Actions

Work Header

Cleaners

Summary:

Paglilinis na may halong harutan.

Notes:

Hello~! Kusa na lang 'tong pumasok sa utak ko kaya ginawa ko na agad. Mag-enjoy sana kayo!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Alas-singko na ng hapon at malapit na ang uwian. Kanina pa humihikab si Hanma at si Sanzu naman na nasa tabi niya ay kanina pa tulog.

“Ma'am, time na.” Malakas na pagkakasabi ni Izana dahilan para mapabaling sa kanya lahat ng atensyon. Napatingin ang Guro sa orasan at napatango.

“Dahil time na at kanina pa uwing-uwi si Kurokawa ay tinatapos ko na ang klase.” Mabilis na nagsitayuan at nag-ingay ang klase. “Sinong cleaners ngayon?”

“Group 5!” Sigaw ni Hanma habang nakaturo sa grupo nina Izana, Rindou at Ran.

“Group 1 na, tanga!” Sigaw ni Rindou.

“Group 5 pa rin, bobo!” Sigaw pabalik ni Hanma.

“Lunes ngayon kaya Group 1 na!” Sumabat na si Izana.

“No'ng biyernes wala tayong klase kay Ma'am kaya Group 5 pa rin!” Patol ni Koko habang nakaturo sa Guro.

“Magsilabas na 'yung hindi cleaners. Maiiwan 'yung Group 1 at 5.” Sabi nang Guro dahilan para manahimik ang dalawang grupo.

“Hala ka putangina.” Sabay na sabi ni Izana at Hanma.

“May sinasabi kayo, Kurokawa, Hanma?”

“Wala po, Ma'am.”

Nagsitayo na ang mga naiwan at nagsimula na maliban kay Sanzu na kakagising lang at kinuha ang gamit para umuwi.

“Hoy, adik, cleaners tayo!” Sigaw ni Hanma kay Sanzu at hinila ito papasok ng classroom.

“Maglinis kayo ng maayos, ah. Pupunta lang ako sa faculty, pagbalik ko saka kayo makakauwi.” Paalam ng Guro saka umalis.

Itinigil ni Hanma ang pagwawalis at tumitig kay Kisaki na nagpupunas nang blackboard habang kausap si Koko na nagpupunas naman ng whiteboard.

“Nag-away kayo?” Tanong ni Ran na may hawak na dustpan.

“Hindi.” Sagot ni Hanma at bumalik sa pagwawalis.

“Weh? Pero bakit hindi ka pinapansin?”

“ ‘Wag mo 'kong itulad sa'yo.”

“Gago, break na sila.” Sabat ni Izana na kunwari nagwawalis.

“Ay weh? Pasensya na, brad, condolence.” Sabi ni Hanma kay Ran sabay tapik sa balikat.

“Pakyu, Shuji.”

“Pakyu rin, Ran.”

“Kailan niyo balak dakutin 'yan?” Biglang sulpot ni Rindou sa likod ni Hanma.

“Eto na nga po, Boss Rindou. Ran, hawakan mo ng maayos 'yung dustpan baka lumipad kay Rindou.” Pang-aasar ni Hanma at inirapan siya ni Rindou.

“Haha nakakatawa.”

“Kulang ka siguro sa lambing kaya ka gan'yan.” Biro ni Izana.

“Sobra sobra na nga lambing ni Sanzu riyan.” Sagot ni Ran.

“Aba marunong naman pala manlambing 'tong manok ko.” Inakbayan ni Hanma si Sanzu na dumadaan lang.

“Tik tilaok!” Paggaya ni Sanzu sa manok.

”Putangina mo, Sanzu HAHAHAHAHA.”

Nagkwentuhan ulit sila hanggang sa wakas, tapos na ang paglilinis.

“Sa wakas, makakauwi na rin.” Sabi ni Sanzu sabay inat.

“Hintayin muna raw si Ma'am.” Sabi naman ni Koko na nagse-selpon.

“Awit, kanina pa 'ko uwing-uwi.” Sabi ni Izana.

“Bakit ba kanina ka pa uwing-uwi?” Pagtatanong ni Sanzu.

“Basta, Marites.” Tanging sagot ni Izana at nagpakyuhan silang dalawa ni Sanzu.

Natatawa si Hanma sa dalawa nang tapikin siya bigla ni Rindou sa balikat.

“Hanma, truth or dare?”

“Ha? Saan galing 'yan?”

“Sa bibig ko. Sagutin mo na lang.”

“Hmm...”

“Tagal puta si Kisaki na nga lang.”

“Putangina mo dare.”

“Putangina mo rin. Ano ba magandang i-dare sa'yo? Hmm...”

“I dare you na kantahan mo si Kisaki ngayon.” Biglang sulpot ni Ran sa likod ni Hanma.

“Kanina pa kayong magkapatid sumusulpot sa likod ko. Pero kanta lang?”

“Kung gusto mo, halikan mo na rin para sulit.” Napangiwi si Rindou sa sinabi ni Ran.

“Ayoko, baka magalit.” Iniwan na ni Hanma ang dalawa at lumapit kay Kisaki na inaayos ang laman ng bag.

”Ehem, Kisaki.” Pagtawag niya.

“Oh?” Huminto si Kisaki sa ginagawa at tinignan siya.

“Para sa'yo, ako'y magbabago kahit mahirap kakayanin ko dahil para sa'yo, handa akong magpakatino laging isipin lahat ay gagawin basta para sa'yo~” pagkanta niya at nakakunot noo siyang tinignan ni Kisaki.

“May ginawa ka na namang bang kagaguhan?” Hinarap siya ni Kisaki at namewang.

“Grabe ka naman. Hindi ka ba pwedeng kantahan?”

“Siguraduhin mo lang, Hanma Shuji.”

“Siguradong sigurado, boss.”

Pumasok ang Guro sa classroom at tumingin muna sa paligid.

“Tapos na kayo? Pwede na kayong umuwi.” Sabi nang Guro at pinalabas na lahat.

“Yes naman!” Sigaw ni Izana.

“Tambay muna tayo sa comshop nila Sanzu.” Sabi ni Hanma.

“Bawal, gago, nagagalit si Kuya Takeomi, nangangasim daw 'yung comshop dahil sa inyo maliban kay Rindou.” Biro ni Sanzu.

“Putangina mo, Haruchiyo.” Pagmura sa kanya ni Koko.

“Pakyu, Haruchiyo.” Sunod si Izana.

“Kami ba talaga maasim, Haruchiyo?” Tanong ni Kisaki.

“Talaga ba, Haruchiyo?” Sabi ni Hanma.

“Mga kingina niyo nagbibiro lang, sineryoso niyo naman.” Pagtanggol ni Sanzu sa sarili at tinatawanan lang sila ng magkapatid sa likod.

Notes:

Sana nag-enjoy kayo sa pagbasa. Sa mga nagbabasa rin ng ibang stories ko, maraming salamat sa inyo. Sana masarap ulam niyo, bye!