

“O andyan yung gamot mo,” banggit ni Mama na hindi ko na binigyan ng pansin dahil agad akong bumaba ng tricycle.

 

“Maloi, kanina ka pa dyan?” 

 

Ngumiti siya, pinaka-perfect na ngiting nakita ko. Hapon na pero parang sisikat pa lang ang araw. Lumiwanag ang paligid at kahit hindi na oras para sa vitamin D ay para bang nabigyan ako ng sigla ng presensya niya.   

 

“Colet,” banggit niya sa pangalan ko. Ang lambing tapos sobrang lambot para bang tinawag niya lahat ng ulap para samahan siya. Lumapit ako sa kanya pero iniwasan kong tabihan siya. Baka kasi dahil sa parang araw niyang presensya kaya feeling ko ay lalagnatin ako.

 

“Kakadating ko lang,” sabi niya bago bumati kay Mama, “Magandang hapon po, Tita,”  

 

Gusto kong hawakan si Maloi sa hindi mawaring dahilan. Actually parang hindi lang hawakan. Hindi ko ma-explain. Jusko! Nawawala na naman ako sa focus! 

 

“Colet, hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta pala si Maloi? Sana namalengke pala tayo nang mas maaga.”

 

Napatitig lang ako kay Mama bago humingi ng paumanhin sa kanya pati kay Maloi.

 

What the fuck Colet! Your aura points! Bakit nga hindi mo naisip na sabihin kay Mama?

 

“Okay lang po, magpapa-check lang naman po ako ng notes kay Colet,”

 

Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa bahay. Hindi ko muna pinaakyat agad si Maloi sa aking silid at pinaupo ko muna siya sa sofa. Umakyat ako patungo sa aking kwarto para mag-ayos. Though lagi namang maayos ang silid ko pero dahil magulo pa rin ang pag-iisip ko ay kailangan ko munang i-double check ito upang maiwasan kong mapahiya.

 

“Wait, aroma diffuser.”

 

Pagkababa ko ay agad ko sanang yayayain si Maloi pero napatigil ako at napatago sa pader na naghihiwalay sa aming sala at kusina. Kausap niya si Mama at habang nagpapalitan sila ng mga salita ay wala akong magawa kundi i-admire ang maganda niyang mukha. Madalas man kasing lutang at mali-mali si Maloi ay masasabi ko naman na perfect para sa akin ang physical aspects niya.

 

“Colet,” sambit niya nang makita ako. Hindi ko maintindihan kung bakit may lakas naman ako pero biglang parang nanlambot ang mga binti ko. Unti-unti akong lumabas mula sa pader. Nakita ko ang pagtataka ni Mama.

 

“Kanina ka pa ba dyan bata ka? O, iakyat mo na itong si Maloi. Dadalhan ko na lang kayo ng snacks maya-maya,”

 

Sinunod ko si Mama kaya pagkatayo ni Maloi ay kinuha ko ang braso niya’t hinila siya para dalhin patungo sa aking kwarto.

 

“Colet, okay ka na ba?” tanong niya habang umaakyat kami ng hagdan.

 

Napaisip ako ng matindi bago sumagot. Kapag sinabi ko kasi ang totoo ay magmumukha akong mahina sa kanya pero kapag nagsabi naman ako ng kabaligtaran ay lalabas na nagsisinungaling ako. Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako ay baka ma-disappoint siya sa akin.

 

Nakarating kami sa harap ng aking silid na hindi ko siya nasagot. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang hawakan ng kaliwang palad niya ang pisngi ko. Nagulat ako kaya alarma akong napahinto pero mas may ikakaalarma pa pala ako nang makita ko ang salubong na kilay na reaksyon niya.

 

“Makakapasok ka ba bukas?” tanong ni Maloi gamit ang maganda at nag-aalalang boses niya. Bwisit! Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil para bang ako ang dahilan kung bakit malungkot siya.

 

“Konting pahinga lang kailangan ko makakapasok na ako bukas,” sabi ko dahil iyon ang totoo at sabi ng doktor.

 

Papasok na ako ng silid pero napatigil ako nang hindi ko siya madala paloob.

 

“Dapat pala hindi na muna ako pumunta rito para makapagpahinga ka na,” saad niya na ikinagulat ko. Ngayon ay nakakunot naman ang kilay niya. Makinang din ang mga mata niya at nakatulis ang nguso niya. May gusto akong sabihin pero hindi ko ito ma-process. Hindi nanaman ako makapag-focus at napansin ko na lang ang aking sarili na mahigpit na napahawak sa kanang braso niya.

 

“E di samahan mo ako magpahinga,” solusyon ko. 

 

Pansin ko ang biglaang pamumula ng mga pisngi ni Maloi bago yumuko siya saka marahang tumango. Hindi katulad kanina ay madali ko siyang nahila papasok ng silid ko.

 

Pinaupo ko si Maloi sa silyang hinanda ko kaharap ng aking study table. Pagkatapos kong ayusin ang ilang bagay ay sinunod ko na ang pagtabi sa kanya para tingnan at i-check ang kanyang notes. Binasa ko ang mga notes ni Maloi at kinopya ito. Hindi katulad noong mga nakaraan ay maayos ito ngayon at walang mga mali.

 

“Ginalingan ko kasi yung pakikinig kanina para hindi ka na mapagod sa pag-correct sa akin at kokopyahin mo na lang,” paliwanag niya dahilan para mapatitig ako sa kanya.

 

“O–Okay,” nasambit ko lang. Hindi ko alam. Hindi nanaman gumagana ang utak ko. Dapat ay purihin ko siya like sabihan ko siya ng “Good job” dahil perfect ang notes niya pero ito ako’t parang may mabigat na kung ano sa aking dibdib. Nawala lang ang kung ano mang dinadamdam ko nang mapansin kong maglabas siya ng color blue na notebook. Ang designated na kulay para sa math subject namin.

 

“Pero dito kanina sa discussion sa calculus, may hindi ako maintindihan,” saad niya na syempre ay agad kong sinolusyunan. 

 

Tinuruan ko ng matindi si Maloi dahil mahina talaga siya sa kahit anong related sa computation. Nakailang paliwanag pa nga ako at habang nagsasalita ako ay nakatingin siya sa akin at nakikinig. Her boba eyes sparkles while listening to me, then tumatango-tango siya kapag may naiintindihan siya at napapa-pout naman siya kapag naguguluhan. Pina-try kong pasagutan sa kanya ang isa sa mga made up calculus problems ko at habang nag-iisip siya ay hindi ko maiwasang tignan ang kamay niyang nakahawak sa papel habang sa lapis naman ang isa.

 

Ang liit ng mga kamay ni Maloi kumpara sa akin. Nai-imagine ko tuloy kung paano kayang itago ng kamay ko ang kamay niya kapag hinawakan ko ito. Na-imagine ko rin kung paanong kapag gininaw siya ay kaya kong lukubin ang palad niya pati na rin kung paano kaya ko siyang pigilan kapag gustuhin niyang sumama sa iba.

 

“Colet, nakikinig ka ba?”

 

Nabalik ako bigla sa ulirat.

 

“Ha?”

 

“Kanina pa ako nagtatanong kung okay na ba ‘tong sagot ko.”

 

Tsk. Nawala nanaman ako sa focus. Nakakainis.

 

Tinignan ko ang sagot niya at dahil ako ang nagturo sa kanya ay syempre tama na iyon. Babatiin ko sana siya pero napahinto ako nang magsalita siya.

 

“Hindi ka pa talaga okay. Ngayon lang kita nakitang wala sa focus.”

 

Nang marinig ko ang sinabi ni Maloi ay biglang parang may nag-crack na kung ano sa pagkatao ko then nabasag, nalaglag, at kumalat sa sahig! Oh my god! I was exposed! My perfect self that I kept on polishing is now a joke because I can’t focus! Gusto kong magpalamon sa sahig!

 

“Hindi ka na ba magpapaturo sa akin?!” bigla ko na lang naitanong kay Maloi. Nakita ko kung paano mabigla siya at mamilog ang mga mata niya pati na rin ang korte ng bibig niya. Agad kong kinuha ang kanang palad ni Maloi gamit ang kaliwang palad ko bilang paghahanda sa isasagot niya.

 

“Ba–Bakit naman hindi na ako mag–magpapaturo sa iyo?” gulat niyang tanong.

 

“Kasi hindi na ako perfect,”

 

Pumagitna sa amin ang katahimikan. Nakatitig ako Kay Maloi gayundin siya sa akin hanggang sa bigla na lang siyang umiwas ng tingin at dumirekta sa notes niyang maraming bura. Nakaramdam naman ako ng biglaang gulo hindi lang sa utak kundi pati na rin sa puso ko pero sa kalagitnaan ng gulong dulo’t ng puso at isipan ko ay nagulat ako nang mapansin kong naka-focus pa rin ang kamay ko sa paghawak sa kamay niya. Iginalaw ko ang palad ko kaya’t naramdaman ko ang init nito. Init na tila nagpakalma sa gulong nangyayari sa buong sistema ko.

 

“Maloi, ang init ng kamay mo,” saad ko at bigla na lamang siyang lumingon sa akin. Panandalian ko tuloy nasabing magaling na ata ako dahil buong-buo ang atensyon ko sa kanya.

 

Ang pula ng mga pisngi niya. Nagniningning nanaman ang mga mata niya at naka-awang ang mga labi niya. Simula nang makilala ko si Maloi, kahit na malaki ang agwat ng kapasidad namin ay ewan ko ba’t ang perfect niya pa rin sa paningin ko. Siya lang ang nakilala kong nadapa ng maganda, napahiya sa recitation ng maganda at nagkamali ng step sa P.E. ng maganda. Siya lang din yung kahit bagsak ay nakakangiti pa rin ng maganda at kahit na nasasabihan ng mga teacher ay tumatawa pa rin ng maganda.

 

“Kasi nakahawak ka, ang lamig kaya ng kamay mo,” pagpunto niya na tama naman. Lagi kasing malamig talaga ang mga palad ko.

 

Inayos ko ang kamay namin saka in-entwine ang palad ko sa palad niya. No thoughts, head empty. Tumindi yung shade ng blush niya na ewan ba’t ikinasaya ng puso ko. Hindi kami nagsasalita yet I can’t say that silence occupies our room because my heart is doing the opposite. 

 

Marami na akong nagawa na masasabi kong perfect masterpiece, from art to poems to music pero masasabi kong ibang level ito ngayon. I can’t believe how her hand perfectly fit against mine.

 

“Recently ang dami kong mali to the point that I am slowly straying away from being perfect. Nag-aalala tuloy ako. If I’m not perfect then hindi ka na magpapaturo sa akin kasi hindi ako magiging-reliable. If I’m not perfect then I am bound to become a failure. Gusto kong maging reliable ako para makita mo na may future ka sa akin.”

 

Bigla ay inalis ni Maloi ang pagkakahawak ko sa palad niya dahilan naman para makaramdam ako ng agarang lungkot.

 

“A–Ako? Future? Are you confessing to me? Hindi ka ba nagdedeliryo dahil sa sakit mo?”

 

Nilapit ko ang aking sarili kay Maloi, “Confessing?” tanong ko. I tilted my head to stare at her kasi umiwas siya ng tingin. Sinubukan ni Maloi na iwasan ang atensyon ko pero hindi niya naitago ang namumula niyang mga pisngi.

 

“I am? Siguro? Baka? Hindi ko alam. Pumunta kami kanina kay Dok kasi hindi ako makapag-focus, naguguluhan ako. Tapos ngayon nandito ka, nakakapag-focus ako and naguguluhan at the same time,”

 

Sinubukan ni Maloi na tumayo at umalis sa upuan pero hinawakan ko ang braso niya para hilahin siya pabalik.

 

“Colet, seryoso ka ba?” tanong niya na biglang nagpa-alter hindi lang sa brain kundi sa body chemistry ko.

 

Kung paano niya binanggit yung pangalan ko ay nakapagbigay ng ibang sensasyon sa akin. Yung normal na malamig kong katawan ay nakaramdam ng pagbabago sa atmospera nito at sa kauna-unahang pagkakataon ay para bang lumalaki ang utak ko na masasabi kong in a good way dahil si Maloi lang ang nilalaman nito.

 

I stare at Maloi. 2, 5, 10 seconds… I’m a big idiot. Ngayon ko lang nasagot ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-focus lately.

 

“Madi-disappoint ka ba sa akin kapag hindi ako magiging perfect sa mga bagay na normally perfect kong ginagawa?”

 

Bigla akong minata ni Maloi.

 

“Anong pinagsasasabi mo?” naguguluhan niyang tanong. Naguguluhan siya kaya kailangan ko siyang paliwanagan.

 

“Pero promise pagdating sa’yo gagawin kong perfect lahat,” saad ko habang tinitignan si Maloi ng masinsinan.

 

“Hindi kita ma-gets,” 

 

Ang cute niya maguluhan.

 

Dumiretso ako ng upo saka bumuga ng hininga. Pinagmasdan ko ng maigi si Maloi. Her eyes sparkle while her cheeks are in a shade of confused red. My typical Maloi kapag may hindi siya naiintindihan and kapag hindi niya naiintindihan ay isa lang ang solusyon. Kailangan kong mag-demonstrate kaya muli ay inilapit ko ang aking sarili sa kanya before leaning my head closer.

 

“Co–let,”

 

I was aiming for her right cheek but the sudden crack of her voice summoned all the courage and foolishness of my dead ancestors in me then sent a chant in my current bird brain state.

 

In short, I kissed Maloi’s lips.

 

Habang nakalapat yung labi ko sa kanya ay naalala ko bigla yung sopas ni Mama. Perfect. Tapos yung nangyari kahapon, then pati yung mga pagkakamali ko noong nakaraan hanggang sa maalala ko yung una naming pag-uusap ni Maloi.

 

“Ang galing mo naman,”

 

Kilala ko lang siya noon bilang isa sa mga hindi ganoon kagalingan sa klase pero simula nang araw na batiin niya ako ay ngayon ko lang napagtanto na naging goal ko na pala ang mapa-impress siya imbes na iyong mga katunggali ko.

 

“Baliw ka, ako nga na hindi magaling pinipili mo tapos tatanungin mo ako kung madi-disappoint ako sayo kapag hindi ka na perfect?” pahayag niya habang nakatago ang mukha sa dalawa niyang palad.

 

Natawa ako. Bigla ko kasing napagtanto na naman na hindi man naging perfect ang mga nagdaang araw ay may saysay pala kung bakit. Ito ay para ma-perfect ko ang pagkakataong ito.

 

Kinuha ko ang mga kamay ni Maloi na nakaharang sa kanyang mukha. Her cheeks are now shaded in embarrassed red. 

 

Ang cute…  Ang ganda niya. 

 

Of course I know that no one is perfect but for me, this girl is the epitome of perfection.

 

Galing sa utak, mula sa puso patungo sa aking mga kamay. I held both her hands tenderly.

 

“Maloi, mahal kita,” I hope I conveyed it perfectly. 

 

Yes no one is perfect, I know it even though I always strive to be one. Hindi naman masama lalo na ang goal ko is to become the best of me. Gusto kong maging the best sa lahat ng bagay para sa future ko, sa pamilya ko at para sa kanya. 

 

Habang tinitignan ko ng maigi ang mga mata ni Maloi ay alam ko na kailangan ko siya para mabuo kung ano man ang kukulang sa akin.

 

“Oo, Colet, mahal din kita,” pahayag ni Maloi while looking at me straight in the eye.

 

I am the happiest nang marinig ko ang sinabi niya. Dinaig niya lahat ng exam at quizzes pati na rin mga accolades at kung ano-ano pang recognitions. Kung tatanungin ako ngayon kung ano ang mga nakamit ko ay isa lang ang ipagmamalaki ko at iyon ay ang mahal ako ni Maloi.

 

“For real?! Maloi, mahal mo ako?” I asked again for double checking.

 

“Oo, mahal kita Colet,” nakangiti niyang tugon.

 

Sa sobrang tuwa ko ay kukunin ko na sana ang aking reward pero may bigla na lamang kumatok sa pinto.

 

“Colet, anak, nakaisa ka na. Mamaya naman umulit pagkatapos niyong mag-merienda,”

 

Napatigil ako. Tinignan ko si Maloi at hindi na lang mukha niya ang mapula nang mapagtanto namin na kanina pa pala kami pinapanuod ni Mama.

 

“Ma!”

 

“Thank you, Maloi. Magaling na ang anak ko,” sabi niya bago isara ang pinto ng kwarto ko.